Mag-log in"Hindi ito isang laro lang, Vanilla. Simula noong pumayag kang maging girlfriend ko, hindi ka na makakatakas pa sa akin." salitang namutawi sa labi ni Zakari habang nakatitig sa magandang mukha ni Vanilla na nasa harap niya. Nag-umpisa ang lahat sa isang pagkukunwari at laro-laruang pag-ibig. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko ng kasintahan ni Vanilla na so Darren. Isang pagkukunwari lang naman sana ang lahat pero bakit parang gusto yata ni Zakari na totoohanin ang lahat at tuluyang agawin sa mismong kaibigan ang sarili nitong nobya? "Bro, ipinagkatiwala ko lang siya sa iyo pero hindi akalain na totoohanin mo pala ang lahat. Vanilla is my girlfriend. I love her at pwede bang ibalik mo na siya sa akin?" si Darren na walang ibang hangad kundi ang makuha ulit ang babaeng kanyang iniibig. Oo, nagkamali siya pero sana hindi iyun maging mitsa para agawin ng sarili niyang kaibigan ang kanyang nobya. Sino ang pipiliin ni Vanilla? Ang boyfriend niyang si Darren na nagawa siyang lokohin or si Zakari na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa kanya na pag-aari siya nito?
view moreSa isang mamahaling coffee shop, kaharap ni Vanilla ang Ina ng nobyo niyang si Darren na noon ay kitang kita sa matapobre nitong mukha ang pagkadisgusto sa kanya.
"Limang milyon, layuan mo ang anak ko." walang paligoy-ligoy nitong wika. HIndi naman maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya ni Vanilla. Hindi niya na din kasi mabilang kung ilang beses na siyang inofferan ng Ina ng boyfriend niyang si Darren ng pera para lang makipaghiwalay dito "Hindi ko po magagawa iyan, Madam! Nagmamahalan po kami ng anak niyo at hindi ko po kayang ipagpalit siya sa pera." buong pagpapakumbaba na sagot naman kaagad niya sa hilaw niyang manugang. "Then, six million...." nakataas ang kilay na muling wika ng Ginang. Muling umiling si Vanilla. Hindi kayang tumbasan ng pera ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanyang nobyo. "Seven million!" muling wika ng Ginang. Pataas nang pataas ang offer nito pero tanging pag-iling parati ang tugon ni Vanilla "Ipaglalaban ko po ang nararamdaman ko para sa anak niyo, Madam. Sorry po..." sagot niya din naman kaagad. "Okay, last offer. Ten Million...ten million, lubayan mo siya. Lubayan mo ang unico iho ko dahil kahit na ano ang gawin mo, hindi ako papayag na ikaw ang magiging asawa niya. Nakatakda na siyang magpakasal sa babaeng gusto namin. isang babae na may maipagmamalaki at ka-level namin sa lipunan. Hindi kagaya mo na isang hampas lupa!" seryosong wika ng ginang. Ni hindi man lang nito naisip na posibleng masaktan si Vanilla sa sinabi niya ngayun lang. "Sorry po. Hanga't kailangan po ako ni Darren, hindi ko po siya hihiwalayan. Sa inyo na po ang pera dahil hindi ko iyan kailangan." seryosong sagot naman ni Vanilla dito Masakit para sa kanya na makita na ganito na pala kababa ang tingin sa kanya ng Ina ni Darren pero wala siyang magagawa. Isa lamang siyang babae na galing sa mahirap na pamilya at gumagawa ng paraan para makaangat sa buhay. Kasalukuyan siyang nagta-trabaho sa isang government office bilang isang auditor at ang ganitong offer ng ginang sa kanya ay labis na nagpadurog sa puso niya. "Hmmm , masyadong matigas nag ulo mo, babae. Well, kung ayaw mo talaga...wala akong magagawa. Pero ito lang ang tandaan mo, never ka naming matatangap sa pamilya namin." nanlilisik ang mga matang wika nito. Kaagad namang nagbaba ng tingin si Vanilla dahil feeling niya sobrang liit ng tingin sa kanya ng mismong Ina ng nobyo niya. "Sorry po. Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako." mahinang sagot ni Vanilla sa kaharap niya. Pagkatapos noon, tinitigan niya muna ang walang bawas na kape na inorder kanina ng ginang para sa kanya. Sino ba naman kasi ang gaganahan na mag-kape kung ganito kagaspang ang ugali ng taong kaharap mo. "Okay, alam kong masyado ka pang emosyonal ngayun pero kung sakaling magbago ang isip mo, huwag kang mag-atubili na lumapit sa akin para kunin ang sampung million. Willing pa rin akong ibigay sa iyo iyun basta lumayo ka sa anak ko." seryosong wika ng Ginang at walang pag-aalinlangan na mabilis itong tumayo. Parang reyna na naglakad ito palabas ng coffee shop. Taas noo, sopistikada at unang tingin pa lang, halata talagang nakakaangat ito sa buhay. Samantalang hindi naman nagawa pa ni Vanilla na tumayo para umalis na. Ramdam niya kasi ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa matinding emosyon. Nagbabadya din ang luha sa kanyang mga mata at kung hindi lang nakakahiya, baka kanina pa siya umiyak. Kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa para tawagan ang kanyang nobyo. May usapan sila na magkikita sila dahil isasama siya nitoo sa birthday party ng abuelo nito pero parang gusto nang magbago ang isip niya ngayun. Feeling kasi niya hindi siya welcome doon lalo na at nagpahayag na ang Ina nito na hindi nga siya gusto. "Hey...babe. Napatawag ka?" nakailang ring pa lang, sumagot naman kaagad si Darren. "Darren, saan ka ngayun? Teka lang, bakit ganiyan ang boses mo?" seryosong tanong naman ni Vanilla sa boyfriend niya. "Ha? A-anong ibig mong sabhin, Babe?" "Darren, parang boses kakagising mo lang kasi eh. Nasa opisina ka ba? Dadaan ako diyan ngayun. May importante kasi akong sasabihin sa iyo eh."" seryosong wika ni Vanilla sa kanyang nobyo. Kaya lang mas lalo siyang nagtaka dahil mabilis siyang pinigilan ni Darren. Halata sa boses nito ang pagpa--panic. "NO! No, Babe!! It's okay! Mamaya, susunduin na nalang kita sa apartment mo para maisama kita sa kaarawan ng Lolo ko." nakangiting sagot nito "Pero, Darren. Iyan nga ang dahilan kaya ako tumawag sa iyo eh. Nagbago na ang isip ko. Hindi na--" naputol ang sasabihin ni Vanilla kasabay ng pagkunot ng kanyang noo sa matinding pagtataka nang marinig niya na para bang umuungol si Darren. "Ahhhhhh!" 'Darren, sure ka ba na ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Vanilla sa nobyo niya pero ganoon na lang ang pagkadismaya nya dahil tuluyan nang naputol ang tawag. Tinawagan niya ulit ang nobyo niya pero hindi na ito sumasagot. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala kaya isang pasya ang nabuo sa isipan niya. Pupuntahan niya ang nobyo niya sa opisina nito. Nag-aalala kasi siya eh. Kakaiba kasi ang ungol nang boyfriend niya at baka kung ano na ang nangyayari dito ngayun.DEVI POV "Magandang hapon po." Mahinahon kong bati sa mag-asawang nakaupo sa mahabang mesa ng hapag-kainan. Pareho silang sabay na napatingin sa akin. Si Don Amador ay tahimik lamang na humihigop ng kape habang nakababa ang salamin sa dulo ng kanyang ilong. Samantalang si Donya Celestina naman ay may bahagyang ngiti sa labi, ngunit hindi ko mabasa kung ano talaga ang nasa likod niyon. Sa totoo lang, gusto ko na lang na huwag na munang pumasok dito sa dining area. Gusto ko na lang magdahilan na hindi pa naman ako nagugutom. Kung maaari nga lang ay lumabas na lang ako dito sa villa at magkunwaring mas interesado akong mamasyal na lang muna kaysa kumain. Hangat maaari, ayaw ko kasi muna silang makaharap. Ayaw ko din silang makipagkuwentuhan. Hindi dahil natatakot ako sa kanila kundi dahil hangang ngayun, hindi pa rin palagay ang loob ko sa kanila. "Magandang hapon din sa'yo, iha," nakangiting tugon ni Donya Celestina. "Halika. Maupo ka na rito at sabay na tayong kumain." Si
DEVI POV MABUTI na lang talaga at hindi na kami nagtagal pa sa loob ng palengke. Nang mas lalo pang dumami ang mga tao, wala nang nagawa si Winston kundi ang sundin ang payo ng mga security niya na bumalik na ng sasakyan. At mabuti na lang din at nakinig siya kung hindi, baka mas nauna na akong nagwalk-out Hindi dahil sa nag-iinarte ako kundi, hindi lang talaga ako sanay na maraming mga taong kumukuha ng larawan sa amin At bago kami umarangakada paalis, inuutos na lang ni Winston sa isa sa mga bodyguards niya kung ano pa ang mga dapat bilihin "Ayaw ko nang dumaan sa kahit saan, Winston ha!!. Antok na antok na talaga ako at uuwi na tayo.'" naiinis ko pa ngang wika sa kanya "Okay, uuwi na tayo." sagot din naman niya sa akin. Hindi na ako umimik pa dahil gusto kong ipakita sa kanya na naiinis talaga ako sa kanya dahil sa mga pinanggagawa niya Pero, mahirap pala kapag sobrang tahimik na din ng buong paligid. Dahil sa matinding antok, hIndi ko kasi namalayan na nakatulog pala a
DEVI POV "ANO ITO? SAAN ITO?" kunot noong tanong ko kay Winston. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga siya pero parang ganoon na nga. Tuluyan nang lumiwanag ang buong paligid at kung hindi pa ako tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan, hindi ko malalaman na nandito pala kami sa isang palengke? Matao sa labas, may mga nakikita din akong mga vendors na abala sa pagtitinda ng kani-kanilang mga produkto sa bungad pa lang At ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang rason nitong si Winston at kung bakit nandito kami ngayun sa isang lugar na maraming tao "Ano na naman ito?" naguguluhan kong muling tanong sa kanya "Hey, relax...ako ang bahala." sagot din naman niya kaagad sa akin Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis. Imagine, buong gabing walang tulog tapos dadalhin niya ako sa palengke? Para saan? "Winston, hindi nakakatuwa." yamot kong wika "I know....pero, utos ito ng Mommy natin." nakangiting sagot niya "Ano? At paano na naman nadamay ang Nanay ko
DEVI POV "Bakit ka nakasimangot?" puno ng panundyo sa boses nitong si Winston habang nandito na kami sa loob ng kotse niya Oo, nakakain naman kami kanina sa loob ng coffee shop, nainom ko din ang hot chocolate na inorder niya, nakain ko din ang ilang slice ng pizza na inorder niya din para sa kanya. Pero, masama pa rin ang loob ko lalo na at bigla na lang dumami ang mga nagpapicture kanina at hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras na pagkuha ng larawan, walang ibang ginawa itong si Winston kundi ang akbayan ako. "Saan mo pa gustong kumain?" muling tanong niya sa akin. Na para bang hindi niya gets na naiinis na ako. Ang dami niyang mga pasakalye at imbes na sundin niya ang nais ko na umuwi na kami, nandito pa rin kami sa parking area ng coffee shop "Winston, halos alas sinko na ang umaga. Palagay mo ba may mapapasyalan pa ng ganitong oras ng umaga?" seryosong tanong ko sa kanya Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya at kung bakit siya ganito.
VENUS POV “Darren, may problema ba? Teka lang, akala ko ba susunduin mo lang ako? Bakit parang ibang way naman yata itong dinadaanan natin? Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko dito. Totoo naman kasi eh…salungat kasi ang tinatahak nitong daan pauwi ng bahay. "Hindi ba’t day off mo bukas?
Venus pov Sa paglipas ng mga araw, mas lalong naging maayos ang buhay ko. Kagaya ng inaasahan, nang malaman ng mga kamag-anak namin dito sa compound na may regular na akong trabaho sa isang kilalang hospital, nagbago ang kapalaran ko. Kung noon, ang baba ng tingin nila sa akin at sa mga magulan
VENUS POV Pagkatapos namin kumain ni Aldrin, muli kaming tumawid ng kalsada patungo sa pinapasukan naming hospital. Hindi ko pa nga maiwasan na magtaka nang madaanan namin ang magandang sasakyan. Hindi pa rin ito umaalis doon at halatang may tao sa loob dahil bukas ang makina noon. Gayunpaman,
VENUS POV “I-ikaw nga! Darren?” gulat kong bigkas. Gosh, sino ba naman ang hindi magugulat kung nandito sa harapan mo ang isang taong hindi mo inaasahan muling makikita “May iba ka pa bang taong ini-expect na makita ulit ngayun? Teka lang, halika na. Hanap tayo ng rignt place kung saan tayo pwe












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Ratings
RebyuMore