LOGINSylaila POVDahan-dahan kaming naghiwalay sa pagkakayakap ni Chusan. Pag-angat ko ng tingin ay namumula pa rin ang mga mata ni Chusan. Ngumiti pa siya sa akin kahit halatang kakaiyak lang.Hindi ko napigilang gumanti rin ng ngiti kahit nahihiya pa ako.Hindi pa man ako nakakapagsalita ay may maliit na boses na biglang sumingit.“Hello po, Kuya cute!”Napalingon kaming lahat kay Isla. Nakangiti siyang tumatakbo papunta kay Chusan.Nagulat pa ako nang kusang yumakap ang anak ko sa binti niya. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata nina Mama, Papa, Kuya Keilys, at Ate Ilaria.Napayuko si Chusan kay Isla.Ngumiti siya. “Hello, Isla! Sa wakas, nagkita ulit tayo, anak ko,” masayang bati niya.Napapaluha sina Fabian at Lusing dahil hindi sila makapaniwala sa nakikita. Lalo na sa eksena nila Chusan at Isla.“Sandali lang.” Napatingin kaming lahat kay Mama Keilani. “Bakit Kuya Cute ang tawag ni Isla kay Chusan?”Napatingin din ako kay Chusan. Titignan ko kung anong isasagot niya.Napangiti nang
Sylaila POVMasayang nagkukuwentuhan sina Mama, Papa, Kuya Keilys, habang si Isla naman ay abala sa paglalaro ng stuffed toy na ibinigay ni Tito Keilys niya.Ako naman ay tahimik lang na nakaupo. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking pinto ng bahay na kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung bakit. Pero simula nang sabihin nila na si Chusan ang ama ni Isla, parang hindi na mapakali ang puso ko. Para bang pati ako ay excited na rin siyang ma-meet ulit, kahit na-meet ko na siya nun sa farm namin ni Nardo. Kaya pala ganoon ang pakiramdam ko nung mga oras na iyon, matagal na pala kaming nagmamahalan. Tapos, siya pa pala ang ama ni Isla.Tama, gets ko na rin kung bakit ganoon na lang ang pagka-attach niya sa bata. Kasi nga anak niya si Isla.Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganoon? Bakit hindi ko man maalala ang buong nakaraan ko?Kung limang taon na nung mangyari ang aksidente, bakit hindi pa bumabalik ang mga alaala ko?“Ila?"Napalingon ako kay Mama.“Ayos ka lang ba?”Ngumiti
Chusan POVMahigpit kong hawak ang manibela habang mabilis na umaandar ang sasakyan sa mga kalsada ng Colmenares Town. Nakaiwan nga ng cellphone si Sera dito sa loob ng sasakyan pero bigla ring nawalan ng battery, lowbat na agad. Sinubukan ko pang buksan, pero patay na talaga ang lintik na cellphone.Napamura na lang ako sa inis. Pero wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang magtanong-tanong sa mga tao. Gagamitin ko na ang totoong mukha ko, ‘yung walang facemask at cap, para mas mabilis nila akong tulungan.Huminga ako nang malalim at pinabagal ang takbo ng sasakyan.Pagdating sa isang kanto ay may nakita akong grupo ng mga tricycle driver na nagkukuwentuhan.Ibinaba ko ang bintana. “Boss, tanong lang po.” Napalingon silang lahat sa akin. Nagulat pa sila kasi agad nila akong nakilala.“Uy, si Chusan oh!”“Astig, guwapo pala itong binatang ito sa personal.”“Mukhang nandito na rin siya para kay Sylaila, sikat na sikat tuloy ang lugar natin ngayon dahil sa balita.”Napangiti na lan
Sylaila POVHanggang ngayon ay pakiramdam ko panaginip pa rin ang lahat. Kanina lang, hindi ko pa sila kilala.Ngayon, magkatabi na kami sa sofa habang hawak ni Mama ang isang kamay ko at si Papa naman ay paminsan-minsang hinahaplos ang buhok ko na parang natatakot na mawala ulit ako.Sa kabilang sofa ay naglalaro si Isla kasama sina Fabian at Lusing.Kalmado na ang lahat. Nagpaluto na nga sina Mama at Papa ng pagkain kay Vandall kasi nagugutom na rin kami.“Si Chusan ba ay na-contact na?” dinig kong tanong ni Mama kay Vandall.“Parang may nakita po kaming post ng mga fans sa social media. Nandito rin po si Chusan sa Colmenares town. May picture siya sa isang malapit na coffee shop dito. My video pa nga po na nagmamakaawang tulungan siyang makarating kay Sylaila,” sagot ni Vandall. Nung marinig ko ‘yun ay natuwa ako. Ibig sabihin ay papunta na rin pala siya rito sa akin. Hindi na ako makapaghintay na makita siya. Gusto kong makita ang reaksyon niya kapag nakita ako. Gusto kong marinig
Chusan POVHindi ko na halos maubos ang iniinom kong kape dahil hindi mapakali ang isip ko. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mukha ni Sylaila.She’s alive. I still can’t believe it. I feel like when I wake up in a little while, it’ll all turn out to be just a dream. Pero hindi. Totoong buhay siya. I saw her on TV myself. I saw her face. I heard her name. At higit sa lahat, alam kong narito rin siya Colmenares town.“Sir.” Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Leo. Napatingin ako sa kanya. “May nalaman po ako.”Nanlaki agad ang mga mata ko. “Ano ‘yon?”“Alam ko na po kung nasaan si Ma’am Sylaila.”I got even more nervous, but I was also really excited when Leo told me where I could find Sylaila.“Talaga?”Tumango siya. “Opo, Sir.”Hindi ko napigilan ang mapangiti. “Good job, Leo!” Napahawak pa ako sa balikat niya. “Sa wakas may nagawa ka ring mabuti.”Napakamot siya sa ulo. “Nagtanong-tanong lang po ako rito sa coffee shop.”Napatawa ako. “Maganda iyon, at least nakatulong ka
Sylaila POVHindi ko alam kung ilang beses na akong napapatingin sa entrance ng pinapagawang beach resort.Sabi ni Vandall kasi ay anytime papunta na rito sa Colmenares ang Mama at Papa ko.Tahimik akong nakaupo sa isang kahoy na bangko habang naglalaro si Isla sa tabi nina Fabian at Lusing.Paminsan-minsan ay napapangiti ako kapag naririnig ko ang tawa niya. Iyon ang pinakamahalaga. Ligtas siya at kasama ko na ulit.Wala nang nagtatangkang umagaw sa kanya. Subukan lang nila, nandito ang Helltrace para ipagtanggol ako. Kanina nga ay na-meet ko na rin ang iba pa sa kanila. Bukod kay Vandall, nakilala ko na rin sina Rook, Nomad at Jink. Sabi nila, sila raw ang nag-training sa akin dati kaya talaga raw magaling akong makipaglaban. Sanay daw talaga akong makipag-away kahit sa mga malalaking tao. Nagmana raw kasi ako sa Mama at Papa ko. Lalo na sa Kuya Keilys ko.Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwalang isa pala akong Merritt. Natatandaan ko ang sabi nila Fabian at Lusing. Isa raw sa
Keilys POVNagising ako sa malakas na ugong ng makina ng jet at sa boses ng pilot sa intercom. Medyo inis pa ako dahil napaaga ang gising ko, pero nang marinig ko ang sinabi niya, agad akong natahimik.“Sir Merritt, we’re experiencing turbulence due to a super typhoon entering Philippine airspace.
Keilys POVMatagal kong inasam na muli ko siyang mayakap, marinig ang boses niyang malambing, makita ulit ‘yung mga mata niyang kay gandang titigan. At ngayon, nandito na ngaako, kasama ko siya sa loob ng kuwarto niya, habang kapwa kami tahimik.Sa kama, alam na agad ni Ilaria ang ibig kong mangyar
Keilys POVMadaling-araw na, siguro mga alas dos. Nagising ako nang may luha sa mga mata ko. Napanaginipan ko si Ilaria, umiiyak sa ospital habang dinudugo. Mag-isa lang siya doon, walang kasama at halos lungkot na lungkot. Kaya nung magising ako, tumutulo rin ang luha ko.Nanlalamig ako nung buman
Keilys POVPagpasok ko pa lang sa loob ng Korean restaurant, agad kong naamoy ang halong usok ng grilled beef at garlic, iyong tipong amoy pa lang, matatakam ka talaga. Matagal na rin akong hindi nakakatikim ng Korean food simula nung nasa ibang bansa ako naka-stay. Kaya ngayon, susulitin ko rito.







