Share

Kalampag Sa Gabi (SPG)
Kalampag Sa Gabi (SPG)
Author: Allecorianna

One

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-05-26 16:34:41

EVE CASTRO

"Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili.

Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bisita sa sarili kong tahanan. Nakasindi pa rin ang chandelier sa itaas, nagbibigay ng mainit na liwanag sa mga pagkaing ilang oras ko nang inihanda, ngunit kahit gaano pa kaganda ang mesa, hindi nito natatakpan ang katotohanang lumalamig na ang lahat. Ang steak na maingat kong niluto ayon sa gusto ni Denzel ay ilang beses ko nang pinainit. Ang soup na dapat ay mainit niyang hihigupin habang tahimik kaming magkausap ay unti-unti nang nawawalan ng usok. Maging ang wine na inilabas ko ay nanatiling hindi nagagalaw. Kanina pa ako sumisilip sa wall clock, pilit kinukumbinsi ang sarili ko na baka traffic lang siya, baka may emergency meeting, baka ngayong gabi ay uuwi siya nang hindi sobrang pagod at baka sa pagkakataong ito ay sabayan niya akong kumain tulad ng normal na mag-asawa.

"Hanggang kailan ba ako magiging ganito sa iyo, Denzel?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa ito sa loob ng tatlong taon naming pagsasama. Kahit alam kong madalas ay hindi naman siya sumasabay sa akin, patuloy pa rin akong naghahanda ng hapunan para sa aming dalawa. Kahit alam kong madalas ay diretso lang siya sa kwarto o sa study room nang hindi man lang ako tinitingnan, patuloy pa rin akong naghihintay sa dining table na parang may pag-asang may magbabago. Minsan naiisip ko kung tanga ba ako o sadyang masyado lang akong marunong umasa. Pero sa tuwing maiisip ko iyon, agad ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na baka kailangan ko lang maging mas patient. Baka kailangan ko lang mas intindihin siya. Baka balang araw, kahit konti, makita niya rin ako bilang asawa. At hindi lang isang pangalan sa marriage contract na pinirmahan niya para sa kapakanan ng pamilya niya.

Napahawak ako sa baso ng tubig sa harap ko nang marinig ko sa wakas ang tunog ng sasakyang huminto sa labas. Mabilis akong napatingin sa malaking glass window at naramdaman ko ang kusang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dumating na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit alam kong napaka-late na niya. Hindi ko na inisip ang pagod sa katawan ko habang tumatayo ako at inayos ang buhok ko gamit ang nanginginig kong mga daliri. Nakakahiya mang aminin, pero sa simpleng pagdating pa lang niya ay sumasaya na agad ako na para bang isang batang matagal naghintay sa paborito niyang tao.

Pagkabukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa labas kasabay ng amoy ng alak na nakadikit sa katawan ni Denzel. Nakatayo siya roon, matangkad at gwapo pa rin kahit halatang pagod at bahagyang lasing. Nakaluwag ang necktie niya at bahagyang gusot ang buhok na para bang ilang beses niya na iyong nahawakan sa magdamag. Kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala ang natural niyang presence, iyong tipong kahit tahimik lang siya ay agad mong mararamdaman na siya ang pinakamakapangyarihang tao sa silid.

Napangiti ako habang lumalapit sa kanya. “You’re home,” sabi ko ng mahinaat pilit pinapasaya ang tono ng boses ko.

“Hinihintay kita. Hindi pa ako kumakain. Sabayan mo sana ako.”

Hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga salitang iyon ay parang biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Huminto siya sa mismong tapat ko at tumingin sa akin na para bang may mali akong nagawa. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tigas ng mga mata niya.

“Why are you still doing this?” malamig niyang tanong.

Napakurap ako. “What?”

“Bakit hindi ka pa rin nagbabago, Eve?” sabi niya, mas matalim na ngayon ang boses. “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na stop acting like this?”

Parang may humigpit agad sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Gusto ko lang naman siyang sabayan kumain. Gusto ko lang naman siyang hintayin tulad ng ginagawa ng isang asawa.

“Denzel, I was just waiting for you.”

“Exactly,” putol niya, sabay tawa ng mapakla. “That’s the problem. Bakit hindi mo pa rin maintindihan?”

Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng dress ko habang nakatitig sa kanya. Ramdam ko na agad ang kirot na dahan-dahang umaakyat sa dibdib ko kahit hindi pa man niya sinasabi ang mga susunod niyang salita.

“I told you from the beginning why we got married,” malamig niyang sabi habang tinatanggal ang coat niya. “Nagpakasal tayo dahil iyon ang gusto ng lolo ko. He wanted to see me married before he died. That’s the only reason.”

Parang unti-unting namanhid ang buong katawan ko.

Alam ko iyon.

Hindi ko naman nakalimutan. Simula pa lang ay malinaw na sa akin ang lahat. Pero masakit pa rin palang marinig iyon mula sa bibig niya, lalo na sa mga gabing tulad nito na pilit kong niloloko ang sarili ko na baka may nabago na kahit kaunti.

“Denzel, gusto ko lang naman—”

“Stop pretending, Eve,” putol niya agad. “Stop acting like this is a real marriage.”

Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng salitang nasa isip ko.

Napatitig lang ako sa kanya habang ang puso ko ay unti-unting nadudurog.

“I don’t love you,” direkta niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang gusto niyang ipako sa isip ko ang bawat salita. “I never did. Ilang beses ko bang sasabihin iyon bago mo tanggapin?”

Ramdam ko ang hapdi sa mata ko ngunit pinigilan ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw kong magmukhang kawawa. Pero kahit gaano ko pigilan, pakiramdam ko ay may humihiwa sa loob ng dibdib ko.

Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Dumiretso siya paakyat ng hagdan, iniwan akong nakatayo sa gitna ng napakalaking foyer habang ang bawat yabag niya ay parang may kasamang sakit na tuluyang sumasaksak sa puso ko.

Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko.

Mabagal akong bumalik sa dining table at naupo sa harap ng pagkaing inihanda ko. Sa unang pagkakataon ay mas ramdam ko ang lungkot kaysa sa katahimikan. Pilit kong isinubo ang pagkain kahit halos hindi ko na malasahan ang kahit ano dahil sa pagbabara ng luha sa lalamunan ko. Habang ngumunguya ako, kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa plato.

Napakababa na siguro ng tingin ko sa sarili ko para manatili pa rin ako sa ganitong klase ng pagsasama.

Pero mahal ko siya.

At iyon ang pinakamasakit. Dahil mahal ko ang isang lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik.

PAGKATAPOS kong piliting ubusin ang ilang subo, mabagal akong umakyat sa kwarto. Madilim na ang silid maliban sa bedside lamp na mahina ang ilaw. Nandoon na si Denzel, nakahiga sa kama at nakapikit na tila wala man lang nangyari kanina. Para bang wala siyang nasaktan. Para bang wala siyang babaeng iniwang umiiyak mag-isa sa ibaba.

Maingat akong nagpunas ng mukha bago humiga sa kabilang side ng kama. Nakatalikod ako sa kanya, pilit kinokontrol ang paghinga ko para hindi niya marinig na umiiyak pa rin ako.

Gusto kong kalimutan ang sakit. Gusto kong hindi na maramdaman ang bigat sa dibdib ko. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay naramdaman ko ang paggalaw ng kutson. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang init ng katawan ni Denzel sa likuran ko.

Hindi ako gumalaw at hindi ako lumingon.

Hanggang sa naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa leeg ko kaya napapikit ako. Masama pa rin ang loob ko at galit ako sa kanya.. Pero ang katawan ko ay traydor.. Sa bawat marahang halik na iyon, ramdam ko ang init na unti-unting gumagapang sa balat ko kahit pilit kong nilalabanan. Parang gusto kong itulak siya palayo. Parang gusto kong sabihin na nasaktan niya ako. Na hindi puwedeng ganito na lang palagi.

Na hindi puwedeng pagkatapos niya akong durugin, gagamitin niya ako para makaraos siya.

Pero hindi ko magawa.

Dahil kahit gaano kasakit ang mga sinabi niya kanina, sa simpleng paghalik niya ngayon…muli na namang bumibigay ang puso kong matagal ng dapat natutong tumigas.

At iyon ang pinakamasakit sa lahat.

Dahil habang nakapikit ako sa dilim, alam kong kahit anong pilit kong itanggi, mahal na mahal ko pa rin ang lalaking unti-unting sumisira sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Sixty Four

    EVEHalos hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina ko. Kanina pa ako nakatitig sa laptop ngunit ni isang salita ay wala akong naiintindihan sa report na binabasa ko. Sa tuwing susubukan kong mag-concentrate ay kusang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa honeymoon namin ni Denzel sa Palawan. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga ang lahat. Kung tutuusin ay ilang buwan lamang ang nakalipas ay galit na galit pa ako sa lalaking iyon. Ayokong makita ang mukha niya at pakiramdam ko ay wala na siyang puwang sa buhay ko. Ngunit ngayon ay kabaligtaran na ang lahat. Sa tuwing maaalala ko ang masaya naming paglalakad sa tabing-dagat, ang mga simpleng tawanan namin habang kumakain at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na puno ng pagmamahal…. hindi ko mapigilang ngumiti na parang isang teenager na unang beses pa lamang umibig.Napabuntong-hininga ako habang marahang isinandal ang likod ko sa upuan. Hindi ko al

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Sixty Three

    EVEHATINGGABI NA RIN nang magtungo kami sa hotel room. Agad akong naglinis ng katawan para makapagpahinga na. Ngunit sa tingin ko, hindi agad mangyayari iyon dahil nakaabang na sa akin si Denzel. Nakatihaya siya sa kama kung saan ang tanging suot niya lang ay brief. Natatawa akong napahawak sa ulo bago hinubad ang suot kong robe. Ngayon, parehas kaming underwear na lang ang suot.“Humiga ka na dito sa kama…mahal kong asawa,” malanding sabi niya.“Hay naku…mukbang tahong ka na naman.”Humagikhik siya.“Ano pa nga ba? Tahong mo lang ang kababaliwan ko.”Pinanuod ko siyang alisin ang natitirang saplot sa katawan ko. Agad na nagliyab ang katawan ko matapos niyang hawakan ang hiwa ko. Ang gitnang daliri niya ay pinadausdos niya doon bago mapang-akit na tumingin sa akin.“Napakatambok talaga nito…” malanding wika niya bago ako hinalikan.Yumakap ako sa kanyang leeg habang tumutugon sa kanyang mainit na halik. Sa mga oras na iyon, wala ng ibang nasa isip ko kun'di si Denzel. Wala na akong p

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Sixty Two

    EVE Dalawang araw ang lumipas matapos kong tanggapin ang alok ni Denzel na pakasalan niya akong muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa puntong iyon. Kung may nagsabi sa akin ilang buwan na ang nakalipas na darating ang araw na kusang luluhod si Denzel sa harapan ko, at magmamakaawang maging asawa niya ulit ako, malamang na tatawanan ko lamang iyon. Ngunit itto kami ngayon, magkatabing nakaupo sa loob ng pribadong eroplano patungong Palawan habang magkahawak ang aming mga kamay. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Tahimik lamang siyang nakatingin sa bintana ngunit hindi nawawala ang mahina niyang ngiti. Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay agad siyang napalingon sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Bakit?" nakangiti niyang tanong. "Wala." "Huwag kang magsinungaling. Kanina ka pa nakatingin sa akin. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman ako masyadong titigan.” Nap

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Sixty One

    EVEGabi na nang matapos akong maligo. Pagod ang buong katawan ko dahil naging abala ako sa opisina buong araw kaya ang tanging gusto ko na lamang ay magpahinga. Nakasuot na ako ng simpleng pambahay at pinatutuyo ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang maliit na tuwalya habang dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Mahimbing na ang tulog ni Andrew kaya tahimik ang buong bahay. Maging ang mga kasambahay ay nasa kani-kanilang kuwarto na rin kaya halos marinig ko ang sarili kong mga yabag habang pababa ako ng hagdan.Bahagya akong napabuntong-hininga habang naglalakad papunta sa kusina. Nauuhaw ako kaya naisipan kong uminom muna ng malamig na tubig bago matulog. Pagkabukas ko ng refrigerator ay agad akong nagsalin ng tubig sa baso ngunit hindi ko pa man naiinom iyon ay biglang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa mesa.Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Denzel sa screen."Ano na naman kaya ang kailangan nito sa ganitong oras?" bulong ko sa sarili bago ko sinagot ang tawag."He

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Sixty

    CELESTEMag-uumaga na nang tuluyan akong magising. Ngunit pakiramdam ko ay wala naman talaga akong naitulog. Magdamag akong nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Denzel kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi iyon galit na nakasanayan ko. Mas nakakatakot pa roon dahil para bang tuluyan na niyang nawawala ang natitira niyang tiwala sa akin. Nang sabihin niyang pakiramdam niya ay hindi niya anak ang batang dinadala ko, halos tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon naisip ngunit pakiramdam ko ay muntik na akong mahuli. Kung nagtanong pa siya nang kaunti, kung ipinilit pa niyang alamin ang totoo, baka hindi ko na kayaning magsinungaling.“Hindi…hindi niya puwedeng malaman na hindi sa kanya ang batang ito…” bulong ko sa sarili sabay hawak sa ulo.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Denzel at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mangyari

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Fifty Nine

    DENZELDalawang araw ang lumipas matapos ang masayang sandali namin ni Eve pakiramdam ko gusto ko ulit mangyari iyon. Paramdam ko gusto ko ulit siyang yayain mag rides at natatawa ako sa tuwing natatakot siya kapag binibili ko ang pagpapatakbo. Isang beses niyaya ko rin naman si Celeste na mag-rides kami. Pero hindi kasi siya pumayag at sinabi niyang hindi nababagay sa kanya ang mga ganoon dahil masyado siyang sosyal. Kaya naman na-realize ko na magkaibang magkaiba talaga sila ni Eve. At sobra kung pinagsisisihan na hindi ko nagawang pahalagahan si Eve noon. “Masyado naman yatang malawak ang ngiti mo mukhang may magandang nangyari na naman sa inyo ni Eve,” tanong sa akin ng kaibigan kong si Nathan ng bigla na lamang siyang pumasok. “Wala naman nangyaring maganda sa aming dalawa kaya lang naman ako ngiti dahil naalala ko yung mukha niya noong nag-rides kami. Takot na takot kasi talaga siya na para bang madidisgrasya kami. Oo ang bilis ko magpatakbo ng araw na iyon, pero maingat pa ri

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Fifty Four

    EVE Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa opisina at wala ring klase si Andrew. Pagkatapos ng nakakapagod ngunit masayang Family Day kahapon , napagdesisyunan kong manatili lamang sa bahay at gugulin ang buong araw kasama ang anak ko. Mahimbing pa sana ang tulog ko ngunit nagising ako dahil sa mai

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Fifty

    EVE Maaga akong nagising kinabukasan dahil pagising sa akin at sa malakas na boses ni Andrew na paulit-ulit akong tinatawag. Hindi ko pa man lubusang naimumulat ang mga mata ko ay napangiti na agad ako dahil halatang-halata ang excitement sa boses ng anak ko. Mabilis akong bumangon at napansin

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Forty Four

    CELESTEPakiramdam ko ay unti-unti na akong nababaliw nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakatulog ng mahimbing dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko… mukha ni Denzel ang nakikita ko. Ngunit hindi na iyon ang dating Denzel na nakatingin sa akin na parang ako

  • Kalampag Sa Gabi (SPG)   Forty One

    DENZELHabang papalayo ang sasakyan ni Eve ay pakiramdam ko mas lalo lang akong nairita kay Celeste. Naiwan akong nakatayo sa parking lot kasama si Celeste habang nakatingin sa direksyong nilisan ni Eve. Unti-unti ng nagsisialisan ang mga tao sa paligid ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang nas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status