Share

Chapter 2

Author: Ms. Nerie
last update publish date: 2026-03-17 17:24:33

“Teka, Cassie… ano ‘yong sinasabi mo kanina? Tatawag ng pulis—may nangyari ba?” naalalang tanong ni Marvin.

“Ahm…” napalingon siya sa estranghero. “Wala,” maikling sagot ni Cassandra, sabay iwas ng tingin.

“Tiyak na matutuwa si Abby na makita ka ngayon, Cassie,” dagdag ni Marvin.

Tipid lang ang naging ngiti niya.

Tumikhim si Ismael. “Marvin, anong oras ba ang kasal mo?” seryoso nitong tanong.

“Alas-dos,” sagot ni Marvin. “Tara na sa hacienda. May dala akong pick-up, sumabay na kayo sa akin,” sabi nito habang kinukuha ang mga dala ni Cassandra.

Sa backseat ng pick-up, naunang sumakay si Cassandra.

Dahil bakante ang katabing upuan ng driver’s seat, inakala niyang doon uupo ang best man ni Marvin.

Pero sumunod ito sa kanya.

At sa likod din naupo.

Sumiksik si Cassandra sa gilid ng pinto.

Hindi niya kailangang tumingin—

ramdam niya ang presensya nito sa tabi niya.

Kahit nalaman niyang kakilala ito ni Marvin, hindi pa rin nawawala ang takot niya rito.

Ang mga titig, salita, at kilos ng lalaki—parang kayang manlamon ng buhay.

Napansin iyon ni Marvin.

“Naku, pasensiya na. Hindi ko nga pala kayo naipakilala sa isa’t isa. Ismael, siya si Cassandra De Villa—best friend at maid of honor ni Abby. Cassie, siya naman si Ismael Vergara, kaibigan ng pamilya at best man ko.”

“Ismael,” sabay abot nito ng malaki at matigas na kamay.

Atubiling nakipagkamay si Cassandra.

“Hindi ako nangangain ng tao,” sabi nito, malamig ang boses.

“C-Cassandra…” mabilis lang niyang hinawakan ang kamay nito bago agad bumitaw.

Pagkatapos, muli siyang umusog palayo, dikit sa gilid ng sasakyan.

****

“Cassie, ang ganda!” bulalas ni Abby nang maisuot ang wedding gown.

“Thank you! Best friend talaga kita!” sabay yakap nito sa kanya.

“Hindi mo alam ang naging kalbaryo ko para lang maayos at maihatid on time ‘yang gown mo,” nakalabing sumbat ni Cassandra.

“Sorry na! Babawi ako sa’yo, promise!” sabay abot ng hinliliit.

“At paano ka naman babawi, aber?” natatawa niyang tanong.

“Ipapakilala kita sa mga kaibigang haciendero ni Marvin.”

“Ano? Abby, nakakalimutan mo yatang ikakasal na rin ako,” saway niya.

“Ayun na nga eh—para umurong ka na at palitan mo na ‘yang nobyo mo!”

“Abby!”

“Hay naku, Cassie… wala talaga akong tiwala kay Janus,” seryosong sabi nito.

Napabuntong-hininga si Cassandra.

Kung noon, at nasabi iyon ni Abby baka kinontra niya ang kaibigan, dahil tingin niya kay Janus, perfect boyfriend—gwapo, mayaman, responsable, at mabait.

Kaya kahit ilang buwan pa lang silang magkarelasyon nang mag-propose ito, agad siyang pumayag.

Pero habang tumatagal—tila nag-iiba ang ugali nito.

Nauugnay sa iba’t ibang babae.

At ngayon, unti-unti nang pumapasok sa isip niya ang tanong—tama ba ang desisyon niyang magpakasal dito?

Bente-otso anyos na si Cassandra. Stable na.

At ang pangarap na lang niya—ang makasal sa tamang lalaki at bumuo ng masayang pamilya.

Solong anak siya, ang mga magulang niya ay masagana at tahimik na namumuhay sa Bohol. Matagal na rin siyang kinukulit ng mga ito tungkol sa pag-aasawa.

Tumayo siya at lumabas sa terrace.

Lumanghap ng sariwang hangin.

