LOGINDEVI POV Ilang sandali pa ay biglang tumakbo papunta sa amin si Febe habang basang-basa ang katawan. "Ate! Ate Devi! Ano ba naman! Kayo lang ang hindi naliligo! Halika na!" masigla niyang wika. "Ano na naman iyan? Ang kulit mo talagang bata ka!" natatawang wika ni Mommy. Ngunit, imbes na pansinin ang sinabi ni Mommy, lumapit si Febe sa akin at hinila ang kamay ko. "Tara na, Ate! Promise, sobrang saya!" Napailing ako habang natatawa. "Hindi muna siguro." "Please?" "Pabayaan mo muna siya, Febe. Kapag gusto na niyang lumangoy, kusa rin iyang sasama." Sabat naman ni Mommy. Napasimangot si Febe ngunit ilang segundo lang ay muli rin itong ngumiti. "Sige! Pero mamaya wala ka nang takas!" wika nito. At pagkatapos noon, patakbo na siyang bumalik ng pool. Napailing na lamang ako habang pinapanood ang masigla niyang personalidad. Kung tutuusin…nakakagaan talaga ng pakiramdam ang presensya ni Febe. Ngunit kahit gaano pa kasaya ang paligid, hindi pa rin maalis sa isip
DEVI POV "Excuse me po...maraming salamat po sa masarap na tanghalian." seryosong wika ko pagkatapos noon, mabilis na din akong tumayo at nagpaalam sa kanila HIndi ko na hinintay pa ang magiging sagot nila. Direcho na akong lumabas ng dining area at naglakad palabas ng Villa "Devi." narinig kong tawag ni Winston sa akin. Sinusundan niya ako pero hindi ko siya pinansin Wala na akong balak na makipag-usap sa kanya ng matagal. Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin sa amin ng mga taong nakapaligid sa amin eh Ayaw ko silang mag-isip ng kahit na ano pa man. "Devi, sorry sa mga sinabi kanina nila Lolo at Lola. Promise, hindi na mauulit iyun." muling wika ni Winston. Napahinto ako sa paghakbang at seryoso siyang tinitigan. "It's okay.....wala lang sa akin iyun. Walang dapat na ikabahala." seryosong bigkas ko. Nakita ko na bahagya siyang napangiti "Thank you. Ang akala ko talaga, nagalit ka eh." sagot niya "Hindi..." sagot ko din naman na sinabayan ko ng sunod-sunod na p
DEVI POV "Magandang hapon po." Mahinahon kong bati sa mag-asawang nakaupo sa mahabang mesa ng hapag-kainan. Pareho silang sabay na napatingin sa akin. Si Don Amador ay tahimik lamang na humihigop ng kape habang nakababa ang salamin sa dulo ng kanyang ilong. Samantalang si Donya Celestina naman ay may bahagyang ngiti sa labi, ngunit hindi ko mabasa kung ano talaga ang nasa likod niyon. Sa totoo lang, gusto ko na lang na huwag na munang pumasok dito sa dining area. Gusto ko na lang magdahilan na hindi pa naman ako nagugutom. Kung maaari nga lang ay lumabas na lang ako dito sa villa at magkunwaring mas interesado akong mamasyal na lang muna kaysa kumain. Hangat maaari, ayaw ko kasi muna silang makaharap. Ayaw ko din silang makipagkuwentuhan. Hindi dahil natatakot ako sa kanila kundi dahil hangang ngayun, hindi pa rin palagay ang loob ko sa kanila. "Magandang hapon din sa'yo, iha," nakangiting tugon ni Donya Celestina. "Halika. Maupo ka na rito at sabay na tayong kumain." Si
DEVI POV MABUTI na lang talaga at hindi na kami nagtagal pa sa loob ng palengke. Nang mas lalo pang dumami ang mga tao, wala nang nagawa si Winston kundi ang sundin ang payo ng mga security niya na bumalik na ng sasakyan. At mabuti na lang din at nakinig siya kung hindi, baka mas nauna na akong nagwalk-out Hindi dahil sa nag-iinarte ako kundi, hindi lang talaga ako sanay na maraming mga taong kumukuha ng larawan sa amin At bago kami umarangakada paalis, inuutos na lang ni Winston sa isa sa mga bodyguards niya kung ano pa ang mga dapat bilihin "Ayaw ko nang dumaan sa kahit saan, Winston ha!!. Antok na antok na talaga ako at uuwi na tayo.'" naiinis ko pa ngang wika sa kanya "Okay, uuwi na tayo." sagot din naman niya sa akin. Hindi na ako umimik pa dahil gusto kong ipakita sa kanya na naiinis talaga ako sa kanya dahil sa mga pinanggagawa niya Pero, mahirap pala kapag sobrang tahimik na din ng buong paligid. Dahil sa matinding antok, hIndi ko kasi namalayan na nakatulog pala a
DEVI POV "ANO ITO? SAAN ITO?" kunot noong tanong ko kay Winston. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siya pero parang ganoon na nga. Tuluyan nang lumiwanag ang buong paligid at kung hindi pa ako tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan, hindi ko malalaman na nandito pala kami sa isang palengke? Matao sa labas, may mga nakikita din akong mga vendors na abala sa pagtitinda ng kani-kanilang mga produkto sa bungad pa lang At ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang rason nitong si Winston at kung bakit nandito kami ngayun sa isang lugar na maraming tao "Ano na naman ito?" naguguluhan kong muling tanong sa kanya "Hey, relax...ako ang bahala." sagot din naman niya kaagad sa akin Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis. Imagine, buong gabing walang tulog tapos dadalhin niya ako sa palengke? Para saan? "Winston, hindi nakakatuwa." yamot kong wika "I know....pero, utos ito ng Mommy natin." nakangiting sagot niya "Ano? At paano na naman nadamay ang Nanay ko
DEVI POV "Bakit ka nakasimangot?" puno ng panundyo sa boses nitong si Winston habang nandito na kami sa loob ng kotse niya Oo, nakakain naman kami kanina sa loob ng coffee shop, nainom ko din ang hot chocolate na inorder niya, nakain ko din ang ilang slice ng pizza na inorder niya din para sa kanya. Pero, masama pa rin ang loob ko lalo na at bigla na lang dumami ang mga nagpapicture kanina at hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras na pagkuha ng larawan, walang ibang ginawa itong si Winston kundi ang akbayan ako. "Saan mo pa gustong kumain?" muling tanong niya sa akin. Na para bang hindi niya gets na naiinis na ako. Ang dami niyang mga pasakalye at imbes na sundin niya ang nais ko na umuwi na kami, nandito pa rin kami sa parking area ng coffee shop "Winston, halos alas sinko na ang umaga. Palagay mo ba may mapapasyalan pa ng ganitong oras ng umaga?" seryosong tanong ko sa kanya Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya at kung bakit siya ganito.
JANNA "Mahal man kita or hindi, mahalaga pa ba iyan sa ngayun Darren? Kung ano man ang namagitan sa ating dalawa noon, kinalimutan ko na iyun. Tangap ko nang hindi ka para sa akin kaya naman sana tigilan mo na ako.” Seryosong sagot ni Janna kay Darren Wala nang puwang para sa kanya ang lahat-lah
JANNA KAGAYA ng sinabi ni Vanilla, ipinakilala nga nito si Gabby kay Zakari na siyang labis niyang ikinatuwa. Kaagad na nagkasundo ang dalawa at dahil naiuwi sa usaping negosyo ang naging topic ng dalawa, hinayaan niya na. Para naman hindi ito ma-bored habang kasama siya. “So, kailan ang kasal
JANNA “GABBY, sigurado ka ba dito? I mean…dito talaga? Saan tayo pupunta?” nagtataka niyang tanong kay Gabby. Paano ba naman kasi, nandito sila sa helipad ng L. Razon International Inc. at kasalukuyan siyang inaalalayan ni Gabby na sumakay sa isang chopper. Wala siyang idea kung saan sila pupunta
JANNA “Ayos ka lang ba? Saan mo gustong pumunta ngayun?” maayos silang dalawa ni Gabby nakaalis sa birthday party ng mga anak ng kaibigan niyang si Vanilla at nandito na sila ngayun sa loob ng sasakyan. Tahimik nilang binabaybay ang medyo matraffic ng kalsada at hindi niya alam kung saan sila patu







