LOGINSa sandaling iyon, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Kung wala akong gagawin, masasaksihan ko ang isang pagpapakamatay. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaking iyon at pinigilan siyang gumawa ng isang malaking pagkakamali.
"Sir!" malakas kong sigaw para marinig niya ako. "Pakiusap, ‘wag n'yo pong gawin 'yan!"
Agad kong nakita na lumingon siya sa direksyon ko.
Madilim na madilim ang paligid, at kahit bahagyang humina na ang ulan, patuloy pa rin itong bumabagsak. Gayunpaman, sa gitna ng dilim, kitang-kita ko pa rin ang lalaki at ang kagustuhan niyang pagkitil ng buhay niya.
"Sino ka?" sigaw niya.
Sa mismong sandaling iyon, nanindig ang balahibo ko. Napakalakas at napakasungit ng boses niya kaya napanginig ako.
“Hindi na importante ‘yon. Pero kahit ano pa man ang pinagdadaanan n’yo, hindi po ito ang solusyon!”
"Paano mo naman nasisiguro na hindi ito ang solusyon? Sino ka ba?" galit at malakas pa rin niyang tanong.
"Hindi po ako sigurado." Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. "Pero alam kong alam n'yo ring hindi malulutas ng balak n'yong gawin ang mga problema n'yo."
"Kalokohan..." aniya. "Saan ka ba nanggaling?"
Mabilis siyang bumaba mula sa kinatatayuan niya at lumapit sa akin. Sa sobrang takot ko, pakiramdam ko ako na mismo ang tatalon mula sa tulay.
Huminto siya nang napakalapit sa akin, sapat para maramdaman ko ang hininga niya. Napakalakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko'y lalabas ito sa katawan ko kapag nagsalita pa ako.
Matangkad ang lalaki, at basang-basa rin ang buong katawan niya, palatandaang matagal na siyang naroon. Hindi ko man makita ang mukha niya, ramdam kong halos magkadikit na ang mga mukha namin.
Nanatili siyang tahimik nang ilang sandali. Ako rin ay hindi makapagsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagbuhos ng ulan at ang mabibigat naming paghinga. Hindi ko alam kung sinusubukan din ba niyang unawain ang sitwasyon tulad ko, o kung nag-iisip siya ng paraan para patayin ako.
"’Wag kang makialam sa mga bagay na hindi mo naman dapat pinakikialaman."
Sa pagkakataong iyon, mahina at paos ang boses niya.
Pagkatapos noon, tinalikuran niya ako, sumakay sa kotse, pinaandar iyon, at umalis. Naiwan akong nakatayo roon, nanginginig sa takot pero magaan ang pakiramdam dahil hindi niya sinaktan ang sarili niya... o ako.
Tumakbo pa ako nang ilang kilometro hanggang sa may makita akong karatula. Ang isang direksyon ay papunta sa nayon, at ang isa naman ay papunta sa farm. Dahil trabaho ang ipinunta ko roon, tinahak ko ang daang papunta sa farm.
Matagal pa akong naglakad hanggang sa sa wakas ay nakita ko ang napakalaking mansyon na nakatayo sa gitna ng kawalan.
Alas-tres y medya na ng madaling-araw noon. Siyempre, hindi ako kakatok sa bahay ng ibang tao sa ganoong oras, kaya napansin ko ang isang malaking kamalig sa tabi ng napakalaking bahay at nagpasya akong doon na muna matulog. Kinaumagahan na lang ako hihingi ng trabaho sa may-ari ng farm.
Pumasok ako sa kamalig at napansing imbakan pala iyon ng dayami. Hinubad ko ang mga basang damit ko at isinampay ang mga iyon para matuyo. Pagkatapos ay humiga ako sa ibabaw ng dayami, at hindi nagtagal ay nakatulog na ako sa pagod. Muling lumakas ang buhos ng ulan—iyon na lang ang huli kong naalala bago ako nakatulog.
–
Nagising ako sa tunog ng mga yabag na papalapit. Nagmamadali kong isinuot ang mga damit na pinatuyo ko. Umaga na, at tumigil na rin ang ulan.
Nagtago ako sa likod ng mga dayami nang makita ko ang isang lalaking nakatingin sa cellphone niya. Paulit-ulit siyang naglalakad pabalik-balik. Napakaayos ng pananamit niya, at halos bawat minuto ay sinusuklay niya ng kamay ang buhok niya. Mukha siyang balisang-balisa.
