Masuk"Isang milyon kapalit ng isang sayaw. Isang kontratang nakatali ang puso at katawan niya." Para madugtungan ang buhay ng kaniyang ina, walang pag-aatubiling ibinenta ni Kikay ang sarili bilang isang high-class entertainer sa Crimson Cloud Nine. Ang nakabili sa kaniya? Isang misteryoso, makapangyarihan, at malupit na 'VIP'. Pero ang tunay na bangungot ay nagsimula nang dumating ang lalaking inatasan ng VIP para maging 'handler' niya. Si Rhamesis Wilton. Ang bilyonaryong CEO. Ang lalaking nandurog sa puso niya limang taon na ang nakararaan. "You think he owns you now, Kikay?" paos at mariin nitong bulong habang kinukulong siya sa dilim, ang mainit nitong hininga ay sumusunog sa kaniyang balat. "He only bought your contract. Pero ako... ako ang magpapasunod sa katawan mo." Akala ni Kikay, kaya niyang tiisin ang bawat mapanuksong haplos at agresibong pag-indayog ni Rhamesis para sa perang kailangan niya. Wala siyang kaalam-alam na sa likod ng mapanganib na laro ng poot at pagnanasa, ang lalaking pilit siyang inaangkin ay ang mismong demonyong may hawak ng kaniyang kontrata. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga balat, sino ang unang bibigay? Ang babaeng pilit isinisigaw na pera lang ang habol niya... o ang lalaking handang sunugin ang buong mundo makuha lang siyang muli?
Lihat lebih banyak“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.
Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.
“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.
Tumango siya, tila na-hipnotismo. Ang mga nanginginig niyang kamay ay humigpit sa aking mga hita.
Dahan-dahan akong tumayo, sadyang idinidikit ang bawat pulgada ng katawan ko sa kanya bago muling lumayo. Panay ang paglagok niya ng laway.
I did it perfectly hot. Bilang isang highly-paid entertainer sa VIP room ng Crimson Cloud Nine, sanay na ako sa ganitong eksena. Pero hanggang sayaw at show lang ako.
Walang extra service. Walang kama.
“Gan’yan nga, baby girl…” malanding saad nito, akmang hahaplusin ang balat ko pero pilyo ko itong hinampas.
“Just stay still, Daddy. Hayaan mong ako ang gumalaw,” nakangiti kong banta para ilihis lang ang gumagapang niyang kamay.
Kung hindi lang talaga kailangan ng nanay ko ng limang daang libo para sa emergency craniotomy bukas at pangmatagalang chemotherapy hindi ako magtitiis sa ganitong trabaho.
Buhay ng nanay ko ang nakasalalay dito kaya kailangan kong lunukin ang hiya. Isang baso pa ng matapang na alak, sapat na para patayin ang kaba at manhidin ang sistema ko.
Pero bago ko pa matapos ang routine ko, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng bar.
Namula ang mga ilaw mula sa labas ng VIP room. Isang panibagong kanta ang pumailanlang mula sa main floor. Mas mabigat, mas malakas ang bass.
Dahil sa biglaang hiyawan ng mga babae sa ibaba, awtomatikong napalingon ako sa malapad na salamin ng kwarto namin na nakaharap sa stage.
At doon, parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Isang lalaki ang umakyat sa stage. Nakasweatpants. Walang pang-itaas. Tanging itim na bowtie lang ang suot.
Isang bagong macho dancer.
Nanuyo ang lalamunan ko. Pamilyar ang malapad na balikat na iyon. Pamilyar ang matalim na panga. Pamilyar ang bawat linya ng katawan na kumikinang sa ilalim ng pulang ilaw.
Si Rhamesis.
Ang ex ko. Ang lalaking limang taon kong pilit ibinaon sa limot matapos niya akong iwan nang walang paalam, ngayon ay sumasayaw sa harap ko.
Nag-init ang buong katawan ko. Pinaghalo ang kalasingan, galit, sakit, at matinding pagkabigla. Hindi siya nakatingin sa mga babaeng nagwawala sa ibaba ng stage.
Nakatitig siya nang diretso… sa akin. Kahit nasa VIP room ako sa itaas, tila tumatagos ang mga mata niya sa suot kong maskara, hinuhubaran ang buong pagkatao ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. He looks perfectly dangerous. Ang umbok sa ibaba ng v-line niya ay agresibong sumasabay sa bawat mapanukso niyang paggiling.
God. Bakit siya nandito?
Tulala pa rin ako nang biglang bumukas nang marahas ang pinto ng VIP room. Pumasok ang dalawang bouncer, kasunod si Sir Ayan, ang floor manager ng bar. May bitbit itong itim na briefcase.
“Anong ibig sabihin nito?!” galit na angil ni Mr. Tan.
“Nagbabayad ako ng malaki para sa oras ng babaeng ‘yan!”
Hindi sumagot si Sir Ayan. Sa halip, malamig siyang lumapit sa glass table at ibinagsak ang briefcase. Isang matunog na click ang umalingawngaw nang buksan niya ito.
Tumambad ang mga bundle ng tig-iisang libong piso na maayos na nakasalansan.
Natigilan ang matanda. Maging ako ay napigil ang hininga.
“One million pesos, Mr. Tan,” malamig na sambit ni Sir Ayan. “Bayad para sa abala, at bayad para tapusin na ang entertainment ni Miss Kikay sa kwartong ito. Makakaalis na kayo.”
Nanlaki ang mga mata ng matanda. Lumunok siya, ang galit kanina ay mabilis na napalitan ng kislap ng kasakiman.
Sinong tanga ang tatanggi sa isang milyon kapalit ng pag-alis sa isang bar? Mabilis niyang hinablot ang briefcase, hindi na ako tiningnan pa, at nagmamadaling lumabas ng VIP room kasama ang dalawang bouncer.
Naiwan kaming dalawa ni Sir Ayan. Nanginginig ang mga kamay kong inayos ang silk strap ng damit ko na kanina ay sadyang ibinaba ko.
“A-anong nangyayari, Sir A-Ayan?” garalgal kong tanong.
Humarap siya sa akin at may inilabas na isang makapal na sobreng brown mula sa loob ng kanyang coat.
“Don’t worry, you’ll still get your 500, 000 talent f*e for that client.” Panigurado nito bago inilapag ang isang maliit ng brown envelope sa parehong mesa kung saan nakapatong ang alak ko.
“And another one million in check for you, Kikay,” diretsong sabi niya.
Tiningnan ko ang sobre, at pagkatapos ay sa kanya. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.
Isang milyon? Kalahating milyon lang ang usapan kanina. Isang milyon… sapat na ito para sa emergency craniotomy ni Mama at malaking tulong na para sa chemo niya.
Buhay ng nanay ko ang katumbas ng sobreng iyan.
“P-para saan?” kinakabahan kong tanong, kahit na may hinala na ako na hindi ito magiging madali.
“May isang VIP sa itaas. Isang mysterious billionaire na nakabili ng pinaka-exclusive na pwesto ngayong gabi. He specifically requested this,” paliwanag ni Sir Ayan.
Itinuro niya ang bintana na nakaharap sa stage sa ibaba.
“Gusto niyang sumayaw ka ng hot dance. Doon sa main stage. Kasama ng bagong macho dancer natin.”
Hot dance with him? After what happened five years ago? Makakaya ko ba? Para sa pera?
Ito ang underground sanctuary ni Ymilio. Isang lugar na hindi makikita sa kahit anong mapa.“Right this way, boss,” pormal na bati ng isang lalaki kay Roman, sabay yuko bago kami iginiya papasok sa isang hi-tech na pasilidad na mukhang isang pribadong ospital.Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad. Ang itim na silk dress ko ay may mantsa pa rin ng alak at alikabok mula sa sahig ng suite kanina.“Kikay,” isang malalim at paos na boses ang bumasag sa konsentrasyon ko.Naramdaman ko ang paglapit ni Rhamesis sa likuran ko. Akmang hahawakan niya ang siko ko upang alalayan ako, ngunit bago pa man dumampi ang mga daliri niya sa balat ko, mabilis akong humakbang palayo.Lumayo ako. Hindi ko siya nilingon.Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbaba ng kamay niya sa hangin. Ang kaniyang panga ay umigting, at ang malalapad niyang balikat ay bahagyang bumagsak, ngunit pinili niyang manahimik at sumunod na lang sa likuran ko, umaaktong parang isang anino na natatakot mabulabog ang pr
Biglang tumawa nang malakas si Ymilio. Isang halakhak na puno ng pang-iinsulto.“Oh, old man. Did you really think we’d let our friend sign his empire away?” lumapit si Ymillio at hinablot ang folder mula sa kamay ni Crisostomo. Binuklat niya ito at iniharap sa matanda.Nanlaki ang mga mata ng Don. Ang pirma na inilagay ni Rhamesis kanina ay unti-unting naglalaho. Burado.“Friction pen. An underground special,” nakangising paliwanag ni Ymillio bago pinunit ang dokumento sa harap mismo ng matanda. “At habang nag-uusap kayo rito, my hackers already froze all your personal offshore accounts. You are the one who is broke, Don Crisostomo.”Gumuho ang mundo ng matanda. Nawalan siya ng balanse at napaluhod sa sarili niyang mansyon. Ang imperyong pinrotektahan niya, ang kapangyarihang ginamit niya para sirain kami, lahat iyon ay nabura sa loob lang ng isang gabi.“Kill him already, Rhamesis. Don’t waste our time.” malamig na suhestiyon ni Roman, nagkasa ulit ng baril.Inilagay ni Rhamesis ang
Sa gitna ng nakakabinging katahimikan na sumunod sa pagsabog, ang tanging naririnig ko ay ang mabilis na pagtibok ng sarili kong puso at ang malamig na pagkasa ng baril ni Rhamesis.Nakatutok ang dulo ng baril niya sa mismong gitna ng noo ng kaniyang lolo. Ang matapang at aroganteng Don Crisostomo kanina ay nanginginig na ngayon, ang mga mata ay nanlalaki sa takot habang nakatingala sa apong itinuring niyang tuta.Mula sa makapal na usok ng sumabog na main door, dahan-dahang naglakad papasok ang dalawang lalaki. Ang bawat hakbang nila ay tila nagdadala ng sarili nitong atmospera, malamig, madilim, at pumapatay.“Masyadong malaki ang pinto mo, matanda. Sayang ang C4,” isang matapang na boses ang bumasag sa tensyon.Ito ang lalaking nakita ko sa gala. Hindi ako nagkakamali.Si Ymilio Eros Remington.Nakapamulsa siya habang naglalakad, may suot na itim na leather jacket, at ang kaniyang labi ay nakakurba sa isang malademonyong ngisi.Sa tabi niya, tahimik na naglalakad ang isa pa.Si Rom
“Rhamesis. And the cheap little whore,” malamig at mapang-insultong bati ng matanda.“Nasaan ang nanay ko?!” hindi ko napigilang isigaw, gusto ko siyang sugodin ngunit pinigilan ako ng braso ni Rhamesis.“Napakawalang-galang,” iling ng Don. “But you don't need to worry. Your mother is currently watching this very scene from the upper floor. Behind a bulletproof glass.”Itinuro ng matanda ang itaas. Tumingala ako at nakita ko sa isang balcony room ang nanay ko, nakaupo sa isang wheelchair, walang malay at nakakabit pa rin ang mga dextrose tubes sa kaniyang braso. May isang lalaking nakatutok ng baril sa kaniyang ulo.“Mama!” palahaw ko, pilit na kumakawala kay Rhamesis, pero mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran.“Wag kang gumalaw, Kikay,” mariin niyang bulong.“What do you want, old man?” malamig na tanong ni Rhamesis, ang boses niya ay walang bahid ng takot. “You brought us here. State your fucking terms.”Tumawa ang matanda, isang tuyo at nakakakilabot na tunog.“My terms are s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak