Share

Chapter 5

Author: Light_Star
last update publish date: 2026-01-03 09:29:24

Makalipas ang walong buwan, ganap nang gumaling ang Daddy sa kanyang sakit.

At sa panahong iyon, marami akong ipinagpasalamat. Una, sa Poong Maykapal—dahil sa Kanyang gabay at awa, muling nabigyan ng buhay ang Daddy. Ikalawa, sa taong hindi ako iniwan kahit kailan. Sa taong palaging nasa tabi ko sa mga araw na halos wala na akong lakas—pisikal man o emosyonal.

“Hello, Ma’am. What can I help you?” tanong ng assistant sa kabilang linya.

“Nandiyan ba si Mr. Cardinal?” maayos kong tanong.

“Oh yes, Ma’am. He’s here. Wait a second,” magalang nitong tugon.

“Oh, hello. Mr. Cardinal speaking. Who’s this?”

Hindi ko na nagawang magpaliwanag pa kung sino ako. Hindi ko na rin nakontrol ang emosyon na matagal ko nang kinikimkim.

“Harold… thank you sa lahat ng tulong mo. Kung hindi dahil sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sa Daddy ko.”

Saglit siyang natahimik bago ako marinig na muling magsalita.

“Hanna… ikaw pala ’yan,” ani niya. Ramdam ko ang saya sa tono ng kanyang boses.

“Basta para sa’yo, gagawin ko ang lahat.”

Matapos kong ibaba ang tawag, biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ng Daddy. Takbong lumabas si Jordan.

“Ate! Ate! Gising na si Daddy!”

Halo-halo ang emosyon na bumalot sa akin.

Dalawang araw pa lamang ang nakalipas mula nang maoperahan siya—at ngayon, muling nagbukas ang kanyang mga mata.

“Doc, gising na po ang Daddy ko,” agad kong tawag.

Mabilis na lumapit ang doktor upang suriin siya.

Kahit hindi pa siya ganoon kalakas, malinaw sa kanyang mga mata ang pasasalamat at saya—dahil nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon sa buhay.

At sa araw ding iyon, nalaman ko ang buong katotohanan.

Si Harold pala ang nasa likod ng maagang operasyon ng Daddy. Siya rin pala ang may-ari ng ospital na iyon.

Hindi lang niya ako tinulungan. Hindi lang niya ako inalalayan. Hindi niya rin ako pinaramdam na nag-iisa ako sa laban.

Dahil doon, napagdesisyunan kong bumalik na sa trabaho. Ilang buwan na rin akong naka-leave, at higit sa lahat—gusto ko nang makasama ang anak ko.

Ngunit saan-saan ako naghanap, wala sila.

“Hello, Manang… Manang?”

Ngunit naputol ang tawag. Kahit si Manang Lucy ay hindi ko rin makontak. Nagsimulang bumigat ang dibdib ko sa pag-aalala. Pumasok sa isip ko ang pinakakinatatakutan ko—baka inilayo na nila sa akin ang anak ko.

Hindi ko alam na sa paghahanap ko, ako mismo ang mapapahamak.

“Manong… sino po kayo?” nanginginig kong tanong. Takot na takot ako sa mga sandaling iyon. Ramdam kong may masamang balak sila.

“Huwag nang makulit. Sumakay ka na. Bilis,” mariing utos ng isa sa kanila.

Pumiglas ako nang pumiglas.

“Ayoko! Pakawalan n’yo ako!”

Umiiyak na ako habang iniisip—kung mawawala ako, ano na ang mangyayari sa anak ko?

Ngunit nang itutok nila ang baril sa akin, wala nag akong nagawa kundi sumunod.

Ilang oras din akong nagtiis. Pagod. Takot. Nanginginig.

Ngunit laking gulat ko nang ibaba na lamang nila ako sa isang lugar at bigla na lang umalis. Nang tuluyan kong mapunasan ang luha sa aking mga mata, doon ko nakita—

Isang sorpresa ang naghihintay sa akin.

“Hija, itong bulaklak na ito ay para sa’yo.”

Nagulat ako at bago pa ako makapagtanong, tumalikod na siya. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng makukulay na ilaw—walang kaalam-alam sa nangyayari.

“Hi, Miss Beautiful.”

Nang marinig ko ang boses na iyon, bigla akong kinabahan.

Paglingon ko, si Harold ang nasa harapan ko.

“Hanna… I’m not the type of person who does things like this. But for you, I will do everything,” ani niya habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak.

“Oy… tumayo ka nga diyan. Ano ba ’yan,” sabi ko, halatang nag-aalala.

“Can I dance with you?” tanong niya.

Natigilan ako.

“Oo naman,” sagot ko kahit nagdadalawang-isip.

“This is our second dance,” dagdag ko. Totoo—ikalawang beses niya akong isinayaw.

“Mahal kita, Hanna. I don’t know what to do without you."

Hindi agad nag-register sa utak ko ang mga sinabi niya.

“Please give me a chance to rebuild our family. Mahalaga kayo sa akin—ikaw at ang anak natin.”

Parang nasa isang K-drama ako sa mga sandaling iyon.

“Huh? What do you mean?” lutang kong tanong.

Tumitig siya sa akin.

“Buoin na natin ang pamilya natin. Hindi lang para sa atin—kundi para kay Rafael. Gusto kong maranasan niya ang isang kumpletong pamilya.”

Hindi ko napigilang umiyak. Hindi ko akalaing ang isang maling desisyon noon ay mauuwi sa ganitong sitwasyon. Hindi ko rin inakalang ang isang one-night stand ay magiging bahagi ng buong buhay ko.

“Hanna, alam kong biglaan ito. Pero matanda na ako. Kayo ni Rafael ang gusto kong makasama habang buhay.”

Lumuhod siya sa harap ko.

“Hanna Portugal, will you marry me?”

Lumabas ang Mommy ko, pati ang buong pamilya.

“Anak, sige na. Kung mahal mo talaga siya,” ani ni Mommy."

“Hinding-hindi ako tatayo rito hangga’t hindi ka pumapayag,” seryoso niyang sabi.

Wala na akong nagawa kundi ngumiti sa gitna ng luha.

“Yes… yes,” sagot ko.

Tumalon siya sa tuwa at niyakap ako nang mahigpit.

“I love you, Hanna.”

Sumunod ang malakas na palakpakan. Ramdam kong buong pamilya ko ay tanggap siya.

Parang mabilis lang ang lahat. Makalipas ang dalawang buwan—araw na ng kasal namin.

“Hanna, tinatanggap mo ba si Harold Cardinal bilang iyong asawa?”

“Yes, I do.”

“Harold, tinatanggap mo ba si Hanna Portugal bilang iyong kabiyak?”

“Yes, I do, Father.”

Mabilis lumipas ang oras.

“You may now kiss the bride.”

Nagtilian ang lahat. Hinalikan niya ako—marahan, puno ng pag-iingat at pagmamahal.

Ngunit matapos ang kasal, dumating ang isang hindi inaasahan.

“Sino siya?” bulong kong tanong. “Parang hinihintay ka.”

“Sino?” tanong niya, ngunit natigilan nang ituro ko ang babae.

“Don’t go anywhere. Stay here. I’ll handle this,” sabi niya bago halikan ang noo ko.

Ramdam kong may kakaiba sa kilos ng babae. Mukha siyang kasing-edad ni Harold.

Nang bumalik siya, iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kahit pilitin niyang itago, ramdam kong may bumabagabag sa kanya.

Gano’n ata talaga kapag mahal mo ang isang tao…

Kahit kaunting pagbabago, ramdam mo agad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 71

    Harold’s POV : Dahil sa tagal niyang bumalik hindi ko napansin na nauna na akong nakatulog. Ngunit dahil late na kami naka uwi mga apat na oras na lamang ang natitirang tulog namin. “Mommy… Mom.. Please wag niyo akong iwan! Please.” “Hon… Wake up! gising anong nangyayari sayo.” dahil sa pag alog niya sa braso ko dito na ako tuluyang nagising. “Hon pawis na pawis kana ano ba kasing nangyayari sayo? At ano ‘yong sinasabi mo?” halos nanlamig ang buong katawan ko dahil sa panaginip kong iyon. Buti nalang pinainom niya ako ng tubig. “Nanaginip lang ako,” pawisan parin ako pero hindi ko alam bakit nitong mga nakaraang mga araw lagi nalang akong nanaginip ng ganito kasama. Parang naalala ko yong nakaraan, iniwan ako ng aking ina. Halos hindi ako makakain noon dahil sa namimiss ko siya, pero hindi siya bumalik. Subalit kong kailan naman kami nag kasama muli ito naman pala ang huling gabi na magkasama kami. Masisilayan ko ang kanyang mukha habang tinatawag ang pangalan ko. “Bakit? Ano ba

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝟳𝟬

    Third person POV : Kinabukasan ay araw ng lunes kaya maagang nagising si Hanna, dahil ngayon ang kanyang final altrasound bago manganak. Kadalsan na mag-isa lang siyang pumupunta sa OB niya para magpa check-up pero ngayon parang nagiba ang ihip ng hangin. Kong noon ayaw niyang magpasama sa kanyang OB ngayon parang plot twist pinuntahan niya ang anak niyang si Rafael. “Anak! Si Mommy ito!” agad namang binuksan ng bata, “Ano po ba iyon Mommy napaka early papo? Anong oras naba?” pagkatingin ng bata sa relo niya sa gilid ng kama bigla itong napakunot ang nuo,”Mommy ang aga niyo naman po gumisig, wala po akong pasok now!” pagrereklamo ng anak halatang grabi pa angitutulog niya. Pero nanatili paring kalmado si Hanna bago sumagot sa anak. “Uutusan lang kasi kita, gisingin mo ang Daddy mo sabihin mong ngayon ang araw ng OB check-up ni Mommy, and ask him if he’s busy ok? At puwede kanang matulog ulit.” Tumango lang ang bata at nagmadaling puntahan ang Daddy niya. Samantalang si Hanna bumalik

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 69

    Harold’s POV:Pasakay na sana ako ng Elevator ng mapansin ko na naiwan pala ang maliit kong bag sa kotse kaya dali-dali ko itong binalikan, hindi pa naman ako gaanong late at tsaka ngayon lang naman ako malelate.Pagkakuha ko ng bag na naiwan ko dali-dali na akong bunalik para sumakay ng elevator papunta sa meeting place. Kasamaang-palad lang dahil pagbalik ko may naka paskil na agad sa labas na ‘Under Probvision’ kaya pala wala nang mga tao sa labas, wala akong nagawa kundi humanap nalang ng hagdan mabuti naman at nahanap ko rin yong stair way. Alam kong nakakapagod pero wala naman akong magawa dahil business naman pinunta ko rito. Ngunit sa kalagitnaan palang ng aking pag-akyat natauhan agad ako sa ingay sa loob ng dala kong bag. Nang tingnan ko ito binaliwala ko lang dahil si Manang lang naman. Pero kinabahan na agad ako! Hindi si Manang yong tipo ng tao na mangungulit tunawag. Pero wala sinagot ko parin.“Hello” Ngunit sandali pa akong naghintay ng response pero nanatili parin

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 68

    Manang Shie POV:Mag aalas nuwebe na ng umaga, ng magising ang asawa ni Sir Harold. “Ohh hija good morning sa iyo, mu-lingkod kana diri kay mu-handa na ko sa imohang breakfast.” Ngumiti lang ito at naupo, napansin kong palingon-lingon ito. “Hanna ano ba? May hinahanap kaba?” “Wala h—!” Umighim muna ako, “Don't worry umalis na siya.” Pagkasabi ko palang no'n natamimi siya bigla. “Alam ko… iniiwasan mo siya! Pero hanggang kailan.” “Ho? Ano po ba ibig niyong sabihin?” Tinitigan ko siya ng maiigi. “Sakin kapa ba maglilihim? Parehas tayo babae!” Tatayo na sana siya, pero alam kong umiiwas lang siya dahil alam ko naman talaga ang tinutukoy ko. “Total wala na man na dito si Jane, bakit dipa kayo mag-usap? Alam mo hija, ang asawa hindi naman yan kanin na pagnapaso ka iluluwa mo na agad. At tsaka kasal na kayo alalahanin mo.” Nang makita ko na tumutulo na ang mga luha niya, inabutan kona agad ng tissue kahit pigil

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 67

    Harold’s POVNang maihatid na ako ni Mark sa pupuntahan kong conference meeting kasama ang iba pang mga investor ng aking kompanya, agad ko siyang pinauwi at ako nalang ang mag isang dumating sa meeting, pero ng tignan ko ang cellphone ko ni isang paramdam mula sa isang tao wala, na dismaya lang ako ng wala sa oras. Kaya nawala din sa isip ko ang umuwi sa mansion ni hindi ko man lang natawagan ang anak kong si Rafael kong kumusta naba siya, kong nakauwi ba siya galing school ng ligtas. Ni hindi ko nga natawagan si Ate Quenie kong maayos bang nakatulog ang anak ko. Parang naging invisible lang ako sa painingin ng anak ko lately, ni hindi ko na nga siya naihahatid sa school o nakakasabay man lang kumain sa umaga. Kasalanan ko talaga ang lahat kong kelan pa nabuo kuna ang pamilya na noon kolang pinapangarap tsaka pa talaga ako magkakaproblema ng ganto kalala. Minsan iniisip ko nalang na baka may nagawan ako ng masama kaya masamang pangitain din ang dumating sa akin.Wala na rin siguro

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 66

    Hanna's POV "Oh hija hanggang ngayon ba wala ka paring sagot?" Lumapit ito sa tabi ko at na upo. "Diba napaka simpling tanong ngunit wala kang maisagot! Sa totoo lang may sagot ka naman subalit pride ang pinapairal mo!" Hindi ko alam kong ano ba ang nais niyang ipaintindi sakin, blangko talaga ang isip ko sa ngayon ni kumain wala pa akong gana. "Paparusahan mo ba ang sarili mo dahil sa problema niyong mag-asawa?" Dagdag pa niya. "Manang ano po ba gagawin ko?" Habang tumatagal unti-unti nanamang umuulos ang mga luha ko, aaminin ko hindi ako sanay sa gantong sitwasyon namin ngayon ng asawa ko. "Sa bagay na iyan, wala akong masabi..... Ikaw ang may solusyon diyan alam ko kaso natatakot kalang. Tama ba ako?" Wala na akong naging sagot sa kanya. Tama siya nauunahan lang talaga ako ng takot parang bumalik kasi ako sa nakaraan ko, sa taong binigyan ko ng lahat ng sa akin kulang nalang pati katawan ko ibigay kopa. Pero sa lahat ng sakripisyo ko sa kanya nagawa parin niya akong iwan at ip

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 59

    Hanna's POV"Don't leave!" Pagtawag ko sa kanya. Alam kong tatlong araw narin ang nakakalipas ng matanggap ko iyong mensahe na hindi ko alam kong kanino galing. Pero ramdam ko parin ang takot at kaba sa kong anong puwede nanaman uling mangyari. Akala ko umalis na siya dahil palabas na ito ng silid

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 58

    Hanna's POV Monday!Ang araw ng aking katamaran, pero wala heto ako ngayon ginagampanan ang pagiging ina at asawa..."Jane, hugasan mo nga ito doon." Mabuti nalang masunurin siya. Hindi ako nahirapan sa paghahanda ng almusal. "Pagkatapos mo riyan puwede bang pakitulongan na lang si Manang rito, ma

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 57

    Harold's POV"Gising kana pala, kamusta nahihilo kapa ba?" I saw her face na subrang nagaalala, kanina paba siyang nandito? Nakatulog kasi ako. Pero hindi ko alam pano siya kakausapin. Baka sa bangayan nanaman umabot ang paguusap namin. Kahit may dextrose pa siya pumunta talaga siya dito para lang

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 60

    Hanna's POV "Diba sabi ko naman sayo na don't mind that fucking message kong saan man yan galing! Ikaw lang naman ang maapektuhan niyan," seryuso niyang wika. His eye was sharp. Parang yong talim lang ng kutsilyo. But I understand him, alam kong nagaalala lang siya sakin. May trauma na kasi ako sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status