Share

CHAPTER ONE

last update publish date: 2025-11-26 07:53:50

REIGN’S POV

Napakuyom ang mga kamao ko sa inis habang kinakaladkad ako ni Mama—si Leona Del Pilar—palabas ng mall kung saan ako nagtatrabaho bilang manager.

Halos itago ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad dahil sa sobrang kahihiyan.

“Pumayag na nga akong mag-asawa ka ulit, tapos pati ako gusto mong lumipat sa bahay ng asawa mo? Ma, naman! Ayoko na! Pagod na pagod na ’ko sa ganitong buhay!” garalgal kong sigaw habang naglalakad kaming mag-ina papasok sa inuupahang apartment.

“Tigilan mo ’ko sa mga kaartehan mo, Reign Nicole, at baka masampal kita!” sigaw ni Mama. “Ginagawa ko ’to para sa ’yo! Para mabigyan ka ng maayos at marangyang buhay! Kaya puwede ba? Tumigil ka na sa kadramahan mo!”

“Para sa akin nga ba, Ma? O para sa sarili mo?!” sigaw ko pabalik.

Lumagapak ang palad ni Mama sa pisngi ko. Sapo ko ang mukha ko—mainit, mahapdi. Parang namanhid ang balat ko sa lakas ng sampal niya.

“Kung nandito lang si Papa—”

“Gumising ka nga!” putol niya, sabay tulak ng dalawang daliri sa noo ko. “Tatlong taon nang wala ang Papa mo, at ako na lang ang nandito para sa ’yo! Kaya susunod ka sa lahat ng gusto ko, whether you like it or not!”

“Pero, Ma—”

“Tumigil ka na!” sigaw niya.

Kusang tumulo ang luha ko.

“Bilisan mong mag-impake, at baka ma-late pa kami sa flight namin ni David. Nakakahiya!” mariin niyang sambit habang mabilis na isinisilid sa maleta ang mga damit ko.

Inilibot ko ang paningin sa apartment, saka napabuntong-hininga bago ko pinasan ang maleta.

Sa labas, natanaw ko si David Lucero—ang stepfather ko. Makisig at kagalang-galang ang tindig niya, malayong-malayo sa itsura ng namayapa kong ama.

“Good afternoon po,” magalang kong bati habang nagmamano.

“Good afternoon, hija. Ito na ba ang mga gamit mo?” tanong niya, nakangiti.

Tumango lang ako bago pumasok sa itim, makintab, at mahabang sasakyan.

Isinalpak ko agad ang earbuds ko sa tainga, balak kong mag-soundtrip at matulog sa biyahe. Pero napahinto ako nang marinig ko ang usapan nilang dalawa sa harap.

“Ang anak mo? Kumusta? Nasa mansyon ba siya?” tanong ni Mama.

“Sa totoo lang, madalang talagang umuwi ng mansyon ang anak ko simula nang mawala ang mommy niya. Mabuti na lang at napakiusapan ko siyang umuwi para may kasama si Reign habang nasa ibang bansa tayo,” sagot ni Tito David.

 “Saka alam mo ba, mahal, bilib na bilib ako sa batang ’yon. Ang galing niyang magpatakbo ng kumpanya. Kahit ’yung mga tauhan ko sa farm, kaya niyang pakisamahan. Walang duda, siya talaga ang tagapagamana ko,” kuwento niya, may luha pa sa mga mata.

“Siguradong magiging tanyag na businessman din siya, tulad mo,” puri ni Mama.

Saglit niya akong nilingon. Pumikit ako—nagkunwaring natutulog.

“Sa tingin mo ba, magkakasundo ang mga anak natin?” tanong niya.

Napahawak ako sa dibdib. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay ko habang pinupunasan ang pawis sa palad, dala ng kaba at takot sa maaaring isagot ni Tito David.

“Don’t worry, mahal. Mabait ang anak ko, at alam kong hindi niya pababayaan si Reign,” nakangiti niyang sagot.

Nakahinga ako nang maluwag.

Sana… magkasundo kami, bulong ko sa sarili.

Huminto ang sasakyan sa harap ng mataas at itim na gate.

“Nandito na tayo,” masayang anunsyo ni Tito David.

Pagbaba ko, agad niyang kinuha ang maleta mula sa kamay ko. Magkasabay kaming pumasok sa mansyon.

 “Sabi ng mama mo, naghahanap ka raw ng bagong trabaho?” seryosong tanong niya.

“Opo, Tito,” mabilis kong sagot—kahit wala naman talaga akong alam sa sinasabi niya.

Bahagya siyang ngumiti.

“Hija, kasal na kami ng mama mo. Puwede mo na akong tawaging Papa o Daddy,” nakangiting sambit niya. “Alam kong hindi ko mapapalitan ang Papa mo, pero sana ituring mo rin akong pangalawang ama.”

Tumango ako at pilit na ngumiti. “Salamat po, Daddy.”

Kitang-kita ang tuwa sa mukha niya.

“Puwede ba kitang yakapin, anak?”

Napatingin ako kay Mama—nakangiti at tumango, parang inuutos na pumayag ako. Saglit kong niyakap si Daddy.

Hindi pa rin ako komportable sa presensya niya. Sa tatlong taon mula nang mawala si Papa, tatlong beses nang nagkaroon ng live-in partner si Mama. Pang-apat na si Daddy David—ang kaibahan lang, pinakasalan niya si Mama.

Pero hindi pa rin maalis ang takot ko. Baka kapag nasanay na naman ako… bukas, sa susunod na buwan, o sa susunod na taon, wala na naman.

“Welcome sa Lucero Mansion, Miss Reign,” masiglang bati ng mayordomang si Manang Sabel.

Lumapit ako at nagmano.

“Napakagalang mo naman, Miss Reign. Halatang napalaki ka nang maayos ng mama mo,” nakangiting sabi niya.

Habang papunta sa silid ko, itinuro niya ang katabing kuwarto.

“Iyan ang silid ni Señorito. Bawal pumasok diyan,” babala niya. “Mabait naman ’yon—ayaw lang na may pumapasok at nakikialam sa gamit niya.”

Tumango lang ako.

Pagkaalis ni Manang Sabel, bumagsak ako sa malaki at malambot na kama. Napayakap ako sa unan, saka tumayo para hinaan ang aircon.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. “Grabe… mas malaki pa ’to kaysa sa inuupahan naming apartment ni Mama,” sambit ko bago muling humiga.

Gabi na nang magising ako. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang pagkalam nito.

Bumangon ako at dinampot ang cellphone sa side table. Tahimik kong binasa ang chat ni Mama:

Anak, nakaalis na kami. Magpakabait ka diyan at pakisamahan mo nang mabuti ang kuya Brian mo.

“Brian pala ang pangalan ng stepbrother ko,” mahina kong sambit.

Suot ang puting oversized T-shirt at maiksing shorts, dahan-dahan akong bumaba ng hagdan papunta sa kusina. Patay ang ilaw. Hindi ko alam kung nasaan ang switch, kaya binuksan ko ang flashlight ng cellphone. Dahan-dahan kong binuksan ang kaldero—walang laman.

Humakbang ako papalapit sa refrigerator nang may masipa akong matigas na bagay.

Unti-unti akong yumuko para kapain iyon—

“Ahhhhhhh!” napasigaw ako nang may malamig na kamay na biglang humawak sa akin.

“Who are you?” paos at tila lasing na boses ng isang lalaki.

“Bitawan mo ’ko!” sigaw ko sa takot.

“Noisy…” irita niyang bulong.

Pigil ang hininga ko nang bigla niyang hatakin ang T-shirt ko, dahilan para masubsob ako sa harap niya. Nasinghot ko ang amoy ng alak sa hininga niya.

Napakapit ako sa batok niya habang papalapit nang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Akmang ilalapat na niya ang labi niya sa akin—

Umiwas ako.

“Bastos!” singhal ko, sabay sampal sa mukha niya kahit nanginginig ang buong katawan ko sa kaba.

Napaatras ako nang biglang bumukas ang ilaw.

“Manang Sabel! Sino ’yan?!” nanginginig kong tanong.

Hindi agad nakapagsalita ang matanda. Nakatingin lang siya sa lalaking nakasalampak sa sahig.

“Señorito!” gulat niyang sigaw.

Mabilis niyang itinayo ang lalaki. Aalalayan ko rin sana siya nang mapagmasdan ko ang mukha niya.

“Michael?!” nanlalaki ang mga mata kong tanong.

“Oo,” sagot ni Manang Sabel. “Si Señorito Michael Brian Lucero ang kuya mo.”

Nag-angat siya ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit, pero tumatagos ang lungkot sa mga mata niya. Sandali niya akong tiningnan bago ngumiti nang mapait.

Napayuko ako, kuyom ang mga kamay. Gusto kong magwala sa galit, pero mas nanaig ang nararamdaman kong hiya sa kanya.

“Damn it,” halos pabulong niyang sambit bago sumubsob sa lababo. Napangiwi kaming dalawa ni Manang Sabel sa sunod-sunod na pagsuka ni Michael.

Walang pandidiring hinilamusan ko si Michael. Pasuray-suray namin siyang dinala sa guest room dahil naka-lock ang silid niya.

“Salamat, Manang. Ako na po ang bahala kay Kuya. Magpahinga na po kayo,” sabi ko.

Tumango lang siya at iniwan kami sa silid.

Napapikit ako, kasabay ng malalim na buntong-hininga, habang inaalis ang suot na sapatos ni Michael.

 “Sa dami ng puwedeng maging stepbrother… bakit ikaw pa?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
하늘 김
maganda ang kwento
goodnovel comment avatar
Ma Ci Keep Fukiico
what happened nxt
goodnovel comment avatar
Pepeng Basa
Pepe wants to hear more from this story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 18 | Shadows of the Past

    Maaga pa lang, bumangon na si William at nag-ayos ng sarili. Tahimik siyang nakaharap sa salamin habang inaayos ang cuff ng long sleeves niya. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa kama. Bahagyang nakabangon na si Reign habang kinukusot pa ang mga mata. "Good Morning!" Nakangiting bati niya dito. “Pupunta ko sa company Sweetheart.” Kunot-noo namang napatitig si Reign sa kanya. "Akala ko ba, kapag one year old na ang kambal saka ka babalik?" Natatawa niyang tanong. "Naghihirap na ba tayo?" Bahagyang natawa si William. "Of course not." Unti-unting bumangon si Reign saka lumapit sa kanya. Kinuha niya ang necktie nito at marahang isinukbit sa leeg ni William. "Eh, bakit ka aalis?" halos pabulong niyang tanong habang inaayos ang necktie nito. Bahagya siyang tumingala at mahigpit na yumakap kay William. Sinasadya niyang idikit ng husto ang katawan niya rito. “Sweetheart…” bulong ni William. Ilang minutong hindi gumalaw si Reign, hanggang sa unti-unting dumulas pabab

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 17 | A Shoulder to Lean On

    Kinagabihan… Nakaupo si William sa garden ng mansyon. “Daddy, kape?!” Nag-aalangang tanong ni Reign habang papalapit sa kanya. Tumango lang si William. Akmang uupo si Reign sa tabi nito, pero bigla siyang hinatak ni William paupo sa kandungan niya. “D-daddy…kumusta? Anong nangyari sa presinto kanina?” Napabuntong-hininga si William.“Huwag mo nang isipin ‘yon Sweetheart.” Nakangiting sabi nito. “Huwag isipin?” Mapaklang sagot ni Reign. “Alam mo, sa tuwing sinasabi mo ‘yan… mas lalo lang akong napapaisip. Alam ko, ayaw mo ‘kong mag-alala pero— deserve ko namang malaman kung anong nangyayari, o kung anong ginagawa mo ‘di ba?”Mahigpit siyang niyakap ni William. “Shh… tama na, sabi nga ni Mama bawasan natin ang pag-o-overthink ‘di ba?” “Paano ako, hindi mag-o-overthink kung hindi ka naman nagsasabi sa ‘kin?” Unti-unting tumulo ang luha ni Reign. “P-pwede bang maging-transparent tayo sa isa’t isa?” tanong ni Reign. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ni Reign at masuyo

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 16 | No Second Chances

    Paglabas nina Reign at William ng silid, dumiretso agad sila sa sala.Bahagya namang natigilan sa pag-uusap sina Leona at Jack nang makita silang dalawa."M-may dumi ba kami sa mukha?" kunot-noong tanong ni Reign.Nagkatinginan sina Leona at Jack bago sabay na natawa."Anong meron? Tsinismis mo ba kami kay Mama?" natatawang tanong ni William habang nakatingin kay Jack.“A-anong tsinismis?!” gulat na tanong ni Jack.Agad naman siyang natawa nang maalala kung paano magpigil ng ungól si Reign kanina sa pag-aakalang maririnig sila sa labas ng silid.“Just kidding!” nakangising sagot niya.“Boss naman, 'oh! Ninenerbyos ako sa 'yo eh!” iiling-iling na sagot nito.Bahagya namang lumapit si Reign kay Williane na gumagapang papalapit sa salamin sa sala.“Baby—”“Ahhh!” biglang sigaw ni Reign nang makita ang mukha niya sa salamin.Sabay namang natawa sina Jack at Leona nang makita ni Reign ang itsura niya sa salamin.Napatingin agad sina Reign at William sa isa't isa.“Oh, 'di ba? Mukha kayong

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 15 | A New Beginning

    Dahan-dahang lumapit si Michael sa puntod ng mommy niya. Inilapag niya ang puting rosas na dala niya bago nagsindi ng kandila.Napatitig siya sa larawan nito."You know what, Mommy..." bahagya siyang napangiti. "Hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa dati."Umupo siya sa gilid ng puntod."Akala ko habambuhay na akong m-magiging unstable. Akala ko hanggang doon na lang ako. Pero heto na ko ngayon… okay na ulit.”“Sorry.” Unti-unting nangilid ang luha niya. “Kung alam ko lang ‘yung ginawa sa ‘yo ni Dad noon, sana… hinayaan na lang kitang makaalis.” Garalgal ang boses na sabi nito. "I'm really sorry, Mom... Sorry sa nagawa namin ni Dad sa 'yo." Humahagulgol na sabi niya. "Pangako, hinding-hindi na 'ko mananakit. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, lalo na kay William at sa pamilya niya.""Sorry for everything, Mommy…”"Ito na rin 'yung huling beses na pupunta 'ko dito. Pero 'wag kang mag-alala, kasi may bibisita pa rin sa 'yo. At alam kong matutuwa ka.”Bahagya siyang yumuko."Hey!" Agad s

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 14 | The Last Goodbye

    Bahagyang napalingon si Jack mula sa driver's seat. “Pinauwi na po sila ni Ma’am Leona sa mansyon, Boss. Kasama po nila ang mga yaya.” Napapikit si William. “Buti naman...” napabuntong-hininga si William. “Siguraduhin mong safe sila doon ha. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ’to.” “Yes, Boss.” Tahimik na napatingin sa bintana si William. “Sa morgue na tayo.” Halos bulong lang ang boses niya. “Marami pa tayong kailangang gawin.” —— Sa kabilang banda… Tahimik ang silid kung saan nakahiga si Reign. “A-anak…” lumuluhang bulong ni Leona. “Nung lumipat sa Switzerland sina Michael at David, akala ko magiging maayos na ang buhay natin, pero heto na naman tayo sa gulo.” Garalgal ang boses niya habang hawak ang palad ni Reign. “A-anak… gumising ka na please… hinihintay ka namin ng mga anak mo… at ni William. Anak… huwag mo kaming iiwan ha.” Humahagulgol na si Leona habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Napayuko siya nang mag-ring ang phone niya. “H-hello? Jack, kumus

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 13 | The Price of Hatred

    “Lock the entire venue.”Mariing utos ni William habang nakatitig sa monitor.“Wait, paki-zoom 'to!” Nanginginig ang boses na sabi niya sa security.Nanlalamig ang buong katawan niya.Nang makita si Reign na kinakaladkad ng tatlong babae papunta sa CR.“That's her!” Nanginginig ang daliri niyang nakaturo sa screen.Biglang tumayo si William.“Jack! Tumawag ka ng ambulansya, at police na rin.” Tumingin siya sa mga security personnel at sa ilang tauhan niya.“I-secure niyo ang paligid. Siguraduhin ninyong walang makakalabas. Maliwanag?”“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan niya.Mabilis na tumakbo si William palabas.Hinihingal na napahinto siya sa tapat ng pinto ng CR. Agad niyang itinulak ang pinto.“Sweetheart!”Kusang napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang taong magkatabing nakahiga sa sahig. Duguan.Parang huminto ang mundo niya.“G-granny?!” hindi makapaniwalang sigaw niya.“Granny!” Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Doña Margarita.“Sweetheart!” Balin

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER SEVENTY FIVE

    “Matigas ka na ngayon?” malamig na tanong ni Michael sa kanya. “Akala mo ba porket kasama mo ang lalaking ’yan, makukuha mo na ang lahat ng gusto mo?” Tumawa siya nang mapakla. “Hindi mo makukuha ang mama mo!” mariing sigaw niya. “Bakit hindi? She’s my mother! At wala kayong karapatang ikulong si

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER SEVENTY FOUR

    Sandaling natigilan si Leona. Bahagya siyang napatakip sa tainga. Nakakabingi ang sunod-sunod na busina sa labas, pero mas malakas ang kabog ng dibdib niya kaysa sa ingay. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong nagtutulak sa kanya para lumapit doon. Hanggang sa hindi na niya na

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER SEVENTY TWO

    Napangisi si David nang hindi siya nakilala ni Leona. Dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. “Mahal… ako ’to. Si David… ang asawa mo,” sabi niya habang marahang inaakbáyan si Leona at inalalayan papasok ng mansyon. “Look at this…” kinuha niya ang isang picture frame sa mesa. “Ito ang wedding

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER SEVENTY ONE

    Tahimik ang buong condo. Nakatayo si Reign sa harap ng glass window, nakatingin sa kawalan. Malalim ang paghinga niya habang nakahawak sa kurtina. “Ma… nasaan ka na ba?” mahina niyang bulong. “Hindi ko na alam kung saan kita hahanapin. Miss na miss na kita, Ma—” unti-unting pumatak ang luha niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status