Mag-log inChapter 2
Sydney Panganiban POV
“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni Samuel
Nakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang bulsa.
“Here, Sydney, to prove my love to you. Marry me. Anytime you want. I’ll be yours forever,” sabi niya
Pagkatapos ay isinuot niya sa daliri ko ang isang singsing na may napakalaking bato.
Singsing na halos wala nang kahulugan sa akin, singsing na binili mula sa pera ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matagal ko nang pinangarap na mapakasalan ni Samuel. Siya lang ang minahal ko. Siya lang ang mundo ko.
Siguro nga ay patatawarin ko siya. Mas malaki ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa pagkakasala niya sa akin. Siguro nga matatanggap ko pa rin siya. Hindi ko makita ang sarili na wala siya sa buhay ko.
Pagkatapos ng gabing iyon. Ay, nanumbalik ang mga bangungot ko. Nagigising na lang akong takot na takot. Sumisigaw at humihingi ng tulong. Hindi ko maintindihan. Nangangamba akong baka bumalik ang sakit ko na dulot ng trauma na naranasan ko mula nang mapatay ang mga magulang ko.
“Sydney, Sydney!” Naririnig kong tinatawag ako ni Samuel, pero hindi ako makakilos. Gusto kong magsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko.
Dinala ako ni Samuel sa ospital. Ayon sa findings ng mga eksperto, may sleep paralysis ako. Hindi ako makapagsalita o makasigaw kasi pati muscles for speech, paralyzed din. Kahit anong effort ko, walang lumalabas.
Kailangan ko pang manatili ng ilang araw pa sa hospital para makita kung ano ang mga nag-trigger sa akin.
Pinapirma ako ni Samuel ng ilang dokumento para bigyan ko siya ng power of attorney para mapamahalaan ang kumpanya. Nagalinlangan ako pero pumirma pa rin ako. Kaya may kontrol na siya sa kumpanya. Nagkakahalaga ng 5 bilyong dolyar ang aking kumpanya.
Nagde-develop kasi kami ng mga computer programs at software sa buong mundo. Natutuhan ko rin ang trading, stocks at equity bilang sideline. At bilang CPA si Samuel, naging katuwang ko siya sa pamamahala ng mga finances ko.
Nagkaroon ng board meeting tungkol sa kalagayan ko. Balita-balita na wala na ako sa aking hustong katinuan. Kaya kailangang may tumayo na bagong CEO ng Zaphire International na pag-aari ko. At bilang kandidato, si Samuel ang napili ng lahat.
Pinauwi na ako sa bahay. Para makapagpagaling. Hindi ko maintindihan kung bakit sa pakiramdam ko ay hindi ako bumubuti. Dahil minsan ay may mga hallucination na ako. Marami na akong nakikita. Mukhang hindi ko kilala, pero pamilyar sa akin.
“Babe, inumin mo na ito para makatulog ka na,” sabi niya.
Inaabutan niya ako ng sleeping pills para mabawasan ang anxiety ko. At minsan ay dinaragdan niya para daw kumalma ako.
Isang araw ay pinasya kong lumabas para makapag-relax ang isip, kapag nasa bahay kasi ako, kung ano-ano ang mga nakikita ko. Nagpunta ako sa paborito naming kainan ni Samuel. Umorder ako ng pinakamahal na pagkain at in-enjoy ko talaga iyon. Kilalang-kilala na ako sa restaurant dahil madalas kaming pumupunta dito. Laging akong nasa VIP Room.
Magagabi na kaya kinailangan ko ng makauwi. Ayaw ko namang mag-alala pa si Samuel sa akin.
Habang nagmamaneho ako, nakita ko ang sasakyan ni Samuel na nakaparada sa isang hotel sa Maynila. Para makumpirmang na ito ay sa kanya, inukutan ko iyon para makita ang plate number. At tama ako, ito ay sasakyan niya. Inisip kong baka may ka-meeting lamang siya, kaya naroroon siya, kaya nagpasya akong supresahin siya.
Nagtanong ako sa receptionist kung may reservation si Samuel sa Dining. Hinahanap niya sa kanilang records, pero wala daw ito.
Kaya nasaan siya? Umupo muna ako sa lobby. Nagbabakasakali ako na baka makita si Samuel. Pero habang naghihintay, ay iba ang nakita ko. Sí, Isabel Matsunaka. Kinukutuban na ako , kaya maingat ko siyang sinundan. Umakyat siya sa 21st floor ng hotel. Pagdating niya roon. Nakita ko na may kinatok siya. At nang bumukas ay naroroon si Samuel na naghihintay sa kanya. Nagaapoy ang galit ko. At sigurado akong mapapatay ko silang dalawa. Pero pinakalma ko ang sarili ko at hindi ako nagpadala sa emosyon ko.
Mga ilang minuto pagkapasok nila ay sinubukan kong buksan ang pintuan. Mabuti na lamang at naiwang nakabukas ito, kaya dahan-dahan akong pumasok.
Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman silang magkapatong sa kama. Nakatayo ako sa harap nila, pero hindi nila ako napansin dahil sa pagiging abala nila sa isa't isa. Nang nag-iba sila ng posisyon ay inisip kong magtago. Patatapusin ko muna sila bago ako umatake.
Narinig ko silang pinagtatawanan nila ako. At may plano silang limasin ang lahat ng pera ko.
“Magaling ba yung gamot na binigay ko? Tanong ni Isabel
“Oh yeah, she’s having hallucinations already. At kapag nagtuloy-tuloy iyon, she will go crazy,” sabi ni Samuel.
Naisip kong kailangan na akong makaalis sa lugar na iyon para mapaghandaan ang mga masamang balak nila sa akin. Hindi ako papayag na makuha nila ang lahat sa akin. Dahil iyon na lamang ang naiwan sa akin ng aking mga magulang.
Nagawa kong makaalis sa dakong iyon na puno ng kasalanan. Determinado akong itapon si Samuel sa lusak na pinagpulutan ko sa kaniya.
Sa bahay ay nagmadali akong gumawa ng mga dokumento tungkol sa pangangalaga sa mga naiwan ng aking mga magulang. Nag-email na ako sa aking pinagkakatiwalaang abogado. Pero dahil nawawala na ang tiwala ko sa lahat, gumawa pa ako ng mga alternatibo para ma-secure ko ang mga assets ko.
Pero bigla akong nahilo, anupat umikot ang paningin ko. Nagulat na lamang ako at ako ay nasa harap na ng salamin. May nakita akong gunting at ginupit ko ang buhok ko. Galit na galit ako. Pagkatapos ay napagtuunan ko ng pansin ang kama na minsan ay naging lugar ng pagmamahalan namin ni Samuel. Sinira ko ang lahat ng naroroon. At hindi pa ako nakuntento, nakakita ako ng lighter mula sa koleksiyon ni Samuel. Sinunog ko ang lahat ng mahawakan ko. Iyak ako nang iyak. Tawa ako nang tawa. Galit na galit ako sa lahat. Masaya akong nakikita ang lahat na tinutupok ng apoy. Na lahat ay nawawasak. Lahat ay nawawala.
Sydney, Sydney, may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko maidilat ang mga mata ko. Wala akong makita; lahat ay madilim.
Chapter 47Sydney’s POV“Good morning, everyone!”Masigla kong bati habang papasok sa malawak na dining area. Halos sabay-sabay namang napalingon sa akin ang lahat. Ang dating tahimik na umaga ay agad napuno ng masasayang mukha at maiingay na pagbati.“Good morning, Sydney!”“Good morning, Ate Sydney!”Napangiti ako habang isa-isang tinitingnan ang mga taong unti-unti nang nagiging bahagi ng buhay ko. Hindi ko namalayang ganito pala ang pakiramdam ng magkaroon ng isang malaking pamilya.“Wow! Ang daming pagkain!” bulalas ni Mayee habang nakatitig sa mesa na punong-puno ng iba't ibang putahe.May crispy bacon, longganisa, tocino, beef tapa, garlic fried rice, buttered vegetables, fluffy scrambled eggs, pancake na may sariwang prutas, iba't ibang klase ng tinapay, at sariwang kape. Para itong buffet sa isang mamahaling hotel.“Ate, ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?” tanong niya na puno ng paghanga.“Ha?”Ngumiti lang ako.“Siyempre naman,” sagot ko na kunwari ay seryoso.Agad silang nap
Chapter 46Sydney's POV“Ano?”“Titira ako sa bahay mo?”“Seryoso ka ba, Honey?”Ngumiti si Brandon. Hindi man lang siya nag-atubiling tumingin sa mga mata ko habang hinahawakan ang magkabila kong kamay.“Yes. Gusto ko paggising ko... ikaw ang una kong makita.”Napakurap ako.Halos kakakiss pa lang namin. Pareho pa kaming nag-aadjust sa relasyon naming dalawa, pero ngayon gusto na niyang i-level up ang lahat.Titira na ako sa bahay niya?Napakabilis yata ng mga pangyayari.“Hon... live-in?”Napakamot siya sa batok habang bahagyang napatawa.“Well... oo. Pero kung hindi ka komportable, hihintayin kita. Ayokong pilitin ka.”Mas lalo akong natigilan.Hindi niya ako pinipilit.Hindi siya nagmamadali.Hindi siya nangongonsensya.Binibigyan niya ako ng pagpipilian.At marahil iyon ang dahilan kung bakit lalo akong nahulog sa kanya.Sa buong buhay ko, maraming lalaki ang nagtangkang kontrolin ako. Maraming gustong magdikta kung paano ako mamuhay.Pero si Brandon...Lagi niyang inuuna ang nar
Chapter 45Brandon's POVIlang minuto na akong naghihintay sa labas ng opisina ni Sydney.Kanina pa siya pumasok para kunin lang sana ang bag niya bago kami lumabas para sa lunch date namin. Ilang minuto lang ang dapat na itatagal niya roon. Ngunit halos sampung minuto na ang lumipas.Hindi siya lumalabas.Noong una ay inisip kong baka may tinatapos lang siyang dokumento o may biglang tumawag. Pero habang lumilipas ang bawat segundo, may kung anong mabigat na pakiramdam ang unti-unting sumisikip sa dibdib ko.Hindi mapakali ang puso ko.Parang may bumubulong na may masamang nangyayari.Hindi na ako nag-atubili.Mabilis akong nagtungo sa opisina niya.Pagkahawak ko sa doorknob...Hindi ito gumalaw.Locked.Napakunot ang noo ko."Sydney?" tawag ko habang kumakatok.Walang sumagot.Mas lumakas ang kaba ko."Sydney! Open the door!"Tahimik.At pagkatapos ng ilang segundo...May narinig akong halos hindi marinig na boses mula sa loob."...Tuloooong..."Parang piniga ang puso ko."Sydney!"
Chapter 44Sydney’s POVMagsasabay kaming pumasok ni Brandon sa opisina.Unang araw namin bilang opisyal na magkasintahan.Habang magkatabi kaming nakaupo sa loob ng kotse niya, pakiramdam ko ay napakagaan ng lahat. Ang mga kalsadang dati ay tila paulit-ulit kong binabaybay ay biglang naging kakaiba. Ang bawat traffic light, bawat gusali, at bawat umagang sinasalubong namin ay tila mas maliwanag kaysa dati.Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at ngumingiti.Hindi ko mapigilang gumanti ng ngiti.Para akong isang dalagitang ngayon lang naranasang mahalin nang tama.Inabot niya ang kamay ko habang nagmamaneho.Mahigpit ngunit banayad.Parang ayaw niya akong bitawan.Parang ipinapangako niyang kahit ano pa ang dumating, hindi niya hahayaang mag-isa akong harapin iyon."Tahimik ka yata?" tanong niya.Napangiti ako."Ina-appreciate ko lang ang araw na ito.""Totoo bang masaya ka?"Napalingon ako sa kanya."Sobrang saya."Mas lalo siyang ngumiti."Good.""Kasi gusto kong araw-araw kan
Chapter 43Sydney’s POV“Flowers?”Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakalaking bouquet ng white at pink roses na nakapatong sa center table ng sala. Halos matakpan na nito ang buong mesa sa sobrang dami ng bulaklak. Ang bawat rosas ay sariwa pa, tila kakapitas lang sa hardin. Bumabalot sa buong bahay ang napakabangong amoy nito.Napangiti ako habang nanginginig ang kamay na dinampot ang maliit na puting card na nakasingit sa gitna ng bouquet.Sydney,Honey, let's start a new life.Love,BrandonHindi ko namalayang napahawak ako sa dibdib ko."Grabe ka talaga..."Napatingin ako sa wall clock.7:00 AM."Talaga ba?" natatawa kong sabi sa sarili."May bukas na bang flower shop nang ganitong kaaga?"Napailing ako."Ibang klase ka talaga, Brandon."Hindi ko mapigilang yakapin ang bouquet kahit halos hindi ko na ito mabuhat. Para akong teenager na unang beses makatanggap ng bulaklak mula sa lalaking gusto niya.Hindi lang iyon simpleng bouquet.Parang iyon ang opisyal na pagsisimula
Chapter 42Sydney's POVPagdating namin sa bahay ni Mayee, halos hindi na kami makapaglakad sa kakatawa.Paulit-ulit naming naaalala ang eksena kanina sa restaurant.Lalo na ang mukha ni Isabel Matsunaka nang marinig niyang tinawag ako ni Brandon ng "Honey."Napahawak ako sa tiyan ko habang tumatawa."Ate!" halos hindi na makapagsalita si Mayee. "Nakita mo ba ang mukha ni Isabel? Akala yata mahihimatay siya!"Mas lalo akong natawa."Akala siguro niya hindi pa rin ako nakaka-move on kay Samuel.""Eh biglang..." ginaya pa ni Mayee ang boses ni Brandon. "'Honey, tara na.'"Pareho na naman kaming nagtawanan."Infairness kay Kuya Brandon," natatawang sabi ni Mayee. "Oscar-awarding ang acting!""Oo nga!" sagot ko. "Perfect na perfect ang timing."Napabuntong-hininga ako."Pero..."Nanlaki ang mata ni Mayee."Pero ano?"Napakagat ako sa labi."Ewan ko...""Parang...""Sana...""Totoo na lang."Napasingkit ang mata ni Mayee."Ano'ng totoo?"Namula ang pisngi ko."Na tawagin niya talaga akong
Chapter 26Sydney’s POVPagkatapos ng event ay sabay kaming umuwi ni Mayee na parehong pagod ngunit masaya.Punong-puno ng tao ang event na iyon. Maraming negosyo ang dumalo, maraming personalidad ang nakilala namin, at higit sa lahat, naging matagumpay ang buong programa.Habang nasa sasakyan kami
Chapter 23Sydney’s POV“Bilisan mo Mayee, malelate na ako sa meeting ko!”Halos pabalik-balik ako sa harap ng salamin habang inaayos ko ang aking hikaw. Hindi naman ako ganitong klase ng babae noon. Madalas, isang tingin lang sa salamin at tapos na.Pero bakit ngayon?Bakit parang limang beses ko
Chapter 5Sydney Panganiban POVDinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.“Halika ka na anak sa bukid,”
Chapter 4Sydney Panganiban POVUmaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.Lum

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





