INICIAR SESIÓNIsang gabing pagkakamali, isang gabing pilit niyang kinalimutan, isang gabing hindi niya akalaing magbubunga. At isang lalaking akala niya ay hindi niya na makikita pa muli. Five years ago, Ayesha Martin celebrated her mother’s wedding and her college graduation with a night she barely remembers — a night that changed her life forever. Waking up beside a stranger, she left before sunrise, determined to erase the memory. But she couldn’t erase the consequence. After five years, dumating ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Ayesha. Ang lalaking hindi niya aakalain na araw-araw niyang magiging kaaway at ang lalaking hindi niya akalain na ama ng kaniyang anak. Paano kapag nalaman ni Kian na ang babaeng kinamumuhian niya ay ang babaeng nakasama niya ng isang gabi sa Las Vegas? At malaman na nagbunga ang isang gabing pagsasama nila? Mananaig ba ang dugo at responsibilidad o ituturing niya itong isang malaking pagkakamali ng buhay niya lalo na at hindi niya akalain na ang stepsister na isinusumpa niya ay si Ayesha pala na ina ng kaniyang anak?
Ver másNakangiting nilapitan ni Ayesha ang kaniyang ina. Hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap ito.
“Congrats mom, you deserve this happiness.” Masayang saad ni Ayesha sa kaniyang ina na bagong kasal. Sa Las vegas ginanap ang kasal ng kaniyang ina kaya nagtungo silang magkakaibigan ng Las Vegas para makadalo.
“Thank you anak. Thank you dahil sinuportahan mo ako sa lahat ng bagay na gusto ko. Thank you dahil nakarating kayo ng mga kaibigan mo.” Kinuha ni Ayesha ang wineglass niya saka niya ito itinaas sa harap ng kaniyang ina. Bahagya namang natawa si Emma. Pinagsalubong nila ang mga wineglass nila at sabay iyun na ininom.
“Deserve mo naman ‘to mom. Nasa middle age ka pa lang at kailangan mo talaga ng makakasama habang tumatanda. Siya nga pala, hindi ba pumunta ang anak ni Tito Dexter?” kunot noo niyang tanong. Inaasahan ni Ayesha na makikita at makikilala niya ngayon ang binatang anak ng stepfather niya pero matatapos na ang kasal, hindi pa rin niya ito nakikilala.
Napabuntong hininga naman si Emma.
“Nandito na siya kanina pero ewan ko ba, bigla rin siyang umalis. Siguro hindi pa niya tanggap na ikakasal na ulit ang daddy niya. Hayaan na lang natin. Balang araw, makikilala mo rin siya.” Napapailing na lang si Ayesha. Ang alam niya ay tatlong taon ang tanda nito sa kaniya.
“Ang tanda niya na para hindi intindihin ang daddy niya. Anyway, ayaw kong sirain ang special day mo mom ng dahil lang sa lalaking yun. Kung hindi ka niya matanggap as his new mom, hindi ko rin siya gustong makilala at makita pa.” pagtataray ni Ayesha.
“Anak, lower your voice. Hindi pa rin maganda ang relasyon ng Tito Dexter mo at ng anak niya. Hayaan na lang muna natin siya. Balang araw, lalambot din ang puso nun.” Napapaikibit balikat na lang si Ayesha.
“Ano pa nga bang magagawa ko? Aalis na rin kami ng mga kaibigan ko mamaya mom kapag wala na kayong mga bisita. Gusto naming magcelebrate dahil kagagraduate namin ng college.” Napangiti naman si Emma at tumango sa kaniyang anak.
Nang matapos ang kasal ay masayang masaya silang tatlo na magkakaibigan na nagtungo ng bar para magcelebrate.
“Let’s enjoy the alcohol now! Wala ng makakapigil sa atin dahil tapos na tayo sa acads!” sigaw ni Lalaine, ang isa sa mga kaibigan ni Ayesha. Masayang masaya nilang ininom ang alak na ginawa ng bartender sa kanila.
Napapasigaw na lang sila dahil sa tapang ng alak na ininom nila. Mainit itong humagod sa lalamunan nila at ramdam pa rin nila ito hanggang sa tiyan nila.
“Grabe, ang init nun!” sigaw naman ni Kaye na napapapikit na lang sa pait ng alak.
“Mga Pilipino rin pala kayo. Want more?” tanong ng bartender na kapwa nila Pilipino. Nagkakatinginan na lang silang magkakaibigan at nginitian ang lalaking bartender.
“Kuya, yung ladies drink lang. Huwag naman yung hard alcohol dahil baka hindi pa lang kami nag-eenjoy may tumatawag na sa amin ng uwak!” angil ni Kaye na ikinatawa nilang magkakaibigan.
“Sige ma’am, ipapatikim ko sa inyo ang pinakamasarap kong mix drink.” Anas naman ng bartender na ikinatuwa nila.
Samantala naman, nasa second floor si Kian Reeve, ang stepbrother ni Ayesha na hindi niya nakita sa kasal. Kasama rin nito ang mga kaibigan niya. Napapailing na lang si Nigel habang pinapanuod niya si Kian na dire-diretsong nilagok ang alak.
“Ano ba kasing problema mo? Hindi ka masaya na ikinasal ulit ang daddy mo?” tanong ni Nigel. Hindi sumagot si Kian, diretso lang itong umiinom ng alak.
“Ang balita ko may stepsister ka na mas bata sayo. Hindi ka ba masaya na may kapatid ka na?” pang-aasar ni Marco pero sinamaan siya ng tingin ni Kian.
“You know what bro, hindi naman masamang magmove on ka na sa nakaraan. Bakit hindi mo na lang yakapin kung anong buhay mo ngayon at ng daddy mo?” seryosong wika ni Nigel.
“Hey, easy bro. Para kang mauubusan ng alak eh.” Pangpipigil ni Marco nang lagukin ni Kian ang isang bote ng alak. Pabagsak na ibinaba ni Kian ang bote saka siya bumuga ng hangin.
“Pumunta naman ako sa kasal niya. Yun ang usapan namin pero hindi ko sinabi na magtatagal ako.” Sagot niya. Bakas na ang kalasingan dahil namumungay na ang mga mata nito. Napapailing na lang si Nigel at Marco sa kaniya.
Samantala naman, tuwang-tuwa ang tatlong magkakaibigan na nagsasayaw sa dance floor. Malakas na rin ang epekto ng alak sa mga katawan nila. Pare-pareho na silang lasing pero ayaw pa rin nilang bumalik sa mga hotel room nila.
“Woooaahhh! Congrats to us! Grabe, after four years sa college nakapag-inom din tayo ng ganito!” sigaw ni Lalaine habang sumasayaw sila.
“Hoy, Ayesha, baka gusto mo namang lumandi ngayong gabi.” Nagtatawang sambit ni Lalaine na sinang-ayunan naman ni Kaye. Sila lang ang nakakaalam na no boyfriend since birth ang kaibigan nila.
“Malay niyo, lumandi rin ako mamaya.” Pagbibirong sagot ni Ayesha na ikinatawa nilang tatlo. Nagpatuloy ang kasiyahan nila hanggang sa makaramdam ng pagduduwal si Ayesha.
Gegewang gewang siyang naglakad papuntang comfort room para sumuka at umihi. Gusto niyang isubsob ang mukha niya sa bowl pero nasa public comfort room siya. Sari-sari ang mga umiihi at gumagamit ng bowl kaya pinilit niyang tumayo ng maayos habang nakasandal ang mga kamay niya sa pader.
Halos maubusan siya ng lakas sa kakasuka niya.
“Damn it! Sino ba kasing nagsabi na sobrahan mo ang pag-inom ng alak?!” naiinis niyang usal sa sarili niya. Itinali niya na ang mga buhok niya dahil ayaw niyang masukaan ang mga ito. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng cubicle saka siya naghilamos at tiningnan ang sarili sa salamin.
Pulang pula na ang mga pisngi niya at tila antok na antok na ang mga mata niya dahil sa kalasingan.
“You should enjoy this night, Ayesha. Ngayon ka lang naman uminom ng ganito.” Anas niya sa sarili niya. "Walang uuwi ng hindi gumagapang!" wika pa niya.
Napabuntong hininga na lang siya kapag naaalala niyang hanggang ngayon single pa rin siya. Maganda naman siya at maputi pero lahat ng nanliligaw sa kaniya binabasted niya dahil gusto niyang magfocus sa pag-aaral. Ngayon namang nakagraduate na siya, wala na ulit naglakas loob na ligawan siya.
Lumabas na siya ng cr at gegewang gewang pa rin siya.
Nang mabangga siya ng isang babae ay muntik pa siyang sumobsob sa sahig, mabuti na lamang at may nakasalo sa kaniya. Napayakap siya sa lalaking sumalo sa kaniya para suportahan ang sarili niya.
“Fuck!” mahina niyang usal dahil tila umiikot na naman ang mundo niya.
"Miss, if you don’t intend to let go, just say it. I’m not a stand you can cling to the whole night." Masungit na wika ni Kian. Namumungay naman na ang mga mata ni Ayesha nang tingnan niya si Kian. Nginitian niya ito.
"Would you like to dance with me?" pag-aaya ni Ayesha. Kunot noo naman ng nakatingin si Kian sa kaniya. Pareho na silang lasing at tila ba parehong may gustong kalimutan pansamantala.
Nakipagsayaw si Ayesha kahit na lasing na lasing na siya. Pareho na nilang hindi alam ang ginagawa pero masaya silang kasama ang isa’t isa.
Mabilis na lumipas ang isang buwan. Nasa flight na silang lahat papuntang Las Vegas para dumalo sa kasal ni Ronnie at Arianne. Masasaksihan na rin nila ang pag-iisang dibdib ng mga ito.Pagdating nila sa hotel ay lahat sila tila ba nalobat. Pinaalaga na muna ni Ayesha ang anak niya sa babysitter na isinama nila para alagaan si Kenneth. Nagpahinga sila kaagad pagdating ng hotel dahil sa haba ng flight nila.Pagsapit ng dinner ay gising na silang lahat.“Sigurado ka bang nadala mo yung ireregalo natin kay Arianne?” natatarantang tanong ni Emma dahil hindi niya mahanap ang folder kung nasaan ang document na ireregalo nila sa bagong kasal.“Oo, alam kong nailagay ko yun. Hanapin mo na lang sa mga maleta natin.” Sagot ni Dexter. Kanina pa hanap nang hanap si Emma at halos baliktarin niya na ang mga gamit nila para lang mahanap ang folder na yun.“I can’t find it! Dexter, help me here!” Galit nang sigaw ni Emma dahil nahihilo na siya sa kakahanap. Tumayo naman si Dexter sa kinauupuan niya a
Nang magkaroon ng free time si Lalaine at Kaye ay nagtungo na silang tatlo sa Tagaytay para tingnan ang napili ni Ayesha na magiging wedding venue. Ayaw ni Ayesha na lumayo pa lalo na at karamihan sa mga bisita nila ay nasa Pilipinas. Gusto niyang imbitahan lahat ng kilala nila at naging parte na ng buhay nila. Alam niya rin na masyado lang siyang mapapagod kung sa ibang bansa pa sila magpapakasal lalo na at may dalawa siyang anak na kailangan pa niyang alagaan pagkatapos ng maghapon na pagiging busy niya.“This is so beautiful.” Usal ni Kaye habang nakatingin sa paligid. Isang garden wedding ang napili ni Ayesha. Kita na rin nila ang aisle sa gitna at mas magiging maganda pa ito kapag nasimulan nang lagyan ng design.“Parang gusto ko rin na dito na lang ikasal kapag ikakasal na ako.” Saad pa ni Kaye. Kahit na hindi naman siya ang ikakasal pero excited na siya.“Sa laki ng reception area parang isang buong barangay ang iimbitahan mo ah.” Saad ni Lalaine na inililibot din ang paningin
Nakatitig si Ayesha sa anak niya habang nakangiti. Hindi pa rin siya makapaniwala na may sarili na siyang pamilya at a young age. Pakiramdam niya ay bata pa siya kahit na malapit na siyang magthirty dahil ang iba niyang kaedad ay wala pa ring anak. Dalawa na kaagad ang anak niya at dumating ang mga ito sa parehong hindi inaasahan na pagkakataon pero masaya siya.Ang magkaroon ng anak ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Naging magulo man, marami man ang nanghusga sa kanila worth it naman ang lahat ng yun lalo na at kompleto ang pamilya niya.Hindi na sila humarap sa media dahil ayaw na nilang magpaliwanag pa pero alam niyang aware ang mga ito sa nangyayari sa pamilya nila. Ayaw ng isapubliko pa ni Ayesha ang tungkol sa buhay nila. Hindi na rin sila ginulo ng mga paparazzi.Nang matapos magdede ng anak ni Ayesha ay tinitigan niya ito. Mahimbing na itong natutulog. Hinaplos niya ang tungki ng ilong nito gamit ang hintuturo niya.“Ako ang nagdala sa inyo ng kuya mo sa loob ng tiya
Tuwang-tuwa si Ayesha nang makita niya si Arianne. Nagyakapan silang dalawa na tila ba namiss nila ang isa’t isa.“Masaya akong makita ka ulit, Ayesha. I’m sorry kung hindi ko na kayo nabisita rito after naming magpaalam ni Ronnie before. Naging busy na rin kasi kami sa pagpaplano ng kasal namin.” Napangiti naman si Ayesha saka sila naupo. Nasa kabilang sofa sila ni Kian habang nasa kabilang sofa naman sina Arianne at Ronnie.“Okay lang naman. Mabuti na ring hindi muna kayo umuwi rito, naging magulo kasi last year.” Sagot ni Ayesha. Sumeryoso naman na ang mukha ni Arianne saka ito muling nagsalita.“Oo nga pala, I heard yung nangyari kay Uncle Rafael. Is that true? I’m sorry, okay lang ba kung magtatanong ako?”“Oo naman, hindi naman ito dapat itago saka laman din naman yun ng news last year.” Si Kian ang sumagot.“So, it’s true na nakulong siya dahil sa iba’t ibang kaso? Nalaman ko rin na pinagtangkaan niya ang buhay niyong dalawa at marami siyang idinamay?” kuryoso pang tanong ni Ar
Napapatulala na lang din si Ayesha habang nakatingin siya sa screen ng laptop niya. Kung iisang tao lang ang nagnanakaw ng pera ng kompanya, bakit? Hindi pa ba sapat ang mga nakukuha nilang sahod at profit? Bakit kailangan pang magnakaw?“Hindi ba nila iniisip na kapag nagkaproblema ang kompanya, d
Itinakbo nila si Zayn sa hospital dahil bigla na lang itong nawalan ng malay. Kinakagat ni Ayesha ang kuko niya habang naghihintay ng balita sa doctor. Hindi niya na rin maiwasang hindi maiyak sa pag-aalala para sa anak niya.“Stop crying. This is all my fault. I’m really sorry.” Nakokonsensyang sa
Nagtungo silang dalawa sa hardin. Ibinaba ni Ayesha ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina para makapagmeryenda sila ni Kian habang nag-uusap. Gustong malaman ni Ayesha kung anong mahika ang nangyari sa kanila sa loob ng hotel na yun.“Sabihin mo sa akin, anong nalaman mo?” tanong ni Ayesha. Hind
“Bakit mo ginawa yun? Mas malala ka pa sa akin eh.” Wika ni Ayesha nang makalapit na sila ni Zayn sa kaniya. Naupo na si Kian saka niya pinaupo si Zayn sa mga hita niya.“Taste their own medicine.” Tanging sagot ni Kian. Napapailing na lang si Ayesha saka niya inayos ang buhok ng anak niya.“Siya n


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas