LOGINEVE
MABILIS na dumaan ang isang buwan. Maaga akong nagising nang araw na iyon na may kakaibang pakiramdam sa katawan ko. Ilang araw ko nang nararamdaman ang madalas na pagkahilo at mabilis na pagkapagod. Pero hindi ko iyon masyadong pinansin dahil inisip kong baka dala lang iyon ng stress at puyat sa mga nakaraang linggo. Sa totoo lang, matagal ko nang nakasanayan na isantabi ang sarili kong nararamdaman dahil mas madalas kong iniisip kung paano ko mapapaganda ang araw ni Denzel kaysa kung okay pa ba ako. Ngunit nang umagang iyon, habang nagsisipilyo ako sa bathroom, bigla akong nakaramdam ng matinding hilo at napahawak ako sa gilid ng sink para hindi matumba. Mabilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay may kung anong kakaibang nangyayari sa katawan ko kaya matapos magpahinga nang ilang minuto, nagpasiya akong magpunta sa doctor. “Ano ba ito? Bakit na nahihilo na naman ako?” sabi ko habang naglalakad. Habang nasa clinic ako at hinihintay ang resulta ng tests, hindi ko mapigilang kabahan. Nakaupo sa harap ng doctor habang nakapulupot ang mga daliri ko sa handbag ko. Nang ngumiti ang doctor nang makita ako. “Congratulations, ma'am. You're pregnant.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “What?” “Yes. You're pregnant ma'am. Kaya dapat alagaan mo na ang sarili mo,” masayang sabi ng doctor. Pakiramdam ko, nabingi ako bigla. Hindi ako agad nakapagsalita dahil para bang hindi agad nag-sink in sa akin ang narinig ko. Ilang segundo akong nakatitig lang sa doctor habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko, pero hindi dahil sa sakit kun'di dahil sa sobrang dami ng emosyon na sabay-sabay na dumaloy sa akin. Nang tuluyan kong maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon, hindi ko namalayang namumuo na pala ang luha sa mga mata ko. Buntis ako. Magkakaanak na kami ni Denzel. Hindi ko mapigilang mapahawak sa tiyan ko habang nanginginig ang mga labi ko sa halo-halong saya at kaba. Pakiramdam ko ay gusto kong tumawa at umiyak nang sabay. “Oh my gosh…. magkakaanak na kami? Buntis ako?” naiiyak sa tuwa kong sabi. Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, sa loob ng tatlong taong paulit-ulit akong nasasaktan at umaasa, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pag-asa. Sa simpleng katotohanang may anak kami, bigla akong naniwala na baka ito na ang magiging dahilan para magbago ang lahat. Baka ito na ang himala na matagal ko ng hinihintay. Baka kapag nalaman ni Denzel na magkakaroon kami ng anak, sa wakas ay makita niya ako hindi lang bilang babaeng pinakasalan niya dahil sa kontrata kundi bilang ina ng anak niya. Baka sa pagkakataong ito ay mabuo na rin ang pamilya na matagal ko nang pinapangarap. Paglabas ko ng clinic, nakaupo ako sa loob ng sasakyan habang paulit-ulit kong tinitingnan ang test results na hawak ko. Hindi ko mapigilang ngumiti kahit may luha pa rin sa mga mata ko. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling naging ganito kasaya. Pakiramdam ko ay may liwanag na biglang sumilip sa madilim kong buhay. Sa loob ng maraming taon, puro sakit at pag-asa na hindi natutupad ang naging laman ng puso ko, pero sa araw na iyon, may naramdaman akong bagong dahilan para lumaban. Naalala ko bigla na iyon din ang araw na magtatapos ang kontrata naming kasal ni Denzel. Ilang araw na lang sana… tuluyan na kaming maghihiwalay ayon sa kasunduan. Pero nang sandaling iyon, hindi ko na iyon gustong isipin. Sa isip ko, ito na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kanya ang totoo. Sigurado akong magugulat siya. Siguro hindi agad niya alam kung ano ang gagawin. Pero naniniwala ako na sa sandaling malaman niyang magkakaanak kami, baka mahalin na niya ako. Habang nasa sasakyan papunta sa Bowles Corporation, hindi ko mapigilang isipin kung paano ko sasabihin ang lahat kay Denzel. Paulit-ulit kong inensayo sa isip ko ang mga salitang bibitawan ko. Iniisip ko kung paano siya mapapangiti, kung paano siya mapapatigil sa ginagawa niya, kung paano niya ako titingnan kapag nalaman niyang magkakaroon siya ng anak. Sa isip ko, baka iyon na ang araw na magbabago ang lahat. Pagdating ko sa main building ng Bowles Corporation, agad akong bumaba ng sasakyan habang mahigpit ang hawak sa maliit na paper bag at sa envelope ng test results. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong dumalaw noon, pero nang araw na iyon ay kakaiba ang pakiramdam ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad papasok sa malaking lobby. Ilang empleyado ang bumati sa akin ngunit halos hindi ko na iyon napansin dahil nakatuon lang ang isip ko sa isang bagay. Kailangan niyang malaman na magkakaanak na kami. Pagsakay ko ng elevator, napatingin ako sa sarili ko sa repleksyon ng salamin. Namumula ang pisngi ko sa kaba at excitement. Hindi ko mapigilang mapangiti habang muling hinahaplos ang tiyan ko. Pagdating ko sa executive floor, mabilis akong lumabas ng elevator at dumiretso sa office niya. Tahimik ang hallway, at naroon pa rin ang familiar niyang secretary sa desk. “Mrs. Bowles,” nakangiting bati nito. “Is Denzel inside?” tanong ko. Bahagya itong nag-alangan pero ngumiti pa rin. “He’s in his office.” Tumango ako at hindi na naghintay pa. Pakiramdam ko ay gusto ko nang tumakbo sa sobrang excitement. Paglapit ko sa pintuan ng office niya, bahagya iyong nakabukas. Itinaas ko ang kamay ko para sana kumatok, pero bago pa ako makagawa ng kahit ano ay may narinig akong boses sa loob. Boses ng babae kaya napahinto ako. Bahagya akong lumapit sa siwang ng pinto, at sa nakita ko ay pakiramdam ko ay biglang nanlamig ang buong katawan ko. Nandoon si Denzel at may babaeng nakayakap sa kanya. Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa eksenang nasa harap ko. Maganda, elegante at sexy. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino iyon dahil ilang beses ko nang nakita ang mukha niya sa mga lumang magazine at articles. Si Celeste Harrington. Ang babaeng matagalang tinatawag ng media bilang first love ni Denzel. Ang babaeng sinasabing tanging babaeng tunay niyang minahal. Nanginginig ang mga kamay ko habang mas humigpit ang hawak ko sa paper bag. Hindi ko magawang gumalaw at hindi ko magawang huminga ng maayos. Nakita ko kung paano hawak ni Denzel ang babae habang umiiyak ito sa dibdib niya. Marahan niya itong kinakausap sa boses na hindi ko kailanman narinig na ginamit niya sa akin. Puno ng lambing na matagal kong hinintay pero hindi kailanman ibinigay sa akin. “Denzel,” umiiyak na sabi ni Celeste. “I missed you.” Bahagyang humigpit ang yakap ni Denzel sa kanya. “It’s okay,” marahan niyang sabi. At sa simpleng dalawang salitang iyon, pakiramdam ko ay may humiwa sa dibdib ko. Hindi ko na halos marinig ang kasunod nilang usapan dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko, pero may ilang salitang tumagos pa rin sa akin. “Some people can never be replaced,” marahan kong narinig mula kay Denzel. Pakiramdam ko ay tuluyan ng gumuho ang mundo ko. Mabagal akong umatras mula sa pinto habang nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Hindi ko na maalala kung paano ako nakalakad pabalik sa elevator. Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng building. Ang naaalala ko lang ay ang pakiramdam na para bang may malaking bahagi ng puso ko ang tuluyang napunit. Pagdating ko sa loob ng sasakyan, doon ko lang napansing mahigpit ko pa ring hawak ang maliit na paper bag. Dahan-dahan ko iyong binuksan at nakita ko ang puting baby shoes na kanina, sobrang saya kong binili. Ngayon, pakiramdam ko ay parang kutsilyo na lang iyong nakabaon sa dibdib ko. Napahawak ako sa bibig ko habang tuluyan nang humagulgol sa loob ng sasakyan. Hindi ko na kayang ipaglaban ang sarili ko sa lalaking hindi naman pala ako kailanman pinili. Hindi ko na kayang magmakaawa para sa pagmamahal na malinaw namang hindi para sa akin. Nang gabing iyon, pinirmahan ko ang divorce papers na ilang araw ko ng tinatanggihan. Pinirmahan ko ang lahat habang tahimik na tumutulo ang mga luha ko sa papel. Pagkatapos noon, bumalik ako sa kwarto naming dalawa at dahan-dahang inilagay sa loob ng maliit na maleta ang ilang gamit ko. Hindi ako kumuha ng marami. Hindi ko rin dinala ang mga alahas at mamahaling bagay na ibinigay ng pamilya niya. Ang dinala ko lang ay ang kailangan ko. Bago ako tuluyang lumabas ng mansion, huminto ako saglit sa gitna ng sala at tumingin sa paligid ng bahay na minsan kong inakalang magiging tahanan ko. Tatlong taon akong umasa sa loob ng bahay na iyon. Tatlong taon akong naniwala na baka balang araw ay mahalin din niya ako. Pero sa wakas, natutunan ko ring tanggapin na may mga pagmamahal na kahit ibuhos mo ang buong puso mo, hindi pa rin magiging para sa’yo. Hinaplos ko ang tiyan ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi na ako puwedeng maging mahina la dahil may anak na ako. At sa pagkakataong ito, sarili ko naman ang pipiliin ko. At sisiguraduhin kong ibang Eve na ang makikilala niya pagbalik ko.EVEHalos hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina ko. Kanina pa ako nakatitig sa laptop ngunit ni isang salita ay wala akong naiintindihan sa report na binabasa ko. Sa tuwing susubukan kong mag-concentrate ay kusang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa honeymoon namin ni Denzel sa Palawan. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga ang lahat. Kung tutuusin ay ilang buwan lamang ang nakalipas ay galit na galit pa ako sa lalaking iyon. Ayokong makita ang mukha niya at pakiramdam ko ay wala na siyang puwang sa buhay ko. Ngunit ngayon ay kabaligtaran na ang lahat. Sa tuwing maaalala ko ang masaya naming paglalakad sa tabing-dagat, ang mga simpleng tawanan namin habang kumakain at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na puno ng pagmamahal…. hindi ko mapigilang ngumiti na parang isang teenager na unang beses pa lamang umibig.Napabuntong-hininga ako habang marahang isinandal ang likod ko sa upuan. Hindi ko al
EVEHATINGGABI NA RIN nang magtungo kami sa hotel room. Agad akong naglinis ng katawan para makapagpahinga na. Ngunit sa tingin ko, hindi agad mangyayari iyon dahil nakaabang na sa akin si Denzel. Nakatihaya siya sa kama kung saan ang tanging suot niya lang ay brief. Natatawa akong napahawak sa ulo bago hinubad ang suot kong robe. Ngayon, parehas kaming underwear na lang ang suot.“Humiga ka na dito sa kama…mahal kong asawa,” malanding sabi niya.“Hay naku…mukbang tahong ka na naman.”Humagikhik siya.“Ano pa nga ba? Tahong mo lang ang kababaliwan ko.”Pinanuod ko siyang alisin ang natitirang saplot sa katawan ko. Agad na nagliyab ang katawan ko matapos niyang hawakan ang hiwa ko. Ang gitnang daliri niya ay pinadausdos niya doon bago mapang-akit na tumingin sa akin.“Napakatambok talaga nito…” malanding wika niya bago ako hinalikan.Yumakap ako sa kanyang leeg habang tumutugon sa kanyang mainit na halik. Sa mga oras na iyon, wala ng ibang nasa isip ko kun'di si Denzel. Wala na akong p
EVE Dalawang araw ang lumipas matapos kong tanggapin ang alok ni Denzel na pakasalan niya akong muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa puntong iyon. Kung may nagsabi sa akin ilang buwan na ang nakalipas na darating ang araw na kusang luluhod si Denzel sa harapan ko, at magmamakaawang maging asawa niya ulit ako, malamang na tatawanan ko lamang iyon. Ngunit itto kami ngayon, magkatabing nakaupo sa loob ng pribadong eroplano patungong Palawan habang magkahawak ang aming mga kamay. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Tahimik lamang siyang nakatingin sa bintana ngunit hindi nawawala ang mahina niyang ngiti. Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay agad siyang napalingon sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Bakit?" nakangiti niyang tanong. "Wala." "Huwag kang magsinungaling. Kanina ka pa nakatingin sa akin. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman ako masyadong titigan.” Nap
EVEGabi na nang matapos akong maligo. Pagod ang buong katawan ko dahil naging abala ako sa opisina buong araw kaya ang tanging gusto ko na lamang ay magpahinga. Nakasuot na ako ng simpleng pambahay at pinatutuyo ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang maliit na tuwalya habang dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Mahimbing na ang tulog ni Andrew kaya tahimik ang buong bahay. Maging ang mga kasambahay ay nasa kani-kanilang kuwarto na rin kaya halos marinig ko ang sarili kong mga yabag habang pababa ako ng hagdan.Bahagya akong napabuntong-hininga habang naglalakad papunta sa kusina. Nauuhaw ako kaya naisipan kong uminom muna ng malamig na tubig bago matulog. Pagkabukas ko ng refrigerator ay agad akong nagsalin ng tubig sa baso ngunit hindi ko pa man naiinom iyon ay biglang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa mesa.Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Denzel sa screen."Ano na naman kaya ang kailangan nito sa ganitong oras?" bulong ko sa sarili bago ko sinagot ang tawag."He
CELESTEMag-uumaga na nang tuluyan akong magising. Ngunit pakiramdam ko ay wala naman talaga akong naitulog. Magdamag akong nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Denzel kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi iyon galit na nakasanayan ko. Mas nakakatakot pa roon dahil para bang tuluyan na niyang nawawala ang natitira niyang tiwala sa akin. Nang sabihin niyang pakiramdam niya ay hindi niya anak ang batang dinadala ko, halos tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon naisip ngunit pakiramdam ko ay muntik na akong mahuli. Kung nagtanong pa siya nang kaunti, kung ipinilit pa niyang alamin ang totoo, baka hindi ko na kayaning magsinungaling.“Hindi…hindi niya puwedeng malaman na hindi sa kanya ang batang ito…” bulong ko sa sarili sabay hawak sa ulo.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Denzel at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mangyari
DENZELDalawang araw ang lumipas matapos ang masayang sandali namin ni Eve pakiramdam ko gusto ko ulit mangyari iyon. Paramdam ko gusto ko ulit siyang yayain mag rides at natatawa ako sa tuwing natatakot siya kapag binibili ko ang pagpapatakbo. Isang beses niyaya ko rin naman si Celeste na mag-rides kami. Pero hindi kasi siya pumayag at sinabi niyang hindi nababagay sa kanya ang mga ganoon dahil masyado siyang sosyal. Kaya naman na-realize ko na magkaibang magkaiba talaga sila ni Eve. At sobra kung pinagsisisihan na hindi ko nagawang pahalagahan si Eve noon. “Masyado naman yatang malawak ang ngiti mo mukhang may magandang nangyari na naman sa inyo ni Eve,” tanong sa akin ng kaibigan kong si Nathan ng bigla na lamang siyang pumasok. “Wala naman nangyaring maganda sa aming dalawa kaya lang naman ako ngiti dahil naalala ko yung mukha niya noong nag-rides kami. Takot na takot kasi talaga siya na para bang madidisgrasya kami. Oo ang bilis ko magpatakbo ng araw na iyon, pero maingat pa ri
EVE Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hi
EVEMarahan akong napaharap sa kanya. At sa dilim ng kwarto ay bahagya kong nasilayan ang matigas niyang mukha na tila walang bakas ng init o lambing kahit ang mga kamay niya ay patuloy na marahang humahaplos sa akin. Tahimik lang siya, gaya ng dati. Walang paliwanag. Walang paghingi ng tawad sa mg
DENZEL Katatapos ko lang ng halos isang linggong business trip sa Paris nang tuluyan lumapag ang private jet namin sa Pilipinas. Pagod ang buong katawan ko mula sa sunod-sunod na meetings at investors conference na dinaluhan ko sa ibang bansa. Kaya ang nasa isip ko lang nang mga oras na iyon, maka
EVEDalawang araw na ang lumipas mula nang tuluyan kong iwan ang mansion ng mga Bowles. Ngunit hanggang ngayon ay pakiramdam ko ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa akin ang lahat ng nangyari. Para bang napakabilis ng mga pangyayari na minsan, naiisip kong baka panaginip lang ang lahat at magig







