Mag-log inSi Sydney Panganiban ang reyna ng Prime Zaphire International—matalino, mapagmataas, at walang kinatatakutan. Ngunit sa isang gabi ng bonggang selebrasyon, gumuho ang kanyang mundo nang mahuli niya ang kanyang fiance na si Samuel at ang karibal na si Isabel sa loob mismo ng kanyang silid. Hindi lang pala pag-ibig ang ninakaw sa kanya, kundi pati ang kanyang katinuan at kayamanan. Matapos ang isang "aksidente," nagising si Sydney sa isang liblib na bukid sa Sta. Inez. Wala siyang maalala, putol ang buhok, at tanging isang pulang duster ang saplot. Doon niya makikilala si Beno, ang antipatikong magsasaka na may misteryosong presensya. Sa gitna ng putikan at hirap, unti-unting babalik ang alaala ni Sydney. Ngunit sa kanyang pagbabalik para maghiganti, matutuklasan niyang ang "Farm Boy" na sumagip sa kanya ay ang bilyonaryong heredero na si Brandon Madrid—ang lalaking matagal nang nakatadhana sa kanya, at ang tanging susi para maibalik ang lahat ng kinuha sa kanya.
view moreChapter 1:
Sydney Panganiban POV
Nagsaayos ako ng isang malaking party. Alam ko kasi na magpo-propose na si Samuel sa akin. Tutal, ilang taon na rin kaming nagsasama at kulang na lang ay kasal.
Mahal na mahal ko si Samuel dahil naging kakampi ko siya. Ipinagtatanggol niya ako sa mga taong nakakabangga ko sa negosyo.
Mga kamag-anak na hinahangad na pabagsakin ako. Lahat iyon ay ginawa para sa akin ni Samuel. Binigyan ko siya ng pinakamataas na kapangyarihan sa aking kumpanya. At ipinagkatiwala ko ang milyong-milyon kong asset. Lubos ang pagtitiwala ko sa kanya. Hindi niya ako binigo kahit minsan.
Naalala ko pa noong nagsisimula pa lang akong pamahalaan ang kumpanyang iniwan sa akin ng aking mga magulang. Litong-lito ako kung paano ko gagawin ang mga tungkulin ko. Pagkatapos kong bumalik galing sa Amerika, ang lahat ng bagay ay bago sa akin.
Pansamantalang pinamahalaan ang kumpanya ng aking tiyo na si Edgardo Panganiban. Dahil bata pa ako noon, siya ang tumulong para mapatakbo ito nang maayos. Siya lamang ang tanging pinagkatiwalaan ng aking ama dahil siya ay maasahan. At hindi siya nagkamali dito. Pero naging malupit ang pagkakataon sa kanya. Pinatay si Tiyo.
Wala na naman akong kakampi. Pero dahil may kakaunti na akong kakayahan, nilakasan ko na ang loob ko at bumalik na sa Pilipinas para bawiin kung ano ang akin.
Maraming nagalit, mga taong naghahangad sa aking kayamanan. Akala nila na nang namatay si Tiyo Edgardo ay may pagkakataon na silang makuha ang yaman ko. Nagkakamali sila.
Mabilis kong natutuhan ang pagnenegosyo hanggang sa ito ay naging laro na lamang sa akin.
At naging eksperto ako.
Pero marami pa ring pagtatangka sa buhay ko. At eksakto nang dumating si Samuel. Siya ang naging sanggalang ko.
Excited na ako sa araw na ito.
Pagpasok ko sa party, andun na ang mga inimbitahang tao mula sa mayayamang pinagmulan.
Taas na ako pumasok. At binati silang lahat sa pagtitipon iyon.
“Sydney, what a nice party you have here. What’s the occasion? Tanong sa akin ng CEO ng isang kilalang plastic business ng bansa.
“Do we need an occasion to have a party?”mayabang na sagot ko sa kanya.
“Oo nga naman pala, you have always hosted extravagant parties like this all your life,” sabi naman ng isang Presiding Director ng isang hospital.
“Oh yeah, remember last time, we had a wild party, naginvite si Sydney ng isang top singer abroad, for just one night.” sabi ng asawa ng isang CEO ng Pharmaceutical.
Masaya nilang inaalala ang lahat ng mga party na isinaayos ko. Barya-barya lang iyon para sa akin.
I love doing parties, it adds life to my bitterness.
Napansin kong wala si Samuel sa paligid.
“Have you seen Samuel?”tanong ko sa mga naroroon,
Ang sabi ng isang guest ay nakita niya raw itong umakyat sa itaas. Marahil sa aming kuwarto.
Naisip kong baka nagbibihis na ito para sa party.
Nang malapit ko nang buksan ang pinto ng aming silid. May narinig akong mga tinig na naguusap.
“Sam, baka mahuli tayo ni Sydney.” sabi ng isang boses
“Don’t worry, wala pa siya. Abala pa iyon sa mga kaibigan niya.
Rinig na rinig ko na ang mga halikan na ginagawa nila at pagkatapos ay ang pagsinghap ni Samuel na halos nauubos na ang hininga sa babaeng kalaro niya.
“Give it to me now!” excited ang babae at nagmamadaling ipadama niya ang kanyang pagkalalaki.
Ahh..ahh….ahh
Humahalinhing na ang babae, at pagod na pagod na ito pero hindi pa rin sila tumitigil.
Hindi ko na nakayanan ang kababuyan nilang ginagawa sa pamamahay ko. Bigla kong binuksan ang pintuan ng aming silid na minsan ay naging saksi sa aming pagmamahalan.
Blaaaag….!!!
Ang lakas ng pagkabukas ko sa pintuan na halos masira na ang pinto. Ginamit ko ang aking buong kalakasan.
“MGA HAYUP KAYO. ANG BABABOY NIYO! pasigaw kong sinabi.
Kitang-kita ko ang dalawang taksil na hubad ang mga katawan. At dahil sa pagkataranta, halos hindi mahagilap ang kanilang mga kasuotan.
Lumapit ako sa babae at sinampal ko siya. Sinaktan ko siya. Hindi ako nakuntento sa pagganti sa kanya. Para akong mabangis na hayop na gustong sakmalin at luray lurayin siya ng mga kamay ko. Hindi pa ako natapos. Kinaladkad ko siya sa labas ng pintuan. Hindi ako pinipigilan ni Samuel. Nakatayo lang siya sa pagkabigla.
Nakita ng lahat ang buong kahiya-hiyang pangyayari. Gusto ko pa sanang ihulog ang babaeng sumira sa akin sa hagdan, pero pinigilan na ako ng mga tao.
Sigaw na ako nang sigaw. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ito ni Samuel sa akin. Ibinigay ko sa kanya ang lahat. Pagkatapos kong siyang pulutin sa lupa, ito lamang ang igaganti niya sa akin.
“Samuuuuuuell…… “isinigaw ko.
Iba-iba ang reaksiyon ng mga naroroon. May mga naawa, may mga naiirita, may mga natutuwa dahil itong dagok na ito sa akin ay simula ng aking pagbagsak. Kakaibang pagtatanghal ang napanood nila ngayong gabi. Nakakahiya.
Maririnig mong nagbubulungan sila tungkol sa lalaking aking binili. Hindi sapat ang kayamanan ko para manatili siyang tapat sa akin.
Chapter 42Sydney’s POV"Honey..."Napalingon ako kay Brandon habang magkahawak kami ng kamay sa sala. Katatapos lang naming mag-almusal at pareho kaming papasok sa opisina.Ngumiti ako sa kanya."Hmm?""Mag-cruise naman tayo." pag aya ko.Napakunot-noo siya."Ha?"PagkataposTumango siya habang nakangiti."Sige na. I want to explore the world with you."Napangiti na ri si Brandon"Okay." sagot niya"Papabook ako sa secretary ko.""Talaga?" tanong niyang tila natuwa."Oo.""Masaya iyon."Nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa iba't ibang bansa na gusto rin niyang puntahan. Tahimik lang akong nakikinig habang nakatitig sa mukha niya.Maya-maya...Parang may kung anong humila sa isip ko.Unti-unting lumabo ang paligid.Humina ang boses ni Brandon.Hanggang sa wala na akong marinig.Parang may makapal na ulap na bumalot sa utak ko.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala."Sydney..."Mahina niyang tawag.Hindi ako sumagot."Sydney..."Mas lumapit siya."Sydney..."Napakurap
Chapter 41Brandon's POVSa bawat paggising ni Sydney, hindi ko alam kung anong bersyon ng mundo ang sasalubong sa kanya.May mga araw na para lang siyang normal—masayahin, makulit, palabiro, at puno ng pangarap.Pero mayroon ding mga araw na para siyang estranghero sa sarili niyang buhay.May mga pangalang hindi na niya kilala.Mga lugar na hindi na niya maalala.Mga taong minsan niyang minahal... na tila hindi na kailanman naging bahagi ng kanyang pagkatao.Kaya hangga't maaari, iniiwasan kong magkaroon siya ng matinding emosyon.Kapag nagagalit siya...Hindi ko siya sinasabayan.Kapag naiiyak siya...Mas lalo akong nagiging kalmado.Kapag naguguluhan siya...Ako ang nagsisilbing sandalan.Dahil sa sinabi ng doktor...Ang matinding emosyon ang isa sa pinakamalaking kalaban ng kanyang kondisyon.At higit sa lahat...Natatakot ako.Hindi para sa sarili ko.Kundi sa posibilidad na isang araw...Ako naman ang mabura sa kanyang alaala.Hindi ko kakayaning titigan siya habang hindi na niy
Chapter 49Sydney's POV"Wow, Brand! I'm surprised. Really? May girlfriend ka na ulit?"Pagkarinig ko pa lang sa boses ng babaeng iyon ay parang may kumurot agad sa dibdib ko.Napakaganda niya.Mahaba ang alon-alon niyang buhok, maputi ang kutis, at kitang-kita ang kumpiyansa sa bawat galaw. Halatang sanay siyang maging sentro ng atensyon."Antipatika ito ah," bulong ko sa sarili ko.Bakit naman ganoon ang reaksyon niya?Hindi ba ako mukhang karapat-dapat maging girlfriend ni Brandon?Inilibot ko ang tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Aaminin ko, maganda siya. Iyong tipong maraming lilingon kapag naglakad sa mall.Pero...Sorry na lang siya. Ako ang pinili ni Brandon.Napansin kong bahagyang namula si Brandon habang sumasagot."Oh yes... kailan lang."Mukhang nahihiya pa nga.Ngumiti ang babae at bahagyang tumawa."Don't get me wrong, Sydney. Akala ko kasi magpapari na itong si Brandon natin."Natigilan ako.Brandon... natin?Napatigil ang ngiti ko."Excuse me? Brandon natin?"
Chapter 48Sydney's POV"Wow... you have a nice office here. Kaya pala gusto mong magtrabaho rito."Hindi ko napigilang mapahanga habang iniikot ko ng tingin ang opisina ni Brandon.Hindi ito iyong tipikal na opisina ng isang CEO na puro mamahaling kasangkapan lang ang makikita. Kitang-kita na bawat detalye ay pinag-isipan nang mabuti. Modernong-modernong ang disenyo ngunit may halong klaseng hindi nakakasawa sa mata.Sa isang gilid ay may malalaking floor-to-ceiling windows na tanaw ang buong business district. Napakaganda ng view, lalo na't papalubog na ang araw.Sa dingding ay nakasabit ang ilang original paintings mula sa mga kilalang international artists. Hindi ako eksperto sa sining, pero sapat ang kaalaman ko upang malaman na milyon ang halaga ng bawat isa sa mga iyon.May isang abstract painting na agad nakakuha ng pansin ko.Napansin iyon ni Brandon."Gusto mo?"Napalingon ako sa kanya."Maganda.""Birthday gift ko iyon sa sarili ko noong unang taon na naging profitable ang
Chapter 26Sydney’s POVPagkatapos ng event ay sabay kaming umuwi ni Mayee na parehong pagod ngunit masaya.Punong-puno ng tao ang event na iyon. Maraming negosyo ang dumalo, maraming personalidad ang nakilala namin, at higit sa lahat, naging matagumpay ang buong programa.Habang nasa sasakyan kami
Chapter 23Sydney’s POV“Bilisan mo Mayee, malelate na ako sa meeting ko!”Halos pabalik-balik ako sa harap ng salamin habang inaayos ko ang aking hikaw. Hindi naman ako ganitong klase ng babae noon. Madalas, isang tingin lang sa salamin at tapos na.Pero bakit ngayon?Bakit parang limang beses ko
Chapter 5Sydney Panganiban POVDinalaw na naman ako ng mga panaginip ko. Marami akong nakikitang iba't ibang mga mukha. Hindi ko alam kung sino sila. Ang tanging kilala ko lamang ay ang mga magulang ko. Tinatawag nila ako at inaanyayahan akong sumama na sa kanila.“Halika ka na anak sa bukid,”
Chapter 4Sydney Panganiban POVUmaga na. Narinig ko ang napakalas na tunog ng isang sasakyan. Papalapit sa bahay na tinutuluyan ko. Galit na galit ako dahil ang gusto ay tahimik lamang. Iritang irita ako na para bang sasabog ako sa galit. Sino ba itong nagiingay na ito na walang pakundangan.Lum












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.