LOGINSera POVHindi ko na alam kung pang-ilang araw ko nang ikinukulong ang sarili ko sa villa na ito dito sa Korea.Napakatahimik dito at iyon ang gusto ko sa ngayon.Kung hindi lang dahil sa mahihinang yabag ng Filipino kong yaya na naglilinis sa bahay, marahil ay para na itong abandonadong villa. Ito sana ang magiging tahanan namin ni Chusan. Ilang beses ko pa ngang in-imagine noon ang magiging buhay namin rito.Magkasama kaming gigising. Magkakape sa balcony. Magluluto ng breakfast. Mag-uusap tungkol sa trabaho, at sa gabi, sabay kaming manonood ng city lights habang magkahawak-kamay.Pero ngayon, ako lang ang nandito. At ang bawat sulok ng villa ay para bang pinapaalala sa akin ang pangarap na hindi kailanman natupad.Tahimik akong nakaupo sa malamig na sahig ng sala. May hawak na naman akong bote ng alak. Halos wala na akong maalala kung ilang bote na ang naubos ko nitong mga nakaraang araw.Humigop ulit ako sa bote ng alak, hanggang sa maramdaman kong muli ang init na dumadaloy sa k
Nardo POVNagising na lang ako bigla dahil sa matinding lamig na nararamdaman ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko habang nakahiga pa rin sa karton na ginawa kong higaan dito sa ilalim ng lumang tulay.Madilim pa nang bahagya ang langit. Pero unti-unti nang sumisilip ang sikat ng araw.Napabuntong-hininga ako. Ito na pala ang una kong umaga sa Gitambak Province. Nanigas ang likod ko sa sobrang tigas ng karton. Masakit din ang leeg ko.Pero ang mas malala sa sitwasyon ko ngayon ay sobrang gutom na ako. Kumakalam na ang sikmura ko. Parang may pinipiliti ang loob ng tiyan ko dahil kahapon pa ito walang laman. Nagtataka na ata ang bituka ko dahil wala na silang matunaw doon.Napaupo ako. Hinawakan ko ang tiyan ko.Bukod sa gutom, malala na rin ang nararamdaman kong uhaw. Parang tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.Huminga ako nang malalim. Hindi puwedeng ganito. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kung gusto kong mabuhay rito, kailangan kong makahanap ng trabaho.Tumayo na ako. Inalikab
Chusan POVHinintay kong makapag-charge ang phone ko bago ipinakita kay Sylaila ang mga magagandang memories namin na nakatago sa cellphone ko.Magkatabi kaming naupo sa gilid ng kama.Tahimik.“Bakit?” tanong ni Sylaila. Nagtataka siya, akala siguro ay may gagawin agad ako sa kaniya. Ramdam kong may takot pa siya. Marahil ay hindi pa talaga lubusang bumabalik ang lahat ng alaala niya.“Alam mo, hindi ko akalaing makikita ko pa ulit 'to,” nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang phone ko.Ngumiti rin siya. “Alam kong sa iyo ‘yan. Ikaw lang kasi ang taong nagpunta ng farm namin nung araw na iyon,” sagot niya habang nakatingin sa bintanang bukas na kung saan ay dinig ang malakas na alon ng dagat.“Ila?” tawag ko sa kaniya.Agad namang siyang napalingon sa akin.“Bakit?”“May gusto akong ipakita sa ‘yo.”Napakunot ang noo niya. “Ano ‘yon?”Binuksan ko ang cellphone. Mabuti na lang at hindi pa ito tuluyang nasira. Nakapag-charge kasi pinadala ko rito sa apartment ang hiniram kong charger
Chusan POVI can’t remember the last time I sat at a dinner table this happy. Siguro, sobrang tagal na rin.Ang haba ng lamesa rito ng mga helltrace. Saktong-sakto sa aming lahat na nandito.Tapos, punong-puno ng pagkain ang buong lamesa.May inihaw na manok, Barbecue, Seafood, Mga gulay, Mainit na sabaw, at iba’t ibang putahe na parang espesyal na handaan.Pero hindi pagkain ang nagpapabusog sa akin, kundi ang mag-ina kong sina Ila at Isla.Hindi pa rin mawala-wala ang kilig ko kapag tinitignan ko silang dalawa. Lalo na si Isla na anak ko pala. Now I get why she’s so cute. Why she’s so fair-skinned. Why she looks Korean. Because she’s my daughter, after all.Paminsan-minsan ay palihim ko silang tinitingnan.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang magkatabi kaming tatlo.Parang ilang taon kong ipinagdasal ang eksenang ito. Na ang akala ko, sobrang imposibleng mangyari ito kasi ang alam ko, patay na talaga si Sylala.Sa kabilang bahagi ng lamesa naman ay naroon sina Mama Keila
Sera POVPakiramdam ko, ngayon lang ako tunay na natalo sa buong buhay ko. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Ang masamang pakiramdam ko simula nung magpunta ako sa Amontala ay tila nagtuloy-tuloy na ngayon. Nag-iinit na ang katawan ko, pero tahimik akong naglalakad sa airport kasama si Harry.Gusto ko sanang magpahinga, pero ayoko nang mag-stay pa doon. Kasama na niya si Sylaila. Nawala agad sa akin ang Chusan ko.Alam kong wala na akong puwang sa puso niya ngayon, at kahit magmakaawa pa ako, wala na akong magagawa pa talaga.Mahigpit kong hinila pababa ang cap ko. Mas inayos ko rin ang facemask na suot ko. Ayokong may makakilala sa akin. Ayokong may makakita sa mukha kong namamaga na sa kakaiyak.Sa mga oras na ito, trending din ako sa lahat ng social media. Pinagtatawanan ako dahil karma ko na raw ang dumating dahil wala na akong saysay kay Chusan. Nagbalik na raw ang tunay na reyna.Lahat ng tinarayan ko noon, nagsama-sama sa social media para ma-bully ako.“Sa wakas, nagbalik na ang
Nardo POVSa wakas. Nakarating din ako rito. Pagbaba ko ng lumang bus, agad kong nilibot ng tingin ang buong paligid.Napabuntong-hininga ako. Hindi ako nagkamali nang pinuntahang lugar. Mas liblib pa pala talaga rito kaysa sa Amontala.Ito pala ang Gitambak Province. Ang pinakadulong lugar na alam kong halos walang gustong pumunta.Dito kasi ay makitid ang mga kalsadang dadaan bago makarating sa Gitambak. Halos puro bundok ang nakapaligid din.May ilang kabayo at kalabaw na dumaraan sa daan. Ang mga bahay ay gawa sa kahoy at kawayan. Ang iba pa nga ay nipa hut lang.Napangiti ako nang bahagya. “Perfect talaga rito,” kalmado kong bulong.Ito mismo ang hinahanap kong pagtataguan. Isang lugar na hindi ako madaling mahahanap ng kahit sinuman.Naglakad ako habang pasan ang luma kong backpack. Wala akong dalang maraming gamit. Kaunting damit lang. Ilang personal na gamit, at wala nang iba pa.Napatingin ako sa maliit na tindahan sa gilid ng daan. May ilang matatandang lalaki ang nakaupo ro
Iliana POVMalamig ang sahig ng bodegang pinagkulungan sa akin. ‘Yung malamig na sumisiksik sa buto. Nakahiga ako sa maruming karton na inilapag nila sa sahig para raw may mahigaan ako kahit pa paano. Amoy alikabok. Amoy kalawang. Amoy kahoy na matagal nang hindi nagagalaw.Hindi ko alam kung anong
Ilaria POVNasa lamesa ang mapa ng mansiyon ng mga Veron na iginuhit ko mula sa alaala ko kanina. Minarkahan ko kung saan namin nakita ang mga bantay, kung saan ang likod na pasukan, kung saan namin nasaksihan ang pagbaon sa lupa sa mga tauhan ni Iliana.Sa bawat guhit ko ng ballpen, bumabalik sa i
Ilaria POVNakasabay namin ang kotse magarang kotse ni Iliana sa highway papunta sa COMELEC.Sa totoo lang, hindi mo kailangang hulaan kung sino ang sakay.“Siya ‘yon,” sabi ko kay Keilys, habang nakataas ang kilay ko. “May luxury car na nga si Iliana.”Tumahimik saglit si Keilys habang minamasdan
Iliana POVIniwan sa akin ni Sage ang sampung armadong tauhan niya. Ang bilin niya, gamitin ko raw kapag kailangan. Pero hindi siya ang masusunod sa lahat ng oras.Bumaba ko sa ibaba ng bahay ko. Nakita kong kasama ni Ceska ang sampung armado. Napairap ako, umaandar na naman ang pagiging malandi ni







