LOGIN“H-Hindi ako nagseselos,” mariing tanggi ni Cassandra.“Talaga?”Yumuko si Ismael hanggang sa halos magpantay ang mga mukha nila. Hindi nito inaalis ang matiim na titig sa kanya.Nataranta si Cassandra.Hindi niya alam kung saan titingin.Sa mga mata nito.Sa labi nito.O iiwas na lang.Sa huli, pilit niyang pinatatag ang sarili at sinalubong ang titig ni Ismael.“O-oo nga, hindi ako n-nagseselos,” ulit niya, bahagya nang nanginginig ang boses. “W-Wala na akong pakialam sa'yo... kahit pakasalan mo pa siya.”Walang salitang pinagmasdan siya ni Ismael.“Bakit nanginginig ka?”Mababa ang boses nito.“Parang iba ang sinasabi ng mga mata mo.”Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Ismael sa namumula niyang mga labi.Lalo pa itong yumuko.Ramdam ni Cassandra ang mainit na hininga nito na marahang tumatama sa kanyang mukha.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Pakiramdam niya ay lalo pang umiinit ang kanyang mukha habang unti-unti siyang nauubusan ng hininga sa sobrang lapit nito.“Ismael... a
“H-Hindi na kita...”“Humarap ka sa'kin, Cassandra.”Matigas ang tono ni Ismael.Humugot siya ng malalim na hininga. Pilit niyang itinuwid ang katawan at itinaas ang baba, saka dahan-dahang humarap at sinalubong ang mga mata nito.“H-Hindi na kita mahal!”Saglit na natigilan si Cassandra.Hindi niya akalaing masasabi niya ang mga salitang iyon.Kahit labag na labag sa loob niya.Sandaling natahimik ang buong banyo.Tila bahagyang lumamlam ang mga mata ni Ismael.Mabagal itong tumango.“Ganun ba...”Iyon lang ang sinabi nito bago muling ipinagpatuloy ang pagligo.Walang nagsalita sa kanilang dalawa tanging lagaslas lang ng tubig mula sa shower ang maririnig.Ngunit kapansin-pansin ang biglang pagbigat ng ekspresyon ni Ismael.Napakagat-labi si Cassandra.Bahagya siyang tumalikod, pilit iniiwas ang tingin dito.Ngunit ilang segundo pa lang—“Tsk!”Napasinghap si Cassandra nang may tumalsik na tubig sa kanyang braso.Hinarap niya si Ismael.“Hoy!”Hindi siya pinansin nito. Tahimik lang n
Napalunok si Cassandra ngunit pilit itinuwid ang balikat.“T-Tabi... aalis na ako.”Hindi kumibo si Ismael.Kalmado lang siyang tinitigan bago mariing nagsalita.“Hindi ka aalis.”“H-Hindi mo 'ko mapipigilan.”Mabilis siyang lumusot sa gilid nito at halos patakbong lumapit sa bakal na gate.Iniangat niya ang kamay upang abutin ang hawakan ng gate.Ngunit bago pa man niya iyon mahawakan—Click.Napasinghap siya.Bigla na lamang may malamig na bakal na pumulupot sa kanyang pulsuhan.Nanlaki ang mga mata ni Cassandra.Mabilis niyang ibinaba ang tingin.Isang posas ang nakakabit sa kanyang kamay.At ang kabilang dulo nito...ay nakaposas naman sa pulsuhan ni Ismael. Sa isang iglap, magkadikit na ang kanilang mga kamay.“A-Anong ibig sabihin nito—”Hindi na niya naituloy ang sasabihin.“Gabi na,” malamig na sabi ni Ismael. “At delikado sa labas.”Napatingala si Cassandra sa kanya.“Anong pinagkaiba sa'yo?” matalim niyang sagot. “Mas mapanganib ka pa.”Bahagyang umangat ang isang sulok ng
Sa isang modernong silid ng safe house na nasa liblib na lugar, mahimbing na natutulog si Cassandra sa kama. Maayos ang pagkakakumot sa kanya habang ang malamlam na liwanag ng buwan ay bahagyang pumapasok sa malawak na salaming bintana.Biglang tumunog ang cellphone niya.Nagmula ang tunog sa loob ng bag na nakapatong sa bedside table.Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at agad hinagilap ang bag.Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tiningnan ang screen.Si Divina.Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Divina. Kumusta na kayo diyan sa safe house?”Sa kabilang linya ay ilang segundo munang katahimikan. Pagkatapos, narinig niya ang hinihingal at nanginginig na boses ni Divina.“C-Cassandra... natunton kami ng mga tauhan ni Senyor...”Nanlamig ang buong katawan ni Cassandra.“Ano?” “Pinasok nila ang safe house... napatay nila ang ilan sa mga tauhan...”Parang nawalan ng hangin si Cassandra sa narinig.“Ano?! Kumusta kayo? Nasaan kayo ngayon?”“Si... Ismael—”Putol-putol ang bose
“Sinabi nang ibaba mo 'ko! Ano ba!” sigaw ni Cassandra habang nagpupumiglas sa balikat ni Ismael. Pumapadyak pa ang mga paa niya sa hangin, pilit na kumakawala.Ngunit tila walang naririnig si Ismael.Tuloy-tuloy lang itong naglalakad.“Kapag hindi mo 'ko ibinaba, sisigaw talaga ako!” nagpapanic na sabi niya.“Kanina ka pa sumisigaw,” kampante lang na sagot nito.Napanganga si Cassandra.Sandali siyang natahimik sa inis, ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay muli na naman siyang nagpumiglas.“Hindi ako sasama sa'yo!” sabay hampas niya sa balikat ni Ismael.Hindi pa rin siya pinansin nito.Ilang hakbang pa ang ginawa ni Ismael hanggang sa huminto sila sa tabi ng isang itim na SUV na nakaparada sa di kalayuan.Kasabay nito, bumukas ang pinto sa passenger seat.Kabababa lamang ng driver.Hindi niya ito nakita.Mabilis lang nitong iniwang bukas ang pinto bago lumipat sa isa pang sasakyang nakaparada ilang metro sa likuran.Ilang sandali pa'y umandar ang pangalawang sasakyan at tuluya
“B-Bastos!”Kumibot ang isang sulok ng labi ni Ismael.Bahagya itong yumuko, sapat lang para marinig niya ang sasabihin nito.“Ikaw ang humawak.”Agad na namula ang mukha ni Cassandra.Napaatras siya nang kaunti at kusang iniwas ang tingin, pilit inilalayo ang mukha rito.Sa isang sandali, bumalik sa alaala niya ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.Ang biglang pagpreno ng bus, pagkawala niya ng balanse... at ang kamay niyang napunta sa ibabang bahagi ng katawan ni Ismael.Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Hindi...Hindi siya dapat nagpapaapekto.Muling sumagi sa isip niya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan niyang layuan si Ismael—ang pagbaril nito kay Indira, ang engagement nito kay Nicole, ang planong ipawalang-bisa ang kasal nila...At ang katotohanang gusto lamang nitong makuha ang puso niya upang mailigtas ang ina nito.Parang biglang nawala ang hiya niya at napalitan iyon ng takot at galit.“Para ho! Bababa ako!” malakas niyang sigaw.“Ah, sige ho, Ma'am. Nakah
Habang nasa biyahe, nadaanan nila ang isang seaside restaurant sa tabi ng kalsada. Nakatayo ito sa gilid ng dagat, kung saan tanaw ang kumikislap na alon at maririnig ang banayad na hampas ng tubig habang hinihipan ng malamig na simoy ng hangin ang paligid. Napatingin doon si Cassandra, halatang n
Hindi maalis sa isip ni Cassandra ang sinabi ni Divina.Ayon dito, noong kasama pa raw nito si Arsenio, may nabanggit daw itong lugar—isang sementeryo kung saan posibleng nakalibing ang mama ni Ismael.“Monte Verde Memorial Garden,” iyon ang malinaw na naalala ni Divina.Paulit-ulit iyong umiikot s
Lumalalim na ang gabi at unti-unti nang nagsisiuwian ang mga bisita. Halata na ang pagod kay Cassandra habang pilit pa rin siyang tumutulong magligpit. Hindi iyon nakaligtas kay Ismael. Lumapit siya at marahang nagsalita sa likuran nito. “Akyat na tayo.” Napalingon si Cassandra. “Ha? Ah, hind
Tahimik ang biyahe pabalik ng villa. Magkatabi sa likuran sina Ismael at Cassandra, habang si Indira ang nagmamaneho.Si Cassandra ay nakatingin lang sa labas ng bintana, pero malinaw na hindi roon nakatuon ang isip niya. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang bakal na pinto, ang malamig na tingin







