INICIAR SESIÓNKilala sa high society ng Pilipinas ang five year relationship nina Nevaeh Solene Dizon at Jeston Stefan Ferrer. Sigurado ang lahat na kasal na ang susunod na mangyayari. Pero sa araw mismo na pipirma na sana sila ng marriage certificate, hindi dumating si Jeston dahil sa adopted sister nito. Doon na napuno si Nevaeh. Nakipaghiwalay siya at piniling talikuran ang lalaking akala niya’y makakasama niya habang-buhay. Ngunit dahil sa isang mapang-asar na phone call, bigla siyang gumawa ng impulsive decision, ang magpakasal sa ibang lalaki. Kay Sven Antonius Ferrer. Si Sven ang kinatatakutang “Prince” ng Philippine Entertainment Industry at ang utak sa likod ng isang malaking financial empire sa ibang bansa. Powerful, Cold, and no one could easily approach him. Pero may isang mas malaking problema… si Sven ang nakatatandang kapatid ng ex-boyfriend ni Nevaeh kaya laking gulat ng lahat nang bigla silang maging mag-asawa. Mas lalo pang nagulat ang mga tao nang makita kung paano tratuhin ni Sven si Nevaeh. Sobra ang pag-aalaga ni Sven kay Nevaeh: pinoprotektahan, inaalagaan, at tinatrato na parang reyna. At nang muli si Nevaeh maliitin ng ex-boyfriend, hindi nagdalawang-isip si Sven na ipagtanggol siya, kahit kapatid pa nito ang kaaway. Doon lang nalaman ni Nevaeh ang totoo: sampung taon na palang may lihim na pagtingin si Sven sa kanya. Ang kasal nila ay hindi aksidente… bahagi ito ng planong matagal na niyang hinihintay. Ngayon na alam na niya ang lahat, tatakbo ba si Nevaeh… o pipiliin niyang mahalin ang lalaking sampung taon na naghintay para sa kanya?
Ver másBiglang pumasok sa isip ni Nevaeh ang isang tao... si Sven.Nandoon din ito noong araw na nalunod siya, kaya posible ring may alam ito tungkol sa tunay na nangyari noon. Ngunit matapos sumagi ang ideyang iyon sa isip niya, agad din niya itong itinaboy.Kung alam ni Sven na hindi si Jeston ang tunay niyang tagapagligtas, bakit hindi nito kailanman sinabi sa kanya?At isa pa, nang magkamalay siya matapos mailigtas noon, si Jeston lamang ang nadatnan niyang nasa tabi niya bago siya dinala sa ospital. Kung si Sven nga ang nagligtas sa kanya, bakit nang bumisita ito sa ospital ay wala man lang itong nabanggit tungkol sa insidente?Habang iniisip iyon, bahagya siyang napailing.“Forget it.”Mas mabuti nang hintayin muna niya ang resulta ng imbestigasyon.Sa ngayon, mas mahalagang tutukan ang mga posibleng lead na mayroon siya. Kung may makapagbibigay sa kanya ng sagot tungkol sa nangyari sampung taon na ang nakalipas, tiyak na mahahanap niya ito sa pamamagitan ng masusing pagsisiyasat
May ibang ibig sabihin ang sinabi ni Sven kaya agad namang namula ang mukha ni Nevaeh.Mabilis niyang hinila pataas ang kumot hanggang kalahati ng kanyang mukha. Tanging ang kanyang medyo antok na mga mata lamang ang nakasilip habang nakatingin kay Sven.“You already knew I'd end up exhausted,” reklamo niya habang nakasimangot nang bahagya. “So why couldn't you show a little self-control?”May halong inis ang kanyang tono, ngunit halatang hindi naman siya seryosong galit.Kapag naaalala niya ang nangyari kagabi, lalo lamang siyang nahihiya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na naging malapit sila sa isa't isa, ngunit hindi pa rin niya maintindihan kung saan nanggagaling ang enerhiya ng lalaking ito.Malapit na itong mag-trenta, ngunit para bang hindi kailanman nauubusan ng lakas.Napangiti si Sven at marahang kinurot ang kanyang ilong.Puno ng lambing ang kanyang mga mata habang nakatingin dito.“Mrs. Ferrer, you don't understand.” Bahagya siyang natawa. “I've been holding back
Kaya noong nasa restaurant pa lamang sila, palihim nang ininom ni Nevaeh ang antidote na espesyal na ipinahanap ni Sven sa napakalaking halaga. Ang gamot na iyon ay kayang pigilan ang epekto ng halos anumang uri ng aphrodisiac o pampainit ng katawan.At gaya ng inaasahan niya, tama ang kanyang hinala.Hindi lamang pala gustong putulin ni Neela ang nararamdaman niya para kay Jeston at ilantad ang mga kasinungalingan nito. May mas madilim pa pala itong balak.Naghanap pa ito ng mga lalaki upang sirain ang kanyang buhay at dangal. Buti na lamang at nakapaghanda siya.Ginamit niya ang plano ni Neela laban dito at tiniyak niyang siya mismo ang mananatiling ligtas. Kung tungkol naman kay Neela, wala itong ibang masisisi kundi ang sarili nito dahil sariling desisyon nito ang nagdala rito sa sitwasyong iyon.Napangiti si Sven habang pinagmamasdan si Nevaeh.“So...” bahagya niyang tanong habang yumuyuko palapit dito. “Do I get a reward?”Dinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Nevaeh. Mal
Agad na huminto si Nevaeh sa paglalakad at dahan-dahang lumingon kay Neela. Nanatiling malamig ang kanyang mukha habang tahimik na hinihintay ang sagot.“Who is he?”Nanginginig na ang buong katawan ni Neela dahil sa epekto ng gamot. Pilit niyang kinokontrol ang sarili kahit halatang hirap na hirap na siya.“I don't know him...” pautal-utal niyang sagot. “I-I really don't know who he is. Ang alam ko lang, siya ang nagligtas sa 'yo noon. After he saved you, may naiwan siyang moon pendant na napulot ni Jeston.”Napakunot ang noo ni Nevaeh.“Then what happened after that?”Mas lalo pang namutla ang mukha ni Neela habang patuloy siyang pinahihirapan ng gamot.“The rest... you already know.” Napasinghap siya habang pilit na humihinga nang maayos. “That's all I know. Please... let me go.”Punong-puno ng takot ang kanyang boses.Totoo mang matagal na niyang gusto si Jeston, hindi niya kailanman inisip na hahantong siya sa ganitong sitwasyon. Kapag tuluyan siyang bumagsak ngayon, wala
Mabilis at tila nawawala sa sarili na humabol si Jeston palabas ng marangyang mansyon.Nang sa wakas ay maabutan niya si Nevaeh sa gilid ng driveway, agad niyang hinawakan ang malamig nitong kamay.Marahas ang kilos niya, pero halatang nag-iingat pa rin siyang masaktan ang dalaga.Pagkatapos, mar
Iyon ang pinakamahinang parte sa pagkatao ni Nevaeh.Kahit gaano pa katindi ang nararamdaman niyang pagkasuklam kay Jeston ngayon, hindi pa rin niya maikakaila ang katotohanan na may malaki siyang utang na loob rito dahil sa pagliligtas nito sa kanyang buhay noong mga bata pa sila.Dahil sa isipin
Sa buong buhay ni Sven, dalawang bagay pa lang ang pinagsisihan niya.Una, yung nangyari limang taon na ang nakalipas.Pangalawa, itong ngayon, na hinayaan niyang maghintay pa hanggang sa umabot sa punto ng pag-cancel ng engagement bago niya ilantad ang relasyon nila.Kung maaga pa lang ay sinabi
Naka-dark suit ang lalaki, seryoso ang mukha at malamig ang mga mata. Ramdam agad ang lakas ng presensya niya, nakakatakot at hindi basta-basta malapitan.Pagpasok pa lang niya, agad nagkagulo ang buong venue.Lahat ng naroon ay mga alumni ng Puerto University, mga kilalang tao sa kani-kanilang la


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñasMás