LOGINNililinis ni Ayesha ang mga laruan ng anak niya na nagkalat sa sala nang tawagin siya ng mommy niya.
“Pupunta ang anak ng Daddy Dexter mo dito anak. Hindi ka ba busy? Pwede mo ba akong tulungang magluto ng mga paboritong pagkain niya?” bakas ang excitement sa boses ni Emma dahil sa limang taon na lumipas, ngayon lang bibisita ang anak ng asawa niya.
Ngumiti naman si Ayesha.
“Oo naman po. Mamimili pa ba tayo ng mga ingredients?” tanong niya saka siya tumayo at nilapitan na ang kaniyang ina.
“Nakapaggrocery na ako kanina. Magluluto na lang tayo. Nasabi kasi sa akin ng daddy Dexter mo na nakauwi na ng bansa ang anak niya. Ngayon lang natin siya makikita kaya gusto ko sanang ipagluto siya ng mga paborito niya.” tumango at ngumiti na lang si Ayesha. Gusto niya ring makilala ang stepbrother niya pero dahil hindi ito umuuwi ng Pilipinas, hindi pa rin nila ito nakikilala sa loob ng limang taon.
Nagluto silang dalawa ng mga pagkain para kay Kian. Ibinuhos nila ang oras nila para sa pagluluto. Nakangiti pa si Emma dahil matagal niyang hinintay na makilala na ang stepson niya.
Nang matapos silang magluto ay nagpaalam na muna si Ayesha na maliligo muna siya. Gusto niyang humarap sa stepbrother niya ng maayos at mabango. Kumapit sa damit niya ang amoy ng niluluto nila kanina kaya kailangan niyang magbihis.
“Zayn, anak, magbihis ka na. Kakain na rin tayo ng dinner.” Nakangiting saad ni Ayesha sa anak niya. Four years old na ito at kung magsalita ito ay hindi na putol-putol.
“Opo mommy,” magalang nitong sagot. Nilapitan na ni Zayn ang babysitter niya para tulungan siyang maghugas at magbihis. Nang matapos sila ay lumabas na silang mag-ina.
Nakaready na ang lahat ng mga pagkain sa lamesa.
“Wow, ang daming pagkain. Ano pong celebration mommyla?” tanong ni Zayn nang makaupo na ito sa upuan niya.
“Darating ang Tito mo, ang anak ng daddy Dexter. Behave ka lang ha?” nakangiting sagot ni Emma. Nakangiti namang tumango si Zayn.
Naghintay pa sila ng ilang minuto dahil maging si Dexter ay hindi pa umuuwi. Hindi pa rin ito tumatawag o nagmemessage.
“Pauwi na po ba sila?” tanong ni Ayesha sa kaniyang ina. Akma na sanang tatawagan ni Emma ang asawa niya nang bigla itong dumating.
“Hon, nandiyan ka na pala. Tatawagan na sana kita dahil kanina pa ready ang mga food. Nandyan na ba ang anak mo? Where is he?” excited na tanong ni Emma saka tumingin pa sa likod ni Dexter dahil baka nakasunod lang ang anak nito pero wala siyang makita.
Napabuntong hininga naman si Dexter saka siya umiling.
“Ayaw niyang pumunta.” Tipid niyang sagot na ikinawala ng mga ngiti ni Emma.
“Ganun ba? Sige, maupo ka na at kumain na tayo.” Nawala ang sigla sa boses ni Emma. Naiinis na naman si Ayesha dahil excited na excited pa naman ang mommy niya na makilala ang anak ng daddy Dexter niya.
Tahimik lang silang kumakain at nang matapos na sila ay niligpit na kaagad ni Emma ang mga niluto niya. Nilapitan ni Ayesha ang kaniyang ina. Ramdam niya ang lungkot nito.
“Kung ayaw niya tayong makilala huwag na nating ipilit sa kaniya ang sarili natin lalo ka na mom. Kung ayaw niya sayo, huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa kaniya. Matanda na siya para magrebelde sa mga ganitong bagay. Hindi na siya bata para pigilan pa ang daddy niya na mag-asawa. My God! Limang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon masakit pa rin ang loob niya? I’m sorry mom, pero kung ganito ka itrato ng anak ni daddy, ayaw ko rin siyang makita at makilala. I don’t want him to be part of our family. Masyado siyang nagrerebelde. Wala naman tayong ginagawa sa kaniya.” Bakas ang inis sa tinig ni Ayesha dahil palagi na lang silang naghahanda ng mommy niya sa tuwing akala nila ay bibisita na ang anak ni Dexter pero palagi na lang itong hindi sumisipot.
“Hindi natin siya masisisi anak. Nasabi naman na sa akin ng daddy Dexter mo kung bakit galit na galit sa kaniya ang anak niya. Intindihin na lang natin siya. Masyado lang siguro siyang nasaktan sa pagkawala ng mommy niya noon. Bigyan pa natin siya ng panahon na matanggap niya tayo.” Napapairap na lang si Ayesha sa kabaitan ng mommy niya.
---
Tulog pa ang anak niya kaya hinalikan niya na lang ito sa noo at pisngi. Papasok na siya ng kompanya. Kailangan pa niyang ipasa ang proposal niya. Dapat bago magdalawang linggo ay matapos niya na.
Maganda ang mood niya nang pumasok siya ng kompanya. Ayaw niyang sirain ang araw niya ng dahil lang sa stepbrother niya na nagrerebelde na parang isang bata.
“Good morning ma’am,” bati ng mga empleyado na nakakasalubong siya. Ngumingiti lang naman siya sa mga ito pabalik. Pagdating niya sa floor ng office niya ay naririnig niyang nagbubulungan ang mga empleyado. Hindi niya na lang pinansin dahil baka may personal lang na pinag-uusapan ang mga ito.
Malapit na siya sa office niya nang biglang may lumipad na mga gamit sa daraanan niya. Napakunot siya ng noo at tiningnan kung sino ang nasa loob.
“Sinabi kong gawin mo na kaagad hindi ba?! Masyado ng matagal ang dalawang linggo. Mahirap ba ang pinapagawa ko?! Kapag naunahan tayo ng mga business rival natin, may magagawa ka ba dun?!” galit na sigaw ni Kian sa secretary niya. Napapayuko na lang ang babae at tila ba malapit na itong umiyak.
“I’m sorry sir, mahirap po talagang tapusin. Imposible din po ang dalawang linggo para matapos ko ang trabaho ko.” Sagot ng secretary. Nakaharap na ito sa sahig dahil sa pagkakayuko niya.
Gustong mangialam ni Ayesha, gusto niyang malaman kung ano bang ikinagagalit ng bagong CEO nila pero ayaw niyang mangialam sa problema ng iba.
Nang lingunin ni Kian si Ayesha ay sakto namang lumampas na ito.
“Ipatawag mo ang lahat ng board. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila.” Maawtoridad na utos ni Kian. Mabilis na sumunod ang secretary niya at nagmamadali na itong umalis.
Dumiretso naman si Ayesha sa office niya at hinarap kaagad ang computer niya para simulan na naman ang proposal na kailangan ni Kian.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng ginagawa niya nang nagmamadaling pumasok ang secretary niya.
“Ma’am,” hinihingal pa nitong wika.
“May problema ba? Hingal na hingal ka.” Wika ni Ayesha nang hindi tinitingnan ang secretary niya.
“Nagpatawag ng meeting si Sir Kian. Gusto niyang pasimulan kaagad ang project.” Mabilis na tumayo si Ayesha dahil sa gulat.
“Sigurado ka?” tanong pa niya. Humugot pa ng malalim na hangin si Shane bago siya nagsalita.
“Yes ma’am, yun ang narinig ko. Kanina pa nagpameeting si Sir Kian.” Naikuyom ni Ayesha ang kamao niya at nagngitngit ang mga ngipin niya.
“Bakit ba siya nagmamadali?! Bwisit talaga.” Inis niyang sambit saka siya umalis ng office niya.
Lumipat na sila ng bahay at nang ipablessing nila ito ay kasama ulit nila ang pamilya at mga kaibigan nila. Nagkaroon sila ng kaunting celebration sa pool area.“Grabe, ang ganda ng bahay niyo. Itong pool area niyo para siyang private villa. Nandito na lahat. May sarili rin kayong grocery store sa loob ng bahay. May gym, may basketball court. Sa lawak ng bakuran niyo pwede talagang maggolf. Hindi ko ‘to naisip. Gusto ko ganito rin kalawak ang magiging bakuran ko. Hindi masyadong malaki ang bahay pero malawak ang bakuran.” Namamanghang saad ni Kaye habang nakamasid sa paligid.Nag-iihaw sila ng mga barbecue, hotdogs, isaw at atay ng baboy.Kahit na mag-ingay sila, magtawanan at magsigawan. Walang susuway sa kanila dahil malayo ang mga kapitbahay nila sa lawak ng bakuran nina Ayesha.“I agree with you. Ang ganda ng paligid, ang peaceful at nakakaalis ng stress. May sarili pa siyang garden ng mga flowers at mga plants. May egg farm pa yan sila. Gusto ko rin ng ganito. Bibili rin ako ng ma
Nang matapos ang celebration ay pumasok na silang lahat sa kaniya-kaniya nilang room. Magkasama na si Kian at Ayesha. Pareho na silang bagsak sa kama nila. Parehong nakatulala sa kisame at pinoproseso sa isip nila ang lahat ng nangyayari. Ramdam na nila ang pagod at puyat but they are still happy.Bumangon na si Ayesha saka niya tiningnan ang lahat ng mga regalo para sa kanila. Wala na silang lakas na buksan pa ang mga ito dahil baka sikatan na sila ng araw, hindi pa sila tapos.Nasa lamesa naman ang mga cash gift para sa kanila.“Matulog na tayo love.” Ani ni Kian saka niya hinila si Ayesha at niyakap ito. Wala na silang ibang gustong gawin kundi ang matulog at mabawi ang lakas nila. Naubos ang lahat ng lakas nila sa maghapon nila. Madaling araw na rin natapos ang mga paactivities nila. Nagpapasalamat sila dahil kahit na ginabi na ang celebration, hindi pa rin umuwi ang mga bisita nila. Tinapos nilang lahat ang activities at tuwang-tuwa sila sa mga papremyo.Kinabukasan, masarap pa r
Nang matapos ang hapunan at mga speeches, lalo pang naging masaya ang atmosphere sa loob ng reception hall. Punong-puno ng tawanan ang buong reception hall habang abala ang mga bisita sa pakikipag-usap sa isa't isa. Sa bawat mesa ay maririnig ang masasayang kwentuhan at pagbati para sa bagong kasal.Samantala, nakaupo sina Kian at Ayesha sa kanilang sweetheart table habang pinagmamasdan ang mga taong dumalo sa kanilang kasal. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Kian. Matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, narito na sila ngayon. Magkasama bilang mag-asawa."Ladies and gentlemen!" Agad na napalingon ang lahat nang marinig ang boses ng host.Ngumiti ito habang hawak ang mikropono."I hope everyone is having a wonderful evening!" Sabay-sabay na pumalakpak ang mga bisita. Excited sa iba pang activities ngayong gabi."Now, it's time for one of the most exciting parts of the reception." Agad na nagkatinginan ang mga babae sa loob ng reception hall. "The bouquet toss!" Malakas na sigaw ng h
Pinunasan ni Ayesha ang mga luha niya saka siya bumuga ng hangin at muling tiningnan si Kian. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ni Ayesha na tila ba wala na siyang magagawa kundi ang hayaan.“Ang daming hirap, ang daming pagsubok. At nagpapasalamat ako dahil hindi ka sumuko. Dumating man ang mga araw na pati ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko, maraming salamat kasi nandyan ka. Pinipilit mo akong intindihin. Salamat sa mahabang pasensya mo para sa akin. Sobrang swerte ko dahil hindi mo man lang iniisip na nagdadrama lang ako, ginagamit ko lang ang salitang postpartum stress. You supported me. Sinasamahan mo ako kahit na ang kalaban ko na ay ang sarili ko. Salamat kasi napakabuti mong ama sa mga anak natin. Pinaglaban mo yung pagmamahal mo sa akin kahit na ang kalaban natin ay ang buong mundo. Grabe ka magmahal at dun pa lang panalo na ako. Alam mo kung anong iniisip ko sa tuwing nakikita ko ang mga anak natin? Nagawa kong pumili ng mabuting ama para sa kanila. Napakahand
Nasa likod na ng malalaking kurtina si Ayesha. Ilang minuto na lang ay bubuksan na ang mga kurtina at makikita niya na ang lalaking naghihintay sa kaniya sa altar. Napatingin siya sa paligid niya. Maganda ang panahon ngayon. Hapon ang pinili nilang oras para hindi mainit sa mga bisita lalo na at labas sila.“Ma’am ready po,” paalala sa kaniya ng organizer. Muli siyang huminga ng malalim. Malakas na naman ang kabog ng didbib niya at ganun din si Kian na nasa altar na.Pakiramdam niya ay napakatagal para buksan ang mga kurtina kung nasaan si Ayesha. Huminga rin siya ng malalim. Excited na siyang makita ang magiging asawa niya na ngayong araw.“Relax, para kang mahihimatay sa itsura mo eh.” Pang-aasar na naman ni Nigel.“Oh, come on! Shut up!” mahinang sagot ni Kian. Natawa na lang si Nigel.Rinig na nila ang live singer nila na kinakanta ang wedding song nila. Ang lahat ay nakatingin na sa dulo ng aisle. Hinihintay na lumabas si Ayesha. Dahan-dahan na ring iniangat ang kurtina.Kahit na
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ayesha habang nakaharap siya sa salamin. Sinisimulan na siyang ayusan ng mga make-up artist niya. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang ceremony at ilang oras na lang din ang natitira, opisyal na siyang isang Mrs. Villanos.Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gumawa siya ng vow niya para kay Kian pero tila ba mabablangko siya kapag nasa harap niya na si Kian at marami na ang nakikinig sa kaniya.Kinakabahan siya at kahit na pakalmahin niya ang sarili niya, wala pa ring nangyayari. Malakas pa rin ang kabog ng puso niya na halos marinig niya na ang tambol nito.“Are you okay?” napatingin si Ayesha sa salamin para makita ang nasa likod niya. Nasa room niya naman na ang dalawa niyang kaibigan.“Yeah, a little bit nervous.” Sagot niya. Napangiti naman si Kaye at Lalaine.“First time mo eh. Malay mo sa pangalawa, hindi na.” pagbibiro ni Kaye saka ito tumawa.“Mangyayari yun after 10 years. Kapag nirenew namin ang vow namin. At sa tingin k
Diretsong tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha. Tila ba may hinahanap. Gusto niyang marinig ang isang sagot pero nananatili pa ring tahimik si Ayesha. Napayuko si Ayesha, humugot ng malalim na buntong hininga.Hindi pa rin niya alam ang sasabihin dahil kahit anong sabihin niya, pakiramdam niya p
Tulalang nakatingin sa kawalan si Kian habang pinapaikot niya sa mga daliri niya ang hawak niyang ballpen. Mag-iisang linggo na simula nang umamin siya kay Ayesha ng nararamdaman niya pero hindi niya akalain na tatanggihan siya nito.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka niya m
Nasa meeting silang lahat pero tahimik lang si Ayesha. Nakatingin siya sa nagsasalita sa harap habang si Kian, palihim niyang tinitingnan si Ayesha. Alam niyang iniiwasan na siya ni Ayesha. Hindi man lang siya nito lingunin at masyado na rin itong formal sumagot sa kaniya.Mga staff at empleyado la
Sinimulang gawin ni Kian ang mga trabaho niya sa kompanya ng kaniyang ama. Hindi niya akalain na tatambakan siya dito ng maraming gawain. Hindi mahirap ang trabaho niya sa Germany pero kung sabagay, ito ang main branch ng kompanya ng kaniyang ama.Pangarap niya rin ang maging CEO dito at nakuha niy







