Mag-log inEVE
Maghapon kong iniwasan ang sarili ko sa loob ng mansion dahil pakiramdam ko, lalo lang akong nalulunod sa katahimikan kapag nandoon ako. Sa bawat sulok ng bahay na iyon ay may alaala ng paghihintay, ng pag-asa at ng paulit-ulit na pagkadurog ng puso ko. Kahit gaano pa ito kalaki at kaganda, hindi nito kayang itago ang katotohanang pakiramdam ko ay isa lang akong dekorasyon sa loob ng buhay ni Denzel. Isang taong naroon pero hindi kailanman naging mahalaga. Kaya nang mag-message si Limuel at yayain akong lumabas para magkape at mag-dinner, hindi na ako nagdalawang-isip. Alam kong kailangan kong makahinga kahit saglit lang. Pagdating ko sa kilalang restaurant, agad kong nakita si Limuel na naghihintay sa isang corner table. Elegant ang lugar, may soft piano music sa background, mahihinang ilaw at mga taong halatang may sarili ring mga kuwento habang kumakain. Nakangiti si Limuel nang makita niya ako, pero agad ding nawala ang ngiti niyang iyon nang mapansin niya siguro ang pagod sa mukha ko. Tumayo siya at inayos ang upuan para sa akin bago ako umupo sa harap niya. “Kamusta ka na?” tanong niya habang maingat akong tinitingnan. Simple lang ang tanong pero pakiramdam ko ay napakahirap sagutin. Hindi ko agad nasagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang nararamdaman ko. Pagod ba ako? Malungkot? Wasak? O baka lahat ng iyon. Napabuntong-hininga ako habang hinihimas ang malamig na baso ng tubig sa harap ko. “Hindi ako okay,” sagot ko ng mahina. Hindi na siya mukhang nagulat. Parang inaasahan na niya ang sagot ko bago pa man niya itanong. “Ano na naman ang ginawa ni Denzel?” maingat niyang tanong. Napangiti ako ng mapait. “Parang hindi naman na yata mahalaga kung ano ang ginawa niya. Pare-pareho lang naman.” Hindi siya agad nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin habang para bang binabasa ang bawat pagod na pilit kong itinatago. “Eve,” sabi niya nng dahan-dahan. “Hanggang kailan mo pa ito titiisin?” Napayuko ako habang pilit pinipigilan ang bigat na umaakyat sa dibdib ko. Ayokong sagutin ang tanong na iyon dahil kahit ako ay wala akong matinong sagot. “Late siyang umuwi kagabi,” sabi ko sa wakas. “Nakainom siya. Hinihintay ko siya para sabayan kumain. Pero sinigawan lang niya ako.” Humigpit ang hawak ni Limuel sa baso. “Ano na naman ang sinabi niya?” Ngumiti ako ng po pilit kahit masakit. “Iyong mga dati pa rin niyang sinasabi. Na hindi ko dapat kalimutan kung bakit kami nagpakasal. Na gusto lang iyon ng lolo niya. Na hindi niya ako mahal.” Hindi ko na siya matingnan habang sinasabi ko iyon. Kahit ilang beses ko ng naririnig ang mga salitang iyon mula kay Denzel, masakit pa rin pa lang ulitin nang malakas. “Damn it, Eve,” bulong ni Limuel habang napapailing. “And you’re still staying?” Mabagal akong napatingin sa kanya. “Ano bang gusto mong gawin ko?” “Leave him.” Parang huminto sandali ang paligid nang marinig ko iyon. Natawa ako ng mahin. “Sa tingin mo, ganoon lang kadali?” “Malapit ng matapos ang kontrata n’yo, hindi ba?” seryoso niyang sabi. “Then leave him. Hiwalayan mo na siya. Wala ka nang dapat pang patunayan.” Humigpit ang hawak ko sa baso habang iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Napakadaling sabihin ng mga salitang iyon kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon. Napakadaling sabihing umalis na lang kapag hindi ikaw ang araw-araw na umaasa sa isang bagay na alam mong baka hindi na mangyari. “Hindi ko kaya,” mahina kong sabi. Nanlali ang mata niya. “Hindi mo kaya o ayaw mo?” Hindi ako agad sumagot dahil alam ko ang totoo. Pareho. “Mahal ko siya,” halos pabulong kong sagot. Tahimik siyang napatitig sa akin. Parang ilang segundo siyang hindi makapaniwala na narinig pa rin niya iyon mula sa akin matapos ang lahat. “Eve…” “Alam ko,” putol ko agad habang pilit ngumumingiti kahit may kirot sa dibdib ko. “Alam kong tanga ako. Alam kong wala siyang ginagawa para mahalin ako pabalik. Alam kong araw-araw niya akong pinaparamdam na wala akong halaga. Pero mahal ko siya, Limuel.” Napabuntong-hininga siya habang pinapikit sandali ang mga mata niya. “Bakit?” Napatingin ako sa labas ng glass window ng restaurant, sa mga ilaw ng siyudad, sa mga taong dumadaan na para bang napakadali ng buhay nila. Habang ako ay pakiramdam ko ay matagal nang nawawala sa sarili kong mundo. “Dahil umaasa pa rin ako,” sagot ko nang totoo. “Sa ano?” Mabagal akong napatingin sa kanya. “Na balang araw, kahit kaunti, mamahalin niya rin ako.” Napailing siya at hindi makapaniwala. “Eve, three years na…hindi naman siya nagbago kahit minsan.” “I know.” “He doesn’t treat you like a wife.” “I know.” “He hurts you.” “I know.” “Then why are you still holding on?” Bumuga ako ng hangin. “Because loving him is the only thing I know how to do now.” Hindi na agad siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin, at sa mga mata niya ay kitang-kita ko ang awa na ayaw na ayaw kong makita. Ayokong kaawaan. Ayokong magmukhang kawawa. Pero siguro iyon naman talaga ako sa paningin ng ibang tao, isang babaeng kumakapit sa pagmamahal na hindi naman para sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin ako. Pinilit pa niya akong ihatid pero tumanggi ako dahil gusto kong mapag-isa kahit saglit. Habang nasa loob ako ng sasakyan pauwi, paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Hiwalayan mo na siya. Dapat siguro iyon ang gawin ko. Dapat siguro matagal ko nang ginawa. Pero sa tuwing sinusubukan kong isipin ang buhay ko na wala si Denzel, pakiramdam ko ay may kung anong nawawala sa loob ko. Kahit hindi niya ako mahal. Kahit hindi niya ako pinipili. Kahit hindi niya ako tinitingnan gaya ng pagtingin ko sa kanya. Pagdating ko sa mansion, tahimik na naman ang buong bahay. Inabot ko ang handbag ko habang papasok sa sala ngunit napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Denzel mula sa may malaking glass window sa gilid ng foyer. Nakatayo siya roon, nakatalikod sa akin habang may kausap sa cellphone. Hindi ko marinig ang buong usapan, pero ang narinig ko ay sapat para humigpit ang dibdib ko. Malambing ang boses niya. Iyong klaseng tono na hindi ko halos marinig mula sa kanya. Mahina siyang tumawa at may lambing sa paraan ng pagsasalita niya na para bang ibang tao ang kaharap ko. Napatigil sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang likod niya. Hindi ko alam kung sino ang nasa kabilang linya. Pero sa simpleng paraan ng pagsasalita niya ay alam kong hindi iyon business call. Parang may malamig na bagay na dumaan sa dibdib ko. Napahakbang ako nang bahagya at doon niya ako napansin kaya agad siyang tumahimik. At sa isang iglap ay pinatay niya ang tawag. Mabagal siyang lumingon sa akin. At parang isang pindot lang ay nawala ang lambing sa mukha niya. Bumalik ang malamig na ekspresyon na para bang wala akong narinig. Pinilit kong ngumiti kahit may kung anong masakit na bumabara sa dibdib ko. “Kumain ka na ba?” maingat kong tanong habang pilit pinapakalma ang sarili ko. “Oo,” maikli niyang sagot. Tumango ako kahit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, mas masakit pa iyong simpleng sagot kaysa sa narinig kong malambing niyang pakikipag-usap sa ibang tao. “May ipapainit sana ako kung-” “No need,” putol niya agad. “Pagod ako. I’m going upstairs.” Wala na siyang ibang sinabi..Wala man lang tanong kung saan ako galing. Wala man lang tingin na parang may pakialam siya. Basta na lang siyang dumaan sa tabi ko at naglakad paakyat ng hagdan na para bang isa lang akong bahagi ng bahay na naroon pero hindi mahalaga. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ang likod niyang unti-unting nawawala sa itaas. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko, doon ko lang naramdaman ang bigat na kanina ko pa pinipigilan..Mabagal akong naupo sa sofa sa sala at saka ko lang napansing nanginginig na pala ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit mas masakit ngayong gabi. Siguro dahil narinig ko kung paano siya magsalita nang malambing sa ibang tao, sa tonong hindi ko halos marinig mula sa kanya kahit ako ang asawa niya. Siguro dahil kahit sa simpleng tanong ko kung kumain na ba siya ay parang napakabigat para sa kanya na sagutin ako nang maayos. O siguro dahil sa wakas ay unti-unti ko nang nakikita ang katotohanang matagal ko nang pilit tinatakasan. Na baka kahit gaano ko siya kamahal… hindi niya talaga ako kayang mahalin pabalik. Napahawak ako sa dibdib ko habang tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang akong umiiyak sa loob ng napakalaking sala ng mansion, mag-isa na naman, habang ang katahimikan ng bahay ay parang unti-unting lumalamon sa akin. At sa gitna ng pag-iyak ko, isang tanong lang ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Kung ganito rin naman ang magiging wakas, bakit hindi ko pa rin kayang bitawan ang lalaking araw-araw na unti-unting pumapatay sa puso ko?EVEHalos hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng opisina ko. Kanina pa ako nakatitig sa laptop ngunit ni isang salita ay wala akong naiintindihan sa report na binabasa ko. Sa tuwing susubukan kong mag-concentrate ay kusang bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa honeymoon namin ni Denzel sa Palawan. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari talaga ang lahat. Kung tutuusin ay ilang buwan lamang ang nakalipas ay galit na galit pa ako sa lalaking iyon. Ayokong makita ang mukha niya at pakiramdam ko ay wala na siyang puwang sa buhay ko. Ngunit ngayon ay kabaligtaran na ang lahat. Sa tuwing maaalala ko ang masaya naming paglalakad sa tabing-dagat, ang mga simpleng tawanan namin habang kumakain at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na puno ng pagmamahal…. hindi ko mapigilang ngumiti na parang isang teenager na unang beses pa lamang umibig.Napabuntong-hininga ako habang marahang isinandal ang likod ko sa upuan. Hindi ko al
EVEHATINGGABI NA RIN nang magtungo kami sa hotel room. Agad akong naglinis ng katawan para makapagpahinga na. Ngunit sa tingin ko, hindi agad mangyayari iyon dahil nakaabang na sa akin si Denzel. Nakatihaya siya sa kama kung saan ang tanging suot niya lang ay brief. Natatawa akong napahawak sa ulo bago hinubad ang suot kong robe. Ngayon, parehas kaming underwear na lang ang suot.“Humiga ka na dito sa kama…mahal kong asawa,” malanding sabi niya.“Hay naku…mukbang tahong ka na naman.”Humagikhik siya.“Ano pa nga ba? Tahong mo lang ang kababaliwan ko.”Pinanuod ko siyang alisin ang natitirang saplot sa katawan ko. Agad na nagliyab ang katawan ko matapos niyang hawakan ang hiwa ko. Ang gitnang daliri niya ay pinadausdos niya doon bago mapang-akit na tumingin sa akin.“Napakatambok talaga nito…” malanding wika niya bago ako hinalikan.Yumakap ako sa kanyang leeg habang tumutugon sa kanyang mainit na halik. Sa mga oras na iyon, wala ng ibang nasa isip ko kun'di si Denzel. Wala na akong p
EVE Dalawang araw ang lumipas matapos kong tanggapin ang alok ni Denzel na pakasalan niya akong muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa puntong iyon. Kung may nagsabi sa akin ilang buwan na ang nakalipas na darating ang araw na kusang luluhod si Denzel sa harapan ko, at magmamakaawang maging asawa niya ulit ako, malamang na tatawanan ko lamang iyon. Ngunit itto kami ngayon, magkatabing nakaupo sa loob ng pribadong eroplano patungong Palawan habang magkahawak ang aming mga kamay. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Tahimik lamang siyang nakatingin sa bintana ngunit hindi nawawala ang mahina niyang ngiti. Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay agad siyang napalingon sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Bakit?" nakangiti niyang tanong. "Wala." "Huwag kang magsinungaling. Kanina ka pa nakatingin sa akin. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman ako masyadong titigan.” Nap
EVEGabi na nang matapos akong maligo. Pagod ang buong katawan ko dahil naging abala ako sa opisina buong araw kaya ang tanging gusto ko na lamang ay magpahinga. Nakasuot na ako ng simpleng pambahay at pinatutuyo ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang maliit na tuwalya habang dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Mahimbing na ang tulog ni Andrew kaya tahimik ang buong bahay. Maging ang mga kasambahay ay nasa kani-kanilang kuwarto na rin kaya halos marinig ko ang sarili kong mga yabag habang pababa ako ng hagdan.Bahagya akong napabuntong-hininga habang naglalakad papunta sa kusina. Nauuhaw ako kaya naisipan kong uminom muna ng malamig na tubig bago matulog. Pagkabukas ko ng refrigerator ay agad akong nagsalin ng tubig sa baso ngunit hindi ko pa man naiinom iyon ay biglang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa mesa.Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Denzel sa screen."Ano na naman kaya ang kailangan nito sa ganitong oras?" bulong ko sa sarili bago ko sinagot ang tawag."He
CELESTEMag-uumaga na nang tuluyan akong magising. Ngunit pakiramdam ko ay wala naman talaga akong naitulog. Magdamag akong nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Denzel kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi iyon galit na nakasanayan ko. Mas nakakatakot pa roon dahil para bang tuluyan na niyang nawawala ang natitira niyang tiwala sa akin. Nang sabihin niyang pakiramdam niya ay hindi niya anak ang batang dinadala ko, halos tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon naisip ngunit pakiramdam ko ay muntik na akong mahuli. Kung nagtanong pa siya nang kaunti, kung ipinilit pa niyang alamin ang totoo, baka hindi ko na kayaning magsinungaling.“Hindi…hindi niya puwedeng malaman na hindi sa kanya ang batang ito…” bulong ko sa sarili sabay hawak sa ulo.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Denzel at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mangyari
DENZELDalawang araw ang lumipas matapos ang masayang sandali namin ni Eve pakiramdam ko gusto ko ulit mangyari iyon. Paramdam ko gusto ko ulit siyang yayain mag rides at natatawa ako sa tuwing natatakot siya kapag binibili ko ang pagpapatakbo. Isang beses niyaya ko rin naman si Celeste na mag-rides kami. Pero hindi kasi siya pumayag at sinabi niyang hindi nababagay sa kanya ang mga ganoon dahil masyado siyang sosyal. Kaya naman na-realize ko na magkaibang magkaiba talaga sila ni Eve. At sobra kung pinagsisisihan na hindi ko nagawang pahalagahan si Eve noon. “Masyado naman yatang malawak ang ngiti mo mukhang may magandang nangyari na naman sa inyo ni Eve,” tanong sa akin ng kaibigan kong si Nathan ng bigla na lamang siyang pumasok. “Wala naman nangyaring maganda sa aming dalawa kaya lang naman ako ngiti dahil naalala ko yung mukha niya noong nag-rides kami. Takot na takot kasi talaga siya na para bang madidisgrasya kami. Oo ang bilis ko magpatakbo ng araw na iyon, pero maingat pa ri
CELESTEPakiramdam ko ay unti-unti na akong nababaliw nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakatulog ng mahimbing dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko… mukha ni Denzel ang nakikita ko. Ngunit hindi na iyon ang dating Denzel na nakatingin sa akin na parang ako
DENZELHabang papalayo ang sasakyan ni Eve ay pakiramdam ko mas lalo lang akong nairita kay Celeste. Naiwan akong nakatayo sa parking lot kasama si Celeste habang nakatingin sa direksyong nilisan ni Eve. Unti-unti ng nagsisialisan ang mga tao sa paligid ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang nas
CELESTEHindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang tiningnan ang oras sa cellphone ko.. Mula alas onse ng gabi hanggang madaling-araw ay paulit-ulit kong sinusubukang tawagan si Denzel ngunit ni isang tawag ay hindi niya sinagot. Ilang beses ko ring binasa ang mga mensaheng ipinadala ko sa kanya n
DENZEL Katatapos ko lang ng halos isang linggong business trip sa Paris nang tuluyan lumapag ang private jet namin sa Pilipinas. Pagod ang buong katawan ko mula sa sunod-sunod na meetings at investors conference na dinaluhan ko sa ibang bansa. Kaya ang nasa isip ko lang nang mga oras na iyon, maka







