LOGINMarami na akong naiisip noong pinirmahan ko ang kontrata.
Paano na ako?
Ano na ang magiging buhay ko sa bahay ni Mr. Belmonte?
Masikip ba ang silid na uukupahan ko?
Matigas ang kama?O, matutulog ako kasama ang ibang katulong?Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko habang tanaw ang tahanan ni Marc.
Isang mansyon sa loob ng mataas na pader, para bang hindi ito kabilang sa lungsod na kinalakihan ko.
Ang paligid, masyadong malinis, masyadong tahimik na kahit ang hangin, amoy mamahalin.
Bumaba ako ng sasakyan, bitbit ang kaisa-isang bag na dala ko.
Agad akong sinalubong ng isang babaeng nasa kwarenta na, tuwid na tuwid ang tindig, matalas ang mga mata. “I’m Mrs. Alfonzo. The housekeeper.”
Bahagya akong yumuko. “Good evening.”
Tiningnan niya ako. Magaan na tingin, hindi bastos, pero mapanuri. “You’re late.”
“Sabi po sa akin, seven nandito na ako.”
“Dalawang minuto na lang, huli ka na.”
Tumahimik ako, yumuko. In-acknowledge ang mali ko.
“Don’t let it happen again.”
“Yes, ma’am.”
Pumasok kami. Marmol na sahig ang unang bumungad sa akin. Mataas ang kisame, malalaking chandelier. Plain ang dingding. Wala ni isang litrato ng pamilya.
Malaki nga ang tahanang ito, pero walang init namang maramdaman.
“Simple lang ang mga patakaran,” sabi ni Mrs. Alfonzo habang dumadaan kami sa malawak na sala. “You respond when called. Hindi ka papasok sa restricted areas. Hindi ka magsasalita hangga’t hindi ka kinakausap, maliban kung si Mr. Belmonte ang mag-utos.”
Tumango ako. Noon pa man, sanay na akong nasa sulok lang, hindi kikibo kung hindi kailangan.
Huminto kami sa harap ng isang pinto.
“Ito ang kwarto mo.”
Nag-alinlangan ako. Masyado itong malapit sa master bedroom. Napalingon ako sa kaharap na pinto. Pintong may nakabantay sa labas.
“Pwede po bang sa ibang kwarto—”
“Mr. Belmonte’s instruction,” putol ni Mrs. Alfonzo, diretso, malamig ang tono. “Kailangan malapit ka sa lahat ng oras.”
"Malapit," tahimik kong inulit sa isip.
Binuksan niya ang pinto.
Simple pero elegante ang kwarto. Malinis at makapal ang foam ng kama. May mesa. May sariling banyo. Ibang-iba sa naiisip ko.
Kaya lang, walang lock ang pinto.
Nanunuyo ang lalamunan ko, iba ang naiisip ko.
“Dinner is at eight,” dagdag ni Mrs. Alfonzo. “You’ll be serving.”
Nang isara niya ang pinto, imbes na umupo, nanatili akong nakatayo, mahigpit ang kapit sa strap ng bag ko.
***
Tahimik ang hapunan.
Masyadong tahimik na parang lahat takot magkamali.
Nakaupo si Marc sa dulo ng mesa, abala sa tablet niya, parang walang ibang napapansin.
Nakatayo ako sa likod ng upuan niya, nagsasalin ng alak kapag sinenyasan, umaatras kapag tapos na.
Siniguro kong eksakto ang mga galaw ko. Kontrolado ang bawat kilos ko.
“Sit,” bigla niyang sabi.
“Sir?”
“You’re making the staff nervous,” sabi ni Marc nang hindi tumitingala. “Sit.”
May alertong naglagay ng upuan sa kanan niya, malapit sa inuupuan niya.
Maingat akong umupo, yuko ang ulo at nakapatong lang ang mga kamay sa kandungan ko.
“You eat when I eat,” sabi niya. “You sleep when I tell you. You go where I say.”
Tumango ako. “Yes, sir.”
Saka niya ako tiningnan. Matalas. Parang may hinahanap. In-expect.
“You don’t ask why?”