Mula roon, tanaw ang malawak na lupain ng pamilya ni Marvin. Masaya siya para sa kaibigan, mabait ang mapapangasawa nito, maging ang angkan ni Marvin.

Bukod sa alam niyang nagmamahalan ang mga ito, naiintindihan niya kung bakit mas pinili ng kaibigan na manirahan malayo sa maingay at mabilis na mundo ng Maynila.

Kahit pa kung tutuusin sa kanilang dalawa, si Abby ang inaakala ng marami na hindi tatagal sa ganito katahimik na lugar, dahil liberated ito, at sanay sa night life.

Samantalang si Cassandra may pagka-Maria Clara, konserbatibo at sa bridal shop lang umiikot ang buhay niya.

Hindi nga nila alam kung paano silang naging magkaibigan, gayong magkaiba ang hobby nila.

Sa ibaba.

Abala ang mga tao sa paghahanda sa engrandeng kasalang magaganap mamaya.

At naroon si Ismael.

Tahimik. Hiwalay sa karamihan—parang hindi siya kabilang sa mundo ng mga naroon.

Si Marvin lang at ang mga magulang nito ang lumalapit sa kanya.

Ang iba—umiilag, nakadistansiya.

“Hindi nakabawas sa kagwapuhan niya ang peklat niya, no?”

Napalingon si Cassandra.

Nakatayo na pala sa tabi niya si Abby, may halong panunukso ang tono.

“Ha?!”

“Siya si Ismael Vergara,” dagdag ni Abby. “35 years old, pero isa na sa pinakamayamang haciendero dito sa San Fernando. Mabait ‘yan.”

“Nagkakilala na kami kanina.”

“Talaga?!”

Tumango siya.

“Mabait? Kung mabait siya, bakit parang takot ang lahat sa kanya?”

“May mga masamang tsismis kasi tungkol sa kanya,” paliwanag ni Abby. “Pero kami ni Marvin—at ang pamilya niya—naniniwala kaming mabuting tao si Ismael.”

Nagkibit-balikat si Cassandra.

Naramdaman marahil ni Ismael na ito ang pinag-uusapan nila. Tumingala ang lalaki.

Saktong nagtama ang mga mata nila.

Hindi naging komportable si Cassandra,

agad niyang hinila si Abby pabalik sa upuan.

Natapos ang kasal.

Sumunod ang masaganang salu-salo.

At ngayon—

bouquet toss.

Nasa pinakadulo si Cassandra, ayaw makipag-agawan.

Pero sa hindi inaasahan—siya ang nakasalo.

“Happy for you, Cassie!” nayakap siya ni Abby. “Ikaw na ang susunod—pero huwag sana kay Janus!”

Napailing si Cassandra.

“Ayos! Garter toss naman!” sigaw ng host.

"Kukunin ng groom ang garter sa hita ng bride—at ihahagis ito sa mga binatang bisita!" masiglang anunsyo pa nito.

Humahagikhik na umupo si Abby sa bride chair habang pilyong lumuhod si Marvin sa harap nito.

Naghiyawan ang mga bisita nang kunin ni Marvin ang garter gamit ang bibig.

Kinabahan si Cassandra.

Ang ibabatong garter ay isusuot sa kanya ng sinumang makakasalo, dahil siya ang nakakuha ng bouquet ng bride.

Inihagis ang garter.

Lahat ay napatingala, nagkakantiyawan.

At sa dulo—isang lalaki ang tahimik na nakatayo.

At siya ang sumalo.

Si Ismael.

Hawak ang garter, hindi agad ito gumalaw.

Hindi rin ngumiti.

Sa halip—dahan-dahan itong tumingala.

Diretso kay Cassandra.

Dumoble ang kaba sa dibdib niya.

Dahil alam niyang—

siya na ang susunod na lalapitan nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 153

    Napalunok si Cassandra ngunit pilit itinuwid ang balikat.“T-Tabi... aalis na ako.”Hindi kumibo si Ismael.Kalmado lang siyang tinitigan bago mariing nagsalita.“Hindi ka aalis.”“H-Hindi mo 'ko mapipigilan.”Mabilis siyang lumusot sa gilid nito at halos patakbong lumapit sa bakal na gate.Iniangat niya ang kamay upang abutin ang hawakan ng gate.Ngunit bago pa man niya iyon mahawakan—Click.Napasinghap siya.Bigla na lamang may malamig na bakal na pumulupot sa kanyang pulsuhan.Nanlaki ang mga mata ni Cassandra.Mabilis niyang ibinaba ang tingin.Isang posas ang nakakabit sa kanyang kamay.At ang kabilang dulo nito...ay nakaposas naman sa pulsuhan ni Ismael. Sa isang iglap, magkadikit na ang kanilang mga kamay.“A-Anong ibig sabihin nito—”Hindi na niya naituloy ang sasabihin.“Gabi na,” malamig na sabi ni Ismael. “At delikado sa labas.”Napatingala si Cassandra sa kanya.“Anong pinagkaiba sa'yo?” matalim niyang sagot. “Mas mapanganib ka pa.”Bahagyang umangat ang isang sulok ng

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 152

    Sa isang modernong silid ng safe house na nasa liblib na lugar, mahimbing na natutulog si Cassandra sa kama. Maayos ang pagkakakumot sa kanya habang ang malamlam na liwanag ng buwan ay bahagyang pumapasok sa malawak na salaming bintana.Biglang tumunog ang cellphone niya.Nagmula ang tunog sa loob ng bag na nakapatong sa bedside table.Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at agad hinagilap ang bag.Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tiningnan ang screen.Si Divina.Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Divina. Kumusta na kayo diyan sa safe house?”Sa kabilang linya ay ilang segundo munang katahimikan. Pagkatapos, narinig niya ang hinihingal at nanginginig na boses ni Divina.“C-Cassandra... natunton kami ng mga tauhan ni Senyor...”Nanlamig ang buong katawan ni Cassandra.“Ano?” “Pinasok nila ang safe house... napatay nila ang ilan sa mga tauhan...”Parang nawalan ng hangin si Cassandra sa narinig.“Ano?! Kumusta kayo? Nasaan kayo ngayon?”“Si... Ismael—”Putol-putol ang bose

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 151

    “Sinabi nang ibaba mo 'ko! Ano ba!” sigaw ni Cassandra habang nagpupumiglas sa balikat ni Ismael. Pumapadyak pa ang mga paa niya sa hangin, pilit na kumakawala.Ngunit tila walang naririnig si Ismael.Tuloy-tuloy lang itong naglalakad.“Kapag hindi mo 'ko ibinaba, sisigaw talaga ako!” nagpapanic na sabi niya.“Kanina ka pa sumisigaw,” kampante lang na sagot nito.Napanganga si Cassandra.Sandali siyang natahimik sa inis, ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay muli na naman siyang nagpumiglas.“Hindi ako sasama sa'yo!” sabay hampas niya sa balikat ni Ismael.Hindi pa rin siya pinansin nito.Ilang hakbang pa ang ginawa ni Ismael hanggang sa huminto sila sa tabi ng isang itim na SUV na nakaparada sa di kalayuan.Kasabay nito, bumukas ang pinto sa passenger seat.Kabababa lamang ng driver.Hindi niya ito nakita.Mabilis lang nitong iniwang bukas ang pinto bago lumipat sa isa pang sasakyang nakaparada ilang metro sa likuran.Ilang sandali pa'y umandar ang pangalawang sasakyan at tuluya

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 150

    “B-Bastos!”Kumibot ang isang sulok ng labi ni Ismael.Bahagya itong yumuko, sapat lang para marinig niya ang sasabihin nito.“Ikaw ang humawak.”Agad na namula ang mukha ni Cassandra.Napaatras siya nang kaunti at kusang iniwas ang tingin, pilit inilalayo ang mukha rito.Sa isang sandali, bumalik sa alaala niya ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.Ang biglang pagpreno ng bus, pagkawala niya ng balanse... at ang kamay niyang napunta sa ibabang bahagi ng katawan ni Ismael.Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Hindi...Hindi siya dapat nagpapaapekto.Muling sumagi sa isip niya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan niyang layuan si Ismael—ang pagbaril nito kay Indira, ang engagement nito kay Nicole, ang planong ipawalang-bisa ang kasal nila...At ang katotohanang gusto lamang nitong makuha ang puso niya upang mailigtas ang ina nito.Parang biglang nawala ang hiya niya at napalitan iyon ng takot at galit.“Para ho! Bababa ako!” malakas niyang sigaw.“Ah, sige ho, Ma'am. Nakah

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 149

    Habang nasa loob pa rin ng shop ni Lina si Cassandra, tumawag naman ang head ng security sa dalawang tauhang kasama niya.“May problema rito. Bumalik muna kayo,” seryosong sabi nito sa kabilang linya.Nagkatinginan ang dalawang tauhan bago lumapit kay Cassandra.“Ma'am Cassandra,” tawag ng isa. “Kailangan po muna naming bumalik sa safehouse.”Napakunot-noo si Cassandra.“Bakit, may nangyari ba?”“Hindi pa po namin alam ang detalye. Utos lang po na bumalik agad.”Tumango siya.“Okay lang. Nandito lang naman ako.”“Ma'am, susunduin po namin kayo mamaya,” dagdag ng isa pang tauhan.Ngumiti si Cassandra at tumango.“Sige. Mag-iingat kayo. Tatawagan ko kayo kapag matatapos na kami rito.”“Opo, Ma’am.”Matapos iyon, mabilis na umalis ang dalawang tauhan.Naiwan sina Cassandra at Lina sa loob ng studio.Lumipas ang mga oras.Unti-unting humupa ang ingay sa labas. Nagsimulang magsara ang ilang boutiques at cafés sa paligid.Ngunit hindi pa rin bumabalik ang mga tauhan.“Bakit wala pa yung sun

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 148

    Hindi na muling nakalapit ang itim na van sa kanila. Sa likurang bintana ng sasakyan, nakita ni Cassandra kung paano tuluyang naharang ng sasakyan ng babaeng naka-braid ang mga tauhan ni Senyor. “Divina... si Indira!” bigla niyang sambit. “Ha? Saan?” Mabilis ding napalingon si Divina. Mula sa malayo, dalawang lalaking nakaitim ang sumugod dito ngunit sa loob lamang ng ilang sandali, parehong mabilis na naitumba ng babae ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. Dahan-dahang humarap ang babae na tila wala lang sa kanya ang pakikipaglaban. Ngunit kasabay niyon ang pagguho ng pag-asa ni Cassandra. Napahawak siya sa dibdib. Hindi si Indira ang babae. Marahan siyang napasandal sa upuan habang humigpit ang kapit niya sa seatbelt. Hindi niya namalayang nanginginig na pala ang mga kamay niya. Matapos ang ilang liko at pagpapalit ng ruta, saka lamang unti-unting bumagal ang sasakyan nila. “Nakalayo na tayo,” sabi ng isa sa mga tauhan matapos silipin ang side mirror

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 6

    Ika-limampu't walong kaarawan ni Arsenio Vergara. Idinaos ang selebrasyon sa harap ng mansion nito sa Cavite. Dumalo ang mga kakilala, kamag-anak at kasosyo ng mga ito sa negosyo. Maging si Cassandra, bilang fiancée ni Janus. Kalagitnaan ng kasiyahan, natahimik ang lahat. Dumating ang hindi inaa

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 4

    Dalawang palapag ang bridal shop ni Cassandra sa Sampaloc, Manila. Nagsisilbi na rin itong bahay niya, dalawa ang staff, sina Emma at Judith, pero uwian naman ang mga ito. Kaya mag isa lang siya sa gabi. Tuwang tuwa ang dalawa nang i-abot niya ang mga pasalubong na buko pie at kapeng barako. Mata

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 3

    Balak pa sanang makipag-agawan ng iba— ngunit nang makitang si Ismael ang nakasalo, isa-isa silang umatras. “Cassie!” nilapitan siya ng excited na bride. “Alam mo ba ang paniniwala? Kung sino man ang pares na nakasalo ng bouquet at garter, sila ang magkakatuluyan!” Hindi pa nakakapag-react si Ca

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 1

    Alas-sais ng umaga— at nasa maling lugar si Cassandra De Villa. Kung may isang bagay na kinaiinisan niya, iyon ay ang gumising nang ganito kaaga. Pero mas malala ang sitwasyong kinalalagyan niya ngayon— nakasiksik sa loob ng isang bus na halos wala nang mahingahan. Sira ang kotse niya. Bigla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status