INICIAR SESIÓNSOLANA'S POV
"Mommy?" mahinang tawag ni Mateo. Pinilit kong ngumiti. "Hm?" "Bakit po parang galit kayo?" Hindi ako agad nakasagot. Dahil hindi naman galit ang nararamdaman ko kundi takot. "Nothing, baby." Pagdating namin sa ospital ay agad kaming sinalubong ng mga bodyguards ng Daddy. Mabilis kaming pinapasok sa private wing ng hospital. Tahimik ang buong hallway. Nang makarating kami sa silid ay agad akong napahinto. Nandoon si Daddy. Nakahiga. Nakapikit. Nakakabit ang iba't ibang tubo sa katawan niya. At kahit ilang araw ko na siyang nakikitang ganon pero hindi pa rin ako nasasanay. "Dad..." mahinang usal ko. Lumapit si Mateo sa kama. "Lolo Dad?" Walang sagot. Nakita kong bahagyang nalungkot ang anak ko. Kaya lumapit ako at hinaplos ang buhok niya. "Natutulog pa si Lolo Dad." Tumango naman siya. Pagkatapos ay inilapag niya ang dala niyang maliit na laruan sa tabi ng kama. "So he won't be lonely." At sa simpleng sinabi niyang iyon ay parang may pumisil sa puso ko. Lumipas ang halos isang oras. Abala si Mateo sa paglalaro sa couch habang tahimik naman akong nakaupo sa tabi ng kama ni Daddy. Nakatingin lang ako sa kanya. "Dad..." bulong ko habang hinahawakan ang malamig niyang kamay. "Mommy?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at nilingon si Mateo. Nakatayo ito sa tabi ko. Nakakunot-noo. "Why are you crying?" Napangiti ako nang pilit. "I'm okay." Hindi siya naniwala. Hindi rin naman kasi magaling magsinungaling ang isang ina sa sariling anak. Kaya lumapit siya at niyakap ang bewang ko. Mahigpit. Napakahigpit. At sa sandaling iyon ay gusto ko na lamang umiyak nang tuluyan. "Don't cry, Mommy." Napapikit ako. "You're the strongest person I know." Tuluyan nang bumagsak ang isa pang luha ko. Dahil hindi alam ng anak ko na sa mga sandaling ito... Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang lahat ng pader na itinayo ko sa loob ng limang taon. At ang mas nakakatakot? Hindi ko sigurado kung hanggang kailan ko pa kayang itago kay Kenjie ang katotohanan. ~~~~~~~ Pagdating ni Mommy sa ospital ay saka lang ako nakahinga nang kaunti. "Go home and rest," mariin niyang sabi habang nakaupo sa tabi ng kama ni Daddy. "Mom—" "Solana." Isang tingin lang niya ay alam ko nang wala nang saysay ang pakikipagtalo. Kaya pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan na rin akong umalis. Mahimbing nang natutulog si Mateo sa mga bisig ko. Nakapulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ko habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Tahimik ang hallway. Tanging tunog lamang ng sapatos ko sa sahig ang maririnig. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang umuwi at matulog kasama ang anak ko. Nasa elevator na ako nang bumukas ang pinto nito sa ground floor. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng lobby. Diretso sa parking area. Hindi ko napansin kung gaano ako kalalim mag-isip hanggang sa... "Solana?" Bigla akong napahinto. Nanigas ang buong katawan ko. Hindi dahil hindi ko nakilala ang boses. Kundi dahil kilalang-kilala ko iyon. "Aiden." Napasinghap siya. Parang hindi makapaniwalang nakita niya talaga ako. "God..." Napailing siya habang nakatitig sa akin. "It's really you." Wala akong maramdaman. Parang matagal nang namatay ang lahat ng emosyon ko para sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko. Bahagya siyang napatingin sa hospital building. "My father is confined here." Tumango lang ako. At pagkatapos noon ay wala nang sumunod na salita. Limang taon mula nang mahuli ko siyang nakikipagtalik sa bestfriend ko. At simula noon ay siniguro ko na hindi na muli ako magkakaroon ng koneksyon sa kahit sino sa kanilang dalawa. Hindi ko na siya kinausap. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. At wala rin naman akong balak. Dahil wala nang dapat pag-usapan pa. Ngunit mukhang iba ang plano ng tadhana. Dahil napunta ang tingin niya kay Mateo. Nakatulog pa rin ito sa balikat ko. At doon ko nakita ang pagbabago ng ekspresyon ni Aiden. Mula sa pagkagulat. Patungo sa pagkalito. Hanggang sa tuluyang panlalaki ng mga mata. "Your son?" halos bulong niya. Humigpit ang hawak ko kay Mateo. "Yes." Hindi ko alam kung bakit. Pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil kinakabahan ako para sa sarili ko. Kundi dahil alam kong darating ang susunod niyang tanong. At hindi nga ako nagkamali. "He's..." Natigilan siya. Parang may kinakalkula sa isip niya. "Five?" Hindi ako sumagot agad. Pero sapat na yata ang katahimikan ko. Dahil kitang-kita ko kung paano nawala ang kulay sa mukha niya. Five years ago. Five-year-old child. Lahat iyon ay nagsimulang magsama-sama sa isip niya. "Ano..." paos niyang sabi. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Malamig ko siyang tiningnan. "Wala itong ibig sabihin." "Solana." "Aiden." Mababa ang boses ko. Babala. Ngunit hindi siya tumigil. Sa halip ay lalo siyang lumapit. "Is he mine?" "He's not yours. Walang nangyari sa ating dalawa kaya hindi siya magiging sa'yo.." mariing sambit ko. Huminga ako ng malalim at akmang tatalikuran siya pero halos nabitawan ko ang anak ko nang bigla niya akong hinawakan. "You created on me?" bulalas niya bigla na ikinalaglag ng panga ko. Really? Siya ang nagloko tapos itatanong niya iyon sa akin? G*go ba siya? "Let go of me, Aiden. I never cheated on you...it was you who cheated on me--" "Then whose son is he?" Hindi ako sumagot. "WHOSE?!" sigaw niya. "It doesn't concern you anymore." "Stop f*cking lying!" he yelled and Mateo woke up because of it. "M-Mommy..." mahinang usal niya at agad akong naalarma ng marinig ko ang bahid ng takot sa boses niya. Pilit kong iwinaksi ang kamay ni Aiden na nakahawak sa akin hanggang sa nagtagumpay ako. Tumalikod ako kay Aiden at mabilis na lumapit sa kotse na ginamit ko at ipinasok siya sa loob ng kotse at ini-lock iyon. "MOMMY!!" my son screamed as he tries to open the door. "C-Call, Mr Bodyguard," utos ko sa kanya at pagkatapos ko iyong sabihin ay umikot ako paharap kay Aiden ngunit agad akong napaatras ng mahawakan niya ang leeg ko at mahigpit akong sinakal. "Nasira ang pangalan ko dahil sa'yo. Tapos malalaman ko na may anak ka sa iba? NILOKO MO'KO!!!" Hindi na ako makahinga habang paulit-ulit na hinahampas ang kamay niyang nasa leeg ko. "Sinira mo ang buhay ko. Ang career ko kaya ngayon sisirain ko ang mukha mo. Sisiguraduhin kong hindi kana magugustuhan ng mga fans mo!"SOLANA'S POV The night arrived quietly. Pagkatapos ng hapunan ay isa-isang nagsibalikan sa kani-kanilang silid ang production staff. May iba namang nagtipon sa hotel lounge para uminom. Samantalang ako...tahimik na lumabas ng hotel. May hawak akong isang bote ng beer habang dahan-dahang naglalakad patungo sa dalampasigan. Humampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Kasabay ng banayad na ingay ng mga alon. Ito ang isa sa mga bagay na pinakagusto ko sa Batanes. Tahimik. Mapayapa.Para bang walang kahit anong problema na hinaharap sa mundo. Humigop ako ng kaunti sa beer bago muling naglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na naman ang mabibigat na yabag na nagmumula sa likuran ko. Napailing ako. Hindi ko na kailangang lumingon. Alam ko na agad kung sino iyon. "Alam mo..." panimula ko habang nakatanaw pa rin sa dagat. "Hindi ka ba napapagod kakasunod sa'kin?" Tahimik lang ang nasa likuran ko. Makalipas ang ilang segundo saka ko narinig ang malam
SOLANA'S POV The flight to Batanes took a little over two hours. Paglabas pa lamang namin ng airport ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Napapikit ako habang marahang hinihigop ang sariwang simoy ng hangin. I missed this. Hindi ito ang unang beses na pumunta ako rito para sa isang project, pero sa tuwing bumabalik ako ay parang may kakaibang kapayapaan pa ring hatid ang lugar. "Ms. Sevilla." Nilingon ko si Kenjie. Nakatayo siya sa tabi ko habang tahimik na sinusuri ang paligid. And behind him stood the other two bodyguards my father had assigned for this trip. Pare-pareho silang seryoso. "Vehicle secured," maikling ulat niya. Tumango ako. "Let's go." Makalipas ang halos tatlumpung minuto... Huminto ang convoy sa isang five-star hotel na nakaharap sa dagat. Napangiti ako nang makita ang tanawin. The ocean stretched endlessly beneath the clear blue sky. Beautiful. "So pretty..." bulong ko sa sarili. Hindi ko namalayang may nakatingin pala sa akin. "Ms. Sev
SOLANA'S POV *One Week Later..* Unti-unti ring bumalik sa normal ang lahat. At ngayon ay halos nawala na ang pasa sa leeg ko. Nakabalik na ako sa trabaho. Naituloy rin ni Daddy ang pagpapagamot niya matapos siyang piliting manatili sa ospital ng doktor. Pero... May isang bagay na hindi na muling bumalik sa dati. Ang seguridad ko. Sa kagustuhan ni Daddy na hindi na maulit ang nangyari sa ospital, halos doble ang dami ng mga bodyguards na nakatalaga sa paligid ko. May dalawa sa gate. May dalawa sa labas ng bahay. May tatlo sa convoy. At siyempre... May isang lalaking hindi na halos humihiwalay sa tabi ko. Kenjie Hanagata. Tahimik pa rin. Palaging seryoso. At nakakainis pa rin. Hindi ko alam kung bakit, pero simula noong nangyari ang insidente kay Aiden ay mas naging mapagmatyag siya. Bawat pupuntahan ko, nauuna na niyang inspeksyunin. Kapag may lalapit sa akin, awtomatiko siyang humaharang. Minsan nga, pakiramdam ko pati hangin ay gusto niyang i-backg
KENJIE'S POV Tahimik akong nakatayo sa may sala habang nakatanaw sa hardin. Makalipas ang halos tatlumpung minuto mula nang makauwi kami galing ospital, nanatili pa ring mabigat ang pakiramdam ng buong mansyon. Sa ikalawang palapag... Naroon si Solana. Kasama ang doktor at dalawang nurse. Pinapahiran nila ng ointment ang namumulang marka sa kanyang leeg. Habang sa kabilang bahagi naman ng bahay ay naririnig ko ang galit na galit na boses ni Mr Sevilla. "...HOW THE HELL DID THIS HAPPEN?!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Mr. Sevilla. Halatang kagagaling lang nito sa ospital matapos magising. Pilit siyang pinapakalma ng kanyang asawa at ng personal physician niya. "I HIRED BODYGUARDS TO PROTECT MY DAUGHTER!" "Sir, please calm down. Hindi pa po kayo puwedeng ma-stress—" "How can I stay calm?!" sigaw niyang muli. Napapikit ako dahil alam kong isa ako sa may kasalanan. Kung hindi ako natagalan sa pagsunod sa kanila ay hindi na sana ito nangyari. "Mr. Bodyguar
SOLANA'S POV My vision blurred. I clawed desperately at Aiden's wrist, but his grip only tightened around my neck. I couldn't breathe. "M-Mommy!" Mateo's terrified cries echoed from inside the locked SUV. Every scream shattered my heart. "A-Aiden..." nahihirapang saad ko habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko. His eyes were wild. Filled with hatred. "You ruined everything!" sigaw niya. "You made me lose my career! My fans! My reputation! Isinapubliko mong naghiwalay tayo dahil niloko kita tapos ngayon malalaman ko na may anak ka at hindi ako ang ama?! T*ngina!!!" "I... didn't..." my voice barely came out. "You deserve this! Dapat noon ko pa ito ginawa! I should've just k*lled you that night!!" muling sigaw niya at lalong dumilim ang paningin ko dahul hindi na ako makahinga. Dark spots slowly clouded my vision. Not in front of my son. Please... Not in front of Mateo... Then...a powerful force slammed into Aiden. His hand was ri
SOLANA'S POV "Mommy?" mahinang tawag ni Mateo. Pinilit kong ngumiti. "Hm?" "Bakit po parang galit kayo?" Hindi ako agad nakasagot. Dahil hindi naman galit ang nararamdaman ko kundi takot. "Nothing, baby." Pagdating namin sa ospital ay agad kaming sinalubong ng mga bodyguards ng Daddy. Mabilis kaming pinapasok sa private wing ng hospital. Tahimik ang buong hallway. Nang makarating kami sa silid ay agad akong napahinto. Nandoon si Daddy. Nakahiga. Nakapikit. Nakakabit ang iba't ibang tubo sa katawan niya. At kahit ilang araw ko na siyang nakikitang ganon pero hindi pa rin ako nasasanay. "Dad..." mahinang usal ko. Lumapit si Mateo sa kama. "Lolo Dad?" Walang sagot. Nakita kong bahagyang nalungkot ang anak ko. Kaya lumapit ako at hinaplos ang buhok niya. "Natutulog pa si Lolo Dad." Tumango naman siya. Pagkatapos ay inilapag niya ang dala niyang maliit na laruan sa tabi ng kama. "So he won't be lonely." At sa simpleng sinabi niyang iyon ay







