MasukAYA'S POV
Nang bumukas ang pinto ng elevator, mabilis na lumabas si Sir Lucius nang hindi man lang ako tinitingnan o tinatanong kung ayos lang ba ako. Naiwan akong nakatayo sa loob, habang unti-unting bumabalik ang lamig ng aircon. Ang kaniyang huling sinabi ay tila isang malakas na sampal na paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko. "Crying doesn’t pay the bills. It just makes you look pathetic." Gusto kong magalit sa kaniya dahil sa kaniyang kawalan ng puso, pero higit sa galit, ramdam ko ang matinding pagkapahiya. Tama naman siya. Kahit mag-iiyak pa ako ng dugo rito, hindi mabubura ang katotohanang niloko ako ni Evan at hindi mababawasan ang singil sa ospital ni Nico. Mabilis akong lumabas at nag-ayos ng sarili sa restroom. Pinunasan ko ang mga mata ko at pinilit na magmukhang maayos. Pagdating ko sa main lobby, sinalubong ako ng mas maraming tao at mas matinding ingay. May darating na importanteng investors ngayong gabi, at kaming mga coordinator ang kailangang sumalo sa lahat ng demands nila. “Aya! Saan ka ba galing?!” Isang matinis na boses ang bumasag sa konsentrasyon ko. Si Bianca Reyes. Siya ang senior coordinator at ang pinakamatinding sakit sa ulo ko rito sa hotel. Maganda siya, galing sa mayamang pamilya, at alam ng lahat na may gusto siya kay Sir Lucius. “Na-trap po ako sa elevator, Ms. Bianca. Namatay po ang kuryente kanina,” paliwanag ko habang mabilis na kinukuha ang aking clipboard. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa nang may mapang-uyam na ngiti. “Elevator? O sadyang nagpapakatamad ka na naman? At tingnan mo nga ’yang mukha mo. Para kang galing sa lamay. Inayos mo ba ang seating arrangement sa VIP lounge?” “Ginagawa ko na po...” “Ayusin mo na ngayon din! Ayokong mapahiya tayo sa mga Alvero. At siguraduhin mong walang kahit isang dumi ang mga baso roon. Kapag may narinig akong reklamo, asahan mong wala kang matatanggap na bonus ngayong buwan,” bulyaw niya bago ako tinalikuran. Napasapo ako sa aking noo. Ang bonus na iyon ang inaasahan ko para sa pambayad ng renta namin dahil sa ginawang paglustay ni Evan sa pera ko. Habang naglilinis ako sa VIP lounge, hindi ko maiwasang mapatingin sa bintana. Malayo na ang narating ng gabi. Sa bawat punas ko ng baso, naalala ko ang mukha ni Evan kasama ang babaeng iyon sa mismong kama namin. Ang sakit ay tila isang kutsilyong unti-unting hinihiwa ang puso ko. Paano niya nagawa iyon? Paano niya nagawang itapon ang tatlong taon namin habang hirap na hirap ako? Ring... Ring... Tumunog ang phone ko. Sa kaba ko, muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko. Ang nurse ni Nico. “Hello, Ma’am? Si Nurse Mila po ito,” bungad ng boses sa kabilang linya. “Pasensya na po sa istorbo, pero kailangan niyo na pong madala rito ang mga gamot ni Nico para sa nebulizer niya. Inaatake po siya ng hika ngayon at wala na po kaming stock ng kaniyang gamot.” “Ano po? Sige po, Nurse... bibili agad ako pagkatapos ng shift ko,” nanginginig kong sagot. “Pakiusap po, Ma’am. Kailangan ito ni Nico bago mag-hatinggabi.” Pagkababa ko ng phone, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa isang tabi at tahimik na humikbi. Wala akong pera. Ang huling sandaang piso sa pitaka ko ay para sa pamasahe ko pauwi. Wala akong mahihiraman dahil halos lahat ng kakilala ko ay nautangan ko na. “What are you doing here?” Isang malalim at pamilyar na boses ang narinig ko mula sa pinto. Agad akong napabalikwas ng tayo at mabilis na pinunasan ang aking mga mata. Si Sir Lucius. Nakatayo siya roon, hawak ang kaniyang tablet, at ang kaniyang mukha ay tila walang kahit anong emosyon. “S-Sir... pasensya na po. May inaayos lang po ako,” utal kong sabi. Lumapit siya sa akin. Huminto siya nang may ilang dipa ang distansya. Tumingin siya sa basong hawak ko, at pagkatapos ay sa aking mga mata na alam kong namumula pa rin. “I told you, crying is pathetic,” malamig niyang sabi. “Hindi ba’t sinabihan ka na ni Ms. Reyes na tapusin ang mga gawain mo rito? Bakit nag-aaksaya ka ng oras sa pag-iyak?” “Sir, kailangan ko lang po talaga ng tulong... ang kapatid ko po...” “This is a hotel, Dizon. Not a charity foundation,” putol niya sa akin. Ang kaniyang boses ay walang bahid ng awa. “Lahat ng empleyado rito ay may kanya-kanyang problema. Kung bibigyan ko ng atensyon ang bawat luha niyo, hindi na tatakbo ang kumpanyang ito.” Napatitig ako sa kaniya. Sa kaniyang mamahaling suit at maayos na hitsura...tila wala siyang pakialam kung may mga taong nalulunod na sa paligid niya basta’t maayos ang takbo ng kumpanya niya. “Naiintindihan ko po, Sir. Pasensya na po,” sabi ko habang nakayuko. “Finish your work,” huling sabi niya bago siya tumalikod at lumabas. Naiwan akong mag-isa, habang hawak ang baso. Ang bawat salita niya ay tila mga pako na lalong nagpapabigat sa pasanin ko. Wala akong ibang mapupuntahan. Wala akong ibang mahihilingan. Sa gabing ito, sa gitna ng marangyang hotel na ito, pakiramdam ko ay ako na ang pinakakawawang tao sa mundo. Kinuha ko ang aking clipboard at pinagpatuloy ang trabaho. Bawat galaw ko ay mabigat, bawat hininga ko ay may kasamang panalangin na sana ay kayanin pa ni Nico. Kailangan kong lunukin ang lahat ng sakit para lang makatawid sa araw na ito.AYA'S POV Medyo malamig ang hangin ngayong hapon dahil opisyal nang pumasok ang huling buwan ng taon. Ang buong paligid ng Hub ay punong-puno ng dekorasyon—may mga simpleng parol na gawa sa kawayan na isinabit nina Jayson sa bawat poste, at may mga Christmas lights na dahan-dahang umiilaw habang lumalalim ang dapit-hapon. Ngayong araw ang unang anibersaryo ng Isko’s Hub Community School, at kasabay nito ang pasasalamat para sa huling biyahe ng mga orchids ngayong quarter. "Ate Aya, tingnan mo si Miko, natututo nang maglakad nang tuwid! Hindi na siya sumasubsob gaya nung nakaraang buwan!" sigaw ni Nico mula sa gitna ng malawak na damuhan. Nalingat lang ako saglit sa pag-aayos ng mga regalo sa mahabang mesa nang makita ko ang aming anak. Si Miko, na mag-iisang taong gulang na sa susunod na buwan, ay dahan-dahang humahakbang patungo sa kaniyang Tito Nico. Suot niya ang isang maliit na denim shorts at pulang t-shirt, at bawat hakbang niya ay may kasamang palakpak mula sa mga batang mag
LUCIUS POVAlas-otso pa lang ng umaga pero sementado na ang ingay sa sala. Karaniwan, ang naririning ko sa ganitong oras ay ang pag-usad ng mga forklift sa warehouse o ang talakayan nina Nico at Cardo tungkol sa krudo. Pero ngayong Sabado, iba ang bida sa Hub."Miko, sandali! Huwag mong isubo 'yang lens cap, madumi 'yan!" sigaw ni Nico mula sa alpombra.Kasunod nun ang mabilis na gapang ng aming siyam na buwang gulang na anak, bitbit sa kaniyang maliit na kamao ang takip ng camera ng kaniyang tito. Humalakhak si Miko, ang dalawang maliliit na ngipin sa ibaba ay kitang-kita habang mabilis na lumalayo kay Nico patungo sa direksyon ko.Binitawan ko muna ang aking tasa ng kape at sinalubong siya sa sahig. Binuhat ko siya nang mataas, na naging dahilan ng mas malakas niyang tawa. "O, nambubulabog ka na naman kay Tito Nico mo ah.""Kuya, seryoso, may radar 'yang anak mo sa mga mamahaling gamit," reklamo ni Nico habang nakaluhod pa rin, hinihingal nang konti. "Yung mga mamahaling laruan na b
LUCIUS POV Medyo makulimlim ang langit ngayong hapon dito sa Laguna, parang nagbabadya na naman ang ulan. Nakatayo ako sa dulo ng Section E ng greenhouse, tinitingnan ang hilera ng mga bagong lipat na Phalaenopsis. May kakaibang pakiramdam kapag nakikita mo silang dahan-dahang bumubuka mula sa pagiging maliit na usbong. Dati, sa tuwing haharap ako sa mga ganitong sitwasyon sa Makati—bago ang isang malaking product launch o presentation sa board—ang tanging nararamdaman ko lang ay pressure. Kailangang perpekto ang lahat, kailangang pasok sa quarterly projection ng kumpanya. Pero ngayon, habang pinupunasan ko ang mga dumi sa gilid ng isang plastic pot, napangiti na lang ako. Iba ang fulfillment dito. Doon sa siyudad, ang sinusubaybayan ko ay ang pag-akyat ng mga numero sa stock market; dito, ang binibilang ko ay kung ilang dahon ang sumibol pagkatapos ng sunod-sunod na ulan. Napakalaking shift para sa isang tulad ko na halos lamunin na ng sistema ng corporate world noon. Kung hindi da
AYA'S POV Ang mahinang tilaok ng mga manok sa kapitbahay at ang tunog ng papalubong na ambon ang naging musika ko ngayong umaga. Alas-sais pa lang ng madaling-araw, pero gising na ako para ihanda ang gatas ni Miko. Habang hinihintay kong uminit ang tubig sa takure, sumungaw si Lucius sa pinto ng kusina, magulo pa ang buhok at nakasuot ng kaniyang paboritong gray na sando. "Good morning," paos ang boses ni Lucius habang lumalapit sa akin. Kinuha niya ang bote ng gatas mula sa kamay ko at siya na ang nagpatuloy sa pagtitimpla. "Ako na rito. Maupo ka muna roon, mukhang kulang ka pa sa tulog." "Salamat. Medyo nagising lang ako nung bandang alas-tres kasi narinig ko 'yung kulog," sabi ko sabay sandal sa counter. "Kamusta 'yung likod mo? Sabi mo kagabi medyo sumasakit dahil sa pagbubuhat ng kawayan?" "Okay naman, medyo nawala na nung nilagyan ni Aling Nena ng salonpas kagabi," ngiti niya bago inabot sa akin ang bagong timplang kape. "Nandoon na si Nico sa sala, busy na naman sa laptop n
AYA'S POV Medyo madilim ang sikat ng araw dahil sa makakapal na ulap, mukhang uulan na naman ngayong hapon. Nakaupo ako sa tapat ng mahabang wooden desk sa opisina ng Hub habang nirerepaso ang mga resibo ng pataba at bagong potting mix na dumating noong isang linggo. Sa tabi ko, mahimbing ang tulog ni Miko sa kaniyang duyan, paminsan-minsan ay gumagalaw ang maliliit niyang daliri. "Aya, nasaan 'yung duplicate keys ng supply room sa school building? Hinahanap ni Ms. Elena, kukuha raw siya ng mga bagong bond paper at art supplies para sa klase bukas," tanong ni Lucius habang pumasok siya sa opisina. May mga bakas pa ng tuyong putik ang kaniyang sapatos at seryoso ang mukha, pero agad na lumambot ang ekspresyon nang sulyapan niya ang natutulog naming anak. Inabot ko ang maliit na keychain na nakasabit sa gilid ng monitor ko. "Heto oh. Pakisabi rin kay Ms. Elena, i-check niya kung dumating na 'yung mga workbook na inorder natin sa Manila. Sabi kasi ng courier, baka na-delay dahil sa ba
AYA'S POV Maaga pa lang ay ramdam ko na ang bigat ng katawan ko paggising, hindi dahil sa puyat kundi dahil sa maghapong pagbubuhat ng mga computer tables nitong nakaraang araw. Pagbaba ko sa kusina, nakita ko si Aya na abalang nagpapakulo ng tubig habang si Miko naman ay mahimbing pang natutulog sa kaniyang portable crib sa gilid ng dining area. "Good morning," bati ko sabay halik sa pisngi niya bago ako naupo. "Good morning. Mukhang pagod na pagod ang daddy natin ah," pansin ni Aya habang inilalapag ang isang tasa ng bagong timplang kape sa tapat ko. "Kamusta 'yung pag-setup ng network sa computer room kahapon? Natapos ba nina Nico?" "Halos tapos na. May kaunting adjustment lang sa wiring para hindi madapa ang mga bata kapag nagtatakbuhan. Si Nico ang nag-asikaso nung configuration ng router bago kami natulog kagabi," sagot ko habang dahan-dahang hinahalo ang kape. Eksaktong pumasok si Nico mula sa pinto sa likod, bitbit ang kaniyang tablet at may ilang pirasong papel na nakati
AYA’S POV Naging bingi ang paligid nang tuluyang mawala ang ingay ng SUV ni Lucius sa aming kalsada. Napatingin ako sa mga damong nabunot at sa mga sako ng lupa na maayos niyang iniwan bago umalis. Kaninang umaga lang, narito siya, pawisan, tahimik, at nagpapakumbaba. Ngayon, muli na naman siyang
AYA’S POV Tatlong buwan. Sinasabi nila na ang oras ang naghihilom sa lahat ng sugat, pero para sa akin, ang oras ay paalala lamang kung gaano kabilis nabubura ang lahat ng pinaghirapan mo. Ang dating amoy ng mamahaling kape at air-conditioned na lobby ng Alvero Grand Hotel ay napalitan na ng sa
AYA’S POV Hindi pa man natatapos ang gulat ko sa naganap na press conference, heto na naman ako—isinasalang sa isang marangyang "Engagement Party" na biglaang inorganisa ni Gabriel Montenegro sa rooftop lounge ng hotel. Ayon sa kaniya, para maging kapani-paniwala ang lahat, kailangang makita ng m
AYA’S POV Hindi ko alam kung paano ko nagawang pumasok sa trabaho kinabukasan. Ang bawat hakbang ko sa pasilyo ng hotel ay tila binabantayan ng sandaang pares ng mga mata. Kahit na naglabas na ng memo si Mark tungkol sa pananahimik ng mga staff, ang mga tingin nila ay sapat na para iparamdam sa ak


![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




