INICIAR SESIÓNHindi ko mapigilan ang sarili kong katawan na makaramdam ng matinding pagnanasa sa tuwing magtatama ang mga paningin namin ng lalaking unang bibihag sa puso ko.Titig pa lang niya,para akong nayuyupos na kandila....bumibigay kaagad at bubukaka tulad ng bulaklak sa umaga. Nahulog na ako sa kanya...hulog na hulog,pero sakim siya sa tadhana.Para akong isang bagay na hindi na maaaring gamitin,na basta na lang niyang iniwan matapos ang maraming beses na pasarap at sayang aming pinagsaluhan. Ano ang gagawin ko?Maghahabol pa ba ako o kakalimutan na lang siya kahit may anghel na sa aking sinapupunan,na siyang nagpapaalala ng lahat...Init ng sandali.
Ver másRead at your own Risk.....MATURE CONTENT and Language 🔞
R-18(Adult Only) Alice POV Isang lingo na ang dumaan mula ng ilibing namin ang ama ko sa kanyang huling hantungan.At ito rin ang isang lingo ko bilang kapitana sa barangay ng Santa Barbara. Ang pagkawala ng butihin kong ama ay hindi namin napaghandaan.Wala siyang sinasabe sa amin o nakitang senyales na may mabigat na pala siyang karamdaman.Hindi namin iyon napapansin,dahil masigla siya sa tuwing kasama namin. Bago siya mawala sa amin,masaya pa kami ng araw na iyon,pero iyon na pala ang huli namin siyang makakasama at maririnig ang pagtawa niya . At nang araw na ilibing siya,halos kalahati ng taong barangay ang nakipag libing at nagluksa. Mahal na mahal kasi siya ng taong bayan dahil sa kabaitan, maayos na pamamalakad at may mabuting puso. Ang pag-upo ko bilang kapitana sa bayang ito ay hindi ko kailanman pinangarap at kailanman naisip na pasuking trabaho. Ang pangarap ko talaga sa aking buhay ay magturo sa mga bata.Kaya nang unang beses nila akong ihalal bilang kapitana,tinanggihan ko, dahil alam kong mahirap at hindi ko kakayanin. Kaya lang mapilit ang taong bayan na ako ang papalit sa ama ko at tatapusin ang termino niya bilang kapitan.Dahil dalawang taon na lang daw,matatapos na ang termino nito. Wala akong nagawa,kaya napagpasyahan kong tanggapin ang paghalal nila sa akin bilang Kapitana kapalit ng aking ama.Total, dalawang taon lang naman matatapos na at sa edad kong bente sais. Naisip ko na lang...para sa bayan.Para sa aking butihing ama at sa mga taong nagtitiwala sa akin....gagampanan ko ang tungkuling ito,kahit alam kong mahirap. Mga katok mula sa labas ng pinto ang pumukaw sa aking malalim na pag-iisip.Bumukas iyon at pumasok ang secretary kong si Ate Ara,na dating secretary rin ng ama ko. Napansin kong balisa ito.Kaya naman,napakunot ang noo ko. Si ate Ara ay matandang dalaga.At wala na yatang balak na mag-asawa pa dahil umabot na sa kuwarenta(40) ang edad.Maganda naman siya at mabait.Pero bakit hinayaan niyang tumanda siyang dalaga.Hindi naman ako naniniwala na walang nanligaw at wala siyang nagustuhang na lalaki.Siguro may mabigat na dahilan kaya hindi na nag-asawa pa. "kapitana, magandang hapon po.May masamang balita."pauna niyang sabi. Bahagya akong gumalaw at naging seryoso. "sabihin mo.Anong masamang balita ate Ara?"tanong ko sa kanya. "si manong Mario,sinugod sa hospital dahil nahagip ng rumaragasang truck ang patrol Tricycle na minamaneho niya.Mabuti na lang naihatid muna niya ang midwife at nurse na galing rito bago nangyari ang aksidente.At ang driver naman ng truck,dinala sa himpilan ng pulisya at agad na kinulong...napag alamanan naming nakainom pala ito."mahabang paliwanag ni Ara.Napatayo ako. "kamusta si Manong Mario?"agad kong tanong sa kanya. "wala pa pong balita mula sa dalawang tanod na siyang nagdala kay manong Mario sa Hospital,kapitana." Tumango ako. Sinulyapan ko ang oras sa suot kong relo,nakita kung alas singko na pala nang hapon. "hindi ka pa ba uuwi,ate Ara?Kung hindi pa, puntahan natin si Manong Mario sa Hospital upang tingnan ang kalagayan niya."sabi ko, na agad namang ikinatango ni ate Ara. Nauna nang lumabas si ate Ara.Kaya ako, dinampot ko na rin ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa ko saka lumabas ng opisina ko. Paglabas ko,naabutan ko si ate Ara at ang isa pang tanod at nag-uusap ang mga ito.Pero sabay silang napalingon ng magsalita ako. "tara na po ate,Ara." "si Carlo po ang maghahatid sa atin sa hospital,kapitana."sabe sa akin ni ate Ara.Agad akong tumango at nauna nang sumakay sa patrol car na service namin rito sa barangay. Pagkarating namin sa hospital,agad naming nakausap ang dalawang tanod na siyang nagdala kay manong Mario.Nalaman naming, kailangan maoperahan agad si manong Mario dahil napurohan ang kanang binti niya.Kung hindi agad maoperahan,baka kalahati ng katawan niya ang masisira at hindi na siya makakalakad pa kailanman.Kung maoperahan agad,makakalakad pa siya gamit ang saklay. Naawa ako sa matanda,dahil mabait ito.Pero ganito ang sinapit niya. Napabuntong-hininga ako. "sige po.Nakausap niyo na ba ang asawa ni manong Mario?"tanong ko sa kanila. "opo kapitana, at papunta na siya rito."agad na sagot ni Manong Erwin. Tumango-tango ako "mabuti naman po kong ganun.Babalik po kami bukas upang dalawin si manong Mario.Sa ngayon, kailangan niyo munang hintayin ang asawa ni manong Mario bago kayo umuwi.At kami naman ni ate Ara,dadaan muna kami sa police station upang makibalita sa kaso ng driver."sabi ko. Kumuha ako ng pera sa loob ng bag ko saka binigay kay manong Erwin. "pakibigay na lang po sa asawa ni manong Mario pagdating niya." Alam ko kasing walang pera ang ginang dahil may bahay lamang ito at umaasa sa sahod ng asawa niya bilang tanod sa barangay.Pero ngayon,hindi na makakapag trabaho si manong Mario kaya wala na silang pagkukunan ng panggastos nila araw-araw. Nagpaalam na kami sa dalawang tanod na umalis. Pagdating naman namin sa police station,agad naming nakausap ang hepe ng pulisya.Nakakulong na raw ang driver.Hintayin lamang namin na mahimasmasan ito upang pag-usapan ang nangyaring aksidente. Agad din kaming nagpaalam matapos kaming mag-usap ng hepe. "kapitana!"tawag ni Carlo ng akma akong bababa na ng sasakyan. "May sasabihin ka ba, Carlo?"tanong ko. Sandali muna niya akong tinitigan,na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabe.-O baka may dumi ako sa mukha kaya nakatitig siya sa mukha ko. Bahagya siyang ngumiti.Kaya lumabas ang mga dimple niya sa pisngi. "wala po,kapitana." Ngumiti ako ng pabalik.Pagkatapos,bumaba na ako ng sasakyan at hindi na lumingon pa. Pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay namin,agad na sumalubong sa akin ang mabango at masarap na ulam.Amoy pa lang, nakakatakam na,paano na lang kong nakita ko.Bigla akong nagutom. Ibinaba ako ang mga gamit ko sa sofa at pumunta ng kusina.Naabutan ko si mama na abala sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya at nagmano. "mano po ma."sambit ko. "kaawaan ka ng panginoon anak."sabi ni mama sa akin. "ma,anong niluluto mo?"tanong ko,saka tinignan ang nilulutong ulam ni mama. "syempre,ano pa nga ba...edi ang paborito niyo ng papa mo." Ngunit biglang natigilan si mama ng banggitin nito si papa.Pagkatapos, narinig ko ang pagsinghot niya.Kaya nalaman kung umiiyak siya. Naninikip din ang dibdib ko,at hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha.Masakit pa rin,as in sobrang sakit,dahil sariwa pa rin sa aming isipan ang pagkawala ng papa ko. Niyakap ko si mama,upang iparamdam sa kanya na narito lang ako sa tabi niya.Dadamayan ko siya sa kanyang kalungkutan hanggang sa unti-unti naming matatanggap na wala na talaga ang mahal kong ama dahil pinagpahinga na siya ng maykapal. Matapos ang naging drama namin ni mama,ako na ang nagpatuloy sa kanyang ginagawa at hinayaan siyang magpahinga muna sa kanilang silid ni papa.Alice POV Apat na araw kaming nanatili sa hospital bago kami pinauwi ng doctor.Maayos naman kaming mag-iina kaya walang naging problema.At sa apat na araw na iyon,hindi muling nagpakita sa akin si Gabriel sa hospital.Baka sumuko na ito—iyon naman ang dapat. At si Carlo naman,thru live video ang araw-araw niyang meeting sa mga boardmembers at sa mga shareholders ng kumpanya niya.Naaawa na nga rin ako sa kanya dahil maghapon siyang nakaharap sa laptop at napupuyat pa sa gabi upang tulungan niya lang akong mag-asikaso sa kambal.Tinutulongan naman kami ni mama pero hanggang alas onse lang gabi dahil may trabaho pa siya kinabukasan. Mahirap man ang maging magulang—gabi-gabing puyat.Pero kahit na ganun,nakakaya naman at masaya kaming alagaan ang kambal. Ngayon,isang buwan na ang kambal.Ngunit araw-araw na lumilipas,napapansin namin ang pagkakahawig ng dalawang kambal kay Gabriel.Hindi namin iyon maipagkakaila na siya ang ama at hindi si Carlo.Pero nagpapaama si Carlo sa anak ko,hindi
Carlo POV Kasalukuyan akong nasa meeting—pinag-uusapan ang tungkol sa problema ng kumpanya.Narito lahat ang mga boardmembers ,isa-isa silang nagrereklamo,ang iba ay hindi.Tahimik lang din ako habang pinapakinggan silang magsalita.Halos inabot na kami ng maghapon, hanggang ngayon wala pang natatapos. Ngunit naagaw ang pansin ko cellphone kong nag vibrate sa haparan ko.Kinuha ko iyon at tingnan kong sino ang nagpadala ng mensahe.Biglang napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko matapos kong mabasa ang text ni mama Alicia. Napatayo ako. "the meeting is over."turan ko sa medyo mataas na boses. "ano?Wala pa tayong natatapos Mr.Martinez,ngayon sasabihin mong the meeting is over."reklamo ng isang board member.Nagsitangunan naman ang iba. Tumingin ako sa kanya at matalim ko siyang tinitign."anong karapatan mong magsalita.Sino ka ba sa inaakala mo?—kayo!May karapatan ba kayong magsalita?Sino ang may-ari ng Kumpanyang ito—hindi ba ako.Kaya kong ano ang sinabe ko,sundin niyo? Don't say
Gabriel Clark POV Hindi ako mapakali at hindi ko malaman aking gagawin.Para akong pusa na hindi mapaanak dito sa labas ng pinto ng operating room.Lakad-upo,lakad -upo aking ginagawa.Sobra akong nag-alala para sa mag-iina kong nasa loob ng operating room ngayon.Halos isang oras na sila sa loob.Ang mga doctor at nurse na umasikaso sa kanila,wala pang lumalabas isa man sa kanila.Nalaman ko sa desk information na cesarian pala siya dahil iyon ang iminungkahi ng kanyang doctor para sa kanilang kaligtasan.At dapat next week pa ang kanyang schedule, pero napaaga ang labas ng kambal.At sa desk information ko din nalaman na kambal ang anak namin ni Alice.Ang saya ng puso ko ng malaman kong kambal ang dinadala niya.Kaya gagawin ko ang lahat bumalik lang ang pagmamahal niya sa akin.Mabuti na lang,wala ngayon ang baliw na Carlo'ng iyon,kaya ako ngayon ang nasa tabi ni Alice habang nanganganak siya.At mabuti na lang,nagawan ko ng paraan upang mapaalis ang balak umagaw sa pamilya ko,lalo na sa
Alice POV Napalingon ako sa bungad ng pinto nang marinig ko ang boses ni mama.Nakita kong puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Nagmamadali niya akong nilapitan at kinuha ang sandok na hawak ko."Alice bakit ikaw ang gumagawa niyan.Ako na anak baka mapaanak ka ng wala sa oras."sabe sa akin ni mama.Tumawa ako ng mahina."okay lang po ma.Nababagot na kasi akong walang ginagawa.At saka,hindi naman mahirap gawin."sabe ko."ikaw talagang bata ka.Isipin mo muna ang sarili mo at ang mga anak mong hindi pa naisisilang.Kapag nanganak kana,gawin mo na ang gusto mong gawin rito sa bahay.Sa ngayon,hindi pa pwede."paalala sa akin ni mama.Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko sa aking harapan.Napangiti ako ng makita kong numero ni Carlo ang lumabas sa screen."Carlo."masaya kong bungad."mahal,anong ginagawa mo ngayon?Maayos ba ang tulog mo kagabi?"malambing niyang tanong sa akin.Tahimik akong napabuntong-hininga.Maayos naman aking tulog kahit nagising ako sa ganung oras dahil kay G
Gabriel Clark/Adan Montes POV "sir Gabriel,may maganda akong balita...nakuha ko na po ang files na magdidiin kay Don Ignacio."bungad agad ng tauhan ko sa kabilang linya. "good."agad kong tugon. "ah sir Gabriel.May nais pa akong sabihin sayo." Hindi ako umimik at alam na niya iyon. "Narini
Alice POV Naghahanda na ako para sa pagpasok ko ng barangay hall.Kailangan kong maagang pumasok ngayon,dahil nakatanggap ako ng mensahe kagabi,na bibisita ngayon si Mayor Gerry Calderon.Kaya hindi ako dapat malate na pumasok.Ano na lang ang sasabihin ng butihing mayor kong pahuli-huli ako sa tra
Alice POV Naging mahirap at nakakapagod ang isang buwang paghahanda para sa fiesta ng Santa Barbara. Pagkatapos ng isang linggo,natapos na rin sa wakas.Talo man kami sa mga aktibidad,basta ang mahalaga ay naitawid namin ng maayos nang walang problema.Ang problema ko naman sa expenses ay natapos
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirem


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñasMás