LOGIN
NEAH’S POV
Umuulan nang malakas sa labas habang nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit kong hawak ang tiyan ko na tila ba unti-unting pinupunit mula sa loob.
“Please…” nanginginig kong bulong habang muling dini-dial ang number ni Dave.
For the seventh time tonight.
Sumasakit na ang tiyan ko kanina pa, ngunit ngayon ay halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko ay may mali. Hindi ito normal. Hindi ganito kasakit ang simpleng pananakit lang.
“Please answer… please…”
Tumulo ang luha ko nang marinig ko na naman ang voicemail.
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang nararamdaman ko ngayon o ang katotohanang baka mas importante na naman ang trabaho kaysa sa akin.
Bigla akong napayuko nang may mainit na likidong dumaloy sa pagitan ng mga hita ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa sahig. Nakita ko ang dugong dahan-dahan na tumutulo mula sa mga hita ko.
“D-Dave…”
Mabilis kong pinunasan ang luha ko habang nanginginig na muli kong tinawagan ang asawa ko. Nangingitim na ang paningin ko sa sakit ngunit pilit kong kinakapit ang sarili ko.
Sagutin mo naman ako. Please.
Pagkatapos ng ilang segundo, biglang kumonekta ang tawag.
Agad akong napaiyak.
“Dave…” hirap kong sambit habang napapahawak ako sa gilid ng sofa. “P-please… ang sakit… natatakot ako…”
Ilang segundo siyang natahimik sa kabilang linya. Rinig ko ang mahihinang boses ng mga tao at tunog ng projector sa background.
Meeting na naman.
“Neah,” mababa at seryoso niyang sabi. “I’m in a meeting right now.”
Parang may humigpit sa dibdib ko. Trabaho niya na naman ba ang pipiliin niya kesa sa amin?
“Please…” umiiyak kong pakiusap. “Hindi ko kaya… parang may mali sa baby natin…”
Pumikit ako habang pilit hinihintay ang sasabihin niya. Kahit konting pag-aalala lang. Kahit marinig ko man lang na paparating na siya.
Pero ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang dumurog sa akin.
“Let’s talk later, okay? I’ll call you after this.” At bigla niyang ibinaba ang tawag.
Tuluyan akong natulala.
Nanginginig kong ibinaba ang cellphone ko habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo roon habang namimilipit sa sakit. Mag-isa lang ako habang asawa ko, pinili na naman ang trabaho kaysa sa amin.
Napasinghap ako nang mas matinding sakit ang biglang kumirot sa tiyan ko. Napaigik ako habang mas maraming dugo ang tumulo.
“Help…”
Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
“Someone help me…”
Maya-maya pa’y malabong mga yabag at sigaw ng kapitbahay ang narinig ko bago tuluyang nangitim ang paningin ko.
Ang huling bagay na naalala ko.
Ay ang mahigpit kong pagkakahawak sa tiyan ko habang paulit-ulit na nagdadasal.
Please…
Save my baby.
---
Malamig.Iyon agad ang unang bagay na naramdaman ko pagmulat ko ng mga mata ko.
Mabigat ang talukap ko habang dahan-dahan kong nilibot ng tingin ang puting kisame sa ibabaw ko. Amoy antiseptic ang paligid. Mahinang tunog ng monitor ang paulit-ulit kong naririnig.
Nasa hospital ako.
Bigla akong kinabahan kaya agad kong hinawakan ang tiyan ko. At doon ko naramdaman ang nakakabinging katahimikan.
Wala na. Hindi ko na maramdaman ang baby bump ko.
Nanlaki ang mga mata ko habang mabilis akong napabangon kahit nanghihina ang katawan ko.
“My baby…” Nanginginig akong lumingon sa paligid.
“Nasaan ang baby ko?”
Agad na lumapit ang nurse sa akin. “Ma’am, please calm down—”
“Nasaan ang anak ko?!” sigaw kong tanong habang tuluyan nang bumagsak ang luha ko. “Please… please tell me my baby is okay…”
Biglang umiwas ng tingin ang nurse. At doon tuluyang lumubog ang puso ko.
Parang huminto ang mundo ko habang dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Dumating na si Dave.
Humihingal siya na tila kararating lang. Gusot ang suit niya habang hawak ang isang bouquet of white roses.
Nanlabo lalo ang paningin ko. Hilaw na lang akong natatawa. Habang nahihirapan ako, habang sinusubukan kong iligtas ang baby ko, abala naman siyang inaabot ang pangarap niya.
“Neah…” mahina niyang tawag habang lumalapit sa kama ko. “I came as soon as I—”
“Don’t.”
Agad siyang natigilan. Nanginginig kong pinunasan ang luha ko habang pilit kong kinakapit ang natitirang lakas ko.
“Don’t come near me.”
“Neah—”
“Wala na ang anak natin.” Nanginginig kong sambit sa kaniya. Napapatakip na lang ako sa mukha ko gamit ang mga palad ko. Mahinang hikbi ang tumakas mula sa bibig ko. Hindi ko matanggap. Paano ko kakayanin?
Napayuko siya. Parang ngayon lang nagsink in sa kaniya ang lahat. Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ko siya habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa harap mismo niya.
Hindi siya umabot.
Hindi niya kami pinili.
At kahit gusto kong magalit… mas masakit palang tanggapin na pagod na pagod na akong umasa.
“I called you,” nanginginig kong sabi. “I begged you…”
Mahigpit na napapikit si Dave habang bumibigat ang paghinga niya.
“I’m sorry.” Dalawang simpleng salita. Mapait akong ngumiti. Sorry? Maibabalik ba ng sorry niya ang nawalang anak namin? Huli na ang lahat.
“Do you know what I was thinking habang nawawalan ako ng malay?” umiiyak kong tanong. “Iniisip ko na darating ka. Kasi asawa kita.” Humihikbi kong wika sa kaniya. Kahit na pagod na pagod pa ako, kahit na masakit pa sa akin ang lahat, tahimik lang siya. At mas lalo akong nasaktan sa katahimikan niya. Hindi ko alam kung nasasaktan din ba siya sa pagkawala ng anak namin o kung mas iniisip niya ang pangarap niya.
Tumulo ang luha ko habang mabagal akong umiling.
“But you chose your meeting.”
Parang may kung anong nabasag sa ekspresyon niya.
“Neah, please… listen to me—”
“No.” umiiling kong sagot. Ayaw ko ng makinig sa kaniya.
Ngayon ko lang narealize. Hindi pala sapat na mahal ka ng isang tao.
Kailangan… piliin ka rin niya. At sa pinakaimportanteng gabi ng buhay namin.
Hindi ako ang pinili ni Dave Montenegro.
Tahimik ang buong kwarto pagkatapos ng mga sinabi ko.
Tanging mahinang tunog lamang ng heart monitor ang pumupuno sa pagitan naming dalawa.
Nakatayo lang si Dave sa tabi ng kama ko, hawak pa rin ang bouquet ng white roses na hindi niya maibigay sa akin.
Parang ngayon lang niya naiintindihan na may mga bagay na hindi kayang ayusin ng pera, apology, o flowers.
Unti-unti kong iniwas ang tingin ko sa kaniya dahil hindi ko na kayang makita pa ang mukha niya.
Masakit.
Sobrang sakit.
At ang pinakamasakit sa lahat.
Mahal ko pa rin siya.
Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga bago niya dahan-dahang ibinaba ang mga bulaklak sa mesa.
“Neah…” basag ang boses niya. “I know I failed you.”
Napapikit ako.
Failed me?
Hindi lang ako.
Pati ang anak namin.
“Please,” mahina niyang sabi habang lumalapit ulit. “Give me a chance to fix this.”
Napatawa ako nang mahina. Pero walang saya roon. Pagod lang.
“How?” tanong ko habang mabagal na lumingon sa kaniya. “Paano mo aayusin ang isang batang wala na?”
Agad siyang natahimik.
Namumula ang mga mata niya ngayon ngunit hindi na iyon sapat para alisin ang sakit na iniwan niya sa akin.
Dahan-dahan kong niyakap ang sarili ko habang pilit pinipigilan ang panibagong pag-iyak.
“Alam mo ba kung gaano ako natakot?” nanginginig kong tanong. “Akala ko mamamatay ako habang mag-isa.”
Mahigpit na napapikit si Dave.
“I’m sorry…”
Paulit-ulit. Pero wala nang epekto na para bang kahit isang milyong beses siyang magsorry, hindi na mababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa lalaking minsang naging buong mundo ko.
Hindi ko namalayang dumating kami sa puntong parang estranghero na kami sa isa’t isa.
Maya-maya’y biglang may kumatok sa pintuan bago sumilip ang doctor.
“Mrs. Montenegro,” maingat nitong tawag. “We need to discuss your condition.”
Agad akong napatingin dito.
Napansin kong bahagyang nag-alangan ang doctor nang mapatingin kay Dave bago muling bumalik sa akin ang tingin nito.
“There were complications during the miscarriage,” mahinahon nitong sabi. “Your body became very weak due to blood loss.”
Parang biglang lumamig ang buong katawan ko.
“W-What do you mean…?”
Huminga nang malalim ang doctor.
“We’re not saying it’s impossible,” dahan-dahan nitong paliwanag, “but there’s a possibility that getting pregnant again in the future may become difficult.”
Parang may humampas sa buong pagkatao ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ako makahinga. Para bang bigla akong nabingi sa narinig. Nawalan na ako ng anak, pati ba naman ang kakayahang magkaanak ulit?
Ang katabi ko, parang tuluyang nawalan ng kulay ang mukha ni Dave.
“No…” halos pabulong niyang sabi. “No, there has to be another way—”
Pero hindi ko na sila halos marinig. Kasi pakiramdam ko… Kasama ng anak namin—
May parte rin ng sarili ko ang namatay noong gabing iyon.
NEAH’S POVLahat ng mga guest ay nag-eenjoy ngayong gabi. Kaniya-kaniyang mundo na rin ang lahat lalo na nang magdinner. Nasa iisang table kaming tatlo, si Cassandra at Dave. Pinipilit ko na lang na hindi mapalingon kay Dave. Masayang-masaya pa rin si Cassandra dahil successful ang event na ‘to.“Katulad ng pinangako ko sayo, Neah. You deserve to rest for a week. Pangbawi ko na rin sayo dahil sa nangyari sayo sa Gemstone Vault. Alam kong na-stress ka rin at halos wala ng pahinga dahil sa pagpeprepare natin sa event na ‘to.” Nakangiti niyang saad sa akin.“Thank you, Cassandra. I really appreciate it.” Sagot ko. Tahimik lang naman si Dave na kumakain.Huminga pa ng malalim si Cassandra saka ako tiningnan.“I still can’t believe this is happening. Sa dami ng business ng family ko, ito yung business na masaya akong i-handle kahit na wala akong alam sa pagdedesign. Iba yung saya ko kaya thank you so much, Neah, kasi pumayag ka na makipagpartner sa akin.” Sinsero niyang wika. Hindi ko na m
NEAH’S POVSa loob ng venue, parang ibang mundo ang sumalubong sa akin. Kumikinang ang buong function hall na parang gawa sa kristal at ginto. Bawat jewelry display ay maingat na nakaayos, parang mga obra na hindi mo basta-basta mahahawakan. May mga security sa bawat sulok, at halatang sobrang higpit ng proteksyon dahil sa halaga ng mga alahas na nasa loob.Napakaraming tao at napakarami ring mga mata ang nakatingin sa akin. Lalo akong kinabahan, ito ang pinakamalaking event na pinuntahan ko lalo na at isa ang mga collection ko ang nakadisplay.Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakita ko naman sa VIP section si Dave. Ewan ko ba, kahit na gaano karaming tao sa paligid, palagi ko pa rin siyang napapansin.Nakatayo siya roon, nakapormal na suot, tahimik, at parang walang emosyon ang mukha. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang lumingon sa akin. Na para bang alam kaagad ng mga mata niya kung nasaan ako.Mabilis kong iniwas ang paningin ko. Aminin ko man o hindi, masyado pa rin ak
NEAH’S POVIginayak ko na ang mga dadalhin ko sa Hamptons dahil 6pm ang start ng red carpet arrivals. Hindi na ako nanguha ng make-up artist ko dahil kaya ko namang ayusan ang sarili ko. Hindi naman kailangan ng plakadong make-up dun. Maging presentableng tingnan lang ako, okay na yun.“Baby, where are you? Aalis na ang mommy.” Tawag ko sa anak ko nang matapos kong ilagay sa maleta ang mga gamit ko.“How many days are you going to stay there, Mommy? Are you going to be away for a long time again?” tanong niya nang makalapit siya sa akin.“No, sweetheart. Uuwi rin ako bukas dahil isang gabi lang naman yun. Magpapakabait ka kay Ate Donna, okay? Siya ang makakasama mo ngayon dahil kailangan kong isama si Tita Claire sa trabaho ko.” Habilin ko sa kaniya.“Opo mommy, big boy na po ako kaya huwag mo na po akong isipin.” Natawa na lang ako saka ko ginulo ang buhok niya. Two years old pa lang siya at magtatlong taon pa lang sa mga susunod na buwan pero kung makapagsalita, para bang big boy n
DAVE’S POV“Hello, Kaiden, nice to meet you too.” Nakangiti kong sagot sa kaniya. Napakadaldal niya na. Ang sarap niya sigurong kausap.“He’s the one who saved your mommy. What do you say to him?” sambit ng secretary ni Neah.“Really po?” gulat pang tanong ni Kaiden. “You were the one who saved Mommy and brought her to the hospital?” he asked, turning to me. I smiled and nodded.“Thank you so much for saving my mommy. Here, please take this. It’s a token of my gratitude to you, sir.” Inalis niya ang suot niyang bracelet na gawa lang sa mumurahing materyales. “Ako po ang gumawa niyan.” Pagmamalaki pa niya sa akin. Napangiti ako, mukhang nakuha niya ang talent ng mommy niya.“Sir, pasensya na po pero kailangan ko ng ibalik si Kaiden sa mommy niya. Excuse me po.” Pagpapaalam ng secretary ni Neah. Gusto ko pa sanang makausap si Kaiden.“See you again po. Thank you for saving my mommy po, sir.” Nakangiti nitong saad sa akin. Kinawayan ko na lang siya at ginaya niya naman ako. Hindi ko main
DAVE’S POVNang mag-uwian ay dumiretso na ako sa hospital para bisitahin si Neah. Bakit niya ba pinipilit ang sarili niya na magtrabaho? Natatakot ba siyang i-cancel ni Cassandra ang partnership nila? Hindi ko naman yun hahayaan na mangyari.Diretso lang akong nakatingin sa daanan ko. Sana ay wala si Liam sa kwarto niya para naman makausap ko ng maayos si Neah. Hindi ko siya magawang kausapin ng maayos kapag nakabantay ang Liam na yun. He’s a doctor pero halos si Neah na lang ang binabantayan niya. Wala ba yung ibang pasyente na kailangan niyang puntahan? Tsss.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa hospital at dumiretso na rin sa room ni Neah. Sana gising siya.Kumatok ako sa pintuan niya saka ko ito dahan-dahan na binuksan.“Who is it?” Boses ng isang bata ang sumalubong sa akin. Napatingin ako sa ibaba at nakita ko ang anak ni Neah. Habang nakatitig ako sa kaniya ay dahan-dahan na nagsasalubong ang mga kilay ko.Bakit bigla kong nakita sa batang ito ang sarili ko?“
DAVE’S POVNasa loob ako ng office ni Cassandra. Hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin siya. Hindi ko akalain na itutuloy pa rin niya ang launch gala kahit na hindi na maganda ang pakiramdam ni Neah. Bumisita ba talaga siya dun para kumustahin ang business partner niya o nagpunta siya dun para sabihan pa rin si Neah na itutuloy pa rin nila ang launch gala?Hinilot ko ang sintido ko. I need to talk to Cassandra.Nang bumukas ang pintuan ay pumasok naman si Cassandra.“Oh, Dave, you’re here pala. What are you doing?” nakangiti pa niyang tanong. Mukhang nakuha niya ang gusto niya mula kay Neah. Kita naman sa mukha niya.“Pinuntahan mo si Neah?” seryoso kong tanong.“Yes, binisita ko siya and she’s fine.”“Kaya gusto mong ituloy pa rin ang launch gala? Binisita mo ba siya para alamin kung kaya pa ni Neah na pumunta sa launch gala? Bakit hindi mo na lang i-reschedule ang launch gala at hayaan siyang makapagpahinga?” Sumeryoso na rin ang mukha ni Cassandra. Mukhang hindi niya nagustuhan a
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko
DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa


![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




