LOGINHindi pa tuluyang nawawala ang bulungan sa paligid nang maramdaman ni Fiona ang kamay ni Theo na humawak sa kaniya.“Hindi ba’t si Angel ang dapat mapapangasawa ni Theo?”“Akala ko, napagkasunduan na iyon ng dalawang pamilya.”“At saka, hindi ba galit ang mga Alarcon sa mga Ayala?”Naramdaman ni Fiona ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Sa dami ng kamag-anak na naroon, pakiramdam niya ay isa siyang estrangherang biglang pumasok sa isang kuwentong matagal nang isinulat para kina Theo at Angel.Ngunit bago pa siya makabitaw sa kamay ng asawa, lalo iyong hinigpitan ni Theo.“Para malinaw sa lahat,” mariing sabi nito.Unti-unting natahimik ang buong paligid.Hinarap ni Theo ang mga kamag-anak bago siya hinila nang bahagya palapit sa tagiliran nito.“Ipinapakilala ko si Fiona Ayala. Siya ang asawa ko. Hindi siya bisita sa bahay na ito.” Bumaba ang tingin nito sa kaniya. “Bahagi na siya ng pamilya natin.”Parang may kung anong marahang tumama sa dibdib ni Fiona.Hindi lamang siya ipinagtan
“Pero ibang usapan ang apo ko. May dugo siyang Alarcon,” sabi ni Don Alexander.Humigpit ang hawak ni Fiona sa kaniyang mga daliri.“At mula ngayon,” dagdag nito, “hindi mo na siya pwedeng ilayo sa amin.”“Hindi ko po ilalayo sa inyo si Nate,” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi rin po ako papayag na kunin ninyo siya sa akin.”Bahagyang tumalim ang mga mata ng matanda.“Hindi ko kukunin ang bata sa’yo. Gusto ko lamang mabawi ang panahong nawala sa amin.”“Pa, huwag po ninyong takutin si Fiona.”Sabay silang napalingon.Nakatayo si Theo sa pintuang patungo sa hardin. Hindi niya alam kung gaano katagal itong nakikinig, ngunit malinaw ang pagtatanggol sa tono nito.Lumapit ito at tumayo sa tabi niya.“Si Fiona ang nagpalaki kay Nate nang mag-isa,” patuloy nito. “Nagkamali siya sa pagtatago sa akin ng anak namin, pero hindi ibig sabihin no’n na maaari nating kalimutan ang lahat ng isinakripisyo niya.”“Theo—” mahinang tawag ni Fiona.Hindi nito inalis ang tingin sa ama.“Kung gusto ninyon
Ngumiti si Nate. “Mommy ko po si Fiona Ayala.”Parang tumigil ang tibok ng puso ni Don Alexander.“Ikaw…” Napalunok siya. “Ikaw ang anak ni Theo?”“Opo.”Mabilis niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Binuksan niya ang isang litrato ni Theo.Ipinakita niya iyon kay Nate.“Siya ba ang daddy mo?”“Opo!” Agad lumiwanag ang mukha ng bata. “Bakit po may picture niya kayo? Kilala n’yo po siya?”Hindi siya nakasagot.Muling sumiklab ang galit sa dibdib niya.Limang taon silang pinagkaitan ng pagkakataong makilala ang sariling apo.Limang taon silang walang kaalam-alam na may apo sila.Ngunit nang makita niyang unti-unting nawawala ang ngiti ni Nate, agad niyang pinigil ang galit.“Bakit po?” mahinang tanong nito.Marahang hinawakan ni Alexander ang magkabilang balikat ng bata.“Anak ko si Theo,” paos niyang sabi. “Ang daddy mo.”Nanlaki ang mga mata ni Nate.“Ibig sabihin…”Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ni Alexander.“Apo kita. Tunay kitang apo.”“Wow!” Napatalon ang bata sa tuwa
Biglang tumunog ang cellphone ni Theo sa ibabaw ng mesa.Nang makita ang pangalan ni Angel sa screen, agad nitong sinagot at inilagay sa loudspeaker.“Ano’ng balita?”“May nakita akong kaparehong routing code sa lumang authorization ng lupang dating pag-aari ng mga Alarcon,” sagot ni Angel.Nanigas si Theo.Unti-unting nawala ang lambing sa mukha nito. Maging ang kamay nitong nakahawak sa mga dokumento ay humigpit.“Sigurado ka?”“Oo. Magkaparehong-magkapareho ang routing code na ginamit sa financial projections at sa lumang authorization.”Napatingin si Fiona sa asawa.“Anong ibig sabihin niyan?” tanong niya.Saglit na natahimik si Angel.“Posibleng ang taong gustong pabagsakin ang kasalukuyang pamumuno ng Ayala Premier ay konektado rin sa pagkawasak ng pamilya ni Theo noon.”Parang biglang nanlamig ang buong silid.“May pangalan ka na?” mariing tanong ni Theo.“Wala pa. Hindi sapat ang routing code para magbintang. Kailangan natin ng matibay na ebidensiya at kung maaari, isang taong
Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan.Nakatitig si Felicity sa labas habang nagmamaneho si Damon.Maya-maya, nilakasan ni Damon ang aircon.“Masyadong mainit,” sabi nito.“Ang lamig na nga.”Hindi sumagot si Damon. Nang mapansin nitong kinukuskos niya ang magkabilang braso, kinuha nito ang coat sa likod at inilapag sa kandungan niya.Inirapan iyon ni Felicity, ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay tahimik ding isinuot.Pagdating nila sa unang investor, agad silang pinapasok sa pribadong opisina nito.“Hindi kami kusang umatras,” pag-amin ng lalaki. “May nagpadala sa amin ng confidential financial projection. Nakasaad doon na babagsak ang Ayala Premier sa loob ng anim na buwan.”“Sino ang nagpadala?” tanong ni Felicity.Umiling ang lalaki.“Hindi ko na matandaan ang pangalan. Pasensya na kayo, iyon lang ang masasabi ko.”“Pwede bang mahingi ang kopya ng email?” malambing na tanong ni Felicity.Matagal siyang tinitigan ng lalaki bago ngumiti.“Pwede. Pero baka puwede rin tayong ma
Agad na nagtungo sina Fiona at Theo sa ospital upang makita si Lucio.“Ninong Lucio…” ani Fiona habang papalapit sa kama.Nakadilat na ang mga mata ni Lucio, ngunit hindi pa rin nito halos maigalaw ang katawan. Maputla ang mukha nito at may nakakabit pang mga tubo at monitor sa paligid. Ilang linggo na itong walang malay, kaya kahit ang simpleng paggalaw ng mga daliri ay tila nahihirapan ito.Nang makita siya, bahagyang gumalaw ang mga mata ni Lucio.Pilit nitong ibinuka ang bibig.“Fi…”Walang malinaw na salitang lumabas.Agad hinawakan ni Fiona ang kamay nito.“Ninong, huwag muna kayong magsalita. Magpalakas muna po kayo. Nandito lang kami.”Ngunit sa halip na kumalma, lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kanya.Ramdam ni Fiona sa mahigpit nitong pagpisil na may mahalagang nais itong sabihin.Pilit nitong iniangat ang isang kamay at itinuro ang coat ni Theo.Kumunot ang noo ni Theo.“Ano po iyon?”Muling itinuro ni Lucio ang bulsa ng coat kung saan nakasilip ang ballpen.Agad iyon ki
“Hello, Lucas? Nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” anang babae sa kabilang linya.Tumigil ang mundo ni Maya. Ang boses, kalmado pero may talas, si Ma’am Iris ng HR.Bago pa niya maproseso, mabilis na lumapit si Lucas, inabot ang phone, pero huli na. Nakatingin na si Maya sa kanya,
Inabot ni Maya ang kamay kay Lucas.Lucas’s hand slid to the small of her back as they moved in rhythm, bodies so close na halos wala nang hangin na makakasingit sa pagitan nila.The scent of his cologne, wrapped around her senses, at pati tibok ng puso niya ay parang nakikisabay sa tibok ng puso n
“I’m leaving, tara na,” ani Lucas.Natigilan si Camille. Akmang hahawakan ang pinto na kung hindi niya nakita ay hindi niya malalamang pintuan pala.Sumabay ang babae kay Lucas.“Kailan ka pupunta sa bahay? Gusto kang makausap ng parents ko. Let’s talk about business and us…” ani Camille na kumapit
Masyadong mabilis ang kilos ng CEO, ang bawat galaw nito ay kalkulado. Hindi tuloy naaninag ni Maya ng buo ang mukha nito. Itim at makapal na buhok lang ang nakita niya na kaparehas ng kay Lucas. Obsessed na yata siya kay Lucas kaya nakikita niya ito sa CEO. O obsessed siya sa CEO kaya kahit kay Luc







