MasukBAGO pa man makasagot ang assistant ay biglang tumunog ang cellphone nito. "Saglit lang po, Miss," paalam nito saka naglakad palayo upang kausapin ang caller.Pinagmasdan lang ito nina Caitlyn at Fiona hanggang sa makabalik."Pinasasabi ni Sir Sandro na bumalik na umuwi na po kayo ngayon," saad ng assistant. "Ako na po ang bahalang umasikaso."Kahit naguguluhan ay sumunod naman ang dalawa. Ngunit bago tuluyang umalis ay nagtanong pang muli si Caitlyn. "Alam ba ni Kuya ang nangyari sa'min ni Fiona?"Tumikhim ang assistant, tila nag-aalinlangan pero sinabi pa rin ang totoo. "Yes po, Miss. May mga tauhan kaming nakabantay sa inyo simula nang umalis kayo sa bahay."Hingang malalim ang ginawa ni Caitlyn, kuntento na siya sa sagot kaya tuluyan na silang umalis ni Fiona.Nang nasa kotse na sila ay saka lang ito nagkomento. "Siguro… nag-worry sila nang sabihin kong may banta sa buhay ko."Sumang-ayon si Caitlyn. "Tama ka… 'di nga biro 'yung pinagdaanan natin kanina at kung iisipin. Iyon ang u
PAUWI na sila Caitlyn mula sa sementeryo. Si Fiona sa passenger seat ay hindi pa rin humuhupa ang pag-iyak.Habang nasa loob sila, binisita ang relatives nito na walang awang pinatay ay hindi niya rin napigilang maging emosyonal. Naaalala niya ang pinagdaanan sa kamay ng mga ito.Hindi niya ikakailang nagtanim siya ng galit sa mga ito pero hindi makatarungan ang nangyari. Mas gugustuhin niya pang makitang mabulok ang mga ito sa kulungan kaysa makitang nakabaon na sa lupa.At ang kaawa-awang bata… Nakakalungkot dahil kahit masasamang tao ang magulang nito at tiyuhin, nakita niyang mabuti ito sa kanya.Naaalala niyang patakas siyang pinupuntahan ni Boyet at kung ano-ano ang tinatanong. Minsan naman ay ito ang nagkukuwento hanggang sa mahuli ng magulang at pagbabawalang lumapit sa kanya.Kapag may pagkain ito, binibigyan din siya at makailang ulit siyang gustong tulungan na tumakas pero laging nabibigo o hindi naman ay nahuhuli ng magulang.Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Caitlyn ay may
NAGISING si Caitlyn na bukas na ang ilaw. Wala na sa tabi niya ang asawa kaya bumangon siya at nang makitang may suot ng damit ay napangiti.Nakatulog siya sa sobrang pagod at hindi akalaing lilinisan saka dadamitan siya ni Ezekiel. Nang tingnan niya ang orasan sa side-table ay mag-aalas diyes na pala ng gabi.Bigla siyang nakaramdam ng gutom kaya tumayo na siya. Saglit na napatitig sa sahig dahil wala na roon ang naiwan niyang gawain.Nakita na lamang niya ang mga luggage sa tabi malapit sa pinto.Kaya lumabas na siya matapos tingnan ang sarili sa salamin. Sa hagdan pa lang ay natigilan siya nang makitang paakyat ang asawa, may dalang pagkain sa tray.Huminto rin si Ezekiel at ngumiti saka nagpatuloy. Nang magkaharap ay hinalikan sa noo ang asawa. "Akala ko'y tulog ka pa kaya nagdala na 'ko ng pagkain.""Kumain ka na ba?" tanong ni Caitlyn nang makita niyang marami-rami ang dala nitong pagkain."Kaunti lang kanina para masabayan kitang kumain." Pagkatapos ay humakbang pa ng isang bai
NAHINTAKOTAN si Caitlyn sa narinig. Mariin niyang hinawakan ang kamay nito at tinitigan sa mata. "Kasalanan 'yang iniisip mo."Nagbaba ng tingin si Fiona saka binawi ang kamay mula rito. "Isang malaking pagkakamali ang buhayin ang batang 'to. Isipin ko pa lang na nabubuo sa loob ko ang anak ng mamamatay tao na 'yun—nasusuka na 'ko. Ayokong isilang ang bata na gaya ko, hindi buo ang pamilya."Nalulungkot si Caitlyn habang pinagmamasdan ito pero hindi niya hahayaang may buhay ang mawala. Walang kasalanan ang bata sa mga pagkakamali ng magulang. "Kami ang pamilya mo, buo tayo kaya 'wag kang mag-isip ng ganyan. Magiging masaya ang bata, maniwala ka. Hindi natin didiktahan ang buhay niya base kung saan siya nagmula." Sabay haplos sa buhok nito. "Marami ka ng pagkakamaling nagawa, kaya 'wag mo nang dagdagan. Kung ayaw mo sa bata, hayaan mong kami na lang—ako? Aakuin ko siya, hayaan mo lang makita at maranasan niyang mabuhay sa mundo."Muling naluha si Fiona, hindi na nagawa pang magsalita h
NAPAKUNOT-NOO si Caitlyn sa narinig dahil wala naman itong ibang kamag-anak kundi ang mga taong dumukot sa kanya.Bigla siyang naging alerto. "Bakit?"Nagbaba ng tingin si Fiona, ang dalawang kamay ay hindi mapakali. "H-Hindi ko pa nasabi sa'yo… wala na sila."Naningkit ang mata ni Caitlyn. "What do you mean na wala na sila?"May namuong luha sa gilid ng mata ni Fiona. "P-Pinatay silang lahat," mahina niyang sabi.Napasinghap siya, hindi makapaniwala sa narinig. "W-Wait… silang lahat? Pati ang bata, si Boyet?" Nagtataasan ang balahibo sa katawan niya. Kinikilabutan siya habang iniisip na maging ang bata ay namatay. "S-Sinong gumawa?"Umiling-iling si Fiona, hindi niya maaaring sabihin ang totoo—na siya mismo ang nagdala sa mga ito sa hukay. "Magpapasama sana ako sa sementeryo. Nalaman ko na kasi kung sa'n sila nilibing.""Okay," iyon na lang ang sinabi Caitlyn kahit marami siyang gustong tanungin.Akala niya ay doon na matatapos ang pag-uusap nila nang walang ano-ano ay biglang lumuho
HABANG nililinisan ang kwarto ni Fiona ay pansamantala muna itong nag-stay sa guest room, katabi ng silid ni Caitlyn."Okay ka lang?" tanong ni Ezekiel nang tabihan sa kama ang asawa. Hinawi ang ilang hibla ng buhok saka inipit sa tenga.Nag-angat ng tingin si Caitlyn sabay tango. "Iniisip ko lang si Fiona… Tingin mo ba, masyado lang akong paranoid kasi iniisip ko na baka may gawin na naman siyang hindi maganda?"Tumango-tango si Ezekiel, sang-ayon sa sinabi ng asawa. "'Di naman 'yan maiiwasan kaya maging high alert na lang tayo."Hingang malalim ang ginawa ni Caitlyn. "Gusto kong maniwalang nagbago na siya pero sa dami ng nagawa niyang kasalana… mahirap nang magtiwala."Pinakatitigan ni Ezekiel ang mukha ng asawa. Matapos ay hinalikan niya ito sa pisngi. "Kung 'di ka komportable, pwede naman tayong mag-stay muna sa iba. Sa condo ko or sa'yo—kahit sa'n basta magkasama tayo."Napangiti si Caitlyn at niyakap ang braso ng asawa sabay sandal ng ulo sa balikat nito. "Yeah… anywhere basta l
PAPASIKAT pa lang ang araw nang lumabas si Caitlyn. Gaya ng nakagawian ay naglakad-lakad siya, nag-eexcercise. Pagbalik sa silid, una niyang tiningnan ang cellphone at napansin ang notifications sa private group.“Anong meron?” Saka niya clinick.Doon ay natuklasan niyang bumaba ang stock sa mercad
NAGTAAS ng kilay si Ezekiel, sa biglaang pagsulpot ng dating nobya ng pamangkin. Kasalukuyan siyang abala sa pag-reply ng message nang bigla itong naupo sa harap niya at nagtaas ng boses.“May kailangan ka, Miss Salvante?” tanong niya matapos ilapag sa table ang cellphone.Napakurap si Caitlyn, ang
MARAHANG hinila ni Caitlyn ang braso ng kaibigan. “‘Wag mo na lang pansinin, tara na do’n sa table natin,” bulong niya malapit sa tenga nito.“Bakit hindi? Siya ‘yung dating owner ng condo.”“Oo, pero as you can see—may kasama siya kaya hayaan na natin.”Tumango-tango si Mika. “Mukhang may date nga
KINABUKASAN ay bumalik si Caitlyn sa bahay para kunin ang ilang furniture na naiwan, lalo na ang cabinet na bagong bili lang niya noong nakaraan. May kasama siyang apat na lalaking trabahador na binayaran para maghakot ng gamit.Habang abala sa loob ng kuwarto, may narinig siyang ingay sa labas, pa







