Share

Chapter 3

Author: Ms. Nerie
last update publish date: 2026-03-17 17:34:22

Balak pa sanang makipag-agawan ng iba—

ngunit nang makitang si Ismael ang nakasalo, isa-isa silang umatras.

“Cassie!” nilapitan siya ng excited na bride. “Alam mo ba ang paniniwala? Kung sino man ang pares na nakasalo ng bouquet at garter, sila ang magkakatuluyan!”

Hindi pa nakakapag-react si Cassandra nang hilahin siya ng kaibigan—at pinaupo sa bride chair.

“Abby!” pabulong na saway niya.

Kinindatan lang siya nito.

“It’s your turn, Ismael!” kinikilig na sabi ni Abby.

Lumapit si Ismael, seryoso at tahimik lang—tila alam na alam ang gagawin.

“Relax,” mababang sabi nito, marahil napansin ang bahagyang panginginig niya.

Napakapit si Cassandra sa upuan nang yumuko ito, at maramdaman ang mainit na hininga ni Ismael sa binti niya.

Nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok.

Akala niya’y isusuot ang garter gamit ang bibig gaya ng ginawa ni Marvin.

Pero hindi.

Maingat lang nitong inilagay iyon gamit ang kamay.

Pero pakiramdam ni Cassandra—may kakaiba.

Tahimik lang si Ismael… pero parang mas lalo siyang kinakabahan.

Pagkasuot—agad na tumayo si Cassandra.

“O-okay na,” sabi niya, pilit na kinakalma ang boses.

Hindi na siya tumingin.

Pero ramdam niya—nakatitig pa rin ito sa kanya.

Tumayo rin si Ismael.

At sandaling kumibot ang sulok ng labi nito.

Nagpatuloy ang selebrasyon.

Nakaupo si Cassandra sa isang bilog na mesa kasama ang ilang kamag-anak ni Marvin.

Maya-maya—may lumapit na isa sa mga groomsmen.

“Boyet Lagro,” pakilala nito. Anak umano ng mayor sa kabilang bayan.

Ngumiti si Cassandra—magalang.

Pero nang makipagkamay siya—

napansin niyang humigpit ang hawak nito.

May kahulugan.

Pagkatapos akma pang hahalikan ang likod ng kamay niya.

Agad niyang binawi.

May kakaiba sa kilos ng lalaki.

Mayabang. Presko.

Umupo ito sa tabi niya—masyadong malapit.

Inusog niya ang upuan palayo, inusog rin palapit sa kanya.

“Mr. Lagro, may problema ba?” mariin niyang tanong, matalim ang tingin.

Pero tila hindi iyon pansin ni Boyet.

Nakatitig lang ito sa kanya, nakangisi.

Tumingin siya sa mga kasama sa mesa, pero abala ang lahat sa panonood sa bagong kasal na sumasayaw.

Ilang sandali pa, isa-isa silang tumayo upang magkabit ng pera para sa money dance—

kasabay ng paglapit ni Ismael sa mesa nila.

Blangko ang ekspresyon nito at mabigat ang presensya.

Tumayo si Cassandra. Hindi siya komportable sa dalawang lalakeng kasama niya sa mesa.

Magalang siyang magpapaalam sana, pero bago pa siya makahakbang—hinawakan at hinaplos nang bastos na si Boyet ang braso niya!

Umigkas ang kamay ni Cassandra para sampalin ito.

Ngunit bago pa dumapo ang palad niya—

SHHHHK!

may kumislap na bakal.

Isang bread knife—

nakaamba sa lalamunan ni Boyet.

Kagagawan ni Ismael!

Mabilis itong nakalapit, nagtatagisan ang mga ngipin.

Isang maling galaw lang ni Boyet, tiyak na malalaslas ang lalamunan nito.

“T-teka, Ismael!” natatakot na sabi nito, pinagpawisan ng malamig.

Inawat si Ismael ni Don Marcial, ama ni Marvin.

Lumapit din si Marvin kaya nahinto ang money dance ng bagong kasal.

“Okay ka lang?” nilapitan siya ni Abby.

Tumango si Cassandra, pero halata pa rin ang gulat at takot sa sistema niya.

“Buti nga sa maniac na ‘yan! Kung ako kay Ismael, tinuluyan ko na ‘yan!” sambit ni Abby.

“Abby!” saway niya.

Naawat din kalaunan si Ismael at binitawan si Boyet.

Sandaling kinausap ito ni Don Marcial—at maya-maya, tila maamong tupa na lumapit si Boyet upang humingi ng paumanhin kay Cassandra.

Tinapik-tapik ni Marvin ang balikat ni Ismael para pakalmahin.

Nang tuluyan itong humarap—

saglit na nagtama ang mga mata nila.

Pero agad ding umiwas ng tingin si Cassandra.

Naiinis siya kay Boyet. Pero mas natakot siya at nagulat sa ginawa ni Ismael.

Kaya pala takot ang lahat dito.

Agresibo ito. Bayolente. Mapanganib.

Ipinahatid si Boyet ni Don Marcial pauwi. Pagkatapos nag-abiso na ituloy ang kasiyahan.

Nagbalik ang kasiyahan—parang walang nangyaring komosyon.

Kinabukasan, pabalik na ng Maynila si Cassandra. Ihahatid siya ni Mang Paeng, isa sa mga tauhan ni Don Marcial.

Isinasakay na nito ang mga gamit niya sa sasakyan habang nagpapaalam siya sa kaibigan.

Nakita ni Abby si Ismael na paalis na rin, papasok na sa isang itim na Suzuki Jimny.

“Cassie! Paluwas din pala ng Maynila si Ismael! Gusto mo bang sumabay na lang sa kanya?” malakas na sigaw ni Abby, sadyang ipinarinig iyon sa lalaki.

Napahinto si Ismael sa pagsampa at hinintay ang sagot niya.

Todo iling si Cassandra.

Naningkit ang mga mata ni Abby sa panunukso.

Habang si Ismael, bahagyang napailing.

Bago ito tuluyang makapasok ng sasakyan—

saglit silang nagkatitigan.

At sa sandaling iyon—

may kung anong nagsabi sa kanya…

hindi pa tapos ang lahat sa pagitan nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 153

    Napalunok si Cassandra ngunit pilit itinuwid ang balikat.“T-Tabi... aalis na ako.”Hindi kumibo si Ismael.Kalmado lang siyang tinitigan bago mariing nagsalita.“Hindi ka aalis.”“H-Hindi mo 'ko mapipigilan.”Mabilis siyang lumusot sa gilid nito at halos patakbong lumapit sa bakal na gate.Iniangat niya ang kamay upang abutin ang hawakan ng gate.Ngunit bago pa man niya iyon mahawakan—Click.Napasinghap siya.Bigla na lamang may malamig na bakal na pumulupot sa kanyang pulsuhan.Nanlaki ang mga mata ni Cassandra.Mabilis niyang ibinaba ang tingin.Isang posas ang nakakabit sa kanyang kamay.At ang kabilang dulo nito...ay nakaposas naman sa pulsuhan ni Ismael. Sa isang iglap, magkadikit na ang kanilang mga kamay.“A-Anong ibig sabihin nito—”Hindi na niya naituloy ang sasabihin.“Gabi na,” malamig na sabi ni Ismael. “At delikado sa labas.”Napatingala si Cassandra sa kanya.“Anong pinagkaiba sa'yo?” matalim niyang sagot. “Mas mapanganib ka pa.”Bahagyang umangat ang isang sulok ng

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 152

    Sa isang modernong silid ng safe house na nasa liblib na lugar, mahimbing na natutulog si Cassandra sa kama. Maayos ang pagkakakumot sa kanya habang ang malamlam na liwanag ng buwan ay bahagyang pumapasok sa malawak na salaming bintana.Biglang tumunog ang cellphone niya.Nagmula ang tunog sa loob ng bag na nakapatong sa bedside table.Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at agad hinagilap ang bag.Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tiningnan ang screen.Si Divina.Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Divina. Kumusta na kayo diyan sa safe house?”Sa kabilang linya ay ilang segundo munang katahimikan. Pagkatapos, narinig niya ang hinihingal at nanginginig na boses ni Divina.“C-Cassandra... natunton kami ng mga tauhan ni Senyor...”Nanlamig ang buong katawan ni Cassandra.“Ano?” “Pinasok nila ang safe house... napatay nila ang ilan sa mga tauhan...”Parang nawalan ng hangin si Cassandra sa narinig.“Ano?! Kumusta kayo? Nasaan kayo ngayon?”“Si... Ismael—”Putol-putol ang bose

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 151

    “Sinabi nang ibaba mo 'ko! Ano ba!” sigaw ni Cassandra habang nagpupumiglas sa balikat ni Ismael. Pumapadyak pa ang mga paa niya sa hangin, pilit na kumakawala.Ngunit tila walang naririnig si Ismael.Tuloy-tuloy lang itong naglalakad.“Kapag hindi mo 'ko ibinaba, sisigaw talaga ako!” nagpapanic na sabi niya.“Kanina ka pa sumisigaw,” kampante lang na sagot nito.Napanganga si Cassandra.Sandali siyang natahimik sa inis, ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay muli na naman siyang nagpumiglas.“Hindi ako sasama sa'yo!” sabay hampas niya sa balikat ni Ismael.Hindi pa rin siya pinansin nito.Ilang hakbang pa ang ginawa ni Ismael hanggang sa huminto sila sa tabi ng isang itim na SUV na nakaparada sa di kalayuan.Kasabay nito, bumukas ang pinto sa passenger seat.Kabababa lamang ng driver.Hindi niya ito nakita.Mabilis lang nitong iniwang bukas ang pinto bago lumipat sa isa pang sasakyang nakaparada ilang metro sa likuran.Ilang sandali pa'y umandar ang pangalawang sasakyan at tuluya

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 150

    “B-Bastos!”Kumibot ang isang sulok ng labi ni Ismael.Bahagya itong yumuko, sapat lang para marinig niya ang sasabihin nito.“Ikaw ang humawak.”Agad na namula ang mukha ni Cassandra.Napaatras siya nang kaunti at kusang iniwas ang tingin, pilit inilalayo ang mukha rito.Sa isang sandali, bumalik sa alaala niya ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.Ang biglang pagpreno ng bus, pagkawala niya ng balanse... at ang kamay niyang napunta sa ibabang bahagi ng katawan ni Ismael.Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Hindi...Hindi siya dapat nagpapaapekto.Muling sumagi sa isip niya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan niyang layuan si Ismael—ang pagbaril nito kay Indira, ang engagement nito kay Nicole, ang planong ipawalang-bisa ang kasal nila...At ang katotohanang gusto lamang nitong makuha ang puso niya upang mailigtas ang ina nito.Parang biglang nawala ang hiya niya at napalitan iyon ng takot at galit.“Para ho! Bababa ako!” malakas niyang sigaw.“Ah, sige ho, Ma'am. Nakah

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 149

    Habang nasa loob pa rin ng shop ni Lina si Cassandra, tumawag naman ang head ng security sa dalawang tauhang kasama niya.“May problema rito. Bumalik muna kayo,” seryosong sabi nito sa kabilang linya.Nagkatinginan ang dalawang tauhan bago lumapit kay Cassandra.“Ma'am Cassandra,” tawag ng isa. “Kailangan po muna naming bumalik sa safehouse.”Napakunot-noo si Cassandra.“Bakit, may nangyari ba?”“Hindi pa po namin alam ang detalye. Utos lang po na bumalik agad.”Tumango siya.“Okay lang. Nandito lang naman ako.”“Ma'am, susunduin po namin kayo mamaya,” dagdag ng isa pang tauhan.Ngumiti si Cassandra at tumango.“Sige. Mag-iingat kayo. Tatawagan ko kayo kapag matatapos na kami rito.”“Opo, Ma’am.”Matapos iyon, mabilis na umalis ang dalawang tauhan.Naiwan sina Cassandra at Lina sa loob ng studio.Lumipas ang mga oras.Unti-unting humupa ang ingay sa labas. Nagsimulang magsara ang ilang boutiques at cafés sa paligid.Ngunit hindi pa rin bumabalik ang mga tauhan.“Bakit wala pa yung sun

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 148

    Hindi na muling nakalapit ang itim na van sa kanila. Sa likurang bintana ng sasakyan, nakita ni Cassandra kung paano tuluyang naharang ng sasakyan ng babaeng naka-braid ang mga tauhan ni Senyor. “Divina... si Indira!” bigla niyang sambit. “Ha? Saan?” Mabilis ding napalingon si Divina. Mula sa malayo, dalawang lalaking nakaitim ang sumugod dito ngunit sa loob lamang ng ilang sandali, parehong mabilis na naitumba ng babae ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. Dahan-dahang humarap ang babae na tila wala lang sa kanya ang pakikipaglaban. Ngunit kasabay niyon ang pagguho ng pag-asa ni Cassandra. Napahawak siya sa dibdib. Hindi si Indira ang babae. Marahan siyang napasandal sa upuan habang humigpit ang kapit niya sa seatbelt. Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang mga kamay niya. Matapos ang ilang liko at pagpapalit ng ruta, saka lamang unti-unting bumagal ang sasakyan nila. “Nakalayo na tayo,” sabi ng isa sa mga tauhan matapos silipin ang side mirror

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 45

    Hinubad ni Ismael ang suot nitong itim na leather jacket at marahang ipinatong sa balikat ni Cassandra, saka isinara ang zipper hanggang leeg. “Kumusta, Ismael. Narito ka rin pala,” naging pormal agad ang tindig ni Martin nang makita siya—parang kung sinong malinis at disenteng tao. "Kung wala ka

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 44

    Naghuling hithit si Ismael sa paubos na sigarilyo bago marahang inilapag ang upos sa ashtray. Umangat ang bahagyang usok, kasabay ng malamig na hangin sa terrace. Ipinatong niya ang mga braso sa barandilya. Mula sa terrace ng silid ni Cassandra, tanaw ang kabuuan ng villa—malawak, tahimik, at ti

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 43

    “Anong balita, Indira?” tanong ni Ismael. Kasalukuyan silang nasa loob ng madilim na silid nito. Abala siya sa pagpupunas ng isang baril na nakalatag sa parisukat na mesa—punô iyon ng mga armas, bala, at iba pang kagamitan. “Sino ba sa kanila ang gusto mong unang mabalitaan?” balik tanong ni Indir

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 42

    Napansin nina Abby at Marvin ang tensiyon sa pagitan nila. Agad na lumapit ang mag-asawa para pigilan ang posibleng gulo. “Ah—Kuya Martin,” bungad ni Abby, pilit na pinapagaan ang sitwasyon, “siya si Ismael… asawa ni Cassandra. Ismael, siya naman si Kuya Martin, pinsan ko.” Sa gilid— Mabilis na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status