LOGINMahilig ka ba sa mapanganib na pag-ibig—at sa lalaking alam mong dapat mong iwasan pero hindi mo kayang talikuran? “Hindi ka na niya pag-aari… dahil pinili mong mapasakin.” Engaged siya sa pamangkin— pero napangasawa niya ang tiyuhin. Sa araw na iniwan ni Cassandra De Villa ang lalaking nagtaksil sa kanya— gumuho ang mundong pinangarap niya. At ang sumalo sa kanya? Si Ismael Vergara. Mapanganib. Walang awa. At mortal na kaaway ng dati niyang nobyo—at ng pamilya nito. Sa isang iglap—napunta siya sa lalaking hindi niya kayang kontrolin. Sa lalaking dapat niyang katakutan. Ngunit habang tumatagal—hindi na takot ang nangingibabaw sa puso niya. Kundi isang damdaming mas delikado. Hindi siya pinilit. Hindi siya kinuha. Siya ang lumapit. Siya ang nagtiwala. At sa huli—kusang-loob niyang ibinigay ang sarili. Dahil sa sandaling piliin mo si Ismael— wala nang balikan. Sa mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at paghihiganti— kaya ba niyang panindigan ang desisyong siya mismo ang gumawa? O tuluyan siyang malulunod— sa lalaking siya mismo ang pumili? Para ito sa mga mahilig sa suspense romance, forbidden love, at sa mga lalaking alam mong delikado—pero hindi mo pa rin kayang iwanan. 😈
View MoreAlas-sais ng umaga—
at nasa maling lugar si Cassandra De Villa. Kung may isang bagay na kinaiinisan niya, iyon ay ang gumising nang ganito kaaga. Pero mas malala ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon— nakasiksik sa loob ng isang bus na halos wala nang mahingahan. Sira ang kotse niya. Bigla itong nag-overheat sa gitna ng biyahe. At kung hihintayin pa niyang maayos iyon, aabutin pa siya ng bukas bago makarating sa San Fernando. Hindi pwede. Kasal ngayon ng matalik niyang kaibigang si Abby. Siya ang maid of honor nito. At nasa kanya ang wedding gown. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ipatahi iyon ni Abby—sakto sa dati nitong katawan. Pero nagbago ang lahat. Buntis na ito ngayon. At kagabi lang, halos mangiyak-ngiyak na tumawag sa kanya. “Cassie… hindi na kasya.” Bilang isang bridal designer at may-ari ng sariling shop, sanay si Cassandra na kontrolado ang bawat detalye—mula sukat hanggang sa huling tahi. Kaya hindi siya nagdalawang-isip. Hindi na niya kayang ulitin ang buong gown sa loob lang ng isang gabi, pero kaya niyang iligtas ito. Inayos niya. Pinaluwag ang disenyo. Iningatan ang bawat detalye para hindi mawala ang ganda nito. At ngayon—dala niya ang gown na siya mismo ang nag-adjust. Kaya kahit ganito ang sitwasyon, hindi siya pwedeng ma-late. Mahigpit niyang niyakap ang kahon habang pilit na sumisingit sa loob ng bus. “Diretso na ho! Sa dulo!” sigaw ng konduktor. Pero parang imposible. Siksikan. Mainit. At sari-sari ang amoy—pawis, mantika, at matamis na pabango na nakakapanakit ng ulo. Huminga siya nang malalim. 'Konti na lang…' At doon niya naramdaman— isang mainit at matigas na bagay ang biglang dumikit sa kanyang pang-upo. Natigilan siya. Hindi agad nag-sink in. Hanggang sa—napagtanto niya kung ano iyon. Halos umusok ang ilong niya sa inis. “Bastos!” Lumingon siya—at doon niya nakita ang lalaking walang hiya. Matangkad ito—halos nangingibabaw sa lahat. Para siyang anino na biglang nagka-katawang-tao sa gitna ng siksikan. Ngunit nang humarap ito— napa-atras si Cassandra. May peklat sa kaliwang pisngi nito—malalim, pahaba, at halatang iniwan ng isang matalim na bagay. Isang marka ng nakaraan na hindi basta-basta. Ngunit imbes na makabawas— lalo pa itong nagbigay ng kakaibang bigat sa aura nito. Malalim ang mga mata—matalim, malamig, at parang kayang basahin ang kahit sinong tumingin dito. Walang emosyon. Matangos ang ilong, matigas ang linya ng panga, at ang mga labi nito ay bahagyang nakatikom—parang sanay magpigil ng kung ano man ang nasa loob. Hindi ito ‘yung klase ng lalaking papansinin. Ito ‘yung klase ng lalaking— kusang iniiwasan. At kahit hindi ito nagsasalita— ramdam na ramdam ang presensya nito. Mabigat. Mapanganib. At sa hindi niya maintindihang dahilan— hindi niya magawang umiwas agad ng tingin. “May sinasabi ka, Miss?” Mababa ang boses nito. Malamig. At parang babala. Biglang natuyo ang lalamunan niya. “W-Wala.” Agad siyang lumipat ng upo nang may bumaba. Pero hindi siya iniwan ng lalaki. Tumayo ito sa gilid ng upuan niya, isang kamay ang nakahawak sa hawakang bakal, tila walang balak umalis sa pwesto nito. Tahimik. Masyadong malapit. “Sir, sa dulo ho—” Naputol ang konduktor. Isang tingin lang ng lalaki—at biglang namutla ito. “P-Pasensiya na… hindi ko alam na ikaw ‘yan…” Nangilag ang mga tao. Umiwas. Parang may hindi nakikitang pader sa paligid ng lalaki. Napakapit si Cassandra sa bag. 'Sino ba siya…? Masamang tao… o isang kriminal?' Umandar ang bus. Mabilis ang takbo. Paikot-ikot ang kalsada. Sinubukan niyang kunin ang cellphone niya, ngunit hirap siyang hanapin iyon sa loob ng bag, dahil sa dami ng abubot. Biglang— preno. Wala siyang oras para kumapit— napahilig si Cassandra pakaliwa. At sa lakas ng pwersa—napadikit ang kaliwang pisngi niya sa— ibaba ng nakaumbok na bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa gilid niya. Nanlaki ang mga mata niya. Mainit. Matigas. At ramdam na ramdam ni Cassandra. Biglang uminit ang pisngi niya—hindi niya alam kung sa galit o sa hiya. Dahan-dahan niyang inurong ang mukha at iniangat ang paningin. Nakatitig ito sa kanya. Tahimik. Pero hindi inosente ang tingin. Parang may alam itong hindi niya alam. Bahagyang yumuko ang lalaki—kaunti lang, sapat para marinig niya ang bawat salita nito. “Ikaw ang lumapit,” mababa nitong sabi, halos pabulong. Biglang naghalo ang galit, takot, at kahihiyan sa loob niya. “Ang kapal mo!” mariin niyang sabi, mabilis na lumayo. Ngunit kahit may distansiya na siya— hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib niya. “Para ho! Bababa ako!” sigaw ni Cassandra. Pagkababa niya, halos tumakbo siya. Kinakabahan. Hindi mapakali. “C’mon, Abby… sagutin mo na…” bulong niya, halos manginig ang kamay habang hawak ang cellphone. Nang lumingon si Cassandra—napasapo siya sa dibdib. Bumaba rin ng bus ang estranghero—at nakasunod sa kanya. “Lintik…” bulong niya. Binilisan ni Cassandra ang lakad. Halos madapa. At saka— bangga. “Cassie?” Napatingin siya. “M-Marvin?” ang nobyo ng kaibigan ang nasalubong niya. Para siyang nakakita ng sagot sa problema. “Anong nangyari? Bakit parang—” “May sumusunod sa’kin!” putol niya. “Tawag ka ng pulis—” “Ismael!” baling ni Marvin sa lalaki sa likuran niya. Tumigil si Cassandra. “Good thing nakarating ka,” dagdag ni Marvin. Dahan-dahan siyang napalingon. “Kil—kilala mo siya?” nanginginig niyang tanong. Ngumiti si Marvin. “Siya ang best man ko.” Nanlamig si Cassandra. Biglang bumalik sa isip niya ang nangyari sa bus—ang lapit nito, ang boses nito… Napahiya siya. Pero mas nangingibabaw ang kaba sa dibdib niya. Dahil sa sandaling iyon—naintindihan niya kung bakit takot ang lahat sa kanya. At kung bakit… ito pa lang ang simula.Napalunok si Cassandra ngunit pilit itinuwid ang balikat.“T-Tabi... aalis na ako.”Hindi kumibo si Ismael.Kalmado lang siyang tinitigan bago mariing nagsalita.“Hindi ka aalis.”“H-Hindi mo 'ko mapipigilan.”Mabilis siyang lumusot sa gilid nito at halos patakbong lumapit sa bakal na gate.Iniangat niya ang kamay upang abutin ang hawakan ng gate.Ngunit bago pa man niya iyon mahawakan—Click.Napasinghap siya.Bigla na lamang may malamig na bakal na pumulupot sa kanyang pulsuhan.Nanlaki ang mga mata ni Cassandra.Mabilis niyang ibinaba ang tingin.Isang posas ang nakakabit sa kanyang kamay.At ang kabilang dulo nito...ay nakaposas naman sa pulsuhan ni Ismael. Sa isang iglap, magkadikit na ang kanilang mga kamay.“A-Anong ibig sabihin nito—”Hindi na niya naituloy ang sasabihin.“Gabi na,” malamig na sabi ni Ismael. “At delikado sa labas.”Napatingala si Cassandra sa kanya.“Anong pinagkaiba sa'yo?” matalim niyang sagot. “Mas mapanganib ka pa.”Bahagyang umangat ang isang sulok ng
Sa isang modernong silid ng safe house na nasa liblib na lugar, mahimbing na natutulog si Cassandra sa kama. Maayos ang pagkakakumot sa kanya habang ang malamlam na liwanag ng buwan ay bahagyang pumapasok sa malawak na salaming bintana.Biglang tumunog ang cellphone niya.Nagmula ang tunog sa loob ng bag na nakapatong sa bedside table.Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at agad hinagilap ang bag.Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tiningnan ang screen.Si Divina.Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Divina. Kumusta na kayo diyan sa safe house?”Sa kabilang linya ay ilang segundo munang katahimikan. Pagkatapos, narinig niya ang hinihingal at nanginginig na boses ni Divina.“C-Cassandra... natunton kami ng mga tauhan ni Senyor...”Nanlamig ang buong katawan ni Cassandra.“Ano?” “Pinasok nila ang safe house... napatay nila ang ilan sa mga tauhan...”Parang nawalan ng hangin si Cassandra sa narinig.“Ano?! Kumusta kayo? Nasaan kayo ngayon?”“Si... Ismael—”Putol-putol ang bose
“Sinabi nang ibaba mo 'ko! Ano ba!” sigaw ni Cassandra habang nagpupumiglas sa balikat ni Ismael. Pumapadyak pa ang mga paa niya sa hangin, pilit na kumakawala.Ngunit tila walang naririnig si Ismael.Tuloy-tuloy lang itong naglalakad.“Kapag hindi mo 'ko ibinaba, sisigaw talaga ako!” nagpapanic na sabi niya.“Kanina ka pa sumisigaw,” kampante lang na sagot nito.Napanganga si Cassandra.Sandali siyang natahimik sa inis, ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay muli na naman siyang nagpumiglas.“Hindi ako sasama sa'yo!” sabay hampas niya sa balikat ni Ismael.Hindi pa rin siya pinansin nito.Ilang hakbang pa ang ginawa ni Ismael hanggang sa huminto sila sa tabi ng isang itim na SUV na nakaparada sa di kalayuan.Kasabay nito, bumukas ang pinto sa passenger seat.Kabababa lamang ng driver.Hindi niya ito nakita.Mabilis lang nitong iniwang bukas ang pinto bago lumipat sa isa pang sasakyang nakaparada ilang metro sa likuran.Ilang sandali pa'y umandar ang pangalawang sasakyan at tuluya
“B-Bastos!”Kumibot ang isang sulok ng labi ni Ismael.Bahagya itong yumuko, sapat lang para marinig niya ang sasabihin nito.“Ikaw ang humawak.”Agad na namula ang mukha ni Cassandra.Napaatras siya nang kaunti at kusang iniwas ang tingin, pilit inilalayo ang mukha rito.Sa isang sandali, bumalik sa alaala niya ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.Ang biglang pagpreno ng bus, pagkawala niya ng balanse... at ang kamay niyang napunta sa ibabang bahagi ng katawan ni Ismael.Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Hindi...Hindi siya dapat nagpapaapekto.Muling sumagi sa isip niya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan niyang layuan si Ismael—ang pagbaril nito kay Indira, ang engagement nito kay Nicole, ang planong ipawalang-bisa ang kasal nila...At ang katotohanang gusto lamang nitong makuha ang puso niya upang mailigtas ang ina nito.Parang biglang nawala ang hiya niya at napalitan iyon ng takot at galit.“Para ho! Bababa ako!” malakas niyang sigaw.“Ah, sige ho, Ma'am. Nakah
“Hey… are you two in luwuv?” tanong ng batang babae na bahagyang nabubulol pa sa salitang “love” habang hinihila ang laylayan ng damit nilang dalawa.“Ha?” nataranta si Cassandra. “S-Sir, y-yong kamay ko po—”Mabilis niyang inalis ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Ismael.Nanatiling nak
“Nicole, it's bouquet toss! Come on, maybe you'll be the next bride!” Tawag iyon ng bride na si Wendy mula sa gitna ng venue.Napalingon si Nicole.Dahil doon, hindi nito naituloy ang tangkang paghablot sa wig ni Cassandra.Napahinga nang maluwag si Cassandra.Hindi na siya nag-aksaya ng oras at m
Abala ang mga staff sa kani-kanilang gawain. May mga waiter na naghahain ng inumin, may nag-aayos ng mga mesa, at may mga coordinator na paikot-ikot upang tiyaking maayos ang takbo ng program. Kasabay ng ibang staff, binigyan sina Cassandra at Divina ng tig-isang tray na may lamang mga wine glass.
Hapon na nang dumating si Ismael sa ospital.Tahimik niyang ipinarada ang sasakyan sa basement parking bago pinatay ang makina.Agad na bumalot ang katahimikan sa loob.Ilang segundo siyang nanatiling nakaupo, parehong nakahawak ang mga kamay sa manibela.Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukh






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews