登入Chapter 49Sydney's POV"Wow, Brand! I'm surprised. Really? May girlfriend ka na ulit?"Pagkarinig ko pa lang sa boses ng babaeng iyon ay parang may kumurot agad sa dibdib ko.Napakaganda niya.Mahaba ang alon-alon niyang buhok, maputi ang kutis, at kitang-kita ang kumpiyansa sa bawat galaw. Halatang sanay siyang maging sentro ng atensyon."Antipatika ito ah," bulong ko sa sarili ko.Bakit naman ganoon ang reaksyon niya?Hindi ba ako mukhang karapat-dapat maging girlfriend ni Brandon?Inilibot ko ang tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Aaminin ko, maganda siya. Iyong tipong maraming lilingon kapag naglakad sa mall.Pero...Sorry na lang siya. Ako ang pinili ni Brandon.Napansin kong bahagyang namula si Brandon habang sumasagot."Oh yes... kailan lang."Mukhang nahihiya pa nga.Ngumiti ang babae at bahagyang tumawa."Don't get me wrong, Sydney. Akala ko kasi magpapari na itong si Brandon natin."Natigilan ako.Brandon... natin?Napatigil ang ngiti ko."Excuse me? Brandon natin?"
Chapter 48Sydney's POV"Wow... you have a nice office here. Kaya pala gusto mong magtrabaho rito."Hindi ko napigilang mapahanga habang iniikot ko ng tingin ang opisina ni Brandon.Hindi ito iyong tipikal na opisina ng isang CEO na puro mamahaling kasangkapan lang ang makikita. Kitang-kita na bawat detalye ay pinag-isipan nang mabuti. Modernong-modernong ang disenyo ngunit may halong klaseng hindi nakakasawa sa mata.Sa isang gilid ay may malalaking floor-to-ceiling windows na tanaw ang buong business district. Napakaganda ng view, lalo na't papalubog na ang araw.Sa dingding ay nakasabit ang ilang original paintings mula sa mga kilalang international artists. Hindi ako eksperto sa sining, pero sapat ang kaalaman ko upang malaman na milyon ang halaga ng bawat isa sa mga iyon.May isang abstract painting na agad nakakuha ng pansin ko.Napansin iyon ni Brandon."Gusto mo?"Napalingon ako sa kanya."Maganda.""Birthday gift ko iyon sa sarili ko noong unang taon na naging profitable ang
Chapter 47Sydney’s POV“Good morning, everyone!”Masigla kong bati habang papasok sa malawak na dining area. Halos sabay-sabay namang napalingon sa akin ang lahat. Ang dating tahimik na umaga ay agad napuno ng masasayang mukha at maiingay na pagbati.“Good morning, Sydney!”“Good morning, Ate Sydney!”Napangiti ako habang isa-isang tinitingnan ang mga taong unti-unti nang nagiging bahagi ng buhay ko. Hindi ko namalayang ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng isang malaking pamilya.“Wow! Ang daming pagkain!” bulalas ni Mayee habang nakatitig sa mesa na punong-puno ng iba't ibang putahe.May crispy bacon, longganisa, tocino, beef tapa, garlic fried rice, buttered vegetables, fluffy scrambled eggs, pancake na may sariwang prutas, iba't ibang klase ng tinapay, at sariwang kape. Para itong buffet sa isang mamahaling hotel.“Ate, ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?” tanong niya na puno ng paghanga.“Ha?”Ngumiti lang ako.“Siyempre naman,” sagot ko na kunwari ay seryoso.Agad silang napa
Chapter 46Sydney's POV“Ano?”“Titira ako sa bahay mo?”“Seryoso ka ba, Honey?”Ngumiti si Brandon. Hindi man lang siya nag-atubiling tumingin sa mga mata ko habang hinahawakan ang magkabila kong kamay.“Yes. Gusto ko paggising ko... ikaw ang una kong makita.”Napakurap ako.Halos kakakiss pa lang namin. Pareho pa kaming nag-aadjust sa relasyon naming dalawa, pero ngayon gusto na niyang i-level up ang lahat.Titira na ako sa bahay niya?Napakabilis yata ng mga pangyayari.“Hon... live-in?”Napakamot siya sa batok habang bahagyang napatawa.“Well... oo. Pero kung hindi ka komportable, hihintayin kita. Ayokong pilitin ka.”Mas lalo akong natigilan.Hindi niya ako pinipilit.Hindi siya nagmamadali.Hindi siya nangongonsensya.Binibigyan niya ako ng pagpipilian.At marahil iyon ang dahilan kung bakit lalo akong nahulog sa kanya.Sa buong buhay ko, maraming lalaki ang nagtangkang kontrolin ako. Maraming gustong magdikta kung paano ako mamuhay.Pero si Brandon...Lagi niyang inuuna ang nar
Chapter 45Brandon's POVIlang minuto na akong naghihintay sa labas ng opisina ni Sydney.Kanina pa siya pumasok para kunin lang sana ang bag niya bago kami lumabas para sa lunch date namin. Ilang minuto lang ang dapat na itatagal niya roon. Ngunit halos sampung minuto na ang lumipas.Hindi siya lumalabas.Noong una ay inisip kong baka may tinatapos lang siyang dokumento o may biglang tumawag. Pero habang lumilipas ang bawat segundo, may kung anong mabigat na pakiramdam ang unti-unting sumisikip sa dibdib ko.Hindi mapakali ang puso ko.Parang may bumubulong na may masamang nangyayari.Hindi na ako nag-atubili.Mabilis akong nagtungo sa opisina niya.Pagkahawak ko sa doorknob...Hindi ito gumalaw.Locked.Napakunot ang noo ko."Sydney?" tawag ko habang kumakatok.Walang sumagot.Mas lumakas ang kaba ko."Sydney! Open the door!"Tahimik.At pagkatapos ng ilang segundo...May narinig akong halos hindi marinig na boses mula sa loob."...Tuloooong..."Parang piniga ang puso ko."Sydney!"
Chapter 44Sydney’s POVMagsasabay kaming pumasok ni Brandon sa opisina.Unang araw namin bilang opisyal na magkasintahan.Habang magkatabi kaming nakaupo sa loob ng kotse niya, pakiramdam ko ay napakagaan ng lahat. Ang mga kalsadang dati ay tila paulit-ulit kong binabaybay ay biglang naging kakaiba. Ang bawat traffic light, bawat gusali, at bawat umagang sinasalubong namin ay tila mas maliwanag kaysa dati.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at ngumingiti.Hindi ko mapigilang gumanti ng ngiti.Para akong isang dalagitang ngayon lang naranasang mahalin nang tama.Inabot niya ang kamay ko habang nagmamaneho.Mahigpit ngunit banayad.Parang ayaw niya akong bitawan.Parang ipinapangako niyang kahit ano pa ang dumating, hindi niya hahayaang mag-isa akong harapin iyon."Tahimik ka yata?" tanong niya.Napangiti ako."Ina-appreciate ko lang ang araw na ito.""Totoo bang masaya ka?"Napalingon ako sa kanya."Sobrang saya."Mas lalo siyang ngumiti."Good.""Kasi gusto kong araw-araw kan
Chapter 26Sydney’s POVPagkatapos ng event ay sabay kaming umuwi ni Mayee na parehong pagod ngunit masaya.Punong-puno ng tao ang event na iyon. Maraming negosyo ang dumalo, maraming personalidad ang nakilala namin, at higit sa lahat, naging matagumpay ang buong programa.Habang nasa sasakyan kami
Chapter 23Sydney’s POV“Bilisan mo Mayee, malelate na ako sa meeting ko!”Halos pabalik-balik ako sa harap ng salamin habang inaayos ko ang aking hikaw. Hindi naman ako ganitong klase ng babae noon. Madalas, isang tingin lang sa salamin at tapos na.Pero bakit ngayon?Bakit parang limang beses ko
Chapter 5Sydney Panganiban POVDinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.“Halika ka na anak sa bukid,”
Chapter 4Sydney Panganiban POVUmaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.Lum







