LOGINEVEHATINGGABI NA RIN nang magtungo kami sa hotel room. Agad akong naglinis ng katawan para makapagpahinga na. Ngunit sa tingin ko, hindi agad mangyayari iyon dahil nakaabang na sa akin si Denzel. Nakatihaya siya sa kama kung saan ang tanging suot niya lang ay brief. Natatawa akong napahawak sa ulo bago hinubad ang suot kong robe. Ngayon, parehas kaming underwear na lang ang suot.“Humiga ka na dito sa kama…mahal kong asawa,” malanding sabi niya.“Hay naku…mukbang tahong ka na naman.”Humagikhik siya.“Ano pa nga ba? Tahong mo lang ang kababaliwan ko.”Pinanuod ko siyang alisin ang natitirang saplot sa katawan ko. Agad na nagliyab ang katawan ko matapos niyang hawakan ang hiwa ko. Ang gitnang daliri niya ay pinadausdos niya doon bago mapang-akit na tumingin sa akin.“Napakatambok talaga nito…” malanding wika niya bago ako hinalikan.Yumakap ako sa kanyang leeg habang tumutugon sa kanyang mainit na halik. Sa mga oras na iyon, wala ng ibang nasa isip ko kun'di si Denzel. Wala na akong p
EVE Dalawang araw ang lumipas matapos kong tanggapin ang alok ni Denzel na pakasalan niya akong muli. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa puntong iyon. Kung may nagsabi sa akin ilang buwan na ang nakalipas na darating ang araw na kusang luluhod si Denzel sa harapan ko, at magmamakaawang maging asawa niya ulit ako, malamang na tatawanan ko lamang iyon. Ngunit itto kami ngayon, magkatabing nakaupo sa loob ng pribadong eroplano patungong Palawan habang magkahawak ang aming mga kamay. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako. Tahimik lamang siyang nakatingin sa bintana ngunit hindi nawawala ang mahina niyang ngiti. Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay agad siyang napalingon sa akin at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Bakit?" nakangiti niyang tanong. "Wala." "Huwag kang magsinungaling. Kanina ka pa nakatingin sa akin. Alam kong guwapo ako pero huwag mo naman ako masyadong titigan.” Nap
EVEGabi na nang matapos akong maligo. Pagod ang buong katawan ko dahil naging abala ako sa opisina buong araw kaya ang tanging gusto ko na lamang ay magpahinga. Nakasuot na ako ng simpleng pambahay at pinatutuyo ko pa ang mahaba kong buhok gamit ang maliit na tuwalya habang dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Mahimbing na ang tulog ni Andrew kaya tahimik ang buong bahay. Maging ang mga kasambahay ay nasa kani-kanilang kuwarto na rin kaya halos marinig ko ang sarili kong mga yabag habang pababa ako ng hagdan.Bahagya akong napabuntong-hininga habang naglalakad papunta sa kusina. Nauuhaw ako kaya naisipan kong uminom muna ng malamig na tubig bago matulog. Pagkabukas ko ng refrigerator ay agad akong nagsalin ng tubig sa baso ngunit hindi ko pa man naiinom iyon ay biglang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa mesa.Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Denzel sa screen."Ano na naman kaya ang kailangan nito sa ganitong oras?" bulong ko sa sarili bago ko sinagot ang tawag."He
CELESTEMag-uumaga na nang tuluyan akong magising. Ngunit pakiramdam ko ay wala naman talaga akong naitulog. Magdamag akong nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Denzel kagabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi iyon galit na nakasanayan ko. Mas nakakatakot pa roon dahil para bang tuluyan na niyang nawawala ang natitira niyang tiwala sa akin. Nang sabihin niyang pakiramdam niya ay hindi niya anak ang batang dinadala ko, halos tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya iyon naisip ngunit pakiramdam ko ay muntik na akong mahuli. Kung nagtanong pa siya nang kaunti, kung ipinilit pa niyang alamin ang totoo, baka hindi ko na kayaning magsinungaling.“Hindi…hindi niya puwedeng malaman na hindi sa kanya ang batang ito…” bulong ko sa sarili sabay hawak sa ulo.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Denzel at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mangyari
DENZELDalawang araw ang lumipas matapos ang masayang sandali namin ni Eve pakiramdam ko gusto ko ulit mangyari iyon. Paramdam ko gusto ko ulit siyang yayain mag rides at natatawa ako sa tuwing natatakot siya kapag binibili ko ang pagpapatakbo. Isang beses niyaya ko rin naman si Celeste na mag-rides kami. Pero hindi kasi siya pumayag at sinabi niyang hindi nababagay sa kanya ang mga ganoon dahil masyado siyang sosyal. Kaya naman na-realize ko na magkaibang magkaiba talaga sila ni Eve. At sobra kung pinagsisisihan na hindi ko nagawang pahalagahan si Eve noon. “Masyado naman yatang malawak ang ngiti mo mukhang may magandang nangyari na naman sa inyo ni Eve,” tanong sa akin ng kaibigan kong si Nathan ng bigla na lamang siyang pumasok. “Wala naman nangyaring maganda sa aming dalawa kaya lang naman ako ngiti dahil naalala ko yung mukha niya noong nag-rides kami. Takot na takot kasi talaga siya na para bang madidisgrasya kami. Oo ang bilis ko magpatakbo ng araw na iyon, pero maingat pa ri
EVE Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang paghinga ko matapos marinig ang mga sinabi ni Denzel. Ilang segundo akong nakatulala habang nakatingin sa kanya at paulit-ulit na iniisip kung tama ba ang narinig ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. Dahil sa totoo lang ay parang nababaliw na ang lalaking ito. Napakurap ako ng ilang beses bago ako tuluyang natawa. Ngunit pilit lamang iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. "Baliw ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa kanya. Hindi siya ngumiti at sa halip ay seryoso lamang na nakatingin sa akin. "Hindi ako baliw." "Hindi ka baliw sa lagay mo na iyan? Denzel, alam mo ba ang pinagsasasabi mo? Nagyayaya ka ng kasal na parang nagyaya ka lang kumain sa labas. Bigla-bigla mong sasabihin sa akin na magpakasal tayo samantalang may fiancé ka. Ano bang tumatakbo sa isip mo?" Huminga siya ng malalim bago tumingin sa dagat at saka muling bumaling sa akin. "Matagal ko ng iniisip ito." Natawa ako sa s
EVE Hindi ko namalayan na lumalawak pala ang ngiti ko habang mahigpit na nakayakap sa bewang ni Denzel. Noong una, sobrang kabado ako dahil pakiramdam ko anumang oras ay matutumba kami. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti akong nasasanay. Ang sarap pala sa pakiramdam na humahampas ang malamig na
EVE Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa opisina at wala ring klase si Andrew. Pagkatapos ng nakakapagod ngunit masayang Family Day kahapon , napagdesisyunan kong manatili lamang sa bahay at gugulin ang buong araw kasama ang anak ko. Mahimbing pa sana ang tulog ko ngunit nagising ako dahil sa mai
EVE Maaga akong nagising kinabukasan dahil pagising sa akin at sa malakas na boses ni Andrew na paulit-ulit akong tinatawag. Hindi ko pa man lubusang naimumulat ang mga mata ko ay napangiti na agad ako dahil halatang-halata ang excitement sa boses ng anak ko. Mabilis akong bumangon at napansin
CELESTEPakiramdam ko ay unti-unti na akong nababaliw nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakatulog ng mahimbing dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko… mukha ni Denzel ang nakikita ko. Ngunit hindi na iyon ang dating Denzel na nakatingin sa akin na parang ako







