LOGINNIKITA’S POV:Bahagya siyang nagising nang makaramdam ng mabigat na bagay sa kanyang dibdib. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad na bumungad sa kanya ang mahimbing na mukha ni Kieran.Nanlaki ang mga mata niya. Nakikisiksik pala ito sa makitid na ospital bed niya. Nakasandal ang ulo niya sa matigas nitong dibdib habang mahigpit na nakapulupot ang isang braso nito sa baywang niya.Bigla siyang namula. "Ano ba'ng iniisip ng lalaking 'to?" bulong niya sa sarili. "Bakit naman siya tumabi sa akin?"Ramdam niya ang mainit na hininga ni Kieran sa kanyang noo. Sa sobrang lapit nila, konting galaw na lang ay halos magdikit na ang mga labi nila.Dahan-dahan siyang kumilos para makaalis sa pagkakayakap nito, pero biglang gumalaw si Kieran at mas hinigpitan pa ang yakap."Saan ka pupunta?" paos nitong tanong habang nakapikit pa.Napatalon halos ang puso niya. "H-Ha? Ah... mag-CR lang."Agad namang namulat ang mga mata ni Kieran. "Mag-isa ka?"Napakunot-noo siya. "Malamang. Iihi lang
Nanatiling tahimik ang buong silid matapos makatulog si Nikita.Tahimik na nakaupo si Kieran sa tabi ng kama habang hindi maalis ang tingin niya sa dalaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos na mapaniwalaan ang lahat ng nangyari. Siya ang ama ng batang dinadala ni Nikita.Magkakaroon sila ng anak. Ni minsan ay hindi niya naisip na darating sila sa puntong ito. Sa loob ng mahabang panahon, inakala niyang tuluyan nang nawala ang lahat sa kanila... ang pagmamahalan, ang mga pangarap, at ang pagkakataong bumuo ng sariling pamilya.Pero ngayon, habang nakatitig siya sa babaeng mahimbing na natutulog sa harap niya, pakiramdam niya ay unti-unting ibinabalik ng tadhana ang lahat ng bagay na matagal na niyang inakalang hindi na niya muling makukuha. At higit sa lahat, nagpapasalamat siya dahil hindi pa pala huli ang lahat.Muli niyang pinagmasdan ang mukha ni Nikita. Halata pa rin dito ang bakas ng pagod at ang pamamaga ng mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Hindi niya lubos ma
Napatingin si Blair sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Hindi naman masama ang ekspresyon ng matanda, ngunit may kakaibang emosyon sa mga mata nito... parang may gustong sabihin ngunit pilit lang na itinatago. Pakiramdam niya ay may malalim itong iniisip."Accidents happen. Sana lang ay hindi malala ang lagay ng anak ko." malungkot nitong sabi."Pero, Uncle, I think hindi po aksidente ang nangyari kay Lewis."Biglang napatingin si Blair sa kanya. "What do you mean?""Noong nag-usap po kami, sinabi niya na may humahabol sa kanya."Nanlaki ang mga mata ni Blair. "Ano pa ang pinag-usapan ninyo ni Lewis, iha?" Bahagya siyang napalunok bago sumagot. "Ahm... sinabi lang po niya na may importante raw siyang sasabihin sa akin."Agad na nagbago ang ekspresyon ni Blair. "Sinabi ba niya kung ano iyon?"Umiling siya. "Hindi po. Ayaw niyang sabihin sa telepono. Gusto niya raw pong sabihin nang personal."Natahimik si Blair. Unti-unting tumig
Napatingin siya kay Tyler. Inaasahan niyang makikita ang galit o selos sa mukha nito, pero kabaligtaran ang nakita niya. Pag-aalala... pag-aalala para kay Lewis."Hindi ka galit?" mahina niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Tyler bago siya sinulyapan. "I trust you, love."Napatitig siya rito."I may not be able to stop men from being attracted to you because you are such a wonderful person." Saglit itong tumigil bago nagpatuloy. "Pero ang importante, ako ang mahal mo at may tiwala ako sa'yo."Bigla siyang natahimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.Ang ibig bang sabihin ni Tyler ay iniisip nitong magtatapat ng nararamdaman si Lewis kaya gusto siyang makausap nito nang pribado?Pero kahit anong pilit niyang isipin, hindi iyon ang pakiramdam niya. Kung pag-ibig lang ang dahilan, hindi ganoon kaseryoso ang tono nito kanina. May kakaiba sa boses nito, parang may gustong ipaalam, parang may lihim na matagal nang kinikimkim.Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay may mas m
JOLIE'S POVKasalukuyan silang nanananghalian sa isa sa mga mamahaling restaurant sa loob ng Blacksmith Hotel. Nasa tapat niya si Tyler, habang magkaharap naman sina Aria at Clarkson sa kabilang bahagi ng mesa. Masayang nagkukuwentuhan ang mag-asawa, paminsan-minsang nagtatawanan, pero siya ay tahimik lang na nakatutok sa pagkain.Hindi niya man lang nililingon si Tyler. Hanggang ngayon ay naiinis pa din siya.Hmp! Bahala ka diyan mapanisan ng laway. Hindi kita kakausapin!… Sambit niya sa isip.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang inis niya dahil sa pambabastos nito kay Lewis kanina sa café. Wala sa lugar ang pagseselos nito dahil alam niyang wala naman siyang ginagawang masama.At kahit saang anggulo niya tingnan, hindi niya kailanman naramdaman na may romantikong interes si Lewis sa kanya. Mula pa noong una, malinaw na pakikipagkaibigan lang ang intensyon nito.Sa katunayan, hindi niya maipaliwanag kung bakit napakagaan ng loob niya rito. Parang kuya ang turing niya kay Lew
Hindi na nagkaroon pa ng oras si Lewis na mag-isip nang matagal nang tawagin siya ng staff. "Mr. Mackenzie?" Agad siyang tumayo at lumapit sa babae. "Kailangan lang po namin ang mga sample." Tahimik niyang inilabas ang dalawang hibla ng buhok na kinuha niya mula sa kanyang ama at kay Jolie. Iniabot niya iyon sa staff bago muling bumalik sa waiting area. Naupo siya sa isang sulok at napabuntong-hininga. Habang naghihintay, hindi siya mapakali. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang usapan nina Catriona at Frazer. Kaagad niyang inilabas ang cellphone at tinawagan ang kanyang ama. Makalipas ang ilang segundo ay sumagot ito. "Hello, Dad." "Yes, anak. Kumusta? May resulta na ba ng DNA test?" "Wala pa, Dad. Naghihintay pa lang ako." Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita. "Pero guess what ang nakita ko rito." "What?" "Nandito sina Catriona at Uncle Frazer. Nagpa-DNA test din sila." "What?" "At hindi lang iyon, Dad. Narinig ko mismo ang pag-uusap nila. Plano nilang pekei
ROSABEL DIMAKULANGAN's POV:Sakay siya ng bus papuntang Manila, galing siyang Baguio. Pinapapapunta siya ni Mam Jenna sa mansion sa hindi niya alam na kadahilanan. Mayordoma sa mansion ng mga Enriquez ang nanay niya. Ang mga Enriquez din ang nagpapaaral sa kanya sa kolehiyo at nagpapasalamat siya d
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa
Sandaling katahimikan ang namayani sa silid. Wala ni isa ang gustong magsalita. Maging si Tyler ay tahimik lang, nakatayo sa gilid na para bang malalim ang iniisip. May kung anong pait sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan. Hindi ba dapat masaya ito? Kanina lang ay siya pa ang nagsasabing
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weeke







