Compartir

Rage

Autor: Ely
last update Fecha de publicación: 2026-05-07 23:45:15

Chapter 4

Sydney Panganiban POV

Umaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang.  Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit.  Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.

Lumabas ako ng bahay para sugurin ang gumagawa ng ingay. 

“Ano ba ang iingay ninyo! Sigaw ko.

Nakita kong napatulala ang lahat sa pagsigaw ko. Tumakbo ako at naghanap ng ihahampas sa sasakyang gumagawa ng ingay.  Nakakita ako ng isang malaking sanga at inumpisahan kong hatawin ito. 

Hindi ko alam kung bakit, pero nasisiyahan akong wasakin ito.  Hindi ako tumitigil; patuloy pa rin ang paghampas ko.

“Sydney, tama na,” naririnig kong sigaw nila sa akin.

Halos maubos na ang lakas ko.

“Sydney, tumigil ka na.” Paulit-ulit nilang isinisigaw.

May nag-iiyakan na ring mga bata na nagpalala ng galit ko.  Lahat sila ay napakaingay.

May lalaking bumaba sa sasakyan at pinigilan ako.  Hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi ko siya makikilala.  Sino ba itong taong nakikialam sa akin? 

Nagpupumiglas ako at siya naman ang inatake ko, pero unti-unti akong nanghina hanggang sa mawalan ako ng malay.

Ilang oras pagkatapos ng insidente.

Narinig ko ang paguusap ng mga tao sa labas ng aking silid.

“Doc, ano po ang nangyari? Okay na po ba siya?”tanong ni Ate Lena.

 “Nagkaroon siya ng IED, or Intermittent Explosive Disorder. Maaring ang ingay na narinig niya ay nagtrigger sa kanya para magoutburst.” paliwanag ng doctor

“Dapat pala ay huwag tayong ma-ingay.” sabi nila Allan

“That would help. For now, mas mabuting iwasan nating gumawa ng makakatrigger sa kanya.” sabi ng doctor.

“Kawawa namn si Sydney,” sabi ni Ana.

Hindi ko gustong kinaawaan ako.  Ang mga taong ito na nasa paligid ko ngayon ay hindi ko naman kilala, pero tunay silang nagmamalasakit sa akin.  Ano ba talaga ang nangyayari sa akin at bakit ako nagkakaganito.

Umiyak na lang ako nang tahimik para hindi pa nila ako alalahanin.

Isang araw

Sinamahan ako nila Allan at ng mga bata sa pamamasyal sa bukid.  Nakasuot ako ng tsinelas at pulang duster na ipinahiram ni Ana. Medyo may kaluwagan ito, kaya nilagyan na lang namin ng pardible para umeksakto sa akin.  Iilan lang daw kasi ang damit nila, kaya hindi na ako nagreklamo sa kung ano ang ibinibigay nila sa akin.  Ipinusod ko ang aking buhok para hindi mahalata ang hindi pantay-pantay na putol nito.

Ang ganda sa bukid, ang palayan ay berdeng berde.  Ang mga tao ay abala sa pagtatanim at paggagapas.  Sa tirik na tirik na araw ay may mga taong nagtatrabaho para may mailapag sila sa hapagkainan at mailaan sa pamilya.  Napakasimple pero masaya sila.

“Hoy, Allan! Petiks ka na naman,” sigaw ng ilan sa mga naroroon.

“Inggit lang kayo!” sigaw din nito.

Nagtakbuhan na sa bukid ang mga bata.  Masaya sila at  wala silang kaproblema problema.

“Dito tayo sa ilalim ng puno ng mangga,” sabi ni Allan sa akin habang pinapagpagan ang isang kawayang papag. Ginagamit ito para makapagpahinga ang mga magsasaka.

“Upo ka muna, Sydney, at may kukunin lamang ako,” sabi niya.

Tumango lamang ako.    

Napakalawak ng bukirin.  Ang sarap pagmasdan.  Pumikit ako para magnilay-nilay.  Nakaka-relax at nakakaginhawa sa pakiramdam.

Nang magtanghalian na ay nagtipon-tipon na ang mga magsasaka.  Pinagsama-sama nila ang mga pagkaing ipinabaon ng kanilang mga pamilya.

May talbos na kamote, ginisang replyo, may sinabawang sinigang na isda, pritong isda, pritong talong at bagoong.

Inabutan ako ni Allan ng isang dahong saging na may kanin.  

Sa pagtataka ko.

“Sydney, iyan ang plato dito.  Pasensiya na.  Wala akong nadalang kutsara kaya magkakamay tayo ngayon.” sabi niya

“Ok lang ba?” Tanong niya

Tumango na lamang ako.

“Tay, tay kami din.” sabi ng mga bata

“Oh, ito ang sa inyo ha, ang paborito natin?” 

“Talbos ng kamote.” Sabay-sabay nilang sinabi.

Napapatawa talaga ako ng pamilyang ito.  Lagi silang masaya at magiliw sa isat-isa.  Siguro kung ako ay bahagi ng kanilang pamilya.  Magiging kontento na ako at tunay na maligaya.

“Hoy, wala ba kayong panghimagas diyan?” tanong ni Allan sa mga magsasaka.

Tanawin mo ang puno ng mangga. Baka may natira pa?  Kahapon kasi ay ipinakuha na iyan dahil bumabagsak na ang bunga nito.” paliwanag ng isang magsasaka.

“Hayun, mayroon pa dun sa kabilang puno.  Akyatin mo na lang, Allan,” utos ng isa pang magsasaka.

“Ay, oo nga, at mukhang may mga hinog na roon,” sabi ni Allan.

“Sydney, dito ka lang muna at ako ay paparoon doon.” Sabi niya.

“Tay, sasama po kami,” sabi ng mga bata.

“Halika na kayo!” pag-aya niya sa mga bata, pero nauna pa ang mga ito sa pagtakbo papunta sa kabilang puno.

Tumayo  na rin ako para sumama.

“Sasama ka ba? Madulas doon” babala ni Allan.

Tumango lang ako at sumunod sa kanila.

Habang binabaybay namin ang kabilang puno.  Nadaanan ko ang kaliwat-kanang palayan.  Hinawakan ko ang mga mahahabang dahon.  Marahan kong pinadadan ang mga daliri ko sa mga ito.  Parang nabubuhay ang dugo ko sa mga nakikita at nadarama ko. Masaya ang pakiramdam ko.

Pagdating namin sa puno, nagsimula nang umakyat si Allan. Inihuhulog niya ang mga nakukuha niya.

“Alen, pumaroon ka roon at humingi ka ng  supot para sa paglalagyan ng mga mangga,” sigaw nito.

Sumunod agad ang bata at tumakbo patungo sa kasamahang magsasaka.

Tumingala ako at tinanaw ang mga mangga. Nakakita ako ng mga nagkumpol na mangga ng piko.  Nakakasilaw at sobrang liwanag ng sinag ng araw.

Nakita kong mahuhulog at babagsak ang mga manggang kinukuha ni Allan. Sa panghihinayang na mabiyak na naman  ito, tumakbo ako para saluhin ito.  Pero di ko napansing may madulas na bahagi na naapakan ko.

“Aaaaay!” biglang sigaw ko.

Napapikit na lamang ako at di ko nakontrol ang katawan ko.  Siguradong babagsak ako sa lupa.

Pero pagdilat ko ay, naamoy ko ang isang lalaking nakasalo sa akin.  May pagkabrusko ang kanyang samyo.  Salong-salo niya ako sa malawak niyang mga bisig.

“Sydney,”sigaw ni Allan na nagmamadaling bumababa sa puno.

Hindi ko maiwasang mapatitig pa rin sa lalaking nakasalo sa akin dahil napakaguwapo nito, para itong bidang artista sa mga pelikula.  At mabango rin siya.

“Mabuti na lang ang nasalo ka na ni Beno,” sabi ni Allan.

Parang pamilyar siya sa akin, pero hindi ko lamang maalala kung saan siya nakita.

Kumalas ako sa kanya at lumayo sa kanya. At nagpagpag sa pulang duster na suot ko.

“Salamat, Beno, ha, at nasalo mo si Sydney.” sabi nito sa kanya.

“Bakit ikaw ang nagpapasalamat, eh hindi naman ikaw ang nasalo ko,” sabi niya.kay Allan

Habang nag-aabang ng pasasalamat mula sa akin.

Antipatiko ito ah, pero sige lang.  Hindi kita papatulan ngayon

Pinanindigan ko at hindi pa rin ako nagpasalamat sa kanya.  Hindi ko naman siya inobliga.  Siya ang kusang gumawa noon, kaya bakit ako magpapasalamat sa kanya? Sayang, pogi pa naman siya, pero may pagka-demanding na ayaw na ayaw ko sa mga tao.

“Uwi na tayo,” sinabi ko kay Allan.

Kaya nagmadaling humabol na si Allan sa akin. Tinawag na rin niya ang mga anak niya para umuwi na.  Natatakot kasi sila na baka magalit na naman ako.

“Bukas na lang Beno, dadaan ako sa bahay ninyo,” sabi ni Allan habang sumisenyas kay Beno.

“Beno? Ang bantot naman ng pangalan niya,” sa isip-isip ko.

Siguro ay isa rin siyang tauhan sa bukid.  Mukhang hindi naman siya magsasaka dahil bihis na bihisan siya.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Cetainties

    Chapter 47Sydney’s POV“Good morning, everyone!”Masigla kong bati habang papasok sa malawak na dining area. Halos sabay-sabay namang napalingon sa akin ang lahat. Ang dating tahimik na umaga ay agad napuno ng masasayang mukha at maiingay na pagbati.“Good morning, Sydney!”“Good morning, Ate Sydney!”Napangiti ako habang isa-isang tinitingnan ang mga taong unti-unti nang nagiging bahagi ng buhay ko. Hindi ko namalayang ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng isang malaking pamilya.“Wow! Ang daming pagkain!” bulalas ni Mayee habang nakatitig sa mesa na punong-puno ng iba't ibang putahe.May crispy bacon, longganisa, tocino, beef tapa, garlic fried rice, buttered vegetables, fluffy scrambled eggs, pancake na may sariwang prutas, iba't ibang klase ng tinapay, at sariwang kape. Para itong buffet sa isang mamahaling hotel.“Ate, ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?” tanong niya na puno ng paghanga.“Ha?”Ngumiti lang ako.“Siyempre naman,” sagot ko na kunwari ay seryoso.Agad silang nap

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Enticing

    Chapter 46Sydney's POV“Ano?”“Titira ako sa bahay mo?”“Seryoso ka ba, Honey?”Ngumiti si Brandon. Hindi man lang siya nag-atubiling tumingin sa mga mata ko habang hinahawakan ang magkabila kong kamay.“Yes. Gusto ko paggising ko... ikaw ang una kong makita.”Napakurap ako.Halos kakakiss pa lang namin. Pareho pa kaming nag-aadjust sa relasyon naming dalawa, pero ngayon gusto na niyang i-level up ang lahat.Titira na ako sa bahay niya?Napakabilis yata ng mga pangyayari.“Hon... live-in?”Napakamot siya sa batok habang bahagyang napatawa.“Well... oo. Pero kung hindi ka komportable, hihintayin kita. Ayokong pilitin ka.”Mas lalo akong natigilan.Hindi niya ako pinipilit.Hindi siya nagmamadali.Hindi siya nangongonsensya.Binibigyan niya ako ng pagpipilian.At marahil iyon ang dahilan kung bakit lalo akong nahulog sa kanya.Sa buong buhay ko, maraming lalaki ang nagtangkang kontrolin ako. Maraming gustong magdikta kung paano ako mamuhay.Pero si Brandon...Lagi niyang inuuna ang nar

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   The Man

    Chapter 45Brandon's POVIlang minuto na akong naghihintay sa labas ng opisina ni Sydney.Kanina pa siya pumasok para kunin lang sana ang bag niya bago kami lumabas para sa lunch date namin. Ilang minuto lang ang dapat na itatagal niya roon. Ngunit halos sampung minuto na ang lumipas.Hindi siya lumalabas.Noong una ay inisip kong baka may tinatapos lang siyang dokumento o may biglang tumawag. Pero habang lumilipas ang bawat segundo, may kung anong mabigat na pakiramdam ang unti-unting sumisikip sa dibdib ko.Hindi mapakali ang puso ko.Parang may bumubulong na may masamang nangyayari.Hindi na ako nag-atubili.Mabilis akong nagtungo sa opisina niya.Pagkahawak ko sa doorknob...Hindi ito gumalaw.Locked.Napakunot ang noo ko."Sydney?" tawag ko habang kumakatok.Walang sumagot.Mas lumakas ang kaba ko."Sydney! Open the door!"Tahimik.At pagkatapos ng ilang segundo...May narinig akong halos hindi marinig na boses mula sa loob."...Tuloooong..."Parang piniga ang puso ko."Sydney!"

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Life is Pink and Blue

    Chapter 44Sydney’s POVMagsasabay kaming pumasok ni Brandon sa opisina.Unang araw namin bilang opisyal na magkasintahan.Habang magkatabi kaming nakaupo sa loob ng kotse niya, pakiramdam ko ay napakagaan ng lahat. Ang mga kalsadang dati ay tila paulit-ulit kong binabaybay ay biglang naging kakaiba. Ang bawat traffic light, bawat gusali, at bawat umagang sinasalubong namin ay tila mas maliwanag kaysa dati.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at ngumingiti.Hindi ko mapigilang gumanti ng ngiti.Para akong isang dalagitang ngayon lang naranasang mahalin nang tama.Inabot niya ang kamay ko habang nagmamaneho.Mahigpit ngunit banayad.Parang ayaw niya akong bitawan.Parang ipinapangako niyang kahit ano pa ang dumating, hindi niya hahayaang mag-isa akong harapin iyon."Tahimik ka yata?" tanong niya.Napangiti ako."Ina-appreciate ko lang ang araw na ito.""Totoo bang masaya ka?"Napalingon ako sa kanya."Sobrang saya."Mas lalo siyang ngumiti."Good.""Kasi gusto kong araw-araw kan

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Sweetest

    Chapter 43Sydney’s POV“Flowers?”Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakalaking bouquet ng white at pink roses na nakapatong sa center table ng sala. Halos matakpan na nito ang buong mesa sa sobrang dami ng bulaklak. Ang bawat rosas ay sariwa pa, tila kakapitas lang sa hardin. Bumabalot sa buong bahay ang napakabangong amoy nito.Napangiti ako habang nanginginig ang kamay na dinampot ang maliit na puting card na nakasingit sa gitna ng bouquet.Sydney,Honey, let's start a new life.Love,BrandonHindi ko namalayang napahawak ako sa dibdib ko."Grabe ka talaga..."Napatingin ako sa wall clock.7:00 AM."Talaga ba?" natatawa kong sabi sa sarili."May bukas na bang flower shop nang ganitong kaaga?"Napailing ako."Ibang klase ka talaga, Brandon."Hindi ko mapigilang yakapin ang bouquet kahit halos hindi ko na ito mabuhat. Para akong teenager na unang beses makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking gusto niya.Hindi lang iyon simpleng bouquet.Parang iyon ang opisyal na pagsisimula

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Embarassment

    Chapter 42Sydney's POVPagdating namin sa bahay ni Mayee, halos hindi na kami makapaglakad sa kakatawa.Paulit-ulit naming naaalala ang eksena kanina sa restaurant.Lalo na ang mukha ni Isabel Matsunaka nang marinig niyang tinawag ako ni Brandon ng "Honey."Napahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa."Ate!" halos hindi na makapagsalita si Mayee. "Nakita mo ba ang mukha ni Isabel? Akala yata mahihimatay siya!"Mas lalo akong natawa."Akala siguro niya hindi pa rin ako nakaka-move on kay Samuel.""Eh biglang..." ginaya pa ni Mayee ang boses ni Brandon. "'Honey, tara na.'"Pareho na naman kaming nagtawanan."Infairness kay Kuya Brandon," natatawang sabi ni Mayee. "Oscar-awarding ang acting!""Oo nga!" sagot ko. "Perfect na perfect ang timing."Napabuntong-hininga ako."Pero..."Nanlaki ang mata ni Mayee."Pero ano?"Napakagat ako sa labi."Ewan ko...""Parang...""Sana...""Totoo na lang."Napasingkit ang mata ni Mayee."Ano'ng totoo?"Namula ang pisngi ko."Na tawagin niya talaga akong

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Faces

    Chapter 5Sydney Panganiban POVDinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.“Halika ka na anak sa bukid,”

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Wake Up

    Chapter 3Sydney Panganiban POVNang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.Nang lumabas ako ng bahay, nakita kon

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Agony

    Chapter 2Sydney Panganiban POV“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni SamuelNakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Proposal

    Chapter 1:Sydney Panganiban POVNagsaayos ako ng isang malaking party. Alam ko kasi na magpo-propose na si Samuel sa akin. Tutal, ilang taon na rin kaming nagsasama at kulang na lang ay kasal.Mahal na mahal ko si Samuel dahil naging kakampi ko siya. Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nakaka

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status