เข้าสู่ระบบISAAC HIRO
“Daddy!” Masaya akong sumigaw habang binubuksan ang pinto ng opisina niya.
Halos hindi na ako nag-abala na kumatok.
Too excited.
Too happy.
Too proud of myself.
Dahil pagkatapos ng ilang buwan ng paghahanap...
Finally.
I found my mommy.
Well… Not officially yet.
Pero magiging mommy ko na siya.
I know it!
I can feel it.
At walang makakapigil sa plano ko.
Agad namang napatingin si Daddy sa akin.
Natawa siya nang makita akong halos patakbo na papunta sa kaniya.
“At saan ka galing?”
Paglapit ko ay agad niya akong binuhat at pinaupo sa hita niya.
Automatic ko siyang niyakap sa leeg. “Hehehe.” Napangiti ako nang malaki.
“You'll know it soon.” Kumikislap ang mga mata ko habang iniisip ang napakagandang plano ko.
“I have a very, very big surprise for you.”
Natawa siya. “Talaga?”
Tumango ako nang mabilis. “Mhm!”
Kung alam lang ni Daddy kung gaano kalaki ang surpresa ko.
Baka mahimatay pa siya.
Dahil hindi lang basta sorpresa ang dala ko.
Bagong mommy ang dala ko.
Napangiti ako nang mag-isa habang iniisip si Mommy Vivienne.
Mukha siyang bait.
Ang ganda niya.
At higit sa lahat...
Magaan ang pakiramdam ko sakanya.
Unlike Claudia.
Agad nawala ang ngiti ko nang maalala ko iyon.
I don't want Claudia to be my mom.
Never!
Not even once.
Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ng lahat na tawagin ko siyang Mommy.
Even if she keeps saying she's my real mother.
I don't believe her.
Or maybe...
I just don't want to.
Because real mothers shouldn't hurt their children.
Am I right?
Kapag wala si Daddy...
Iba siya.
Para siyang nagtatransform into a demon.
Masungit, mataray, at super bossy.
Minsan pa nga ay pinapalo niya ako kapag hindi ko nasunod ang utos niya o hindi ko nagagawa ang mga gusto niya.
At kapag sinusumbong ko siya kay Daddy... Nagdidilang anghel siya.
Biglang bumabait.
Biglang umiiyak na para bang siya pa yung kinawawa at sinaktan.
Biglang nagpapanggap.
And I hate it.
I hate her.
“Ikaw ha.” Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman kong kinurot ni Daddy ang ilong ko.
“Kung saan saan ka na naman naggagala.” Natatawa siyang umiling.
“Your mom will scold you again.”
Agad akong napanguso. “I don't want her to be my mom.” Mahina kong sabi.
Biglang nawala ang ngiti ni Daddy.
“Isaac.” Seryoso na ang boses niya ngayon. Iyong boses na ginagamit niya kapag gusto niya akong pagsabihan.
Bahagya akong yumuko.
Pero hindi ko binawi ang sinabi ko.
“That's bad.” Napabuntong-hininga siya. “She's your mom.”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa polo niya.
“No.”
“She's not.” Halos maiyak kong sambit.
Hindi siya ang mommy na gusto ko.
Hindi siya ang mommy na nakita ko sa panaginip ko.
Hindi siya ang mommy na hinahanap ng puso ko.
“I don't want her.” Mabilis kong sagot.
Napatitig siya sa akin.
Pero wala akong balak umatras.
Kaya taas noo ko siyang tiningnan. “I found my new mommy.”
Pagkasabi ko noon ay agad akong bumaba mula sa hita niya.
“Isaac.” Tawag ni Daddy.
“I'm serious!”
“I already found her.”
Nagtatakang napakunot-noo si Daddy. “And who is this new mommy you're talking about?”
Nanlaki ang ngiti ko.
Pero agad ko rin iyong pinigilan.
“Secret muna, bye Daddy!”
“I need to take a bath before Claudia scolds me!” Rason ko at mabilis na tumabok papunta sa kwarto ko.
After all… Hindi pa naman alam ni Daddy na I hired Mommy to be his fake fiancée.
—
Before I hired Mommy, kinausap ko muna si Tito Thadeus.
Actually, hindi lang kinausap.
I practically begged him.
Nnagulit ako.
At ginamit ko lahat ng natutunan ko tungkol sa negotiation para lang mapapayag siya.
At gaya ng inaasahan ko... Nagtagumpay naman ako.
After all...
I am a seven year old kid with a very high IQ.
At kapag may gusto ako, hindi ako basta basta sumusuko.
Lalo na kung tungkol iyon kay Daddy.
That’s what Mamita Lourdes told me.
Nagsimula ang lahat ilang buwan ang nakalipas.
Isang araw, naghahanap lang naman ako ng bagong libro sa pribadong library ni Daddy. Bawal akong pumasok doon. Pero bawal din naman akong pakialaman kapag curious ako.
So technically… It’s their fault.
Habang paikot ikot ako sa loob ng opisina niya, napadpad ako sa isang silid na bihirang buksan.
A private room.
Isang lugar na halos walang nakakaalam. At doon ko nakita ang isang bagay na nagpabago sa lahat. Isang lumang picture frame na nakatago sa loob ng isang drawer. Parang isang napakahalagang kayamanan na ayaw ni Daddy na makita ng iba.
Curious akong inilabas iyon at doon ko nakita ang litrato.
Isang napakagandang babae. Mahaba ang buhok nito, maliwanag ang ngiti, at mukhang sobrang saya.
Mas lalong nakatawag ng pansin ko ang lalaking nasa tabi niya.
It's Daddy. Noong bata pa siya.
And he was hugging that beautiful girl… Na kamukha ko?
"Hmm..." Kinusot ko pa ang baba ko gaya ng mga detective sa cartoons.
One thing was absolutely certain.
Hindi si Claudia ang babae.
Not even close.
Umalis ako sa pribadong silid at agad na hinanap si Tito Thadeus.
“Tito.”
“Ano nanaman batang makulit?”
“I need your help.”
At doon nagsimula ang lahat.
We tried searching for her, kaya lang ay mukhang wala ito sa Pilipinas.
Also, hindi ko rin alam ang puno’t dulo kung bakit sila naghiwalay ni Daddy.
Tito Thadeus won’t let me know. Hindi pa raw akma sa edad ko and it’s Daddy’s personal life kaya hindi na rin ako kumontra pa.
Basta ang mahalaga, I want his friend and greatest love to be my Mommy, not Claudia.
Kaya nang malaman kong bumalik na siya sa Pilipinas... Hindi na ako nag-aksaya ng oras.
I want Vivienne to be my Mommy.
So I created a plan. A very brilliant plant.
I told Tito Thadeus to post some posters about hiring a fake fiancée at umasang si Mommy Vivienne ang kumagat.
At mabuti nalang, with the help of my Mommy’s friend, Tita Celestine. Kumagat siya sa poster.
My mission now is simple.
Huwag lang kokontrabida si Claudia.
Hmp!
VIVIENNE ANASTASIANapalunok ako. He has a wife. Well... at least iyon ang alam ng lahat. At kahit paano, hindi ba dapat ay may boundaries pa rin kami? Isa pa, malinaw naman na hindi ako kabilang sa bahay na ito. I'm just his fiancée on paper. Nothing more. "And why is that?" kalmado niyang tanong. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gusto kong sabihin nang hindi nagmumukhang awkward. "I mean..." Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko mahanap ang tamang salita. Ngunit tila alam na niya agad ang nasa isip ko. A small faint smirk slowly appeared on his lips. "Clearly, you're my fiancée." Napatitig lamang ako sa kanya. Hindi pa man ako nakakaisip ng maisasagot ay muli siyang nagsalita. "And I can do whatever I want in this house." His voice was calm and firm. Parang wala man lang puwang para kontrahin ko siya. Napayuko ako nang bahagya habang kinakabahan na nilaro ng mga daliri ko ang laylayan ng aking damit. Hindi ko alam kung bakit, pero
VIVIENNE ANASTASIAAt habang ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pag aalaga niya sa bata. “Huwag ka nang umiyak.” Mahina niyang sabi habang inaayos ang kumot ni Isaac. “We're here na.” Agad namang kumalma si Isaac dahil sa kanyang boses. Samantala, mabilis kong inayos ang tray sa gilid ng kama. Inilapag ko ang lugaw, gamot, tubig, at ang plangganang may malamig na bimpo. Bago ko siya pakainin ay marahan ko munang pinunasan ang buong katawan. Bahagya siyang napapikit nang maramdaman ang malamig na tela sa kanyang balat. Pagkatapos ay maingat kong idinikit ang kool fever sa kanyang noo. “Kumain ka muna.” Mahina kong sabi. Tumango lamang siya bilang tugon, ngunit napansin kong mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa damit ni Leandro. Parang ayaw niyang bumitaw. Bahagyang umusog si Leandro upang makaupo rin ako sa kabilang tabi ni Isaac. At sa isang iglap, para kaming bumuo ng maliit na mundo sa ibabaw ng kama. Nasa gitna si Isaac. Habang kaming dalawa
VIVIENNE ANASTASIAHindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Ayokong marinig muli iyon. Ayokong isipin iyon. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na wala namang dapat kahulugan. Dahil alam ko ang totoo… Matagal nang patay ang anak namin ni Leandro. At si Claudia ang tunay na ina ni Isaac. Iyon ang katotohanan. Iyon ang dapat kong paniwalaan. Kahit gaano pa ako tawagin ng batang iyon na Mommy. Kahit gaano pa siya kumapit sa akin. Kahit gaano pa kakaiba ang pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Isa lamang itong kontrata. Isang kasunduan. At wala nang iba. Ngunit habang hawak ko ang lalagyan ng lugaw at papalapit sa pinto, hindi ko napansin ang paraan ng bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil kay Leandro. Kundi dahil sa isang batang may lagnat na naghihintay sa pagdating ko. “You okay? Kanina ka pa tulala.” Bahagya akong napakislot nang marinig ang boses ni Leandro. Napalingon ako sa kanya at doon ko lamang napagtantong ilang minuto na pala akon
VIVIENNE ANASTASIA*kring* *kring* *kring*Ang paulit ulit na tunog ng cellphone ko ang bahagyang pumutol sa katahimikan namin ni Cel.“Hoy babae, may tumatawag sa'yo!” Malakas na sigaw ni Celestine mula sa sala bago niya iniabot sa akin ang cellphone. Abala ako sa pagluluto ng hapunan namin kaya halos hindi ko napansin ang pagtunog nito. Matagal tagal na rin mula nang huli akong magluto, kaya naman buong atensyon ko ay nakatuon sa mga sangkap na nasa harapan ko. Pinatay ko muna ang apoy ng kalan bago kinuha ang cellphone. “Sino 'yan?” “Si Thadeus.” Agad na napakunot ang noo ko.Nang sagutin ko ang tawag ay inilagay ko agad ang cellphone sa pagitan ng balikat at tenga ko habang muling ip[inag patuloy ang pag luluto.“Hello? Bakit?”“I already called your ex husband.”Pagkabungad pa lamang niya ay napa irap na agad ang mga mata ko. “Kung mang iinis ka lang, ipapakausap na lang kita kay Cel.” Agad ko namang narinig ang malakas niyang reklamo mula sa kabilang linya.“Fuck. No way.”
ISAAC HIRO“Hi, Tito Thadeus.” Mahina ang boses ko nang batiin ko si Tito bago tuluyang pumasok sa kaniyang kwarto. Agad naman siyang napatingin sa akin mula sa kinauupuan niya. Kanina pa masama ang pakiramdam ko, mabigat ang katawan ko at mainiit ang noo ko, halata tuloy na wala akong lakas.Wala pa naman si Daddy sa bahay dahil bigla nanaman siyang ipinatawag sa opisina dahil sa emergency ng company. Mabuti nsalang at naisipan ni Tito Thadeus na mag paiwan nalang para bantayan ako habang wala si Daddy. Talagang ginagampanan ang pagiging Tito Nanny.“Anong kailangan mo, bata?” Bahagya niyang itinaas ang kaniyang isang kilay habang sinusuri ang mukha ko.“Bakit parang wala kang gana?” Napakamot ako sa ulo. Taray talaga ni Tito. Isang tingin pa lang, napansin agad niyang may mali sa akin.“It’s time na po for my second mission.” Pag iiba ko ng topic at hindi sinagot ang tanong niya.Bahagya siyang natigilan bago napabuntong hininga. “Abay, kakatapos lang ng family dinner mo kahapo
ISAAC HIRO“I miss you, Mommy!” Malakas kong sigaw habang mabilis na tumatakbo palapit Mommy. Halos hindi ko na mapigilan ang pananabik na ilang araw kong kinimkim. “Hey there, Isaac.” May kasamang mahinang tawa ang kaniyang pagbati bago niya ako marahang niyakap. Agad naman akong napapikit nang maramdaman ko ang init ng kaniyang yakap. “How are you, baby?”“I’m okay po.” Tugon ko.Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mommy habang marahan niyang ginulo ang buhok ko.“Hi, Isaac.” Napalingon ako nang makarinig ako ng isang hindi pamilyar na boses ng babae. Nakangiti itong naka tingin sa akin habang tahimik kaming pinang mamasdan ni Mommy.“That’s Tita Celestine,” paliwanag ni Mommy. Bahagya akong tumango bago lumapit sa babae.“Hello po, Tita Celestine.” Magalang akong nagmano sakanya dahilan para mas lumambot angb ekspresyon ng kaniyang mukha.“Ang pogi naman ng bebe na ‘yan.” Napatawa siya habang pinag mamasdan ako.“Mana sa Daddy, pero kamukha ni Mommy.” May halong panunukso ang ton
NICOLAS LEANDROI was still completely caught off guard kahit nakaupo na si Anastasia sa hapag-kainan kasama namin. Hindi ko pa rin ma-process nang maayos ang nangyayari. For seven years.Pitong taon ko siyang ipinahanap.Pitong taon kong hinanap ang bawat posibleng lead tungkol sa kaniya. At ng
NICOLAS LEANDRO“Mabuti at hindi ka na pineperwisyo ni Claudia sa marriage niyo.” Agad na sumersyoso ang aura sa loob ng opisina ko.“That woman.” Mabigat ang boses ko. Parang kahit pangalan pa lang niya ay may bigat na agad. “Wala akong balak pakasalan siya.” Napatingin sa akin si Thadeus. “Pa
VIVIENNE ANASTASIA“Sigurado ka na bang babalik ka ulit sa Pilipinas, iha?” Malumanay ang tono ng boses ni Mama, ngunit ramdam ko ang pag-aalala sa bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig.Napahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.Dahan dahan kong ipinasok sa maleta ang huling piraso ng aking da
VIVIENNE ANASTASIA“Hindi pa rin nagbabago ang order mo.” Natatawang puna niya habang pinagmamasdan ang pagkain sa harap ko.Napatingin ako sa inorder kong pasta at bahagyang natawa. “Neither does yours.”Agad siyang napatingin sa steak na nasa harapan niya at nagkibit-balikat. “Well, some habits a