Sinikap kong huwag gumawa ng kahit kaunting ingay, pero bigla akong kiniliti ng pagbahing na hindi ko na napigilan.
Ang lalaking nakatalikod sa akin ay agad na lumingon at naglakad papunta sa direksyon ko.
"Sino ka? At ano'ng ginagawa mo sa ari-arian ko?"
Sa sobrang takot ko, sinubukan kong magsalita pero walang lumabas na salita.
"Kung hindi ka sasagot, tatawag ako ng pulis!"
Agad akong tumayo. Kapag dumating ang pulis, katapusan ko na. Makokontak nila si Mama, at malalaman ng lintik kong stepfather kung nasaan ako.
“Nagmamakaawa ako sa’yo, ‘wag po. Ako po si Mira, hindi po ako magnanakaw o kung ano man. Nakatulog lang po ako rito dahil naghahanap ako ng trabaho."
"Trabaho?" Nagtataka niyang ulit. "Akala mo ba makakahanap ka ng trabaho sa pamamagitan ng basta na lang pagpasok sa pribadong ari-arian ng ibang tao?"
"Hindi po ako basta pumasok!" pagtatanggol ko sa sarili ko. "Napakaaga ko lang talagang dumating at ayoko pong makaabala ng tao."
Tahimik niya akong tinitigan nang ilang minuto.
"Mira," mahina niyang sabi habang tila may malalim na iniisip. "Ano bang kaya mong gawin?"
"Marunong po akong magluto, maglaba, magplantsa, at mag-alaga ng mga bata. Kaya ko rin pong gumawa ng kahit anong trabaho. Turuan n'yo lang po ako at mabilis naman po akong matuto."
"Mag-alaga ng mga bata?" puno ng pagtatakang tanong niya.
"Opo. Inalagaan ko ang kapatid ko mula nang ipanganak siya hanggang magdalawang taong gulang siya. Marami po akong alam tungkol sa pag-aalaga ng bata, kahit anong edad pa nila."
Sandali siyang nag-isip bago muling nagsalita.
"Sumunod ka sa akin."
Agad akong sumunod sa lalaki papunta sa malaking bahay. Pumasok siya sa loob, at patuloy lang akong sumunod sa kaniya.
Maya-maya, narinig ko ang malakas na iyak ng isang sanggol.
Habang palapit kami nang palapit, lalo iyong lumilinaw at lumalakas. Pumasok siya sa isang silid, at nakita ko ang isang napakaliit na sanggol na nakahiga sa crib. Kaawa-awa ang bata dahil halos mawalan na ito ng lakas sa kaiiyak.
Tumingin sa akin ang lalaki at nagsalita.
"Patigilin mo siyang umiyak."
Hindi pa rin ako makapaniwala pero lumapit ako sa sanggol at maingat siyang binuhat. Agad kong napansin na marumi siya at gutom na gutom.
"Gutom po siya at malamang puno na rin ang diaper niya."
"Sumunod ka sa akin," sabi niya bago ako talikuran.
Muli akong sumunod, ngayon ay buhat ko na ang sanggol.
Nakarating kami sa kusina, kung saan naghanda ako ng gatas at pinainom siya. Hindi nagtagal, napansin kong kailangan na kailangan na rin niyang maligo.
"Saan ko po siya puwedeng paliguan?"
Dinala ako ng lalaki sa isang kwarto na may banyong may malaking lababo at gripo na may heater. Inabot niya sa akin ang isang bag na may lamang dalawang diaper at isang pares ng damit.
Nilagyan ko ng maligamgam na tubig ang lababo at kumuha ng tuwalya mula sa drawer. Bumalik ako agad sa kwarto, hinubad ang suot at diaper ng sanggol.
Kawawa naman ang bata. Mukhang mahigit isang araw na siyang hindi napapalitan ng diaper.
Napansin kong bagong silang na lalaki siya dahil hindi pa natatanggal ang pusod niya. Maingat ko siyang dinala sa banyo at ginawa ang lahat habang pinapanood ako ng lalaking iyon.
Dahan-dahan ko siyang pinaliguan, at napansin kong unti-unti siyang kumalma. Pagkatapos ko siyang bihisan, agad siyang nakatulog.
Maingat ko siyang ibinalik sa crib at humarap sa lalaki. Tahimik lang niya akong tinitigan, na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.
"Ilang taon ka na?" direkta niyang tanong.
"Labingwalo na po, sir."
Hindi naman iyon lubusang kasinungalingan dahil dalawang buwan na lang ay magde-desiyotso na rin ako.
"Sabi mo naghahanap ka ng trabaho, hindi ba?" Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy. "Kailangan ko ng taong mag-aalaga sa batang ‘to. Interesado ka ba?"
"Opo!" mabilis at galak kong sagot.
"Pero hindi ganoon kasimple. Full-time ang trabahong ito, ibig sabihin, wala kang magiging day off. Kung gusto mong lumabas o may personal kang aasikasuhin, pwede anumang araw at anumang oras, basta isasama mo ang bata. Dito ka rin titira. Libre ang pagkain at lahat ng gastusin sa bahay."
"Tinatanggap ko po!" mabilis kong sagot.
Alam kong mabigat ang bahaging wala akong magiging day off, pero wala naman akong ibang mapagpipilian sa ngayon. Bukod pa roon, dahil wala akong magiging gastos, makakaipon ako ng pera. Baka pagkalipas ng isang taon ay makaalis na ako papunta sa ibang lugar. Isa pa, wala rin naman akong ibang mapupuntahan.
"Ang bilis naman. Hindi ko pa nga sinasabi kung magkano ang sahod o kung ano ang mga kailangan. Gaano ka ba kadesperadong makahanap ng trabaho?" puno ng pagtataka niyang tanong.
"Ano po..." bahagya akong nautal. "Kailangan ko lang talaga ng trabaho. Iyon lang po."
"Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Mira po, Mirasol."
"Taga-saan ka, Mira?"
"Taga d’yan lang po ako sa bayan."
Muli akong nagsinungaling. Hindi ko puwedeng sabihin kung saan talaga ako nanggaling. Siguro balang araw, sasabihin ko rin ang totoo. Kailangan ko muna niyang pagkatiwalaan.
Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. Para bang nakikita niya ang kaibuturan ng pagkatao ko.
"Mirasol. Eighteen years old, at taga-bayan," mahina niyang bulong sa sarili. "Kung gusto mo talaga ang trabaho, sa'yo na ito. Pasasahurin kita ng singkwenta mil, bukod pa ang night shift. Magsisimula ka agad ngayon, at dito ka matutulog sa kwartong ito kasama ang bata."
Sunod-sunod niyang ibinigay ang mga utos.
"Palagi kang mababantayan hanggang sa mapatunayan kong mapagkakatiwalaan ka. Gusto kong gumawa ka ng listahan ng lahat ng kailangan ng batang ito. Pagkatapos mong maglista, pupunta tayo sa bayan para bilhin lahat ng kailangan niya. ‘Wag kang magtitipid. Isulat mo lang lahat ng kailangan niya’t ako ang bahala. Dahil pupunta tayo ng bayan, samantalahin mo na rin ang pagdaan sa bahay niyo para kunin ang mga gamit mo.”
"Opo, sir."
Pagkatapos ibigay ang lahat ng utos niya, lumabas siya ng kwarto. Doon ko lang lubusang naisip ang nangyari.
May trabaho na ako.
Gagawa ako ng bagay na gusto ko, sasahod nang maayos, at magkakaroon pa ng matitirhan at makakain nang libre.
“Ang lakas maka too good to be true ha,” bulong ko sa aking sarili.
Ako lang ang naiwan sa napakalaking kuwarto.
Hindi pala... kasi mahimbing na natutulog ang munting sanggol na iyon sa napakalaking kama, na para bang isang munting langgam lamang.
Pagkatapos mag-isip nang ilang minuto, sinimulan kong pagmasdan ang buong kuwarto.
Napakalaki at napakaluhong kuwarto iyon, may napakalaking kama kung saan halos hindi makita ang sanggol sa liit niya. Mayroon ding dalawang armchair, isang coffee table, at isang malaking aparador. Maluwang din ang banyo at may bathtub pa.
Agad kong binuksan ang diaper bag ng sanggol at iisa na lang iyon. Wala nang iba.
Nakakapagtaka. Isang bagong silang na sanggol na halos pababayaan sa isang marangyang bahay, kasama ang isang lalaking tila walang anumang kaugnayan sa kaniya. Wala ring palatandaang may iba pang nakatira roon. Ang mas nakapagtataka pa, walang anumang bakas ng ina ng bata.
Kung anu-anong theory ang nagsimulang pumasok sa isip ko, pero isinantabi ko muna ang mga iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang gumawa ng listahan ng lahat ng kailangan ng sanggol.
Dahil sinabi ng lalaki na lahat ng pag-aari ng bata ay nasa bag na iyon, ibig sabihin ay halos wala talaga siyang gamit.
Isinulat ko ang lahat ng kailangan ng isang sanggol—parang bumubuo ako ng isang kumpletong layette, mula sa mga damit, diaper, crib, hanggang sa mga laruan.
Makalipas ang isang oras, bumalik ang lalaki sa kuwarto.
"Tapos na ba ang lahat?" tanong niya.
"Opo."
"Kung ganoon, tara na."
"Sir, isasama po ba natin siya?" tanong ko, tinutukoy ang sanggol.
"Siyempre. Nakalimutan mo bang sinabi kong ngayong araw ka magsisimulang magtrabaho? Simula ngayon, saan ka man pumunta, isasama mo siya."
Tinalikuran niya ako at naglakad palabas.
Binuhat ko ang sanggol at sumunod sa kaniya.
Nakarating kami sa isang madilim na garahe kung saan may dalawang sasakyan. Ang isa ay natatakpan ng itim na trapal.
Sumakay siya sa kotse at hinintay akong makapasok. Napansin kong walang car seat para sa sanggol.
"Kailangan pong nakalagay siya sa car seat," nag-aalala kong sabi.
"Nakalimutan mo na bang sinabi kong ang lahat ng mayroon siya ay nasa bag lang? Sana isinama mo rin iyan sa listahan. Umupo ka sa likod at buhatin mo siya."
Agad kong ginawa ang sinabi niya.
Sungit naman.
Pinaandar niya ang sasakyan at bumiyahe kami papunta sa kabisera.
Habang nakatingin ako sa kalsada, napansin kong parang hindi iyon ang daang nilakaran ko kagabi. Nang marating namin ang tulay, naalala ko ang nangyari roon.
Naisip ko ang lalaking muntik nang tumalon at naisip ko rin kung ano na kaya ang kalagayan niya ngayon.
Bigla kong napansing may nakatingin sa akin.
Nakatingin pala sa akin ang lalaking nagmamaneho gamit ang rearview mirror.
"May problema ba?" mausisa niyang tanong.
"Wala po," mabilis kong sagot.
Hindi ko naman sasabihin sa kaniya ang nangyari roon kahapon.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa sanggol. Gwapo ang batang ito, itim na itim din ang kanyang buhok at sa edad niya, masyadong makapal ang kanyang buhok. Nakakatuwa naman.
"Ano po ang pangalan niya, sir?" tanong ko.
"Hindi pa ako nakakapag-isip. Irerehistro ko pa lang siya ngayon."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Irerehistro pa lang niya?
Ibig bang sabihin, siya ang ama ng bata?
Pero paano mangyayaring hindi pa niya alam ang ipapangalan niya sa sarili niyang anak?
At nasaan ang ina ng sanggol?
Napakarami kong tanong, pero pakiramdam ko ay hindi pa iyon ang tamang oras para itanong ang mga iyon.
Kaya isa na lang ang tinanong ko.
"At kayo po, sir? Ano po ang pangalan ninyo?"
Doon ko lang napagtantong hindi pa pala niya sinasabi ang pangalan niya.
Paano ako magtatrabaho para sa isang taong ni pangalan niya ay hindi ko alam?
"Zeus, Zeus ang pangalan ko."
Sa sandaling iyon, parang tumigil ang tibok ng puso ko. Kung wala akong gagawin, masasaksihan ko ang isang pagpapakamatay. Dahil sa instinct ko, sinubukan kong kunin ang atensyon ng lalaking iyon at pinigilan siyang gumawa ng isang malaking pagkakamali."Sir!" malakas kong sigaw para marinig niya ako. "Pakiusap, ‘wag n'yo pong gawin 'yan!"Agad kong nakita na lumingon siya sa direksyon ko.Madilim na madilim ang paligid, at kahit bahagyang humina na ang ulan, patuloy pa rin itong bumabagsak. Gayunpaman, sa gitna ng dilim, kitang-kita ko pa rin ang lalaki at ang kagustuhan niyang pagkitil ng buhay niya. "Sino ka?" sigaw niya.Sa mismong sandaling iyon, nanindig ang balahibo ko. Napakalakas at napakasungit ng boses niya kaya napanginig ako.“Hindi na importante ‘yon. Pero kahit ano pa man ang pinagdadaanan n’yo, hindi po ito ang solusyon!” "Paano mo naman nasisiguro na hindi ito ang solusyon? Sino ka ba?" galit at malakas pa rin niyang tanong."Hindi po ako sigurado." Sa totoo lang, h
"Mirasol!"Napalingon ako at nakita ko ang kaibigan kong si Janine. Nakasuot siya ng mahaba at sky blue na bestida. Nakalugay ang blonde niyang buhok at maayos na maayos ang kanyang make-up. Kumakaway-kaway siya sa akin habang papalapit. "Akala ko hindi ka na pupunta, Mirasol!" yakap niya sa akin."Ja, hindi mo alam kung anong nangyari—tinangka akong halayin ng walanghiyang si Alejandro," umiiyak kong sabi habang naaalala ang eksenang hinawakan ng lintik na lalaking iyon ang katawan ko."Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya.Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ako at sabay kaming umiyak."May maiisip tayong paraan, Mira. Hindi ka na babalik sa bahay na iyon. Alam ko na ang gagawin!""Ano'ng nasa isip mo?""May pirmado na akong travel permit galing sa mga magulang ko, at nabili na rin ang ticket ko. Ang kailangan mo na lang gawin ay sumakay sa bus kapalit ko.""Nababaliw ka ba? Paano ang byahe mo?""Bibili na lang ulit ako ng ticket at aalis bukas. At saka,,
“Mirasol, gumising ka na!”Pasigaw na tinawag ni Mama ang pangalan ko habang nasa kuwarto ko.“Alas-singko pa lang, mamaya pa ang alis ko.” Galit kong sabi habang sinisilip ang oras sa cellphone ko.“Sa ibang araw ka na umalis dahil may lagnat si Maya, ikaw ang magbantay sa kanya ngayon at hindi siya kayang alagaan ng Tito Alejandro mo.” “Pero makikipagkita pa ako kay Isa ngayon,” Dahilan ko. “Makikita mo pa siya next week o sa ibang araw basta mas importante si Alice,” sabi niya na para bang walang halaga ang sinabi ko.“Pero, Ma…”“Makinig ka!” Lumapit siya sa akin at mahigpit na sinakal ang leeg ko. “Hindi ka aalis ngayon dahil babantayan mo si Maya. Malinaw ba tayo?“Opo…” Halos pabulong kong sagot dahil hirap na hirap akong huminga sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa’kin.“Ayaw kong nag-uusap kayo ni Alejandro tungkol sa kahit ano maliban kay Maya, ha? Walang kung anu-anong kalokohan, naiintindihan mo?”Napahimas ako sa aking leeg nang bitawan niya ako. “Talagang mas mah
Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Mama dito sa labas. Tahimik lang akong nakaupo sa hagdan at humihiling na sana tumigil na ang ulan. Pakiramdam ko, sumasabay ang panahon sa bigat ng damdamin na nararamdaman ko. Lampas ala sais na ng gabi at halos tatlong oras nang wala si Mama. Anong oras kaya siya uuwi? Gusto ko na sanang matulog dahil napagod ako sa pag-aalaga kay Maya. “Marisol!” Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa gate. Hindi ko pa siya naaninag nang maayos dahil malakas ang ulan. Niliit ko ang aking mga mata at napagtanto na halos hindi na siya magkaigi sa pagbibitbit nang mga groceries na napamili niya. “Bulag ka ba?” Bungad niyang tanong sa akin nang makalapit ako sa kanya. “Hindi mo ba nakitang ang bigat ng mga dala ko?” Mukhang masama na naman ang timpla ni Mama. Siguradong magkaaway na naman sila ni Alejandro, baka may narinig na hindi niya nagustuhan, at gaya ng dati, sa akin niya ibubuhos ang galit niya.”Isang buwan







