LOGIN“Sign the divorce papers and leave,” Denzel Bowles said coldly, unaware that the woman standing before him was carrying his child. Durog na durog ang pusong naglaho si Eve Castro nang gabing iyon, dala ang lihim na tagapagmana ng bilyonaryong hindi man lang nalaman ang katotohanan. Pagkalipas ng limang taon, bumalik si Eve bilang isang makapangyarihang CEO kasama ang kanyang anak na may matalim na mga mata ni Denzel. Desperado niyang mabawi ang asawang minahal at ang anak na hindi niya alam na mayroon siya. “Minsan mo na kaming hinayaang mawala, Denzel...at sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaang sirain mo kami ulit.." malamig na wika ni Eve.
View MoreEVE CASTRO
"Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bisita sa sarili kong tahanan. Nakasindi pa rin ang chandelier sa itaas, nagbibigay ng mainit na liwanag sa mga pagkaing ilang oras ko nang inihanda, ngunit kahit gaano pa kaganda ang mesa, hindi nito natatakpan ang katotohanang lumalamig na ang lahat. Ang steak na maingat kong niluto ayon sa gusto ni Denzel ay ilang beses ko nang pinainit. Ang soup na dapat ay mainit niyang hihigupin habang tahimik kaming magkausap ay unti-unti nang nawawalan ng usok. Maging ang wine na inilabas ko ay nanatiling hindi nagagalaw. Kanina pa ako sumisilip sa wall clock, pilit kinukumbinsi ang sarili ko na baka traffic lang siya, baka may emergency meeting, baka ngayong gabi ay uuwi siya nang hindi sobrang pagod at baka sa pagkakataong ito ay sabayan niya akong kumain tulad ng normal na mag-asawa. "Hanggang kailan ba ako magiging ganito sa iyo, Denzel?" Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginawa ito sa loob ng tatlong taon naming pagsasama. Kahit alam kong madalas ay hindi naman siya sumasabay sa akin, patuloy pa rin akong naghahanda ng hapunan para sa aming dalawa. Kahit alam kong madalas ay diretso lang siya sa kwarto o sa study room nang hindi man lang ako tinitingnan, patuloy pa rin akong naghihintay sa dining table na parang may pag-asang may magbabago. Minsan naiisip ko kung tanga ba ako o sadyang masyado lang akong marunong umasa. Pero sa tuwing maiisip ko iyon, agad ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na baka kailangan ko lang maging mas patient. Baka kailangan ko lang mas intindihin siya. Baka balang araw, kahit konti, makita niya rin ako bilang asawa. At hindi lang isang pangalan sa marriage contract na pinirmahan niya para sa kapakanan ng pamilya niya. Napahawak ako sa baso ng tubig sa harap ko nang marinig ko sa wakas ang tunog ng sasakyang huminto sa labas. Mabilis akong napatingin sa malaking glass window at naramdaman ko ang kusang pagbilis ng tibok ng puso ko. Dumating na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit alam kong napaka-late na niya. Hindi ko na inisip ang pagod sa katawan ko habang tumatayo ako at inayos ang buhok ko gamit ang nanginginig kong mga daliri. Nakakahiya mang aminin, pero sa simpleng pagdating pa lang niya ay sumasaya na agad ako na para bang isang batang matagal naghintay sa paborito niyang tao. Pagkabukas ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa labas kasabay ng amoy ng alak na nakadikit sa katawan ni Denzel. Nakatayo siya roon, matangkad at gwapo pa rin kahit halatang pagod at bahagyang lasing. Nakaluwag ang necktie niya at bahagyang gusot ang buhok na para bang ilang beses niya na iyong nahawakan sa magdamag. Kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala ang natural niyang presence, iyong tipong kahit tahimik lang siya ay agad mong mararamdaman na siya ang pinakamakapangyarihang tao sa silid. Napangiti ako habang lumalapit sa kanya. “You’re home,” sabi ko ng mahinaat pilit pinapasaya ang tono ng boses ko. “Hinihintay kita. Hindi pa ako kumakain. Sabayan mo sana ako.” Hindi ko alam kung bakit sa simpleng mga salitang iyon ay parang biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Huminto siya sa mismong tapat ko at tumingin sa akin na para bang may mali akong nagawa. Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tigas ng mga mata niya. “Why are you still doing this?” malamig niyang tanong. Napakurap ako. “What?” “Bakit hindi ka pa rin nagbabago, Eve?” sabi niya, mas matalim na ngayon ang boses. “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo na stop acting like this?” Parang may humigpit agad sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Gusto ko lang naman siyang sabayan kumain. Gusto ko lang naman siyang hintayin tulad ng ginagawa ng isang asawa. “Denzel, I was just waiting for you.” “Exactly,” putol niya, sabay tawa ng mapakla. “That’s the problem. Bakit hindi mo pa rin maintindihan?” Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng dress ko habang nakatitig sa kanya. Ramdam ko na agad ang kirot na dahan-dahang umaakyat sa dibdib ko kahit hindi pa man niya sinasabi ang mga susunod niyang salita. “I told you from the beginning why we got married,” malamig niyang sabi habang tinatanggal ang coat niya. “Nagpakasal tayo dahil iyon ang gusto ng lolo ko. He wanted to see me married before he died. That’s the only reason.” Parang unti-unting namanhid ang buong katawan ko. Alam ko iyon. Hindi ko naman nakalimutan. Simula pa lang ay malinaw na sa akin ang lahat. Pero masakit pa rin palang marinig iyon mula sa bibig niya, lalo na sa mga gabing tulad nito na pilit kong niloloko ang sarili ko na baka may nabago na kahit kaunti. “Denzel, gusto ko lang naman—” “Stop pretending, Eve,” putol niya agad. “Stop acting like this is a real marriage.” Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng salitang nasa isip ko. Napatitig lang ako sa kanya habang ang puso ko ay unti-unting nadudurog. “I don’t love you,” direkta niyang sabi habang nakatingin sa akin na para bang gusto niyang ipako sa isip ko ang bawat salita. “I never did. Ilang beses ko bang sasabihin iyon bago mo tanggapin?” Ramdam ko ang hapdi sa mata ko ngunit pinigilan ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya. Ayaw kong magmukhang kawawa. Pero kahit gaano ko pigilan, pakiramdam ko ay may humihiwa sa loob ng dibdib ko. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko. Dumiretso siya paakyat ng hagdan, iniwan akong nakatayo sa gitna ng napakalaking foyer habang ang bawat yabag niya ay parang may kasamang sakit na tuluyang sumasaksak sa puso ko. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko. Mabagal akong bumalik sa dining table at naupo sa harap ng pagkaing inihanda ko. Sa unang pagkakataon ay mas ramdam ko ang lungkot kaysa sa katahimikan. Pilit kong isinubo ang pagkain kahit halos hindi ko na malasahan ang kahit ano dahil sa pagbabara ng luha sa lalamunan ko. Habang ngumunguya ako, kusa na lang tumulo ang mga luha ko sa plato. Napakababa na siguro ng tingin ko sa sarili ko para manatili pa rin ako sa ganitong klase ng pagsasama. Pero mahal ko siya. At iyon ang pinakamasakit. Dahil mahal ko ang isang lalaking hindi ako kayang mahalin pabalik. PAGKATAPOS kong piliting ubusin ang ilang subo, mabagal akong umakyat sa kwarto. Madilim na ang silid maliban sa bedside lamp na mahina ang ilaw. Nandoon na si Denzel, nakahiga sa kama at nakapikit na tila wala man lang nangyari kanina. Para bang wala siyang nasaktan. Para bang wala siyang babaeng iniwang umiiyak mag-isa sa ibaba. Maingat akong nagpunas ng mukha bago humiga sa kabilang side ng kama. Nakatalikod ako sa kanya, pilit kinokontrol ang paghinga ko para hindi niya marinig na umiiyak pa rin ako. Gusto kong kalimutan ang sakit. Gusto kong hindi na maramdaman ang bigat sa dibdib ko. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay naramdaman ko ang paggalaw ng kutson. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang init ng katawan ni Denzel sa likuran ko. Hindi ako gumalaw at hindi ako lumingon. Hanggang sa naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa leeg ko kaya napapikit ako. Masama pa rin ang loob ko at galit ako sa kanya.. Pero ang katawan ko ay traydor.. Sa bawat marahang halik na iyon, ramdam ko ang init na unti-unting gumagapang sa balat ko kahit pilit kong nilalabanan. Parang gusto kong itulak siya palayo. Parang gusto kong sabihin na nasaktan niya ako. Na hindi puwedeng ganito na lang palagi. Na hindi puwedeng pagkatapos niya akong durugin, gagamitin niya ako para makaraos siya. Pero hindi ko magawa. Dahil kahit gaano kasakit ang mga sinabi niya kanina, sa simpleng paghalik niya ngayon…muli na namang bumibigay ang puso kong matagal ng dapat natutong tumigas. At iyon ang pinakamasakit sa lahat. Dahil habang nakapikit ako sa dilim, alam kong kahit anong pilit kong itanggi, mahal na mahal ko pa rin ang lalaking unti-unting sumisira sa akin.SOFIAMABILIS NA LUMIPAS ANG ILANG LINGGO. Sa mga panahong iyon ay naging maayos na ulit ang takbo ng trabaho sa Étoile Maison. Hindi man tuluyang nawala ang pagiging kakaiba ng ugali ni Andrew, natutunan ko na lang na huwag pansinin ang mga pagkakataong bigla na lang siyang magsisimangot o tatahimik kapag nakikita niyang magkasama kami ni Zid. Ang mahalaga sa akin ay maayos kong nagagawa ang trabaho ko at unti-unti nang nakakabawi ng lakas si mama.Noong Biyernes ng umaga ay pinatawag na naman ako ni Andrew sa opisina niya. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang may binabasang mga dokumento. Hindi man lang siya agad nag-angat ng tingin."Pinatawag mo ako?"Tumango siya bago isinara ang folder na hawak niya."Oo. May sasabihin lang ako.""Ano iyon?""Birthday ni Mommy sa Sabado.""Okay.""May simpleng salu-salo sa bahay.""Eh ‘di babatiin ko na lang si ma'am Eve ng happy birthday.”Tiningnan niya ako na para bang may hinihintay na reaksyon."Kasama ka.""Ha?""Inimbita ka niya.""Ako?""Oo
SOFIAPAGKATAPOS ng nangyari sa hallway noong isang araw ay lalo kong napatunayan na mahirap talagang intindihin si Andrew. Minsan parang wala siyang pakialam sa akin, tapos mayamaya ay bigla na lang siyang magtatanong kung bakit palagi akong kasama ni Zid. Hindi ko na lang iyon inisip dahil ayoko nang dagdagan pa ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo ko. Mas gusto kong ituon ang oras ko sa trabaho at sa paggaling ni Mama.Pagsapit ng tanghali ay natapos ko agad ang mga reports na ipinagawa sa akin. Isinara ko ang computer at kinuha ang lunch box ko. Hindi na rin nagtagal ay lumapit sina Janella at Zid sa mesa ko."Tara na?" nakangiting aya ni Janella."Tara."Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay biglang may iniabot si Zid sa akin na isang baso ng iced coffee."Para sa iyo."Napatingin ako sa hawak niya."Ano ito?""Pasasalamat. Ang dami mong naitulong sa akin nitong mga nakaraang araw."Napailing ako habang natatawa."Naku, huwag na. Gumastos ka pa.""Isang kape lang naman.
SOFIAMABILIS NA DUMAAN ANG DALAWANG LINGGO. At sa mga panahong iyon, nanatiling malamig ang pakikitungo ko kay Andrew. Kahit na alam kong gusto na niya akong lapitan o kausapin. Maaga akong natapos sa mga reports na ipinagawa sa akin kaya eksaktong alas-dose ay isinara ko ang computer at kinuha ang lunch box ko. Hindi na ako nagtataka nang lumapit sina Janella at Zid sa mesa ko dahil nitong mga nakaraang araw ay nakasanayan na naming sabay-sabay kumain."Tara na?" nakangiting aya ni Janella."Tara.""Sofia, huwag mong sabihing diet ka na naman. Noong isang araw pa kaunti lang ang kinain mo," sabi ni Zid habang naglalakad kami papuntang cafeteria.Napailing ako at natawa."Hindi ako nagda-diet. Hindi lang talaga ako masyadong nagugutom.""Huwag kang ganyan. Kapag nagkasakit ka, kami rin ang mahihirapan. Sino ang pagtatanungan ko kapag may hindi na naman akong maintindihan sa system?""Naku, hindi mo na kailangan ng tutor. Ang bilis mo nang matuto.""Ikaw lang ang may sabi niyan.""To
SOFIATatlong araw ang mabilis na lumipas mula nang makilala ko si Zid.Dahil pareho kaming bagong empleyado sa Étoile Maison, madalas kaming magtanungan tungkol sa trabaho. Kapag may hindi siya naiintindihan sa filing system o sa paggamit ng software ng kumpanya, lumalapit siya sa akin. Kung may alam ako, agad ko naman siyang tinutulungan. Ganito rin ang ginagawa niya kapag may bahagi ng trabaho na mas pamilyar siya kaysa sa akin.Hindi nagtagal ay naging komportable na rin kaming mag-usap.Madalas pa kaming samahan ni Janella tuwing lunch break kaya halos araw-araw ay sabay-sabay kaming kumakain sa cafeteria. Masaya silang kasama dahil pareho silang palabiro. Si Janella naman ay mahilig mang-asar kaya halos hindi nawawala ang tawanan sa mesa namin.Nang araw na iyon ay ganoon na naman ang nangyari."Sofia, aminin mo na," natatawang sabi ni Janella habang umiinom ng juice. "Mas mabilis ka talagang matuto kaysa sa amin. Noong isang linggo lang, nangangapa ka pa. Ngayon, ikaw na ang
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig
EVEMABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore