Share

Chapter 6

Author: Okahel
Biglang uminit ang ulo ni Nevaeh dahil sa panunukso ni Sven. Namula ang buong mukha niya. Kinagat niya nang bahagya ang ibabang labi, saka nag-tiptoe at mabilis na hinalikan ang pisngi nito.

“Okay na ba?”

Pagkatapos ng isang halik, agad na sana siyang aalis.

Pero biglang lumaki nang kaunti ang mga mata ni Sven. Parang unti-unting natunaw ang malamig na ekspresyon sa mga mata niya. Mabilis niyang hinila si Nevaeh pabalik sa dibdib niya.

Isang kamay ang kumapit sa likod ng ulo nito. Yumuko siya at inilapit ang mukha. Ang mainit at basang hininga niya ay dumikit sa pisngi ni Nevaeh, puno ng tukso.

“Isang halik lang?” mababa niyang sabi. “Sa tingin mo sapat na iyon?”

Pagkasabi niya noon, lalo pa niyang ibinaba ang ulo niya.

Halos magdikit na ang manipis niyang labi sa mapula at makintab na labi ni Nevaeh. Halos maghalo ang hininga nila habang magkalapit.

Mainit ang tingin ni Sven. Parang isang hayop na matagal nang naghihintay sa biktima.

Hindi makagalaw si Nevaeh. Napigil niya ang paghinga.

Mainit ang pakiramdam ng pisngi niya at pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa dibdib. Parang hindi siya makahinga. Matagal bago siya tuluyang binitawan ni Sven. Malakas pa rin ang tibok ng puso ni Nevaeh.

May kaunting ulap ang mga mata niya habang nakatingin kay Sven, parang isang maliit na kuting na napagtripan.

Mahina siyang nagtanong. “So… pumayag ka na ba?”

Pinilit kontrolin ni Sven ang emosyon sa mga mata niya. Bahagyang ngumiti ang labi niya.

“Kung request ng wife ko…”

“Of course, I’ll agree.”

Pagkarinig ni Nevaeh, agad niyang iniwas ang tingin at nagmamadaling lumabas ng silid. Pakiramdam niya may kakaibang init sa katawan niya.

Parang may hindi pamilyar na reaksyon ang katawan niya…

Tahimik na pinanood ni Sven ang mabilis niyang pag-alis. Hindi niya napigilang mapatawa nang mahina.

Lalong dumilim ang mga mata niya. Ang babaeng iyon, sa labas ay parang isang wild cat na madaling magalit. Pero sa loob, isa lang si Nevaeh na maamong tupa na madaling matakot.

Ang pagiging matapang niya sa labas ay parang proteksyon lang.

***

Pagkalipas ng dalawang araw, dinala ni Nevaeh si Sven sa bahay ng pamilya Dizon.

“Grandpa.”

Naka light-colored na dress si Nevaeh. Magkadikit ang mga paa niya habang maayos na nakatayo sa harap ni Lolo Mikael.

“Grandpa, siya yung sinasabi ko sa inyo.”

“Si Sven Antonius Ferrer.”

Tiningnan ni Lolo Mikael ang lalaking nasa tabi niya.

Tumango siya nang may kasiyahan.

“Good-looking. Very good.”

Maayos at elegante ang itsura ni Sven. Tahimik pero magalang ang aura niya.

“Grandpa,” sabi niya nang may respeto. “Ito po ang maliit na regalo ko para sa unang pagkikita natin.”

Isa-isang ipinasok ni Victor ang mga regalo at inilapag sa mahabang mesa bago lumabas ulit.

Mabilis na napuno ng mamahaling herbal supplements at mamahaling alak ang mesa.

Halatang pinag-isipan talaga ang mga regalo.

Nakasuot si Lolo Mikael ng dark barong Tagalog. Malakas at masaya ang tawa niya.

“Ngayong kasal na kayo ni Nevaeh, pamilya na tayo. Hindi mo na kailangang maging pormal.”

“Dapat lang po akong gumalang,” mahinahong sagot ni Sven. “Hindi pwedeng mawala ang respeto.”

Sa isang tingin pa lang, alam na ni Lolo Mikael na tama ang naging desisyon ni Nevaeh sa pagkakataong ito.

Noong mga nakaraang taon, malubha ang sakit ng ama ni Nevaeh na si Skyler Dizon.

Nag-aalala siyang baka walang mag-aalaga sa anak niya sa hinaharap.

Kaya ipinagkatiwala niya si Nevaeh sa matagal niyang kaibigan at business partner na siSteven Ferrer.

