MasukSimpleng dalagang kolehiyala ngunit nagbago ang buhay ng mapagkamalang siya ang asawa ng isang bilyonaryo, naging daan upang malaman ang tunay niyang pagkatao at naging dahilan upang magbago ang kanyang kapalaran na siyang hindi niya inaasahan.
Lihat lebih banyakSAPO ang aking ulo at unti-unting idinilat ang mga mata. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagtantong hindi pamilyar sa akin ang naturang kwartong kinaroroonan.
Lihim akong nagpasalamat dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa aking buong katawan, so far and so good ay kompleto pa naman ako. "Where am I?" Nagmamadaling bumalikwas ako ng bangon at lumabas ng naturang kwarto. Halos mabingi sa malakas na pagtibok ng aking puso. "Good day, Ma'am Lavinia!" Kumunot ang aking noo nang marinig ang sinabi ng naka-itim na lalaki. "Hindi ako si Lavinia, sino ka?" Takang-tanong ko. Nagsimulang bumundol ang kaba sa aking puso. Nasaan nga ba ako? Napansin kong sumenyas ang lalaki at walang-sabing lumapit sa akin ang tatlo pang lalaki na tulad niya ay nakasuot ng itim na suit. Pagdakay walang-sabing hinawakan ang magkabila kong braso. "Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko. "Pasensiya na po pero kailangan naming sundin ang utos ng asawa niyo." Sumilay ang mapanudyong ngiti sa aking mga labi. "Excuse me, wala pa akong asawa, nababaliw na ba kayo?" "Mommy please..." Napasulyap ako sa isang batang lalaki na ngayon ko lamang napansin. Mas lalo lang akong nalito. Mommy? Kailan pa ako naging mommy? Ako, may anak na? "Ma'am, alang-alang man lamang po sa anak niyong si Adam. Sumama po siya sa amin dahil gustung-gusto ka po niyang makita." "Adam, anak ko siya?" nagtatakang-taning ko at pilit na inaalala kung sino si Adam. Pero wala akong maalalang may anak ako. Ang alam ko'y single ako. Isang dalagang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo para makatulong sa aking mga magulang. "Pakiusap, baka nagkamali lang po kayo. Pwede niyong i-check ang ilang records ko. Hindi ako ang ina ng batang 'yan. Isa pa, single ako at ni sa buong-buhay ko hindi ko pa naranasan na magkaro'n nang anak." "Ma'am, imposible po iyang sinasabi niyo. Sige na po, maawa kayo sa amin. Kami po ang kawawa lalo na at sumama pa sa amin si Adam. Tiyak na malilintikan na talaga kami nito ni Mr. Walton." "No!" Sigaw ko. Inipon ko ang aking buong-lakas at marahas na bumitaw sa mga ito. Pero sa malas ay agad pa rin akong nahawakan no'ng isa at tinakpan ang aking ilong ng panyo dahilan para dahan-dahan akong mahilo dahil sa amoy niyo'n, hanggang sa magdilim ang aking paningin. Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Awtomatikong nagulat ako nang makita ang luhaang batang lalaki. He expressed his delight at seeing me again, but I could see a deep sense of sadness in his eyes. Nakaramdam ako ng labis na pagkahabag sa batang nasa harapan ko. Saka rumehistro sa aking isipan ang nangyari kanina. Kagagaling ko lang sa paaralan ng may biglang humarang sa aking dinaraanan. Puro mga naka-itim na lalaki. "I'm so sorry, but I'm not your Mommy," sagot ko sa batang lalaki. Pero hindi ko man lamang ito nakitaan nang pagkagulat. Bagkus ay niyakap ako nito ng mahigpit at umiyak ito sa aking dibdib. "Please stay mom..." Parang pinipiga ang aking puso. Kung gano'n, don't tell me may kamukha ako? Hindi kaya, may kakambal ako? Dahil sa sobrang awa ko para sa batang lumuluha, niyakap ko ito ng buong-higpit. "Shhhh... stop crying," pag-aalo ko rito. "Please promise me that you won't leave us, mom." Paano ko nga ba maipapaliwanag dito ang nais kong sabihin. Kailangan kong makausap ang ama ng batang ito. Baka sakaling maniwala iyon sa akin. "May I know where your dad is?" tanong ko rito. "He is busy with work." "Could you please lend me your ear? I want to assure you that I am not your mother. By any chance, do you have any photographs of your mother? I would be delighted to have a glimpse of her pictures." "Yes, just wait a minute," malungkot na tugon sa akin ni Adam. Kailangan kong sabihin dito ang katotohanan. Hindi pwedeng ganito dahil umaasa sa akin ang ina at kapatid ko. Nasundan ko na lamang ng tingin si Adam. Mula sa aking kama ay bumaba ito at nilapitan ang isang frame. Dinampot niya iyon at dinala sa akin. "Here, it's us." Halos tumalon ang puso ko sa sobrang pagtataka. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Inabot sa akin ni Adam ang frame. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang babaeng talagang kamukhang-kamukha ko. "Imposible," ani ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang frame. "What do you mean, Mom?" Nakikita ko ang kakaibang ningning sa mga mata ng lalaki na nasa larawan lalo na ang matingkad nitong ngiti. Maliban sa babaeng kasama nito sa larawan, makikita na hindi masaya ang naturang babae at halatang napipilitan lang. Kapwa kami nagulat ni Adam ng biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan. Nakatayo sa harapan ko ang lalaking nasa frame na ngayo'y hawak-hawak ko. Napalunok ako nang masilayan siya ng personal. Mas hot siya ngayon kaysa noon. Halos mabingi ako sa malakas na pagtibōk nang aking puso. His mere presence takes my breath away, leaving me captivated and unable to look away. There's an undeniable air of seriousness that surrounds him, making me feel a mix of reverence and anticipation. His confident demeanor exudes an aura of arrogance, adding an intriguing edge to his character. As I lock eyes with him, I can feel the intensity radiating from his gaze, sending shivers down my spine. Yet, there's also a hint of aloofness, a coldness that keeps me on my toes, yearning to unravel the hotness that he is. His commanding presence and magnetic allure make it impossible to resist being drawn into his world. "Daddy!" Narinig kong bulalas ni Adam. "Mommy is back!" Natameme ako sa lalaking nasilayan nang aking mga mata. Sa buong-buhay ko ngayon lang ako nakakita ng perpektong imahe ng isang lalaki, na dati ay akala ko noon ay sa mga nobela ko lamang nababasa. Hindi ko akalaing meron din pala sa totoong buhay. Gamit ang matipunong braso ng lalaki. Walang-hirap nitong kinarga si Adam. Hindi ko kayang titigan ang mga mata nitong tila nang-uuyam. "Dad, don't you feel happy that mommy is here with us?" tanong ni Adam dito. "Yaya, could you please take Adam to his playroom for a moment?" "Y—Yes, sir," nautal na sagot nang Yaya. Mula sa lalaki ay kinuha ng Yaya nito si Adam. Agad namang sumama si Adam sa Yaya nito. "Don't hate her again, daddy. Please I beg you..." Narinig kong pagmamakaawa ni Adam sa ama nito. Hindi pinansin ng lalaki ang sinabi nang anak. Pinukol ako nito ng isang nag-aalab na tingin. Binundol nang matinding kaba ang aking puso. Napalunok ako. Narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Halos hindi ako makahinga sa mabilis na pagtibōk nang aking puso. "Who are you?" Sa wakas ay tanong ko rito. "Lavinia, don't manipulate me. I can never find it in my heart to forgive you for your acts of betrayal," sarkastikong tugon nito sa akin kasabay ng marahas nitong paghila sa aking kabilang braso dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "Hindi ako si Lavinia, you bastàrd! Batid kong makapangyarihang tao ka. Alamin mo muna kung ako nga ang nagtaksil mong asawa bago mo ako saktan," mahina pero may diing sagot ko sa gàlit na lalaki. Inis na pumiksi ako mula sa pagkakahawak nito. Kitang-kita ko ang labis na galit sa anyo nito. Galit at poot ang nakikita ko sa mga mata nito. Pagdakay, biglang tumaas ang sulok ng labi nito at walang-sabing hinila nito ang aking dalawa paa saka ito kumubabaw sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito. At dahil sa matinding takot at kaba, isang malakas na pagtuhod sa bandang gitna ng hita nito ang ginawa ko dahilan para mapahiyaw ito ng malakas. Isang malutong na mura ang narinig ko mula sa bibig nito. Dali-daling tumayo ako mula sa kama at mabilis na lumabas nang naturang silid. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito? For pete's sake hindi ako si Lavinia.—Ares POV"Ano'ng balak mo ngayon, Lavinia?" Ngayon ko lang napansin ang pagkakaiba nina Cally at Lavinia. Si Lavinia na seryoso ang awra at si Cally na may masiglang awra. Napansin kong malaki ang tila pangangayayat nito. May sakit ba ito o kaya'y dinaramdam at hindi lang sinabi? "Kailangan munang makatapos si Cally sa kurso niyang Bachelor of Science in Office Administration (BSOA)." "Pwede naman siyang mag-aral dito pero bakit sa US pa?" "Because she deserves it. Lalo na at isa siyang heredera ng pamilya Alegre. Here, siguro naman masaya ka na sa annulment na matagal mong nais na makamit?" "Of course," may diin kong sagot. Tinanggap ko ang white folder. "I have to go, pupuntahan ko pa si Adam," aniya. Nang bigla itong huminto sabay sapo ng sariling sentido. "Are you, okay?" takang-tanong ko."I'm fine, nahilo lang." Kumunot ang aking noo nang mapansin kong namumutla si Lavinia. "Dàmn, you look so pale, Lavinia. Sigurado ka ba talagang okay ka lang?" Maagap na inalalayan ko i
Hindi ako pabor sa sinasabi ni Micah na evil plan ang ginawa ng kapatid ko. Dahil kung tutuusin inaalagaan pa nga ni Lavinia ang mga kinikilala kong magulang kasama ang kapatid kong si Carl.Speaking of my brother Carl, muntik ko na itong makalimutan, paano ba naman kasi kung umuwi dati sa bahay namin sa Tondo ay isang beses lang sa buong pintong araw. Take note, every Friday pa para manghingi lang sa akin ng pera. Ang mali lang naman ni Lavinia ay ang paraan na pakikipagpalit nito sa akin without my permission, sabagay kung kakausapin pa niya ako ay siguradong hindi rin naman ako papayag kaya siya na ang gumawa ng hakbang.Gusto ko sanang makausap ang kapatid kong iyon pero mukhang malabo lalo na at narito ako sa ibang panig ng mundo."Hinanap ba ako ng mga magulang ko, Micah?" tanong ko. Hindi ko napigilan ang tila malungkot at nalulumbay kong puso. Sa sobrang tagal ng panahon ay natagpuan ako ni Lavinia pero sa hindi magandang sitwasyon. "Oo naman, si Lavinia ang inutusan ng mga
Napaigtad ako nang muling tumunog ang aking cellphone. Sinilip kong muli, si Ares na naman ang tumawag. "Hindi ko kayang kausapin ka sa ngayon, Ares," ani ko na parang timang habang kinakausap ang sarili. Sigurado akong manginginig ang aking boses. Hanggang sa natapos ang pagtunog ay hindi ko parin sinagot ang tawag ni Ares. Nag-isip kaagad ako ng tamang excuse kung bakit hindi ko sinagot ang tawag nito. Muli, pumikit ako para i-relax ang nabuhay kong sistema. Ano'ng ibig sabihin ng pakiramdam na ito? Dinampot ko ang malamig na lemonade at ininom kasabay ng pagdilat ng aking mga mata. Binuksan ko ang flat screen TV. "Manang, pwede mo ba akong gawan ng breakfast?" utos ko."Sige po, ma'am.""Salamat."Napaisip ako kung saang paaralan ako mag-aaral gayong hindi ko pa kabisado ang malawak na lugar ng US. Saka ko naalala si Carl, hindi ba kolehiyo na rin ito? Isang taon lang naman ang agwat namin."Ate, Cally?!" Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Carl. "Carl!" bulalas
"Salamat sa Dios dahil kay Lavinia. Alam mo bang sobrang alagang-alaga kami rito ng kapatid mo, Cally?" tugon ni Itay sa akin."Nagpapasalamat naman ako sa Dios kung gano'n, tay," sagot ko. Pansin kong pumuti ang balat ni Itay at tumaba na rin ito. Si Inay na dati ay wala ng buhok ay may konting buhok na."Alam mo bang malapit na akong gumaling sa sakit kong ito? Hulog talaga ng langit si Lavinia. Balita ko ay pinapaaral ka raw niya ro'n at dito ka na raw magtutuloy dahil namimiss mo raw kami," nakangiting ani ni inay sa akin. Masasabi kong sa mga kasinungalingan ni Lavinia ay may hatid na magandang resulta sa parte ng aking mga magulang, pero sa parte ko at parte nito ay puro na lamang kasinungalingan na hindi ko masasabing tama. Sabihin ng malaki ang utang na loob ko kay Lavinia pero hindi ako papayag na gagamitin niya ang mga mabuting nagawa niya sa mga magulang ko para pagtakpan ang kanyang walang kawalanghiyaan na ginawa nito sa akin. "Tay, nay, nagsinungaling po si Lavinia sa
"Hindi ako ang dapat pagsabihan mo niya'n kundi ang totoong may sala," inis kong sagot at tinalikuran na lamang si Micah. "Mommy!" tawag ni Adam sa akin. Napalingon ako sa kanya at ngumiti. "Diyan ka na muna kay Tita Micah mo, Adam. Please, kindly accompany here dahil wala akong nais i-kwento sa
"Please... maniwala ka naman sa akin, ako si Cally at hindi si Lavinia."Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ms. Tan. Pagdakay pinakatitigan ako ng maigi. "Hindi ko alam kung ano na namang paandar mo, Lav. Pwede bang tumigil ka na?""Hindi nga ako si Lavinia. Ako si Cally Janeiro," muling
Maraming gumugulo sa aking isipan pero nalilito ako kung bakit nangyari sa akin ang pangyayaring ito. Malakas ang kutob kong may kinalaman si Lavinia sa nangyari sa akin. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito. Kailangan kong makauwi sa bahay. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa aking mg
WALA sa television ang aking atensyon kundi nahulog sa malalim na pag-iisip. Dumating sa akin ang balita na ibang-iba raw ngayon ang aking asawa na si Lavinia. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamao. Alam kong ginawa na naman akong gagó ng babaeng iyon. Hindi ako papayag na manipulahin












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.