LOGINNanigas si Fiona.“Ano’ng ginagawa mo?”“Body heat. Wala akong dalang jacket.”“Ang galing ng excuse mo para makayakap.”Dapat kumalas siya. Dapat sinabi niyang hindi niya kailangan. Dapat inalala niya na kakasabi lang niya sa sarili niya kaninang umaga na hindi dapat maulit ang nangyari kagabi.Pero malamig.At mainit si Theo.At pagkatapos ng limang taon na sanay siyang yakapin ang sarili niya kapag natatakot, may isang parte ng puso niyang nanghina sa simpleng pakiramdam na may yumayakap sa kanya nang walang hinihinging paliwanag.“Hindi ibig sabihin nito okay na tayo,” bulong niya.Naramdaman niya ang mahinang paghinga ni Theo sa buhok niya.“Alam ko.”Mas hinigpitan nito nang kaunti ang yakap. Hindi sapat para kulungin siya. Sapat lang para pigilan ang panginginig niya.Matagal ang ulan.Unti-unting naging putik ang lupa sa paligid. Ang daang paakyat ay halos kulay tsokolate na. Sa pagitan ng mga patak ng ulan, kita niya ang unti-unting pagdilim ng paligid. Hapon na. Kung maghihi
“Kay Theo ako sasama,” sabi ni Fiona.Hindi ngumiti si Theo. Pero may munting pagbabago sa mga mata nito.Tumikhim si Angel. “Then ako kay Neil.”Napatingin si Neil kay Angel.Bahagyang ngumiti ang dalaga. “Mukhang hindi naman ako mapapahamak kay Mr. Madrigal.”Sa labas, mabilis nilang nalaman na walang available na sasakyan papunta sa barangay. May fiesta pa rin sa bayan, halos lahat ng van ay nakaarkila na, at makitid daw ang daan papunta sa lugar. Ang tanging pinakamabilis na paraan ay motor.“No,” agad na sabi ni Fiona nang makita ang dalawang motor na inuupahan nina Theo at Neil.“Ako rin,” dagdag ni Angel, nakatingin sa putik sa gilid ng kalsada.“Mas mabilis ito,” sabi ni Neil.“Mas mabilis din akong mamatay,” sagot ni Fiona.Lumapit si Theo sa kanya habang inaabot ang helmet. “Hindi kita pababayaan.”“Sinabi rin siguro ’yan ng lahat ng lalaking sumemplang.”“Maingat akong magda-drive kaya huwag kang matakot,” sabi nito habang inaayos ang helmet niya.Bahagyang dumampi ang mga
“Say stop, Fiona,” mahinang sabi ni Theo. “Kung ayaw mo na.”Nasa ibabaw niya ito, ang isang kamay ay nakasandal sa kama sa tabi ng balikat niya, ang isa ay maingat na nakahawak sa gilid ng mukha niya. Sapat ang layo para makaiwas siya kung gugustuhin niya.Pero hindi siya umiwas.Hindi niya ito pinahinto.Sa halip, dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang batok ni Theo.Sa mga mata nito, nakita niya ang pagpipigil at pag-aalangan. Ngunit mas nangingibabaw ang init at pananabik.Kaya si Fiona ang unang humalik.Maingat noong una. Pero nang hindi siya umatras, nang hilahin niya ito palapit, doon lumalim ang halik ni Theo.Napapikit siya.Limang taon ng pananabik ang sumabog sa pagitan nila.Hindi iyon halik ng dalawang taong sigurado sa bukas. Halik iyon ng dalawang taong pagod nang magpanggap na wala na silang nararamdaman. Halik ng dalawang taong maraming tinagong sakit, maraming hindi nasabing salita, at maraming gabing nagkunwaring hindi nangungulila.Halos kapusin ang
Ramdam ni Fiona ang init ng sandali. Nasa ibabaw niya si Theo.Napapikit si Theo, tila pinipigil ang inis at pagkadismaya.“Sagutin mo, baka importante,” bulong nito.Kahit nanginginig pa ang kamay, kinuha ni Fiona ang phone sa bedside table.Si Felicity.Kinabahan agad siya.“Ate?” Mahina ang boses ni Felicity, pero ramdam agad ni Fiona ang takot doon. “Ate… parang may sumusunod sa amin ni Nate kanina habang nasa mall kami.”Nanlamig ang buong katawan niya.“Nasaan kayo ngayon?” mabilis niyang tanong.Nakita niyang tumuwid agad ang likod ni Theo.“Nandito na kami sa Ayala Bay Resort,” sagot ni Felicity. “Safe naman kami. May guards dito. Pero ipinaalam ko sa ’yo kasi… Ate, natatakot ako. Nakita ko ulit iyong itim na sasakyan sa labas ng mall. Tapos noong umalis kami, parang may sumunod hanggang main road.”Napahawak si Fiona sa dibdib. “Nasaan si Nate?”“Natutulog na. Hindi niya alam.”“Good. Listen to me, Felicity.” Sinubukan niyang patatagin ang boses. “Lock the room. Huwag kayong
Dapat tinanggihan ni Fiona si Theo. Pero ilang minuto lang, nakaupo na sila sa maliit na mesa sa gilid ng bar. Si Theo ang unang uminom. Tahimik niya itong pinanood habang tumitikim ito ng maliit na baso ng fruit wine.“Oh?” tanong niya. “Masarap?”“Matamis.”“Talaga?”“Oo, try mo.”Inabot nito sa kanya ang maliit na baso.“Kung masama ang lasa nito, ikaw ang sisisihin ko.”“Masarap siya.”Dahan-dahan siyang uminom ng kaunti. Agad siyang napangiwi.“Ang tapang!”Natawa si Theo.Pero makalipas ang ilang minuto, ininom niya ang natira. At nagsalin pa.Nahuli siya ni Theo.“Akala ko matapang?”“Mapait nga.” Itinaas niya ang baba. “Pero sayang ang bayad. Tsaka masarap ang lasa.”Nagsalin pa siya ulit sa baso.“Fiona, baka malasing ka.”“Hindi. Nag-chi-chill lang.”“Okay ka lang?” mahinang tanong nito ng napahawak siya sa ulo.“Tama na ‘yan, nahihilo ka na.”“Bubuhatin mo ba ako kapag nahilo ako?”“Oo naman.”Natigilan siya.Umiwas siya ng tingin bago pa bumigay ang puso niya.“Tara na, umu
May nakitang booth ng shooting game sina Theo sa kabilang bahagi ng plaza. Maliit na air gun, mga lata na kailangang patumbahin, at stuffed toys na nakasabit bilang premyo.“Try natin,” sabi niya, para lang makaiwas sa usapan.Napataas ang kilay ni Theo. “Ikaw?”“Ano? Sa tingin mo hindi ako marunong?”“Wala akong sinasabing ganoon.”Nagbayad si Theo. Iniabot sa kanya ng tindero ang maliit na air gun. Unang tira niya, hindi man lang tinamaan ang lata.Tahimik si Theo.Tiningnan niya ito. “Huwag kang tatawa.”“Hindi ako tumatawa.”“Tumatawa ka.”Wala siyang tinamaan kahit isa.Sa huli, si Theo ang sumubok. Tatlong sunod na lata ang natumba. Napasigaw ang tindero at ibinaba ang maliit na stuffed toy, isang brown bear na may red ribbon.Inabot iyon ni Theo sa kanya.“Para sa ’yo.”Umiling siya at hindi kinuha. “Para kay Nate.”Natigilan ito.Ilang segundo nitong tinitigan ang stuffed toy. Pagkatapos ay maingat iyong hinawakan, parang biglang naging mahalagang bagay.“Magugustuhan kaya niya
Nagising si Jenny sa malamig na pakiramdam ng kumot sa kanyang balat. Mabigat ang ulo niya at parang tinutusok ang sentido. Napasinghap siya nang mapansin ang lalaking natutulog sa tabi niya. Mataba, may edad na, at may malakas na hilik. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig.Sinipat niya ang sa
“Seb, hindi na ako virgin. May naunang lalaki--” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil humagulgol na siya ng iyak.Kitang kita niyang tila nasabugan ng bomba si Sebastian. Napatingin ito sa kanya, nanlilisik ang mata.“Ano'ng ibig mong sabihin?” anitong puno ng panlulumo.“Hindi ikaw ang unang
“Hi, ikaw si Jenny, right?” tanong nito na may kasamang magiliw na ngiti. “I’m Noah. Kapatid ako ni Sebastian. I just joined Tuazon Group ngayong linggo.”“Ah, hello po,” sabi niya, bahagyang yumuko. “Welcome po.”Nagulat siya nang makipagkamay si Noah at hindi ito umalis kaagad. Nagkuwento ito na i
“Jen, be honest, I want to know kung pareho tayo ng nararamdaman,” sabi ni Sebastian.“Seb, hindi na mahalaga kung ano ang nararamdaman ko. Hindi tayo bagay. Langit ka, lupa ako. Hindi tayo para sa isa’t isa.”“Uulitin ko ang tanong, do you like me? Be honest.”“Sebastian… gusto din kita,” mahina at