“Malinaw mong sinabi, wala akong karapatan na magtanong.”
Umigting ang panga niya.
“Good,” malamig ang boses niya. “Because I don’t offer explanations.”
Nagpatuloy ang hapunan. Subo, nguya, lunok, lahat ng galaw parang may oras. Walang ibang malalasahan kundi pait.
Nang matapos ang pagkain, tumayo si Marc. “You’ll start tomorrow at six,” sabay lakad.
“Yes, sir.”
Ngunit, nakadalawang hakbang pa lang siya, huminto agad.
“One more thing.” Bahagya siyang lumingon. “This house has cameras. ‘Wag kang mag-isip na tumakas.”
Saglit kong napigil ang hininga ko. “I won’t.”
Umangat ang sulok ng labi niya. “Tingnan natin.”
Habang palayo siya, may isang bagay akong napagtanto na mas nagpapabigat sa dibdib ko.
Hindi ako natatakot sa kanya.
Ang kinatatakutan ko, kung gaano kadaling sumunod sa mga utos niya.
MarcDumating ako sa Chile na isang bagay lang ang nasa isip ko.Si Calessia.Gusto ko na siyang lapitan agad.Gusto ko siyang makausap.Pero hindi pa puwede.Hindi ako maaaring magpadalos-dalos. Kaya nagtiis ako.Dalawang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan siya. Siya at si Mama.Kinabisado ko ang bawat galaw ni Armando at kung ano ang ginagawa niya.Kung anong oras siya umaalis at umuuwi.Pati ang mga bantay sa bahay niya ay pinaimbestigahan ko.Ayokong mag-isip ng masama, pero kinakabahan ako sa mga bantay na kinuha niya.Hindi sila ordinaryong security personnel.Hindi rin sila galing sa anumang lehitimong agency.May mga pugante at mga dating pulis na suspendido.Puro malalaking kaso ang kinasasangkutan nila.Nalukot ko ang binabasang report.Hindi ko maintindihan kung paano naaatim ni Armando na iwan si Calessia at si Mama sa piling ng ganoong klaseng tao.Gusto ko na siyang sugurin.Kumprontahin siya kung bakit niya ipinagkakatiwala sina Mama at Calessia sa mga kr
CALESSIAIpinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyang lumapag ang eroplano."Ladies and gentlemen, we have now landed. Please remain seated with your seatbelts securely fastened until the aircraft has come to a complete stop and the seatbelt sign has been switched off. Thank you."Kasabay ng boses ng flight attendant, marahang bumagal ang eroplano habang gumugulong sa runway.Dahan-dahan akong dumilat.Humugot ako ng malalim na hininga.Gusto kong ihanda ang sarili ko sa anumang sasalubong sa akin.Pero paano ako magiging handa?Hindi ko alam kung sino at ano ang kakaharapin ko mamaya.Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Nakakapanghina.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kinakapos ako sa hininga at parang may yelo sa batok ko.Malayo na ako sa Chile.Malayo na rin ako sa bahay na ilang buwan na naging kulungan namin.Noon, may dahilan ako para lumaban araw-araw. Nagiging matapang ako dahil kasama ko si Mama. Pero ngayon, wala siya.Hindi ko pa alam kung ligtas
CALESSIA"Let go of me!"Bigla akong nagising na parang kinakapos sa hininga.Nanginginig din ang buong katawan ko.Pakiramdam ko, nakahawak pa rin sa akin ang maruruming kamay ng hayop na bantay na iyon.Ngunit naalala ko ang suntok sa tiyan ko.Napahawak ako roon at napangiwi.Saka lang bumalik sa isip ko ang eksaktong nangyari bago ako nawalan ng malay.Iginala ko ang tingin sa paligid.Wala ako sa kuwarto.At hindi rin ito bahay ni Armando.Nakaupo ako sa malapad na leather seat at may mahinang ugong akong naririnig.Napahawak ako sa dibdib ko.Parang nasa loob ako ng…Napalingon ako sa bintanang nasa gilid ko.At mas nagtambol pa ang dibdib ko.Napahawak pa ako sa armrest nang wala akong makita sa labas kundi mga ulap.Tama ako.Nasa eroplano ako.Nakapa ko ang katawan ko.May nakakabit na seatbelt sa baywang ko.Hindi na ako mapakali.Si Mama…Nasaan si Mama?"Mama?"Tumingin ako sa buong paligid.Ngunit lahat ng upuan ay bakante."Mama! Where are you?"Napahikbi akong kinalas a
CALESSIABumukas ang pinto at agad ding nagsara.May tumawag kay Armando sa labas. May naghahanap daw sa kanya.Hindi siya sumagot, pero narinig ko ang papalayong yabag.Nagpakawala ako ng buntong-hininga.Narinig ko rin ang mahinang pagbuga ng hangin ni Mama.Tumingin ako sa kanya. Pero hindi kami nagsalita. Parang pareho kaming kinakapos sa hininga.Makalipas ang ilang segundo, sabay kaming napabangon.May mga boses kasi kaming naririnig sa ibaba. Parang mga kapitbahay.Umupo si Mama sa gilid ng kama habang ako ay tumayo at dahan-dahang lumapit sa bintana."Calessia, careful," agad niyang sabi. "Baka makita ka ni Armando."Tumango ako at bahagyang ibinuka ang kurtina.Mula rito, nakita ko si Armando sa may gate. May kausap siyang dalawang lalaki sa labas.Mukha silang mga Chilean.Itinuro ng isa sa kanila ang bahay na may party.Parang iniimbitahan nila si Armando.Nag-abot pa sila ng isang kahon ng alak.Pagkatapos ay lumingon si Armando rito sa taas.Mabilis akong umurong at nagtag
CALESSIAMadalas pa ring umuwi nang lasing si Armando.Kahit gano'n, hindi rin nagbabago ang routine namin ni Mama.Araw-araw, maaga pa rin kaming gumigising para magluto. Pagkatapos ay naglilinis ng bahay na para bang normal lang ang lahat. Para bang wala kaming kinatatakutan. Walang pinaplano.Tinitiyak naming walang mapapansing kakaiba si Armando sa mga kilos namin.Pero dahil nga sa nangyari sa study, naging mas tahimik ako kaysa dati.Natural lang iyon dahil sa mga masasakit na salitang binitiwan niya sa amin.Pero masunurin pa rin kami at hindi nagtatanong.Bago pa man kami sumama sa kaniya, iyon ang lagi niyang sinasabi.Magtiwala lang daw kami sa kaniya dahil lahat ng ginagawa niya ay para sa ikabubuti namin.Pero ngayon, ewan ko na lang.Ngayong araw, maaga na naman siyang umalis.Trabaho raw ang dahilan.At sa tuwing wala siya, saka lang ako lumalabas ng bahay."I'm just going for a walk," sabi ko sa bantay na nakapuwesto sa loob ng bakuran.Tumango lang siya habang kakaiba a
CALESSIAMaagang gumising si Mama.Alam niyang umuwi na naman si Armando nang lasing kagabi.Tahimik siyang nagluto sa kusina ng paboritong hangover soup nito. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na magpahinga na lang, pero ngumiti lang siya sa akin."Mas sasakit ang ulo no'n kapag wala siyang mahihigop na mainit na sabaw."Ganito si Mama.Sa mahigit dalawang buwan namin dito, tinuring niya si Armando na parang anak niya.Sa ganitong paraan niya sinusuklian si Armando sa tulong nito sa amin.Kaya hinayaan ko na lang siya.Nang maluto ang sabaw, siya mismo ang nagdala nito sa study ni Armando.Sumunod ako nang ilang sandali.Bahagyang nakabukas na ang pinto. Kitang-kita ko ang eksenang nagpahinto sa paghinga ko.Nakatayo si Mama sa harap ng mesa.Nasa harap naman niya si Armando na nakatutok sa laptop.Hindi man lang niya tiningnan ang sabaw o nagpasalamat kay Mama.Parang naiirita pa siya sa presensya nito."Armando," mahinang tawag ni Mama. "Kumain ka muna kahit kaunti. Makakatulong 'y







