LOGINSylaila POVHanggang ngayon ay pakiramdam ko panaginip pa rin ang lahat. Kanina lang, hindi ko pa sila kilala.Ngayon, magkatabi na kami sa sofa habang hawak ni Mama ang isang kamay ko at si Papa naman ay paminsan-minsang hinahaplos ang buhok ko na parang natatakot na mawala ulit ako.Sa kabilang sofa ay naglalaro si Isla kasama sina Fabian at Lusing.Kalmado na ang lahat. Nagpaluto na nga sina Mama at Papa ng pagkain kay Vandall kasi nagugutom na rin kami.“Si Chusan ba ay na-contact na?” dinig kong tanong ni Mama kay Vandall.“Parang may nakita po kaming post ng mga fans sa social media. Nandito rin po si Chusan sa Colmenares town. May picture siya sa isang malapit na coffee shop dito. My video pa nga po na nagmamakaawang tulungan siyang makarating kay Sylaila,” sagot ni Vandall. Nung marinig ko ‘yun ay natuwa ako. Ibig sabihin ay papunta na rin pala siya rito sa akin. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nakita ako. Gusto kong marinig
Chusan POVHindi ko na halos maubos ang iniinom kong kape dahil hindi mapakali ang isip ko. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mukha ni Sylaila.She’s alive. I still can’t believe it. I feel like when I wake up in a little while, it’ll all turn out to be just a dream. Pero hindi. Totoong buhay siya. I saw her on TV myself. I saw her face. I heard her name. At higit sa lahat, alam kong narito rin siya Colmenares town.“Sir.” Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Leo. Napatingin ako sa kanya. “May nalaman po ako.”Nanlaki agad ang mga mata ko. “Ano ‘yon?”“Alam ko na po kung nasaan si Ma’am Sylaila.”I got even more nervous, but I was also really excited when Leo told me where I could find Sylaila.“Talaga?”Tumango siya. “Opo, Sir.”Hindi ko napigilan ang mapangiti. “Good job, Leo!” Napahawak pa ako sa balikat niya. “Sa wakas may nagawa ka ring mabuti.”Napakamot siya sa ulo. “Nagtanong-tanong lang po ako rito sa coffee shop.”Napatawa ako. “Maganda iyon, at least nakatulong ka
Sylaila POVHindi ko alam kung ilang beses na akong napapatingin sa entrance ng pinapagawang beach resort.Sabi ni Vandall kasi ay anytime papunta na rito sa Colmenares ang Mama at Papa ko.Tahimik akong nakaupo sa isang kahoy na bangko habang naglalaro si Isla sa tabi nina Fabian at Lusing.Paminsan-minsan ay napapangiti ako kapag naririnig ko ang tawa niya. Iyon ang pinakamahalaga. Ligtas siya at kasama ko na ulit.Wala nang nagtatangkang umagaw sa kanya. Subukan lang nila, nandito ang Helltrace para ipagtanggol ako. Kanina nga ay na-meet ko na rin ang iba pa sa kanila. Bukod kay Vandall, nakilala ko na rin sina Rook, Nomad at Jink. Sabi nila, sila raw ang nag-training sa akin dati kaya talaga raw magaling akong makipaglaban. Sanay daw talaga akong makipag-away kahit sa mga malalaking tao. Nagmana raw kasi ako sa Mama at Papa ko. Lalo na sa Kuya Keilys ko.Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwalang isa pala akong Merritt. Natatandaan ko ang sabi nila Fabian at Lusing. Isa raw sa
Sera POVPakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa galit. Paulit-ulit akong naglalakad sa sala ng inuupahan kong bahay sa Amontala habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao ko. Kanina pa ako naghihintay. Pero hanggang ngayon, wala pa rin si Chusan.Napatingin ako sa bintana. Halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Unti-unti nang lumulubog ang araw. At bawat minutong lumilipas ay lalo lang akong kinakabahan.Bakit hanggang ngayon wala pa rin?Huminto ako sa paglalakad. “Harry.”Napalingon naman agad si Harry sa akin. “Yes po, Ma’am? ”Na-contact mo na ba si Leo?”Napailing siya. “Wala pa rin po.”“Anong ibig mong sabihin na wala pa rin?”“Patay na po ata ang phone niya.”Napapikit ako. “Buwisit!”Napaatras nang bahagya si Harry. Alam niyang masama ang timpla ko ngayon. At hindi lang basta masama. Pakiramdam ko ay magkakanda-leche-leche na ang lahat.At hindi ko gusto ang pakiramdam na iyon.Muli akong nagsimulang maglakad. Paulit-ulit. Hindi ako mapakali. I was like an animal trappe
Chusan POV“Sir... Sir.” May mahinang boses akong narinig. Kasabay noon ay naramdaman kong bahagyang pag-alog ni Leo sa balikat ko. “Sir, gising na po."I slowly opened my eyes. I blinked a few times before I was fully awake. Nakatulog nga pala ako.Napabuntong-hininga ako habang inuunat ang leeg ko.“Ay, naku, napahaba ata ang tulog ko,” mahina kong sabi. “Napagod yata ako sa paglalakad.”Ngumiti lang si Leo. “Okay lang po.”Pagtingin ko sa labas ng bintana ng jeep, nakita kong nakahinto na kami. Kami na lang ni Leo ang natirang sakay ng jeep. When I looked outside, there were a lot of people. There were tricycles. There were fruit vendors. There were fish vendors. There were also children chasing each other on the side of the market.Napangiti ako. “So, nandito na ba tayo sa Colmenares?”“Opo, Sir.”Nilingon kami ng driver ng jeep. “Ano ba, bababa pa ba kayo o sasama pa kayo sa akin sa kabilang bayan?” tanong ng driver.“Hindi na ho, dine na kami bababa,” sagot ni Leo sa kaniya.Bum
Chusan POVLeo and I have been walking along the side of the long road for almost twenty minutes. And during those twenty minutes, we haven’t said a word to each other, not even one, after I got so angry earlier.Tahimik lang kaming dalawa. Ako ang nasa unahan.Si Leo naman ay ilang hakbang sa likod ko.Kung hindi lang siya naging paladesisyon sa buhay ko nitong mga nagdaang araw, hindi naman ako magagalit. Palagi na lang siya nakabida kay Sera. Hindi ko alam kung binabayaran na rin ba siya ni Sera para magbalita ng mga ganap ko. Ewan, okay naman nung una si Leo. Simula lang nung maging sobrang close kami ay naging maluwag na siya sa akin. Na minsan, nakakalimutan na niyang amo niya ako at tauhan ko lang siya. Akala niya ata ay magkaibigan na ang turingan namin. Oo, pumayag ako na minsan ay biru-biruin niya ako, ayos lang iyon para masaya lang kami, pero kapag sa mga seryosong sitwasyon na, ah, ibang usapan na iyon.I looked up at the sky. Even though it was already afternoon, the air
Keilys POVNagising ako sa malakas na ugong ng makina ng jet at sa boses ng pilot sa intercom. Medyo inis pa ako dahil napaaga ang gising ko, pero nang marinig ko ang sinabi niya, agad akong natahimik.“Sir Merritt, we’re experiencing turbulence due to a super typhoon entering Philippine airspace.
Keilys POVMatagal kong inasam na muli ko siyang mayakap, marinig ang boses niyang malambing, makita ulit ‘yung mga mata niyang kay gandang titigan. At ngayon, nandito na ngaako, kasama ko siya sa loob ng kuwarto niya, habang kapwa kami tahimik.Sa kama, alam na agad ni Ilaria ang ibig kong mangyar
Keilys POVMadaling-araw na, siguro mga alas dos. Nagising ako nang may luha sa mga mata ko. Napanaginipan ko si Ilaria, umiiyak sa ospital habang dinudugo. Mag-isa lang siya doon, walang kasama at halos lungkot na lungkot. Kaya nung magising ako, tumutulo rin ang luha ko.Nanlalamig ako nung buman
Keilys POVPagpasok ko pa lang sa loob ng Korean restaurant, agad kong naamoy ang halong usok ng grilled beef at garlic, iyong tipong amoy pa lang, matatakam ka talaga. Matagal na rin akong hindi nakakatikim ng Korean food simula nung nasa ibang bansa ako naka-stay. Kaya ngayon, susulitin ko rito.