May balak pa nga silang gawing mas malapit ang relasyon ng dalawang pamilya sa pamamagitan ng kasal.

Noong panahong iyon, labing-walo pa lang si Nevaeh. At doon din nagsimula ang relasyon nila ni Jeston.

Bago mamatay si Skyler Dizon, sinabi niya sa anak na manatili kay Jeston at alagaan ang relasyon nila.

Sa harap pa mismo ni Skyler ay nangako si Jeston. Sinabi nitong aalagaan niya si Nevaeh habang buhay.

Pero hindi inaasahan ng lahat na matutupad pa rin ang kasunduang pag-aasawa ng dalawang pamilya.

Ang kaibahan lang, hindi na si Jeston ang mapapangasawa ni Nevaeh. Kundi ang kuya nito.

Si Sven.

Biglang nagsalita si Lolo Mikael. “Neva, pumunta ka muna sa ancestral hall. Mag-alay ka ng insenso para sa lola mo at sa mga magulang mo.”

“Mag-uusap muna kami ni Sven.”

Napatingin si Nevaeh kay Sven.

Hindi siya agad pumayag. Kilala niya ang lolo niya. Mahilig itong magtanong at minsan nang-aasar pa.

Hindi rin kakaunti ang beses na pinahirapan nito si Jeston sa mga tanong. Dahil doon, natatakot at medyo iniiwasan ni Jeston ang lolo niya.

Sa ilang araw na pagsasama nila ni Sven, napansin ni Nevaeh na kahit minsan matalas ang dila nito, maingat naman itong tao.

Sa tingin niya, isa itong mabuting asawa.

Dahil biglaan lang ang kasal nila, ayaw niyang madamay si Sven sa posibleng pang-iipit ng lolo niya. Napansin ni Lolo Mikael ang pag-aalala niya. Ngumiti ito nang may halong biro.

“Oy, bata ka. Natatakot ka bang pahirapan ko ang asawa mo?”

Biglang namula ang mukha ni Nevaeh. Bahagyang natawa si Sven. Lumapit siya ng kaunti kay Nevaeh at marahang sinabi.

“Okay lang. Mag-uusap lang kami ni Grandpa. Don't worry.”

Doon lang tuluyang tumango si Nevaeh.

Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa memorial hall para magsindi ng kandila

Matapos niyang magsindi ng kandila, kumuha siya ng malinis na panyo at dahan-dahang pinunasan ang picture frame ng kanyang ina.

Mula pagkabata hanggang paglaki niya, minahal at inalagaan siya ng pamilya niya. Laging hinahaplos ng ina niya ang ulo niya habang sinasabi nang may lambing.

“Neva, ikaw ang pinaka mahalagang kayamanan ng pamilya natin. Ang gusto lang namin ay mabuhay ka nang masaya, walang iniintinding problema…”

“Karapat-dapat ka sa lahat ng magagandang bagay sa mundo. Ikaw ang pinakamahalagang kayamanan ng pamilya natin.”

Oo nga…

Mahal na mahal siya ng pamilya niya. Para siyang tunay na kayamanan sa bahay nila.

Pero si Jeston… palagi lang siyang pinapaiyak.

Madalas pa siya nitong maliitin at iparamdam na parang pabigat siya. Naisip tuloy ni Nevaeh na parang naging masama siyang anak.

Kung nakita lang siguro ng mga magulang niya kung paano siya kumilos sa harap ni Jeston, na parang isang maliit na aso na kumakawag ang buntot at nagmamakaawa ng pansin…

Siguradong masasaktan sila nang husto.

Pagkatapos maisip iyon, unti-unting namula ang mga mata ni Nevaeh. Tumulo ang luha niya at pumatak sa picture frame ng nakangiting ina.

“Mom… kasalanan ko…”

“Ang hina ko…”

Yumuko siya at niyakap ang picture ng kanyang ina. Napaupo siya sa sahig habang umiiyak nang malakas. Parang isang batang nawawala.

Dahil matagal siyang hindi bumabalik, nag-alala si Sven. Pinakiusapan niya ang isang katulong na dalhin siya sa memorial hall.

Pagdating niya roon, eksakto niyang nakita ang eksenang iyon.

Narinig niya kung gaano kalakas ang iyak ni Nevaeh. Biglang kumirot ang dibdib niya.

Mabilis siyang lumapit at tinulungan itong tumayo, saka mahigpit na niyakap.

“Hey… tahan na,” marahan niyang sabi. “Don’t cry… please, wag ka nang umiyak.”

Akala ni Sven ay sobrang nami-miss lang ni Nevaeh ang pamilya niya. Kaya lalo siyang naawa. Mahinahon niya itong inalo.

“From now on, ako na ang bahala sa 'yo. I’ll take care of you. Ako na ang papalit sa kanila… aalagaan kita at mamahalin, okay?”

Pero nang marinig iyon ni Nevaeh, lalo lang siyang napaiyak. Mas malakas pa kaysa kanina.

Dahan-dahang ibinalik ni Sven sa dating pwesto ang picture frame, saka muling niyakap si Nevaeh nang mahigpit. May kakaibang pakiramdam sa dibdib niya.

Parang may kulang na parte. Matagal bago napagod sa kakaiyak si Nevaeh.

Nanghina ang katawan niya at napasandal na lang siya kay Sven.

Yumuko si Sven at maingat siyang binuhat palabas ng memorial hall. Diretso silang umalis sa bahay ng Dizon Ancestral Home.

Bago sila tuluyang umalis, sinabihan niya ang mga katulong.

“Please don’t tell Grandpa about what happened earlier.”

Ayaw niyang mag-alala si Lolo Mikael.

*

Sa loob ng sasakyan, unti-unting kumalma si Nevaeh. Namumula pa rin ang ilong at mga mata niya. Halatang kakaiyak lang.

Mahina ang boses niya habang nagsasalita.

“Sven… thank you.”

Nakaupo si Sven sa kaliwang side niya. Malumanay ang tingin nito habang nakatingin sa kanya.

“Kung gusto mo talagang magpasalamat,” sabi niya nang mahinahon, “...then be happy.”

“Just be happy. Iyon ang pinakaimportante.”

Pagkarinig ni Nevaeh sa mga salitang iyon, parang bigla siyang nagising mula sa panaginip.

Noong nakaraan, ibang-iba ang sinabi ni Jeston sa kanya.

“Nevaeh, hindi ka puwedeng laging pinagbibigyan ng lahat. Kailangan mong matutong mag-adjust. Magparaya. Magtiis. Kung hindi, sooner or later maghihiwalay din tayo.”

Tahimik na tumango si Nevaeh.

Sa sandaling iyon, napagtanto niya ang isang bagay. Yung lalaking dati niyang kinatatakutan na si Sven…

Hindi hamak na mas mabuting tao kaysa kay Jeston.

Pagbalik nila sa villa, si Nevaeh ang unang naligo at agad natapos. Habang naliligo si Sven sa banyo, biglang tumunog ang cellphone ni Nevaeh.

Isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Hindi na siya nag-isip nang matagal at agad niyang sinagot ang tawag.

Pagkabukas pa lang ng linya, narinig niya ang galit na boses ni Jeston.

“Nevaeh, tapos ka na ba sa drama mo? Binlock mo ako sa phone. Binlock mo rin ako sa Vîber. Hindi ka pa umuuwi. Ano ba talagang gusto mong mangyari?”

Ilang araw silang walang contact.

Pero nang marinig ni Nevaeh ang boses niya ngayon, agad siyang nakaramdam ng matinding inis.

“Don’t forget, Jeston,” malamig niyang sabi. “Break na tayo. Kung uuwi man ako o hindi, wala ka nang pakialam!”

Sandaling natahimik si Jeston sa kabilang linya.

Dati, kapag nag-aaway sila, hindi umaabot ng ilang oras ang cold war nila.

Kailangan lang niyang suyuin si Nevaeh nang kaunti at mabilis din itong lumalambot. Pero iba ang ugali ni Nevaeh ngayon.

Biglang nakaramdam ng kakaibang kaba si Jeston. Lumambot ang tono ng boses niya.

“Fine, it's my fault. Medyo mali ako noong araw na hindi ako sumipot para pirmahan yung marriage certificate.”

“I’m sorry. Magso-sorry na ako, okay? So can you stop making trouble now?”

Napangiti nang malamig si Nevaeh.

“Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Break na tayo. Stop calling me.”

“Nevaeh, don't be too much!” sigaw ni Jeston sa kabilang linya.

Tinamad na siyang makipagtalo. Iaabot na sana niya ang daliri para ibaba ang tawag pero biglang bumukas ang pinto ng banyo.

Napalingon si Nevaeh sa direksyon ng tunog.

Lumabas si Sven mula sa banyo. Nakabalot lang ng isang puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya.

Kita ang matipunong katawan niya at ang malinaw na hugis ng abs at mermaid line sa tiyan.

Saglit na natulala si Nevaeh. Nakalimutan niyang ibaba ang tawag.

“Kanino galing ang tawag?” tanong ni Sven habang lumalapit.

Bahagyang tumaas ang kilay niya habang sinilip ang screen ng phone, kahit halatang alam na niya ang sagot.

Pero si Nevaeh ay nakatitig pa rin sa dibdib ni Sven. Hindi pa siya nakakabawi sa nakita niya.

Sa kabilang linya naman, narinig ni Jeston ang boses ng isang lalaki.

Parang biglang sumabog ang ulo niya sa galit.

“Nevaeh! May lalaki diyan sa tabi mo? Sino siya?!”

Dahan-dahang kinuha ni Sven ang cellphone mula sa kamay ni Nevaeh.

May malamig na kislap sa mga mata niya.

“Relax,” kalmado niyang sabi sa cellphone. “Huwag kang magmadali. Malalaman mo rin agad kung sino ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Janet
nice stories
goodnovel comment avatar
Arissha Dha
Nice story
goodnovel comment avatar
Mariam Aur Rehman
nice story I interesting
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 232

    Bahagyang kumunot ang noo ni Sven. “Hindi lang iyon ang dahilan,” mababa ang kanyang boses, ngunit hanggang doon na lamang siya at hindi na itinuloy ang sasabihin.Agad namang nainis si Sean. “Hey, don’t leave me hanging. What really happened? Tell me already!” Tumingin si Sven sa kanya nang malamig.“Wala kang kinalaman doon.”“You’re really impossible,” reklamo ni Sean habang napapailing. Pakiramdam niya ay sinadya talaga siyang bitinin. Sasagot pa sana siya nang biglang may marinig silang ingay mula sa loob ng conference room.“Everyone, leave first. May kailangan akong kausapin.”Malamig at puno ng awtoridad ang boses na iyon. Paglingon nila, nakita nila si Dahlia na kakapasok lamang. Maayos ang bihis nito at taglay ang elegante at marangal na tindig ng isang mayamang ginang, ngunit mabigat ang ekspresyon sa kanyang mukha.Wala ni isa sa mga staff ang nangahas sumuway. Bilang asawa ng dating pinuno ng Ferrer family, natural na may bigat pa rin ang bawat salita niya. Isa-isang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 231

    “Little fool.”Mahinang natawa si Sven habang nakatingin kay Nevaeh. May lambing at init sa kanyang mga mata na tila hindi niya na itinago pa.“You haven't changed a bit,” dagdag niya. “You're still the same. Still as stubborn... and sometimes, still a little slow.”Napakurap si Nevaeh.Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang komentong iyon kaya napasinghal na lamang siya.“Whatever.”Kahit ganoon ang sagot niya, hindi niya maikakaila ang kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Parang may matamis na bagay na dahan-dahang kumakalat sa kanyang puso, nag-iiwan ng init na hindi niya maipaliwanag.Simple lamang ang usapan nila, ngunit puno iyon ng gaan at kasiyahang matagal na niyang hindi naramdaman.Habang iniisip niya iyon, bigla niyang napagtanto ang isang bagay.Sa limang taon niyang kasama si Jeston noon, hindi niya kailanman naranasan ang ganitong uri ng kaligayahan.Hindi siya madalas ngumiti. Hindi siya madaling kiligin. At mas lalong hindi niya naranasang maging

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 230

    “If you want, we can just register our marriage on my birthday instead. It would be more meaningful, don't you think?”Nang mabanggit ni Jeston ang birthday niya, saka lamang may naalala si Nevaeh.Ang araw pagkatapos ng birthday ni Sven ay birthday naman ni Jeston.Dati, kabisadong-kabisado niya ang bawat importanteng petsang may kinalaman sa lalaki. Mula sa kaarawan nito hanggang sa maliliit na anibersaryong siya lamang ang nakakaalala. Ngunit ngayon, kung hindi pa ito mismo ang nagbanggit, muntik na niya talagang makalimutan ang birthday nito.Marahil dahil matagal nang namatay ang damdaming minsan niyang inalagaan nang buong puso.“Not necessary,” kalmadong sagot ni Nevaeh.Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita.“And besides, I'm not that desperate to marry you. After all, I'm already married.”Tahimik ang kabilang linya sa loob ng ilang segundo.Pagkatapos ay napatawa si Jeston, ngunit ang tawang iyon ay mapakla at puno ng paniniwalang hindi siya nagsasabi ng totoo

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 229

    “Next month, on my birthday.”Walang pag-aalinlangang sagot ni Sven.Bahagyang natigilan si Nevaeh nang maalala ang petsang nakita niya sa kanilang marriage certificate. Wala pang dalawampung araw ang natitira bago dumating ang araw na iyon.Hindi niya inakalang ganoon kabilis kikilos si Sven.Lalo na nang mapagtanto niyang pinili nito ang isang napakaespesyal na araw para sa kanilang pag-aanunsyo. Para bang gusto nitong sabihin sa buong mundo kung gaano kahalaga ang taong nasa tabi niya.Si Sven ay isa sa mga pinakakilalang tagapagmana sa Pilipinas... makapangyarihan, maimpluwensiya, at kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan.Dahil dito, napakaraming negosyante, celebrity, at kilalang personalidad ang naghihintay ng pagkakataong makadalo sa kanyang mga pagtitipon. Halos lahat ng event na may kaugnayan sa kanya ay nagiging sentro ng usapan sa kanilang social circle.Kaya naman sigurado si Nevaeh na ang birthday party nito ay magiging engrande.At sa gabing iyon, siya ang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 228

    Bahagyang nagulat si Sven at napatigil habang nakayuko at nakatingin kay Nevaeh. May kakaibang kislap na dumaan sa kanyang madidilim na mga mata bago bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi.“Hmm?” mahina niyang tanong. “Are you worried that other people will find out?”Umiling si Nevaeh habang nakasandal pa rin sa dibdib ng lalaki. Nang bahagya siyang tumingala, ang kanyang malambot na paghinga ay dumampi sa baba ni Sven.“Not really,” mahinahon niyang sagot. “Iniisip ko lang kung kailan natin balak mag-public.”Kaswal man ang kanyang tono, maingat niyang inoobserbahan ang reaksyon ng lalaki. Gusto niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman nito tungkol sa bagay na iyon.Sandaling natahimik si Sven.Pagkatapos ay bahagya siyang umatras upang makita nang malinaw ang mukha ni Nevaeh. Nagtagpo ang kanilang mga mata... malalim, tahimik, at puno ng mga damdaming hindi na kailangang sabihin pa.“You want to go public now?” mababa niyang tanong.Halos hindi mabasa ang ekspres

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 227

    Lumapit si Nevaeh at bahagyang naamoy ang alak na kumapit sa katawan ni Sven. Dahil dito, kusang napakunot ang kanyang noo. Kahit hindi naman gaanong malakas ang amoy, sapat na iyon upang malaman niyang hindi kakaunti ang nainom ng lalaki.“Sa guest room ka na lang matutulog ngayong gabi,” seryoso niyang sabi.Tatalikod na sana siya, ngunit bago pa man siya makalayo, biglang hinawakan ni Sven ang kanyang pulso. Sa isang mabilis ngunit maingat na galaw, nahila siya nito papalapit hanggang sa napasandal siya sa malapad at mainit nitong dibdib.Napasinghap si Nevaeh.Agad siyang binalot ng amoy ng red wine na humalo sa pamilyar na mint scent ni Sven... isang samyong nakakabighani, nakakalito, at higit sa lahat, nakakapagpabilis ng tibok ng puso.“Okay lang naman sa guest room,” bulong ni Sven.Bumaba ang malalim at bahagyang mapaglarong boses nito mula sa itaas ng kanyang ulo. Bahagya pa itong yumuko upang mapalapit sa kanya.“As long as you'll stay with me.” Bahagyang sumilay ang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 138

    Hindi na siya muli naging isang tao na basta na lamang iniiwan at pinababayaan ng kahit na sino.…Sa headquarters ng Ferrer Group, partikular sa loob mismo ng opisina ng presidente.Nakatayo si Assistant Victor sa harap ng malaking desk habang seryoso at pormal na nagre-report tungkol sa mga hul

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 133

    “Hmm, nahuli mo rin.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Sven habang nakatingin diretso kay Nevaeh.Madilim ang mga mata nito pero walang kahit anong pag-iwas sa tingin niya.“Hindi naman sobrang late ang pagkakadiskubre mo. Hindi ka rin gaanong bobo. May pag-asa pa.”Biglang bumilis ang tib

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 128

    Una, nilagyan si Nevaeh ng gamot para piliting may mangyari sa kanila at gawing parang “tapos na ang lahat kaya kailangan nang panindigan ang lahat.”Tapos ngayon naman, sinadya pang magpasok ng mga lasing para guluhin siya bago kunwaring sumulpot bilang hero.Sobrang baluktot ng utak. Wala nang l

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 126

    Napatingin muli si Nevaeh kay Sven.“Kung si Jayden Javier hinahanap si Samson Lualhati…” curious niyang tanong, “ikaw, hindi mo ba hahanapin?”Bahagyang tinaas ni Sven ang kilay. Madilim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.“Hmm?” Mahina itong natawa. “Sa tingin mo ba, dapat ko siyang hanapi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status