Mag-log inEVE
Dalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magigising na lang ako sa tabi ni Denzel tulad ng dati. Pero sa tuwing nahahawakan ko ang divorce papers na pirmado ko mismo, saka ko lang lubos na nare-realize na tapos na talaga ang tatlong taon kong pagkapit sa isang lalaking hindi naman ako kailanman pinili. Nakatira muna ako sa isang maliit na serviced apartment habang iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Hindi ko muna sinabi kahit kanino ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil gusto kong ayusin muna ang sarili ko. Bago ko harapin ang panibagong yugto ng buhay ko. Hindi naging madali ang mga nakaraang araw. Madalas akong umiiyak sa gabi habang yakap ang unan, pilit kinukumbinsi ang sarili kong tama ang ginawa kong pag-alis. Pero sa tuwing maaalala ko ang eksenang nakita ko sa office ni Denzel, ang paraan ng pagyakap niya kay Celeste at ang lambing sa boses niyang kailanman ay hindi niya ipinakita sa akin, muli kong pinapaalala sa sarili ko na wala na akong dahilan para manatili pa. “Hayop kayong dalawa…napakasama ninyo…” gigil kong bulong. Nang araw na iyon, nakatanggap ako ng tawag mula kay Veronica Bowles. Nagulat pa ako na ang mismong byenan ko ang gustong makipagkita sa akin. Dahil sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ni Denzel, hindi naging malapit sa akin si Veronica. Palagi siyang elegante at maayos makitungo sa harap ng ibang tao, pero ramdam na ramdam ko ang lamig niya sa akin kapag kaming dalawa na lang. Madalas, pakiramdam ko ay hindi niya ako tunay na tinanggap bilang asawa ng anak niya. Ngunit pinili kong balewalain iyon noon dahil iniisip kong baka balang araw, matanggap din niya ako. Nagkita kami sa isang mamahaling café. Pagdating ko roon, agad kong nakita si Veronica na eleganteng nakaupo malapit sa malaking glass window habang umiinom ng tsaa. Gaya ng dati ay napakaayos ng itsura niya, mula sa mamahaling damit hanggang sa maingat na makeup sa mukha niya. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti at tumayo para salubungin ako. “Eve,” malambing niyang bati habang hinahawakan ang kamay ko. “You look so pale. Have you been eating properly?” Pilitan akong ngumiti habang umuupo sa harap niya. “I’m fine, tita.” Tinitigan niya ako sandali bago marahang bumuntong-hininga. “I still can’t believe you and Denzel really separated. Hindi ko akalaing aabot kayo sa ganito.” Kung hindi ko kilala si Veronica, baka naniwala pa ako sa lungkot na nasa boses niya. Ngunit kahit paano, dama kong may kakaibang gaan sa aura niya habang pinag-uusapan namin ang hiwalayan namin ni Denzel. Napayuko ako habang hinihimas ang tasa ng kape sa harap ko. “Hindi ko na kaya ang ugali niya. Pagod na pagod na ako, tita. Kaya tinapos ko na.” Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at umiling na para bang nalulungkot talaga siya. “Eve, alam kong hindi madaling pakisamahan si Denzel. Masyado siyang malamig at matigas ang ulo, pero akala ko maaayos n’yo pa ang pagsasama ninyo.” Napakagat ako sa labi ko habang pilit pinipigilan ang emosyon ko. “Tapos na rin naman ang kontrata namin bilang mag-asawa. Siguro iyon lang talaga ang hanggang doon.” Malungkot siyang tumango. “I really hoped things would work out between the two of you.” Kagat-labi akong napayuko habang pilit ngumumingiti kahit masakit pa rin. Hindi ko alam kung bakit pero sa sandaling iyon ay gusto kong maniwalang nalulungkot talaga siya para sa akin. Siguro dahil sa loob ng maraming taon ay hinangad ko ring magkaroon ng totoong pamilya sa mga Bowles. “I already left the mansion,” sabi ko habang iniiwas ang tingin ko sa kanya. “Hindi na ako babalik doon.” Bahagyang natigilan si Veronica bago marahang tumango. “Maybe that’s for the best,” sabi niya sa mahinang boses. “Minsan, mas mabuting umalis kaysa manatili sa relasyong ikaw lang ang nasasaktan.” Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Siguro dahil iyon mismo ang matagal ko nang gustong marinig mula sa kahit sino. Iyong may magsasabi sa akin na tama lang ang ginawa kong pag-alis. Nag-usap pa kami sandali hanggang sa magpaalam na rin ako. Bago ako tuluyang umalis, niyakap pa ako ni Veronica at marahang hinaplos ang likod ko na para bang totoong nag-aalala siya para sa akin. Ngunit nang makatalikod ako at naglalakad na palabas ng café, nakita mo ang bahagyang pagngiti niya matapos akong mawala sa paningin niya. PAGLABAS ko ng café ay agad kong tinawagan si Daniel. Sa lahat ng tao sa buhay ko, siya ang isa sa iilang alam kong hindi ako huhusgahan kahit gaano ako kagulo. Matagal ko na siyang kaibigan bago pa man ako nagpakasal kay Denzel. Guwapo si Daniel, napakayaman at isa sa pinakabatang billionaire CEOs sa bansa. Pero sa kabila ng pagiging successful niya, napakasimple niyang tao kapag kasama ako. Madalas nga kaming mapagkamalang dating noon dahil palagi niya akong kasama sa mga events. Lero wala siyang pakialam sa mga tsismis dahil aminado naman siyang lalaki talaga ang gusto niya. Nang marinig niya ang boses ko sa tawag ay agad niyang napansin na hindi ako okay. “Nasaan ka?” tanong iyan nang sagutin ang tawag ko. “Pwede ba kitang makita?” Hindi na siya nagtanong pa. “Send me your location. Susunduin kita.” Wala pang tatlumpung minuto, dumating na agad siya. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa bago malalim na napabuntong-hininga. “You look terrible,” sabi niya habang nakakunot ang noo. Natawa ako ng mahina kahit nangingilid ang luha ko. “Thank you.” “Don’t thank me. I’m serious.” Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para sa akin. “Get in.” Wala akong imik buong biyahe papunta sa mansion niya. Hindi niya ako pinilit magsalita agad. Kilala niya ako nang sapat para malaman kung kailan ako handang magkwento at kung kailan kailangan ko lang ng katahimikan. PAGDATING namin sa bahay niya ay agad akong napatingin sa napakalaking mansion na iluminado ng maiinit na ilaw. Ilang beses na akong nakapunta roon noon… pero sa pagkakataong iyon ay iba ang pakiramdam. Pakiramdam ko ay isa akong sugatang hayop na naghahanap ng matatakbuhan. Pagkapasok pa lang namin sa loob ay agad akong sinalubong ng katahimikan at malinis na ambiance ng bahay. Napakalawak ng buong lugar pero hindi iyon mukhang malamig dahil maayos at komportable ang bawat sulok. Si Daniel lang naman kasi ang nakatira roon mag-isa matapos mamatay ang mga magulang niya ilang taon na ang nakakalipas. Nag-iisa lang din siyang anak kaya wala talaga siyang ibang kasama sa bahay maliban sa mga kasambahay. “Come,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa malaking sala. Pagkaupo ko sa sofa ay saka ko lang naramdaman ang pagod na ilang araw ko ng pilit itinatago. Napayuko ako habang mahigpit na hawak ang handbag ko. Hindi agad nagsalita si Daniel. Hinayaan niya lang ako. At siguro iyon ang dahilan kung bakit tuluyan na akong bumigay. “Daniel…” nanginginig kong sabi bago tuluyang tumulo ang mga luha ko. Mabilis siyang lumapit sa akin. “Hey, hey…” “I really tried,” umiiyak kong sabi habang napapahawak sa mukha ko. “Sinubukan ko naman talagang maging mabuting asawa sa kanya.” Niyakap niya ako habang marahang hinihimas ang buhok ko. “Three years, Daniel,” umiiyak kong sabi. “Tatlong taon akong umasa na baka balang araw mahalin niya rin ako.” Hindi siya nagsalita agad. Mahigpit lang niya akong niyakap habang umiiyak ako sa dibdib niya. “Pero pinili pa rin niya si Celeste,” halos pabulong kong sabi habang humihikbi. Napansin kong bahagyang tumigas ang katawan ni Daniel nang marinig ang pangalan ni Celeste. “Ano’ng ginawa ng babaeng iyon?” Mabagal kong ikinuwento ang lahat, mula sa nakita ko sa office ni Denzel hanggang sa pagpirma ko ng divorce papers at pag-alis ko sa mansion. Seryoso siyang nakikinig habang unti-unting nagdidilim ang ekspresyon ng mukha niya. “That bas/tard,” madiin niyang sabi nang matapos ako. Napailing ako habang pinupunasan ang mga luha ko. “Ayoko na, Daniel. Pagod na pagod na ako.” “Then stop hurting yourself,” seryoso niyang sabi habang hawak ang magkabila kong balikat. Napatingin ako sa kanya. “Dito ka muna titira. This house is too big for me anyway. At least may kasama ako at may kachikahan, di ba?” Napatawa ako ng mahina kahit namumugto ang mga mata ko. “Daniel…” “I’m serious, Eve.” Ngumiti siya nang bahagya bago marahang hinawakan ang pisngi ko. “You’re my best friend. Hindi kita hahayaang mag-isa habang ganyan ka…habang may pinagdadaanan ka.” Tuluyan na naman akong napaiyak. Pero sa pagkakataong iyon, hindi dahil sa sakit. Kun'di dahil sa sobrang gaan sa pakiramdam na may isang taong handang saluhin ako matapos akong mabasag nang sobra-sobra. Matapos kong iwan si Denzel, pakiramdam ko ay may lugar akong ligtas na matatakbuhan habang unti-unti kong sinusubukang buuin muli ang sarili ko.EVEHalos hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina ko. Kanina pa ako nakatitig sa laptop ngunit ni isang salita ay wala akong naiintindihan sa report na binabasa ko. Sa tuwing susubukan kong mag-concentrate ay kusang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa honeymoon namin ni Denzel sa Palawan. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga ang lahat. Kung tutuusin ay ilang buwan lamang ang nakalipas ay galit na galit pa ako sa lalaking iyon. Ayokong makita ang mukha niya at pakiramdam ko ay wala na siyang puwang sa buhay ko. Ngunit ngayon ay kabaligtaran na ang lahat. Sa tuwing maaalala ko ang masaya naming paglalakad sa tabing-dagat, ang mga simpleng tawanan namin habang kumakain at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na puno ng pagmamahal…. hindi ko mapigilang ngumiti na parang isang teenager na unang beses pa lamang umibig.Napabuntong-hininga ako habang marahang isinandal ang likod ko sa upuan. Hindi ko al
EVEHATINGGABI NA RIN nang magtungo kami sa hotel room. Agad akong naglinis ng katawan para makapagpahinga na. Ngunit sa tingin ko, hindi agad mangyayari iyon dahil nakaabang na sa akin si Denzel. Nakatihaya siya sa kama kung saan ang tanging suot niya lang ay brief. Natatawa akong napahawak sa ulo bago hinubad ang suot kong robe. Ngayon, parehas kaming underwear na lang ang suot.“Humiga ka na dito sa kama…mahal kong asawa,” malanding sabi niya.“Hay naku…mukbang tahong ka na naman.”Humagikhik siya.“Ano pa nga ba? Tahong mo lang ang kababaliwan ko.”Pinanuod ko siyang alisin ang natitirang saplot sa katawan ko. Agad na nagliyab ang katawan ko matapos niyang hawakan ang hiwa ko. Ang gitnang daliri niya ay pinadausdos niya doon bago mapang-akit na tumingin sa akin.“Napakatambok talaga nito…” malanding wika niya bago ako hinalikan.Yumakap ako sa kanyang leeg habang tumutugon sa kanyang mainit na halik. Sa mga oras na iyon, wala ng ibang nasa isip ko kun'di si Denzel. Wala na akong p
EVE Dalawang araw ang lumipas matapos kong tanggapin ang alok ni Denzel na pakasalan niya akong muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa puntong iyon. Kung may nagsabi sa akin ilang buwan na ang nakalipas na darating ang araw na kusang luluhod si Denzel sa harapan ko, at magmamakaawang maging asawa niya ulit ako, malamang na tatawanan ko lamang iyon. Ngunit itto kami ngayon, magkatabing nakaupo sa loob ng pribadong eroplano patungong Palawan habang magkahawak ang aming mga kamay. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Tahimik lamang siyang nakatingin sa bintana ngunit hindi nawawala ang mahina niyang ngiti. Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay agad siyang napalingon sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Bakit?" nakangiti niyang tanong. "Wala." "Huwag kang magsinungaling. Kanina ka pa nakatingin sa akin. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman ako masyadong titigan.” Nap
EVEGabi na nang matapos akong maligo. Pagod ang buong katawan ko dahil naging abala ako sa opisina buong araw kaya ang tanging gusto ko na lamang ay magpahinga. Nakasuot na ako ng simpleng pambahay at pinatutuyo ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang maliit na tuwalya habang dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Mahimbing na ang tulog ni Andrew kaya tahimik ang buong bahay. Maging ang mga kasambahay ay nasa kani-kanilang kuwarto na rin kaya halos marinig ko ang sarili kong mga yabag habang pababa ako ng hagdan.Bahagya akong napabuntong-hininga habang naglalakad papunta sa kusina. Nauuhaw ako kaya naisipan kong uminom muna ng malamig na tubig bago matulog. Pagkabukas ko ng refrigerator ay agad akong nagsalin ng tubig sa baso ngunit hindi ko pa man naiinom iyon ay biglang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa mesa.Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Denzel sa screen."Ano na naman kaya ang kailangan nito sa ganitong oras?" bulong ko sa sarili bago ko sinagot ang tawag."He
CELESTEMag-uumaga na nang tuluyan akong magising. Ngunit pakiramdam ko ay wala naman talaga akong naitulog. Magdamag akong nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Denzel kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi iyon galit na nakasanayan ko. Mas nakakatakot pa roon dahil para bang tuluyan na niyang nawawala ang natitira niyang tiwala sa akin. Nang sabihin niyang pakiramdam niya ay hindi niya anak ang batang dinadala ko, halos tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon naisip ngunit pakiramdam ko ay muntik na akong mahuli. Kung nagtanong pa siya nang kaunti, kung ipinilit pa niyang alamin ang totoo, baka hindi ko na kayaning magsinungaling.“Hindi…hindi niya puwedeng malaman na hindi sa kanya ang batang ito…” bulong ko sa sarili sabay hawak sa ulo.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Denzel at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mangyari
DENZELDalawang araw ang lumipas matapos ang masayang sandali namin ni Eve pakiramdam ko gusto ko ulit mangyari iyon. Paramdam ko gusto ko ulit siyang yayain mag rides at natatawa ako sa tuwing natatakot siya kapag binibili ko ang pagpapatakbo. Isang beses niyaya ko rin naman si Celeste na mag-rides kami. Pero hindi kasi siya pumayag at sinabi niyang hindi nababagay sa kanya ang mga ganoon dahil masyado siyang sosyal. Kaya naman na-realize ko na magkaibang magkaiba talaga sila ni Eve. At sobra kung pinagsisisihan na hindi ko nagawang pahalagahan si Eve noon. “Masyado naman yatang malawak ang ngiti mo mukhang may magandang nangyari na naman sa inyo ni Eve,” tanong sa akin ng kaibigan kong si Nathan ng bigla na lamang siyang pumasok. “Wala naman nangyaring maganda sa aming dalawa kaya lang naman ako ngiti dahil naalala ko yung mukha niya noong nag-rides kami. Takot na takot kasi talaga siya na para bang madidisgrasya kami. Oo ang bilis ko magpatakbo ng araw na iyon, pero maingat pa ri
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg
EVE CASTRO "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili. Mag-aalas dose na ng gabi ngunit gising pa rin ako sa loob ng napakalaking mansion ng mga Bowles. Sa sobrang katahimikan ay halos marinig ko na ang sarili kong paghinga habang nakaupo sa mahabang dining table na para bang isa lamang akong bi
CELESTEPakiramdam ko ay unti-unti na akong nababaliw nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakatulog ng mahimbing dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko… mukha ni Denzel ang nakikita ko. Ngunit hindi na iyon ang dating Denzel na nakatingin sa akin na parang ako
DENZEL Katatapos ko lang ng halos isang linggong business trip sa Paris nang tuluyan lumapag ang private jet namin sa Pilipinas. Pagod ang buong katawan ko mula sa sunod-sunod na meetings at investors conference na dinaluhan ko sa ibang bansa. Kaya ang nasa isip ko lang nang mga oras na iyon, maka







