MasukKIKAY'S POVBakit ganito ang pakiramdam ko?Habang humahakbang ako papasok sa makapal na kumpol ng mga puno at halaman, ang hangin ay biglang lumamig. Nawala ang amoy ng dagat, napalitan ng amoy ng lumot at basang lupa.Napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa matinding kaba.Bumalik ka na, Kikay. Magagalit si Rhamesis, bulong ng isang bahagi ng isip ko.Pero ang mga paa ko ay ayaw makinig. Gusto kong makahanap ng sagot sa mga tanong at duda sa utak ko. Natatako ako! Nagagalit na hindi ko maintindihan.Sino si Julian? Bakit kailangan ng mga guards na may baril? Bakit nagsisinungaling si Rham? Anong nangyari bago ako na-coma?Crack.Isang malakas na pag-apak sa tuyong sanga ang umalingawngaw sa paligid.Napasinghap ako at mabilis na lumingon. “R-Rham?” tawag ko, ang boses ko ay nanginginig.Walang sumagot. Tanging ang pagaspas lang ng mga dahon ang narinig ko.Akmang aatras na sana ako pabalik sa hardin nang biglang gumalaw ang mga
Third Person's POV.Ang malamig at basa-basang hangin sa loob ng nakatagong kweba ng isla ay sumalubong kay Julian.Walang ingay ang makina ng kaniyang stealth watercraft habang dahan-dahan itong sumuong sa madilim na bahagi ng kuweba, umiiwas sa anumang radar o sonar na nakakabit sa paligid ng pribadong isla ni Rhamesis.Nang tumama ang unahan ng sasakyan sa batuhan, mabilis siyang tumalon pababa. Ang kaniyang mga itim na combat boots ay lumikha ng mahinang tunog sa basang semento na natural na nabuo sa loob ng kweba.Hinubad niya ang kaniyang itim na jacket, at sa kaunting liwanag na nagmumula sa labas, bumakat ang katotohanan ng mga nangyari anim na buwan na ang nakararaan.Isang malaking, mapula, at nakakapangilabot na peklat ang nakaukit mula sa kaniyang kaliwang balikat pababa sa kaniyang tadyang.Kumirot ito, tila nagpapaalala ng nagbabagang apoy at bakal na muntik nang kumitil sa buhay niya. Hinaplos niya ang magaspang na balat. Ang kaniyang panga ay umigting, at ang kaniyang
“Kikay.”Muntik na akong mapatalon sa gulat.Mabilis akong humarap, ang aking puso ay halos sumabog sa lakas ng pagtibok.Nakatayo siya roon, ilang hakbang lang ang layo sa akin.Si Rhamesis.Tinitigan ko siya. Ang mga mata niya... madilim, malamig, at nagliliyab sa isang nakakamatay na awtoridad. Ang panga niya ay umigting, at ang kaniyang tindig ay naglalabas ng isang kapangyarihang hindi kayang itago ng simpleng pambahay na suot niya.Siya ba ang boss na palagi niyang dinadahilan sa akin? Kaya ba sobrang ‘so good to be true’ ng kabatian ng boss na sinasabi niya? Pero paano? Noong huling ala-ala ko, isa siyang construction worker! Anim na buwan lang naman akong tulog! O baka… hindi lang anim na buwan? Pa’no kung may hindi pala ako naalala? Kaya sobrang bilis at sobrang laki ng pinagbago ng lahat?Napakurap ako sandali, at nang sandaling iyon, biglang nagbago muli ang aura ng lalaking nasa harap ko.Ang malamig at nakakamatay na aura sa kaniyang mga mata ay biglang natunaw. Pinalitan
Parang binibiyak ang utak ko sa mga narinig ko.Mabilis akong tumalikod mula sa pinagtataguan ko sa likod ng makapal na kurtina. Nanginginig ang buong katawan ko, mula sa aking mga kamay hanggang sa aking mga tuhod.Wala sa sariling naglakad ako pabalik sa loob ng kwarto, ang isip ko ay nag-uunahan sa pagtakbo, pilit na pinag-uugnay-ugnay ang mga pira-pirasong impormasyon.CEO? Board of Directors? Kill them on sight? Julian?Wala sa sariling napalabas ako ng villa mula sa kabilang pinto, hindi ko namalayang dinala na pala ako ng aking mga paa sa kabilang bahagi ng dalampasigan.Malayo sa pwesto ni Rhamesis.Ramdam ko ang init ng pinong buhangin sa aking mga nakayapak na paa, ngunit ang buong sistema ko ay nagyeyelo.Huminto ako sa tapat ng nag-uunahang mga alon at blangkong tumitig sa walang hanggang karagatan. Ang asul na tubig ay kumikinang sa ilalim ng araw, ang kalangitan ay malinaw at perpekto.Isang paraiso. Paraisong inaasam ng kahit na sinong tao.Pero habang nakatitig ako sa
May hindi tama…Pagkatapos ng tahimik at mabigat na agahan, nagpaalam akong papasok sa kwarto para magpalit ng damit.Hindi na sumunod si Rhamesis dahil inaayos pa niya ang mesa, bagay na ipinagtaka ko dahil marami namang tauhan ang resort, pero sadyang pilit niyang pinapaalis ang sinumang lalapit sa amin. Parang gusto niyang kami lang talaga.Tumayo ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng walk-in closet. Inalis ko ang silk robe ko.Tinitigan ko ang sarili ko.Sa ibaba ng kanang tadyang ko, malapit sa aking baywang, may isang mahaba, mapula, at medyo nakaangat na peklat.Kumunot ang noo ko. Hinaplos ko ito gamit ang nanginginig kong mga daliri.Hindi ito mukhang galos lang sa isang simpleng aksidente. Mukha itong… tahi. Isang malalim na hiwa na tinahi ng isang propesyonal.‘Car crash.’ Ang sabi ni Rhamesis.Pero bakit ganito ang itsura ng peklat? At bakit wala akong ibang matinding sugat sa ibang parte ng katawan ko kundi ito at ang malaking pilay sa binti ko? Kung bumangga kami, h
Just stay here. Bakit ba pakiramdam ko ay laging siyang takot na bigla nalang akong mawala? O baka dahil lang din ito sa ilang buwan din ako halos tulog after an accident. Make sense.Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, maingat na iniiwasang mabulabog nang tuluyan ang tulog niya.Nang magtama ang paningin namin, nakita ko na pala siyang nakadilat. Ang madilim at seryoso niyang mga mata ay nakatitig na sa akin, walang bahid ng antok.“Good morning,” nakangiti niyang bati, ngunit ang hawak niya sa bewang ko ay nanatiling mariin at defensive.“Ang higpit mo naman yumakap, Rham. Parang nakakulong ako,” biro ko, pilit na pinapagaan ang atmospera. Hinaplos ko ang magulo niyang buhok. “Hindi naman ako tatakas.”Natigilan siya. Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi niya, at ang kaniyang panga ay umigting. Isang kislap ng takot at tensyon ang dumaan sa mga mata niya bago niya ito mabilis na itinago sa likod ng isang pilyong ngiti.“Sinusiguro ko lang,” malambing niyang bawi, inilalapit ang
“Sayaw, Kikay… sige pa…” halos nakapikit na saad ng matanda.Ngumiti ako nang pilit para itago ang pandidiri na umaakyat sa lalamunan ko. Nilunok ko ang lahat ng pride ko.“Gusto mo ba 'to?” bulong ko, ginagawang malambing at mapanukso ang boses ko kahit na gusto ko nang masuka.Tumango siya, tila n
CHAPTER 5:KINABUKASANNagising ako sa ingay ng mahinang ugong ng aircon. Mabigat ang aking talukap, at ang buong katawan ko ay tila bugbog sa hindi maipaliwanag na kapaguran.Ramdam ko ang kakaibang init na nakabalot sa aking likuran, isang matipunong braso ang mahigpit na nakapulupot sa aking bayw
CHAPTER 4:“Rhamesis… ahh…” Ang boses ko ay hindi ko na halos makilala. Nawawala ako sa sarili ko! Pakiramdam ko’y nilalamon ako ng init ng alak at init ng pagdamit ng labi at palad niya.Tiningnan niya ang hubad kong dibdib. Ang mga mata niya ay manghang-mangha at seryosong natingin.Ilang saglit p
“You felt it? How much I wanted to ruin you right now at alisin ang lahat ng titig at haplos ng ibang lalaki sa’yo?”Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko dahil sa inis... pero bakit ganito? Gustong gusto kong iangat ang palad ko para sampalin siya pero hindi ko maigalaw... p







