MasukHindi na nagkaroon pa ng oras si Lewis na mag-isip nang matagal nang tawagin siya ng staff. "Mr. Mackenzie?" Agad siyang tumayo at lumapit sa babae. "Kailangan lang po namin ang mga sample." Tahimik niyang inilabas ang dalawang hibla ng buhok na kinuha niya mula sa kanyang ama at kay Jolie. Iniabot niya iyon sa staff bago muling bumalik sa waiting area. Naupo siya sa isang sulok at napabuntong-hininga. Habang naghihintay, hindi siya mapakali. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang usapan nina Catriona at Frazer. Kaagad niyang inilabas ang cellphone at tinawagan ang kanyang ama. Makalipas ang ilang segundo ay sumagot ito. "Hello, Dad." "Yes, anak. Kumusta? May resulta na ba ng DNA test?" "Wala pa, Dad. Naghihintay pa lang ako." Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita. "Pero guess what ang nakita ko rito." "What?" "Nandito sina Catriona at Uncle Frazer. Nagpa-DNA test din sila." "What?" "At hindi lang iyon, Dad. Narinig ko mismo ang pag-uusap nila. Plano nilang pekei
Pagkatapos ng mainit na pagtatalo sa library, walang sabi-sabing hinila ni Frazer ang braso ni Catriona palabas ng silid."D-Dad, ano ba? Nasasaktan ako!" reklamo niya habang pilit na sumasabay sa mahahabang hakbang nito.Pero tila wala itong naririnig. Nanatiling matigas ang ekspresyon ng kanyang ama hanggang sa marating nila ang silid nito.Pagkapasok na pagkapasok nila, mariing isinara ni Frazer ang pinto at agad itong ini-lock."Dad..." mahina niyang tawag. "Totoo ba ang sinabi mo kanina? Totoo bang anak mo talaga ako?"Ilang segundong nanahimik si Frazer. Tumalikod muna ito at tumingin sa malaking bintana ng silid bago humugot ng malalim na hininga."It's not true, anak."Parang may kung anong kumurot sa puso ni Catriona. Kahit alam niyang imposibleng mangyari iyon, may maliit na parte ng kanyang pagkatao ang umasa na sana ay totoo ang lahat. Na baka, kahit paano, may dugong Mackenzie ngang dumadaloy sa kanyang mga ugat.Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kama. "Kaya... ampon l
CATRIONA’S POVMackenzie EstateMabigat ang katahimikan sa loob ng library ng Mackenzie estate. Tanging ang mahinang pagpitik ng apoy mula sa fireplace at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig. Nakaupo sa harapan ni Catriona ang kanyang ama na si Frazer, si Uncle Blair, at ang kanyang lolo na si Craig.Pero sa kabila ng marangyang silid na kinalakihan niya, pakiramdam ni Catriona ay para siyang isang estranghero."Dad... ano ba talaga ang plano mo?" tanong ni Frazer kay Craig, bakas ang pagkainip sa kanyang mukha. "Bakit hindi mo pa rin sinasabihan ang mga Blacksmith tungkol sa kasal?"Mariing ipinatong ni Frazer ang dalawang kamay sa mesa."Hindi ka ba naaawa sa apo mo? Puro kahihiyan na ang natatanggap niya dahil paulit-ulit na tinatanggihan ni Tyler ang kasal. Anong klaseng pamilya ang mga Blacksmith? Wala silang isang salita."Humugot ng malalim na hininga si Craig bago dahan-dahang nagsalita."Nag-usap na kami ni Sebastian. Hindi na matutuloy ang alliance."Parang tumigil
Napabuntong-hininga siya at marahang kumalas sa pagkakahawak ni Jolie."Kanina pa kita tinatawagan," mahina ngunit malamig niyang sabi. "Pero wala kang oras para sagutin man lang ako."Nanlaki ang mga mata ni Jolie. "T-Tyler, hindi ganoon ang---""Then explain it to me!" Nanginginig ang boses niya, hindi na niya alam kung dahil ba iyon sa galit o sa sakit na nararamdaman."Explain to me why my fiancée is happily laughing with another man habang ako naman ay halos mabaliw kakaisip kung galit ka pa rin ba sa akin!"Natahimik si Jolie. Samantalang si Lewis ay nanatiling nakaupo, tahimik na pinagmamasdan silang dalawa. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya na baka hindi si Lewis ang tunay niyang kalaban, kundi ang sarili niyang takot na baka isang araw ay hindi na siya ang piliin ni Jolie.Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Jolie at marahas itong hinila palayo."Aray, Tyler! Nasasaktan ako!"Pero sa sandaling iyon ay bigla ring tumayo si Lewis at hinawakan ang kabilang braso ni Jolie.
Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Naiinis siya sa kanyang sarili. Wala namang ginagawang mali si Jolie para makaramdam siya ng insecurities. Kitang-kita naman niya kung gaano siya kamahal nito. Pero kahit anong pilit niyang pigilan, hindi niya pa rin maiwasang matakot.Pagdating sa Blacksmith Hotel, agad siyang pumarada sa nakalaang parking area para sa pamilya Blacksmith.Pagkababa pa lang niya ng sasakyan ay nagulat ang ilang security guard nang makita siya."S-Sir Tyler? Good afternoon po!"Matagal na rin kasi siyang hindi nakakabisita roon. Si Aria na ang pangunahing namamahala sa hotel, kaya bihira na siyang magpakita. At sa totoo lang, ngayong narito na siya sa Scotland, hindi pa rin niya alam kung saan siya ilalagay ng kanyang ama... sa wine distillery ba nila o sa real estate business ng pamilya."Good to see you again, Sir Tyler. It's been a long time."Ngumiti siya sa mga ito. "Yeah... it's been a long time.""Do you need anything, sir? Ihahatid po ba namin kayo sa opis
TYLER'S POV" Hindi mapakali si Tyler sa loob ng palasyo. Pakiramdam niya ay napakatahimik ng buong paligid nang wala sina Aria, Clarkson, at higit sa lahat, si Jolie. Hindi man lang siya isinama ng mga ito.Pero kung tutuusin, wala rin naman talaga siyang karapatang sumama. Siya mismo ang may kasalanan kung bakit ganoon ang nangyari.Habang tumatagal, lalo niyang nami-miss ang nobya. Ang totoo, nakita niya ang pag-alis ng tatlo kanina. Nasa silid siya ni Lolo Sebastian noon, nakatayo sa tabi ng bintana at tahimik na pinapanood ang sasakyang unti-unting lumalayo sa bakuran ng palasyo."Ano ba ang tinitingnan mo riyan? Kanina pa sila umalis."Napalingon siya kay Lolo Sebastian, na kasalukuyang nakasandal sa kama habang walang interes na nagbabasa ng magazine."H-Hindi naman sila ang iniisip ko, Lo," mabilis niyang pagsisinungaling.Napailing ang matanda at ibinaba ang hawak nitong magazine. "Wag mo na akong lokohin, apo. Ikaw itong nakipag-away sa nobya mo, tapos ikaw rin itong magmumu
Abala siya sa pagtatrabaho nang hindi napansin ang oras. Kinatok siya ni Willow sa opisina niya. "Ma'am Rosabel, hindi ka pa ba uuwi? 6 PM na po." "Huh? Ganoon ba?" Marahil ay wala nang tao sa labas ng opisina. Naawa siya kay Willow, naghihintay ito malamang na makauwi na siya para makauwi na ri
ROSABEL DIMAKULANGAN's POV:Sakay siya ng bus papuntang Manila, galing siyang Baguio. Pinapapapunta siya ni Mam Jenna sa mansion sa hindi niya alam na kadahilanan. Mayordoma sa mansion ng mga Enriquez ang nanay niya. Ang mga Enriquez din ang nagpapaaral sa kanya sa kolehiyo at nagpapasalamat siya d
Si Hazel ang nag-order ng kape nila. Hinintay niya na lang ito sa pangdalawahang upuan doon. Ang mga empleyado na napapadaan sa kanila ay pinapansin naman siya pero may kakaibang tingin na hindi niya mawari.“Ma’am Fe, eto na ang kape natin.” Umupo ito sa tabi niya saka nilapag ang kape. May dalawa
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weeke







