Share

Chapter 7

Author: summer
last update publish date: 2026-04-25 17:00:25

CHAPTER 7

[JILLIAN]

            Pagod na naglakad si Jillian patungong bus station. Alas-kwatro pa lang kanina nang makabalik siya sa Chase & Co., galing sa terirtoryo ni Zacharias kaya naghabol siya mga kailangan gawin para hindi siya matambakan bukas.

            Pamilyar na busina ng kotse ni Sir Jensen ang narinig niya sa likuran.

            “Get in!” wika nito nang ibinaba ang salamin.

            “Hindi na po, Sir. Kailangan ko pa kasing daanan si Kai sa Montesorri. Baka may lakad pa po kayo,” tanggi niya.

             “It’s fine. Let’s pick him up.”

            “Huwag na po!” tanggi niya ulit dahil baka may sasabihin pa ang teacher ni Kai at medyo matagalan sila. Nakakahiya naman dito.

            Isang beses niya lang nilunok ang hiya noong nagpahatid siya dahil matindi ang ulan. Ayaw niya ng umulit dahil baka maging pulutan siya ng tsismis sa kompanya.

            “Kailangan ko pa bang bumaba para buhatin ka papasok ng kotse. Come on, get in! I need to tell you something too.”

            Wala siyang nagawa kundi pumasok sa kotse nito dahil baka tungkol sa trabaho.

            “Address?”

            Sinabi niya naman ang Monterssori na pinapasukan ni Kai. “Ano po pala ang sasabihin mo, Sir?”

            Sinulyapan siya ni Jensen bago muling ibinalik ang tingin sa harap. “Pinahirapan ka ba ni CEO Wolfgang kanina?”

            Bahagya lang ang pagkagulat ni Jillian sa tanong nito. Alam ng boss niya ang ugali ni Zacharias. Kahapon nga, ay walang modo ang lalaking iyon na harap-harapan na nagpakita ng kawalan ng interes sa proposal ng Chase & Co.,

            “Sir Jensen, pwede po ba na sa susunod hindi na ako ang magdala ng kahit anong ipapahatid niyo kay CEO Wolfgang?” maingat niyang wika.

            Nagtatanong na tumaas ang makakapal nitong kilay.

            “Ano po kasi…ahm, may pangit po kasi kaming history ni CEO Wolfgang noong nasa Cagayan pa siya.”

            “History?” gagad ni Jensen, mukhang naintiriga kaya mabilis siyang umiling.

            “Sa trabaho po ‘yon. Sa promotion. Sa kanya napunta tapos minalditaha ko siya tapos lumaki tapos…” panghahabi niya ng kwento. “Mukhang hindi pa siya naka-move on kasi parang ayaw niya akong makita kasi pinalayas niya ako kanina.”

            Napangiwi siya nang makitang kunot na ang noo nito. Hala!, baka demanding na siya. Akmang babawiin niya na sana nang magsalita ito.

            “Okay. Si Shane ang uutusan ko sa susunod.”

            “Thank you, Sir!” Pinagdaop niya pa ang mga palad at ngiting-ngiti na. Ambait talaga ng boss niya na ‘to kahit babaero!

            Bumagal ang takbo ng kotse nang makarating sila sa may Montessori.

            “Dito na lang po ako bababa, Sir. Maraming tao sa may gate, mahihirapan po kayong mag-park,” wika niya.

            Itinabi naman ni Jensen ang kotse. Muli siyang nagpasalamat bago nagmamadaling pumunta sa gate.

            Akala ni Jillian, ay tapos na ang pinoproblema niya kay Zacharias. Hindi pa pala dahil tumawag mismo ang sekretaryo ng Chairman ng Chase &Co., para utusan siya na ihatid ang karagdagang dokumento sa Wolfgang Empire.

            Utang na loob! Ano bang nangyayari sa mundo?

            Wala kasi si Sir Jensen ngayong araw. Pinadala yata ng mismong ama sa kung saang meeting, wala tuloy siyang kakampi.

            Kahit ayaw ni Jillian ay kinaladkad niya ang sarili papuntang Wolfgang Empire. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang utos daghil siguradong papatalsikin agad siya sa trabaho.

            Sa lobby pa lang ay nakaabang na ang sekretaryo ni Zacharias na si Rafael. Parang gwardiya na sinamahan pa talaga siya hanggang sa mismong pinto ng opisina ng CEO.

            “Good day, Sir. Inutusan po ako ulit na ihatid ang mga dokumentong ito,” pormal ang kalkulado niyang tinig at saka inilapag iyon sa mesa.

            Ang hudyong Zacharias, hindi man lang sinulyapan bagkus ay tuloy-tuloy lang ito sa pagpirma ng mga papeles.

            “Sir, naihatid ko na po. Kung wala na po kayong concern babalik na po ako sa kompanya.”

            Wala pa rin sagot kaya naisip niya na baka utusan na naman siya nito na ipaliwanag ang nasa dokumento. Babasahan niya talaga ito na parang nagho-homily.

            “Sige po. Good day!” sabi niya para makaalis na.

            Saka naman nagtaas ng tingin si Zacharias at itinuro ang couch. “Sit over there.”

            “Po?”

            Sa halip na sagutin siya, ay muli itong nagbaba ng tingin sa mga papeles. Kakamot-kamot sa ulo si Jillian ngunit sumunod na lang dahil baka may importanteng sasabihin ito at tinatapos lang ang trabaho. Subalit, kinse minuto na yata ang nakalipas ay hindi man lang nag-angat ng tingin sa kanya si Zacharias.

            Sa lamig ng opisina nito, hinihila siya ng antok. Pasimple siyang sumandig sa couch para ipahinga lang ang mga mata ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

            Nang magising siya, ay namulatan ni Jillian ang mukha ni Zacharias na gahibla ang lapit sa kanya. Napatili siya sa gulat at muntik pang mahulog sa sahig kung hindi lang sinalo ng matitpunong braso ang kanyang baywang.

            “Miss Aguillar, hindi hotel ang opisina ko para tulugan mo,” baritono nitong wika.

            Nagpapanik na inalis niya ang braso nito sa kanyang baywang at agad na umayos ng upo.     

            “P-Pasensya na po, Sir. Hindi po kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang lamig kasi ng opisina niyo. Pasensya na po talaga,” mangiyak-ngiyak na siya sa pagkapahiya.

            Baka humihilik siya o kaya nakanganga o may laway pa!

            Gusto na lang niyang maglaho ngayon din! Tumuwid ng tayo si Zacharias, mapanuri ang tingin nito sa kanya habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng suot na slacks.

            “Why didn’t you sleep well? What were you doing last night?”

            “W-Wala po. Hindi lang talaga ako makatulog.”

“Went fooling around with some man?” akusa nito.

“Ha?!” bulalas niya sabay turo sa sarili.

Napagbintangan pa nga!

Nakahiga lang naman siya sa kama kagabi mulat na mulat kahit alas-dos nang madaling araw dahil sinabi ng teacher ni Kai na hindi raw nakikihalubilo ang anak niya sa ibang bata. Palaging nasa sulok at nagbabasa. Natatakot siya na baka dahil palaging mag-isa at walang kaibigan ay ma-bully.

            Ikiniling ni Zacharias ang ulo, hinahamon siya na itanggi niya. Dahil patolera siya, taas-noo si Jillian.

            “CEO Wolfgang, kung may kasama man po akong lalaki, wala po dapat kayong pakialam. Sasamahan ko ang kahit sinong gusto ko. Alam mo na, dagdag ‘experience’  din,” sabi niya, hindi naitago ang panunuya sa boses.

            Dumilim ang mukha ni Zacharias at umigting ang panga.

            Tatanong-tanong tapos mapipikon?

            Dudugtungan niya pa sana ang sinasabi nang may kumatok sa pinto.

            “Come in,” malamig na wika ni Zacharias.

            “S-Sir, excuse me…” sumilip sa pinto ang mukhang sekretarya din ni Zacharias.

            “Say it.”

            Kumunot ang noo ni Jillian dahil hindi man lang nilingon ni Zacharias bagkus ay kanina pa tila pinaparusahan siya ng mariin nitong titig.

            “Tumawag…tumawag po si Miss Kate. Dinner daw po mamaya? Tiningnan ko po ang schedule niyo, wala naman po kayong—”

            “I have no time for that!” angil ni Zacharias.

            “Sige po. Sasabihin ko.”

            Kandadapa pa na lumabas ng opisina. Takot talaga ang mga empleyado sa lalaking ito. Ilang taon lang, ang laki ng pinagbago. Wala na ang dating mabait na Zacharias.

            Ang lalaking nasa harap niya ngayon ay maiksi ang pasenysa, malamig at matalim ang dila. At nalulungko si Jillian sa ideyang iyon.

            Nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita na naluluha na naman siya. Kapagkuwan ay tumikhim at pormal na nagsalita.

            “Sir, alam kong kalabisan ito pero pwede bang kalimutan na natin ang nakaraan at maging propesyonal na lang tayong dalawa? Ayaw ko po kasing maapektuhan ang trabaho dahil sa nakaraan.”

            “Are you saying I can’t seprate work from personal matters?” nagsasalubong na ang mga kilay ni Zacharias.

            Gusto niya sanang prangkahin ito na: ‘oo, para ka kasing bata na nagta-tantrums kapag nakikita mo ako’. Subalit, bago niya pa maibuka ang bibig ay tumunog na ang cellphone niya.

            Agad niya naman iyong sinagot nang makitang si Jensen ang tumatawag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 127

    CHAPTER 127 “Tuturuan ko siya ng leksyon. Please, bigyan niyo siya ng pagkakataon.” Kulang na lang ay iyuko niya ang noo sa sahig. Alam na alam niya na hindi lang pababagsakin ni Zacharias ang Chase & Co. Kayang-kaya nitong impluwensyahan ang board of directors, investors at iba pang kompanya. Kahit pagiging empleyado ay hindi siya matatanggap. Ganon ka-kapanyarihan ang Wolfgang Empire! Lowkey lang ang mga ito at talagang tago sa mata ng nakararami pero sobrang maimpluwensya. “Joseph,” nakakapanlamig nitong tawag sa kanya. “Magpasalamat ka na hindi nagtagumpay ang anak mo. Kung may nangyaring masama kay Jillian, ipapa-blocklist ko kayo sa lahat. Sa putikan kayo pupulutin at kahit pagiging delivery rider ay walang tatanggap sa inyong kompanya.”Natahimik si Joseph, nangingig na yumuko. “C-CEO Wolfgang, babayaran ko si Miss Aguillar. Bibigyan ko ng pera, ng bahay, kotse…lahat. Bibigyan ko siya ng kompensasyon.”Gagawin niya iyon hindi dahil mahal niya

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 126

    CHAPTER 126 “Why are you shy?” halakhak nito kaya inirapan niya. Isinilid niya ang underwears sa pagitan ng mga mga tiniklop na damit. Naramdaman niya ito sa kanyang mismong likuran. Sisikuhin niya sana nang yumuko ito at kinagat ang kanyang tainga bago nanghihibong bumulong. “Your ears are so red, Babe.” Para siyang kinuryente lalo na nang dilaan pa nito. Namamaos itong humalakhak."Baby, ang sensitive mo."Itinulak niya si Zacharias at saka ito sinamaan ng tingin. “Aso ka ba sa past life mo? Lagi ka na lang nangangagat! Tignan mo ang ginawa mo sa akin!" Aliw na aliw ang mga mata ni Zacharias itinaas niya ang manggas ng suot niyang dress. “Sorry, hindi ko napigilan. Ang sarap kasing kagatin.” “Kung kagatin din kaya kita?!” “Sure,” sagot agad nito. “Pwedeng magsimula ka sa abs ko—” Hinampas niya ito ng unan at nagdadabog na naglakad papuntang pinto. Susunod-sunod naman ito sa kanya. Naabutan siya sa may pinto kaya

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 125

    CHAPTER 125 Limang taon na ang nakalipas nang huling beses nilang magsalo sa kama. Kumakabog ang dibd ib ni Jillian sa kaba. Ngunit, hindi lang pala siya. Pati rin si Zacharias ay ramdam niya ang kaba nito. Mainit at eratiko ang mga haplos ng kamay nito sa kanyang katawan subalit ramdam niya ang pangingig niyon. Kahit nang magsuot ito ng c0ndom ay hindi mai-shoot gayong noon ay eksperto ito. “Ahh, Zacharias,” daing niya nang pumasok ito sa kanya. Gusto niyang tumawa dahil literal na nangingig ang katawan nito at parang kukunin na ni San Pedro habang umuulos sa pagitan ng kanyang mga hita. Tumitirik ang mata, awang ang labi at parang naghihingalo ang paghinga. “Ang sarap!” Zacharias threw his head back. Mas namintog ang mga muscles nito at nag-igtingan ang mga ugat sa kamay at leeg. Tatlong minuto pa lang, hindi pa nga siya nilalabasan, biglang nanigas si Zacharias sa kanyang ibabaw. Natulala si Jillian sa kisame. Nawala ang m

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 124

    CHAPTER 124"Baliw! Ayaw ko!" sigaw ni Jillian, namumula ang mukha at kumapit pa sa pinto ng kotse na para bang life or death kapag nadala siya ni Zacharias sa loob ng 7/11.Subalit, life and death din yata para kay Zacharias na madala siya sa loob ng convenience store dahil literal na isa-isang tinanggal nito ang mga daliri niya sa pagkakapit. Maingat naman ang pagkilos nito, parang kinakalma pa nga siya pero syempre nagmatigas siya at halos yakapin na ang pinto ng kotse. Naitago ni Zacharias ang bibig na parang natatawa at binuhat siya sa baywang na parang bata. “Sasama na! Sasama na!” Pinagtatampal niya ito sa braso kaya ibinaba naman siya. “Ikaw na lang mag-isang bumili. Nakakahiya. Babae ako.” Matiim siya nitong tinitigan bago halos hindi bumuka ang bibig nang magsalita. “Hindi pwede. Baka tumakas ka.”"Hindi ako tatakas. Promise. Dito lang ako maghihintay." Pinagdaop niya pa ang mga palad."Gumawa ka ng kasinungalingan nang nakipaghiwalay ka sa akin noo

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 123

    CHAPTER 123 Napatakip siya ng sariling bibig. Bakit ba kasi niya nasabi iyon? Alam niya namang seloso si Zacharias kapag si Jensen ang usapan. Sa halip na kumalma ay mas lalo pang nagalit. “Hindi! Ano…ahm..wala akong sinabi.” Bigla siyang hinawakan ni Zacharias sa leeg. Hindi naman madiin o masakit, pero napaurong pa rin siya. “He did f ucking what? Don’t lie to me, Jillian!” “Wala lang iyon. Misunderstanding lang.” “Tell me!”"Kasi... kasi...""Jillian, dalawa ang pagpipilian mo. Sasabihin mo sa akin o pasasabugin ko ang bungo ni Jensen Chase.”“Oo na! Oo na! Sasabihin na!” Nakakatakot talaga si Zacharias kapag ganito ito kaseryoso. “Noong nasa Cagayan pa kami, minsang nalasing si Sir Jensen. Pinagkamalan niya akong ibang babae. Nagalit ako tapos binugbog ko siya. Langgo siya sa alak kaya hindi siya nakalaban sa akin.”Lumabi si Jillian at sinilip ito sa ilalim ng kanyang mga pilik-mata.“Huwag ka naman ng magalit kay Sir Jensen. Nag-so

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 122

    CHAPTER 122 Nagsalubong ang kanyang mga kilay at pasimpleng sinundan ang mga ito. Hindi siya napansin dahil panay ang bunganga ni Katelyn. “Gusto ni Jensen si Jillian noon pa. Ikaw lang itong tatanga-tanga na gusto siyang pakasalan.” “Hindi ako naniniwala sa ‘yo.” “Kaya nga pumunta na tayo sa taas dahil nandoon ang pruweba.” Pagbukas ng elevator ay agad pumasok ang dalawa. Nagulat si Katelyn nang pumasok rin siya. Subalit, sandali lang iyon dahil ngumiti ito nang malaki. “Buti nandito ka, Zacharias! Sumama ka sa amin. Ipapakita ko sa ‘yo ang tunay na ugali ni Jillian.” Nag-igtingan ang kanyang panga at kumuyom ang mga palad. Si Lyndel na nakatingin sa kanya ay medyo lumayo. Kabaliktaran ni Katelyn na dahil nagbubunganga ay hindi napansin ang dilim ng mukha niya. “Nasa room 8088 sila. May keycard ako!” “Give me the key,” malamig niyang wika sabay lahad ng kamay. Nakangisi pa si Katelyn nang

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 110

    CHAPTER 110 "Tama si Zacharias. Mabait ka lang kapag may mahihita ka. Ang dali-dali mo pang sisihin ako sa mga bagay na hindi ko naman kasalanan. Ang kapal ng mukha mo para i-gaslight ako. Bakit hindi ka tumingin salamin para makita mo kung gaano kakapal ang mukha mo para ipamukha sa akin na Nanay

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 87

    CHAPTER 87 Nangingilid ang kanyang mga luha. Nagbibigay ng kapayapaan ang mga bisig ni Zacharias na nakapalibot sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay lahat ng mga paghihirap at mga luha niya noon ay nagkaroon ng hustisya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na bahag

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 85

    CHAPTER 85"Ang batang 'yon, kadugo natin. Malinaw ang isip ko, Zeya kaya huwag na huwag mong pagdudahan ang aking apo sa tuhod.""Okay, sige!,” ayaw pa rin tumigil ng babaeng anak niyang ito. "Kalimutan muna natin ang bata. Ma, papakasalan ba ni Zacharias ang babaeng 'yun?""Gusto ko nga sana pero

  • I Found My Ex-Girlfriend with My Secret Mini-Me   Chapter 83

    CHAPTER 83[BELLA] NAGULAT SI BELLA nang matanaw si Zacharias sa lobby ng Maya International pag-out niya sa trabaho. Alas-dos pa lang pero pauwi na siya dahil birthday ngayon ni Chairman Chang. Maaga itong umalis para sa bakasyon kasama ang Misis nito. Nakaupo si Zacharias sa isa sa ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status