MasukTwelve million pesos. Iyon ang halaga ng utang ng pamilya ni Calessia Zerdan, at ang presyong nagdala sa kanya sa poder ng CEO na si Marc Landon Belmonte. Sa ilalim ng isang personal service contract, kailangan niyang sundin ang bawat utos ng lalaking kilala sa pagiging walang awa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas mapanganib ang relasyon nila, lalo nang magsimulang mabura ang linya ng kontrata at pag-ibig. Hanggang may bumalik mula sa nakaraan, dala ang katotohanang kayang sumira sa lahat. Mapipilitan si Calessia na pumili… kalayaan, o ang lalaking una pa lang, hindi niya dapat minahal.
Lihat lebih banyakNgayon ko mas naintindihan kung bakit minsan mas ligtas ang manahimik kaysa magtanong.
Nakatayo ako sa loob ng opisina na puro salamin. Ito ang pinakataas na palapag ng Belmonte Holdings. Magkadaop ang mga kamay sa harap ko, tuwid ang pagkakatayo kahit parang may mabigat na dumidiin sa dibdib ko. Humugot ako ng malalim na hininga, habang tanaw ang lungsod sa ibaba, maganda, ngunit malayo, hindi ko abot. Sa kabilang panig ng mesa, nakaupo si Marc Landon Belmonte. Hindi siya galit. At alam kong mas nakakatakot iyon. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang folder sa kamay niya, kalmadong-kalmado, galaw na sanay magwasak ng mga kumpanya, isang salita niya lang. Suot niya ang maitim na suit. Matigas ang panga, may matang malamig, sapat para maramdaman kong wala akong maitatago sa kanya. “So,” sabi niya sa wakas, isinara ang folder. “You’re the Zerdan girl.” Itinaas ko ang mukha. “My name is Calessia.” “I know.” Saglit niyang sinipat ang mukha ko, sinusuri, tinatantiya. Humigpit ang kuyom ng mga daliri ko hanggang bumaon ang mga kuko sa palad ko. “Your father owes my company twelve million pesos,” patuloy ni Marc. “Halaga na hindi niya kayang bayaran.” Lumunok ako, pero hindi kumurap. “Alam ko, kaya ako nandito sa harap mo.” “Good.” Sumandal siya. "Handa kang gawin lahat?" Bumalot ang katahimikan sa silid. ‘Yong klaseng katahimikan na nagpapalabas ng mga lihim na ayaw mong aminin. Huminga ako nang malalim. “I’ll work,” sabi ko. “Kahit anong position. Kahit saang department. I’ll pay it back.” Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya. Ngiting alam kong hindi mabuti, may nakatago sa likod. “You misunderstand, Miss Zerdan.” Hinugot niya ang isang papel mula sa folder at dahan-dahang itinulak, saktong abot ng tingin ko. “I’m not offering you a job in my company.” Bumaba ang tingin ko sa papel. "Personal Service Contract." Parang napatid ang tibok ng puso ko, habang binabasa ang salita. “You’ll live in my estate,” kalmado niyang sabi. “On call ka sa lahat ng oras. Gagawin mo ang anumang iutos sa’yo. Kapalit nito, mapi-freeze ang utang ng pamilya mo. Walang interes.” Dahan-dahan akong tumingala. “You’re buying me.” Ngumisi siya. Malamig, walang saya sa mata. “No,” sabi niya, mababa ang boses. “You’re the guarantee for their debt, Calessia." Nanigas ang panga ko. “And if I refuse?” Tumayo si Marc, matikas ang tindig, matangkad, umikot siya sa mesa hanggang huminto sa harap ko. Sobrang lapit. Parang nadadaganan ako ng presensya niya, kontrolado, pero mapanganib. “Then your father loses everything by the end of the week.” Muling bumalot ang katahimikan. Tinitigan kong muli ang kontrata, na ngayon ay nanlalabo ang mga letra. Kumokontra ang pride ko. Huwag pumirma, pero mas malakas ang bulong ng takot. Para sa pamilya ko. Pinulot ko ang ballpen. Tumitig sa mata niya. “May isa akong kondisyon,” mahina kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay. “You’re not in a position to negotiate.” “I won’t sleep with you.” Nanahimik siya. Pagkatapos, nakakagulat na tumawa. Mahina pero matalas. “If I wanted your body,” dahan-dahan siyang yumuyuko, dumadampi ang bibig niya sa tainga ko, “I wouldn’t need a contract.” Napasinghap ako. Gumapang ang kakaibang lamig sa katawan ko. Pero hindi ko magawang umatras. “I want your obedience,” dugtong niya. “Sign.” Nanginig ang kamay ko. Napapikit saglit, at saka pumirma ako. Tumayo siya ng tuwid. “Welcome to Belmonte, Miss Zerdan.” Gano’n lang. Kinuha niya ang papel. Bumalik siya sa mesa, umupo, at hindi na ako muling tiningnan. Umalis ako ng kusa, at walang lingon na lumabas. Lutang. Hawak niya ang kontratang may pirma ko—ang kontrata na magdidikta ng takbo ng buhay ko.MarcDumating ako sa Chile na isang bagay lang ang nasa isip ko.Si Calessia.Gusto ko na siyang lapitan agad.Gusto ko siyang makausap.Pero hindi pa puwede.Hindi ako maaaring magpadalos-dalos. Kaya nagtiis ako.Dalawang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan siya. Siya at si Mama.Kinabisado ko ang bawat galaw ni Armando at kung ano ang ginagawa niya.Kung anong oras siya umaalis at umuuwi.Pati ang mga bantay sa bahay niya ay pinaimbestigahan ko.Ayokong mag-isip ng masama, pero kinakabahan ako sa mga bantay na kinuha niya.Hindi sila ordinaryong security personnel.Hindi rin sila galing sa anumang lehitimong agency.May mga pugante at mga dating pulis na suspendido.Puro malalaking kaso ang kinasasangkutan nila.Nalukot ko ang binabasang report.Hindi ko maintindihan kung paano naaatim ni Armando na iwan si Calessia at si Mama sa piling ng ganoong klaseng tao.Gusto ko na siyang sugurin.Kumprontahin siya kung bakit niya ipinagkakatiwala sina Mama at Calessia sa mga kr
CALESSIAIpinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyang lumapag ang eroplano."Ladies and gentlemen, we have now landed. Please remain seated with your seatbelts securely fastened until the aircraft has come to a complete stop and the seatbelt sign has been switched off. Thank you."Kasabay ng boses ng flight attendant, marahang bumagal ang eroplano habang gumugulong sa runway.Dahan-dahan akong dumilat.Humugot ako ng malalim na hininga.Gusto kong ihanda ang sarili ko sa anumang sasalubong sa akin.Pero paano ako magiging handa?Hindi ko alam kung sino at ano ang kakaharapin ko mamaya.Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko. Nakakapanghina.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kinakapos ako sa hininga at parang may yelo sa batok ko.Malayo na ako sa Chile.Malayo na rin ako sa bahay na ilang buwan na naging kulungan namin.Noon, may dahilan ako para lumaban araw-araw. Nagiging matapang ako dahil kasama ko si Mama. Pero ngayon, wala siya.Hindi ko pa alam kung ligtas
CALESSIA"Let go of me!"Bigla akong nagising na parang kinakapos sa hininga.Nanginginig din ang buong katawan ko.Pakiramdam ko, nakahawak pa rin sa akin ang maruruming kamay ng hayop na bantay na iyon.Ngunit naalala ko ang suntok sa tiyan ko.Napahawak ako roon at napangiwi.Saka lang bumalik sa isip ko ang eksaktong nangyari bago ako nawalan ng malay.Iginala ko ang tingin sa paligid.Wala ako sa kuwarto.At hindi rin ito bahay ni Armando.Nakaupo ako sa malapad na leather seat at may mahinang ugong akong naririnig.Napahawak ako sa dibdib ko.Parang nasa loob ako ng…Napalingon ako sa bintanang nasa gilid ko.At mas nagtambol pa ang dibdib ko.Napahawak pa ako sa armrest nang wala akong makita sa labas kundi mga ulap.Tama ako.Nasa eroplano ako.Nakapa ko ang katawan ko.May nakakabit na seatbelt sa baywang ko.Hindi na ako mapakali.Si Mama…Nasaan si Mama?"Mama?"Tumingin ako sa buong paligid.Ngunit lahat ng upuan ay bakante."Mama! Where are you?"Napahikbi akong kinalas a
CALESSIABumukas ang pinto at agad ding nagsara.May tumawag kay Armando sa labas. May naghahanap daw sa kanya.Hindi siya sumagot, pero narinig ko ang papalayong yabag.Nagpakawala ako ng buntong-hininga.Narinig ko rin ang mahinang pagbuga ng hangin ni Mama.Tumingin ako sa kanya. Pero hindi kami nagsalita. Parang pareho kaming kinakapos sa hininga.Makalipas ang ilang segundo, sabay kaming napabangon.May mga boses kasi kaming naririnig sa ibaba. Parang mga kapitbahay.Umupo si Mama sa gilid ng kama habang ako ay tumayo at dahan-dahang lumapit sa bintana."Calessia, careful," agad niyang sabi. "Baka makita ka ni Armando."Tumango ako at bahagyang ibinuka ang kurtina.Mula rito, nakita ko si Armando sa may gate. May kausap siyang dalawang lalaki sa labas.Mukha silang mga Chilean.Itinuro ng isa sa kanila ang bahay na may party.Parang iniimbitahan nila si Armando.Nag-abot pa sila ng isang kahon ng alak.Pagkatapos ay lumingon si Armando rito sa taas.Mabilis akong umurong at nagtag


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak