Share

KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY
KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY
Author: Ely

Proposal

Author: Ely
last update publish date: 2026-05-07 23:25:34

Chapter 1:

Sydney Panganiban POV

Nagsaayos ako ng isang malaking party.  Alam ko kasi na magpo-propose na si Samuel sa akin.  Tutal, ilang taon na rin kaming nagsasama at kulang na lang ay kasal.

Mahal na mahal ko si Samuel dahil naging kakampi ko siya.  Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nakakabangga ko sa negosyo.  

Mga kamag-anak na hinahangad na pabagsakin ako.  Lahat iyon ay ginawa  para sa akin ni Samuel.  Binigyan ko siya ng pinakamataas na kapangyarihan sa aking kumpanya.  At ipinagkatiwala ko ang milyong-milyon kong asset.  Lubos ang pagtitiwala ko sa kanya.  Hindi niya ako binigo kahit minsan.

Naalala ko pa noong nagsisimula pa lang akong pamahalaan ang kumpanyang iniwan sa akin ng aking mga magulang.  Litong-lito ako kung paano ko gagawin ang mga tungkulin ko.  Pagkatapos kong bumalik galing sa Amerika, ang lahat ng bagay ay bago sa akin.

Pansamantalang pinamahalaan ang kumpanya  ng aking tiyo na si Edgardo Panganiban. Dahil bata pa ako noon, siya ang tumulong para mapatakbo ito nang maayos.  Siya lamang ang tanging pinagkatiwalaan ng aking ama dahil siya ay maasahan.  At hindi siya nagkamali dito.  Pero naging malupit ang pagkakataon sa kanya. Pinatay si Tiyo.

Wala na naman akong kakampi.  Pero dahil may kakaunti na akong kakayahan, nilakasan ko na ang loob ko at bumalik na sa Pilipinas para bawiin kung ano ang akin.

Maraming nagalit, mga  taong naghahangad sa aking kayamanan.  Akala nila na nang namatay si Tiyo Edgardo ay may pagkakataon na silang makuha ang yaman ko. Nagkakamali sila.

Mabilis kong natutuhan ang pagnenegosyo hanggang sa ito ay naging laro na lamang sa akin.

At naging eksperto ako.

Pero marami pa ring pagtatangka  sa buhay ko. At eksakto nang dumating si Samuel. Siya ang naging sanggalang ko.

Excited na ako sa araw na ito.  

Pagpasok ko sa party, andun na ang mga inimbitahang tao mula sa mayayamang pinagmulan.

Taas na ako pumasok. At binati silang lahat sa pagtitipon iyon.

“Sydney, what a nice party you have here. What’s the occasion? Tanong sa akin ng CEO ng isang kilalang plastic business ng bansa.

“Do we need an occasion to have a party?”mayabang na sagot ko sa kanya.

“Oo nga naman pala, you have always hosted extravagant parties like this all your life,” sabi naman ng isang Presiding Director ng isang hospital.

“Oh yeah, remember last time, we had a wild party, naginvite si Sydney ng isang top singer abroad, for just one night.” sabi ng asawa ng isang CEO ng Pharmaceutical.

Masaya nilang inaalala ang lahat ng mga party na isinaayos ko.  Barya-barya lang iyon para sa akin.

I love doing parties, it adds life to my bitterness.

Napansin kong wala si Samuel sa paligid.

“Have you seen Samuel?”tanong ko sa mga naroroon,

Ang sabi ng isang guest ay nakita niya raw itong umakyat sa itaas.  Marahil sa aming kuwarto.

Naisip kong baka nagbibihis na ito para sa party.

Nang malapit ko nang buksan ang pinto ng aming silid.  May narinig akong mga tinig na naguusap.

“Sam, baka mahuli tayo ni Sydney.” sabi ng isang boses

“Don’t worry, wala pa siya. Abala pa iyon sa mga kaibigan niya.

Rinig na rinig ko na ang mga halikan na ginagawa nila  at pagkatapos ay ang pagsinghap ni Samuel na halos nauubos na ang hininga sa babaeng kalaro niya.

“Give it to me now!” excited ang babae at nagmamadaling ipadama niya ang kanyang pagkalalaki.

Ahh..ahh….ahh

Humahalinhing na ang babae, at pagod na pagod na ito pero hindi pa rin sila tumitigil.

Hindi ko na nakayanan ang kababuyan nilang ginagawa sa pamamahay ko.  Bigla kong binuksan ang pintuan ng aming silid na minsan ay naging saksi sa aming pagmamahalan.

Blaaaag….!!!

Ang lakas ng pagkabukas ko sa pintuan na halos masira  na ang pinto.  Ginamit ko ang aking buong kalakasan.

“MGA HAYUP KAYO.  ANG BABABOY NIYO! pasigaw kong sinabi.

Kitang-kita ko ang dalawang taksil na hubad ang mga katawan.  At dahil sa pagkataranta, halos hindi mahagilap ang kanilang mga kasuotan.

Lumapit ako sa babae at sinampal ko siya. Sinaktan ko siya. Hindi ako nakuntento sa pagganti sa kanya.  Para akong mabangis na hayop na gustong sakmalin at luray lurayin siya  ng mga kamay ko.  Hindi pa ako natapos. Kinaladkad ko siya sa labas ng pintuan.  Hindi ako pinipigilan ni Samuel.  Nakatayo lang siya sa pagkabigla.

Nakita ng lahat ang buong kahiya-hiyang pangyayari.  Gusto ko pa sanang ihulog ang babaeng sumira sa akin sa hagdan, pero pinigilan na ako ng mga tao.  

Sigaw na ako nang sigaw. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ito ni Samuel sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang lahat.  Pagkatapos kong siyang pulutin sa lupa, ito lamang ang igaganti niya sa akin.  

“Samuuuuuuell…… “isinigaw ko.

Iba-iba ang reaksiyon ng mga naroroon. May mga naawa, may mga naiirita, may mga natutuwa dahil itong dagok na ito sa akin ay simula ng aking pagbagsak.  Kakaibang pagtatanghal ang napanood nila ngayong gabi.  Nakakahiya.  

Maririnig mong nagbubulungan sila tungkol sa lalaking aking binili.  Hindi sapat ang kayamanan ko para manatili siyang tapat sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Two Worlds

    Chapter 39Sydney’s POV“Masama na ba ang kalagayan ko, Doctor?” nanginginig kong tanong habang mahigpit na magkahawak ang dalawa kong kamay sa aking kandungan. Pakiramdam ko ay bawat segundo ng katahimikan sa loob ng clinic ay parang isang oras. Hindi ko alam kung ano ang mas kinatatakutan ko—ang marinig na may malubha akong sakit o ang malaman na baka unti-unti na talagang nawawala ang katinuan ko.Tumingin sa akin ang doktor bago marahang ibinaba ang hawak nitong ballpen.“Well Sydney, right now we need to run some tests. Everything is still uncertain. Kaya if I were you, I’ll stay away from stress.”Napabuntong-hininga ako.Parang napakadaling sabihin ng salitang iwasan ang stress, pero paano? Halos lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay puro problema. Ang kompanya, ang mga taong pinagkakatiwalaan ko, at ang mga lihim na tila unti-unting sumisira sa akin.“Ano ba ang nagiging problema mo lately?” mahinahon nitong tanong.Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.“About the co

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   My Fowers

    Chapter 38 Sydney’s POVNanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang napakalaking bouquet ng bulaklak na nakapatong sa mesa sa sala.Halos matakpan nito ang buong center table sa laki.Mapusyaw na pink at puting rosas, may halong lilies at tulips, na binalot ng mamahaling ivory-colored wrapping paper. Napakabango rin nito, kaya pagpasok pa lang sa bahay ay naamoy ko na agad ang preskong samyo ng mga bulaklak.“Ate!”“Bilisan mo!”“Tingnan mo kung sino ang nagpadala!”Halos hinihila na ako ni Mayee papalapit sa bouquet.Napangiti ako habang kinukuha ang maliit na card na nakakabit dito.Bahagya akong napabuntong-hininga bago ko ito binasa.I hope you are okay now.Take care always.Love,Brandon Madrid“Ahhhhh!”Hindi ko na napigilan ang mapatili.Kasabay kong napatili si Mayee.Parang dalawang teenager na unang beses nakatanggap ng love letter.“Ay!”“Winner ka today, Ate Sydney!”Tumatawa siya habang halos yakap-yakap na ako.Hindi ko maitago ang ngiti ko.“True...”“Ito na yata ang

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Love Sick

    Chapter 37Sydney's POV“Mayee, ano ba talaga ang nangyari? Bakit wala akong maalala?” tanong ko habang nakayakap sa isang throw pillow. Kanina pa ako balisa. Ilang beses ko nang pinipilit balikan ang mga nangyari, pero parang may makapal na kurtinang nakaharang sa isip ko.Napabuntong-hininga si Mayee bago siya umupo sa tabi ko.“Eh, Ate Sydney, sabi naman ng doktor, normal lang daw po iyon. Minsan talaga may mga detalye na hindi naaalala ng pasyente, lalo na kapag na-trauma o naapektuhan ang memory.”“Alam ko naman ang sinabi ni Doc,” sagot ko. “Pero hindi pa rin mapakali ang isip ko.”Tinitigan ko siya nang mabuti.“Mayee... sigurado ka bang walang nangyari sa amin ni Brandon?”Napakurap siya.“Ha?”“Feeling ko kasi... may nangyari.”Tahimik lang siya.“Feeling ko... ako pa ang nang-akit sa kanya.”Mas lalo siyang natahimik.“At dahil gentleman siya, dine-deny lang niya para hindi ako mapahiya.”“Ate...” mahina niyang sambit.“Kasi isipin mo naman. Pareho kaming nasa iisang kama.”

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Chances Are

    Chapter 36Brandon’s POV“Doctor, okay na ako, 'di ba?”Ngumiti si Sydney habang nakaupo sa hospital bed. Wala na ang pagod sa kanyang mukha at tila bumalik na ang sigla niya. Kung hindi ko lang alam ang tunay na nangyayari, iisipin kong normal na normal na siya.“Oh yes, Sydney. You’re okay.”Ngumiti rin si Dr. Dela Costa habang isinasara ang medical chart.“Sumasakit pa ba ang ulo mo?”“Hindi na.”“Good. Mukhang bumabalik na ang lakas mo.”Napanguso si Sydney at napatingin sa akin.“OA lang talaga itong asawa ko. Akala mo naman napakaseryoso ng nangyayari sa akin.”Napailing na lamang ako habang pilit na ngumingiti.Kung alam lang niya...Kung alam lang niyang halos mabaliw na ako sa takot na mawalan siya ng malay.Kung alam lang niyang ilang gabi akong hindi nakatulog habang hinihintay na magising siyang muli.Tahimik lang akong tumango.Hindi ko na ipinaliwanag.Bago kami lumabas ng silid, bahagyang hinawakan ni Dr. Dela Costa ang aking balikat.Isang tingin lang ang ipinagpalitan

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   A Sudden Episode

    Chapter 35Brandon’s POV“BRANDON! BRANDON! BRANDON!”“Asawa ko!”Halos mabasag ang katahimikan ng bahay dahil sa malakas na sigaw na iyon.Kasabay nito ay ang mabilis na pagbukas ng pinto.Humahangos na pumasok si Mayee.“Kuya!”Halos hindi na siya makahinga.“Si Ate Sydney!”Nanlaki ang mga mata ko.“Anong nangyari?”Pero wala na siyang oras para magpaliwanag.Umiiyak siya.Namumutla.At kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding takot.Hindi na ako nagtanong pa.Mabilis akong napatakbo papunta sa silid ni Sydney.Habang tumatakbo ako sa hallway, halos marinig ko ang malakas na tibok ng puso ko.Hindi ko alam ang nangyari.Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin.Pero isang bagay lang ang nasa isip ko.Sana ligtas siya.Pagpasok ko sa silid...Napatigil ako.Nakatayo si Sydney sa gitna ng kwarto.Namumula ang kanyang mukha dahil sa mataas na lagnat.Nalilito.Takot.Pero nang makita niya ako...Biglang nagliwanag ang kanyang mga mata.“ASAWA KO!”Parang tumigil ang mundo.Hin

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Stay Away From My Woman

    Chapter 34Brandon’s POVPapasok na sana kami ni Allan sa opisina ni Sydney nang marinig ko ang boses ng isang lalaking nasa loob.Huminto agad ako.Kasunod noon ay ang boses ni Sydney."Hindi ako magrereklamo. Bumalik ka lang sa akin. Please."Napatigil ako.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.Si Samuel.Kilala ko ang boses na iyon.At sa sumunod na segundo, parang may apoy na sumiklab sa loob ng dibdib ko."Just leave."Malamig ang sagot ni Sydney.Ngunit hindi sapat iyon para mapawi ang galit na bumabalot sa akin.Nakayukom ang mga kamao ko.Mahigpit.Napakahigpit.Halos pumutok ang mga ugat sa aking braso.Ang lakas ng loob ng lalaking iyon.Pagkatapos niyang wasakin ang buhay ni Sydney.Pagkatapos niyang lustayin ang pinaghirapan nito.Pagkatapos niyang iwan itong sugatan, nag-iisa, at halos mawalan ng dahilan para lumaban.Ngayon gusto niyang bumalik?Parang walang nangyari?Parang puwede niyang burahin ang lahat ng sakit na iniwan niya?Dahil sa kanya,

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Infatuation Overload

    Chapter 26Sydney’s POVPagkatapos ng event ay sabay kaming umuwi ni Mayee na parehong pagod ngunit masaya.Punong-puno ng tao ang event na iyon. Maraming negosyo ang dumalo, maraming personalidad ang nakilala namin, at higit sa lahat, naging matagumpay ang buong programa.Habang nasa sasakyan kami

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Love Struck

    Chapter 23Sydney’s POV“Bilisan mo Mayee, malelate na ako sa meeting ko!”Halos pabalik-balik ako sa harap ng salamin habang inaayos ko ang aking hikaw. Hindi naman ako ganitong klase ng babae noon. Madalas, isang tingin lang sa salamin at tapos na.Pero bakit ngayon?Bakit parang limang beses ko

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Wake Up

    Chapter 3Sydney Panganiban POVNang idilat ko ang mata ko, nasa maliit na silid ako. Hindi ito ang bahay ko. Nasaan ako? Naririnig ko na lamang ang tinig ng mga bata na naglalaro at nagtatawanan. Hinahabol ko ang mga tinig, pero hindi ko naman sila nakikita.Nang lumabas ako ng bahay, nakita kon

  • KILL ME SOFTLY MY BILLIONAIRE FARMBOY   Agony

    Chapter 2Sydney Panganiban POV“Please forgive me, Syd. She seduced me, hindi ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Maniwala ka. Pangako ko sa iyo, hindi ko na uulitin ito. Patawarin mo na ako.” sabi ni SamuelNakaluhod siya; mukhang tupa na nagmamakaawa. May inilabas siya sa kanyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status