Mag-log inMaraming salamat sa inyong pagbabasa, comments, at sa pagbibigay ng gifts at gems. Malaking bagay ito para sa akin bilang author. Love you all!
Walang hikbi o ingay ang pagpatak ng luha niya habang hawak siya ni Theo sa hallway ng ospital.“Pagod na ako,” bulong niya.Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya. “Then rest for a while.”Napatingin siya kay Theo.“Ako muna ang magbabantay,” sabi ni Theo.Gabi na nang ilipat si Lucio sa isang private room para bantayan at obserbahan. Unconscious pa rin ito. Nakakabit sa oxygen. May suwero. May monitor na paulit-ulit ang tunog.Nagpadala na sila ng mensahe kina Neil at Angel nang makakuha sila ng signal. May security na paparating.Pero habang wala pa ang mga iyon, si Theo ang nanatili sa labas ng kuwarto ni Lucio.Si Fiona, pagod na pagod, ay nakaupo sa mahabang upuan sa hallway. Nakapikit siya, pero hindi tulog. Bawat tunog ng sapatos, bawat pagbukas ng pinto, bawat yabag ng tao ay naririnig niya.Hanggang sa may dumaan na nurse.Nakasuot ito ng mask. May hawak na tray. Diretso itong pumasok sa kuwarto ni Lucio.Sa una, hindi gumalaw si Fiona.Pero pakiramdam niya parang may kak
Mabuti na lang at mabilis si Theo.Nasalo nito ang matanda bago tuluyang humampas sa sahig. Agad nitong inilapag si Lucio nang maingat, isang tuhod ang nakaluhod sa lumang sahig habang sinusuri ang paghinga nito.“Lucio!” mariing tawag ni Theo.“Fiona, tignan mo ang gamot baka may dapat siyang inumin.”Nanginginig ang mga kamay ni Fiona habang dinampot ang mga bote ng gamot.“Ninong, gumising po kayo!” Nanginginig na lumapit si Fiona. “Please, gumising kayo!”“Fiona.” Matigas pero kalmado ang boses ni Theo. “Huwag kang magpanic.”Hindi niya magawa.Parang may bakal na nakapaikot sa dibdib niya. Kanina lang, magsasalita na si Lucio. Kanina lang, malapit na niyang malaman kung sino ang taong sumira sa kanila. Kung sino ang gumamit sa pangalan ni Theo. Kung sino ang dahilan kung bakit limang taon silang nagdusa.Ngayon, nakahandusay si Lucio sa sahig.“Fiona,” ulit ni Theo, mas malumanay pero madiin. “Huminga ka ng malalim.”Napakurap siya.Doon lang niya napilitang humugot ng hangin.“H
Biglang huminto ang kalabaw at yumuko para kumain ng damo sa gilid ng daan.Napatingin si Fiona sa langit. “See? Ako naaawa sa kalabaw.”“Breakfast break,” sabi ni Theo.“Pati kalabaw may break. Sana all!”“May kayakap ka kagabi. Okay na ‘yon.”Mabilis niyang hinampas ito.Napangiwi si Theo, pero pigil ang tawa.“Alam mo dapat maglakad ka na lang, kawawa ‘yong kalabaw, ang bigat mo,” aniya kay Theo.“No way, kayang-kaya ako ng kalabaw.”Nang makarating sila sa bahagi ng daan na sobrang putik at may maliit na sapa, kailangan nilang bumaba. Alanganin ang hakbang ni Fiona dahil sa paa niya.Agad na lumapit si Theo.“Kaya ko,” sabi niya.“Alam ko.”“Then bakit mo ako binubuhat?”“Baka madulas ka na naman.”Bago pa siya makaprotesta, binuhat na siya nito.“Theo!”“Shh. Baka mainggit ang kalabaw. Sabihin niya, sana all binubuhat.”Hindi niya napigilan ang tawa. Napakapit siya sa leeg nito habang tinatawid siya sa maputik na bahagi. Nang makarating sila sa kabila, maingat siyang ibinaba nito
Tatlong mabibigat na katok ang umalingawngaw sa loob ng kubo.Mabilis na tumayo si Theo at humarang sa harapan niya, ang isang kamay ay bahagyang nakaangat, parang handa itong saluhin kahit anong panganib na papasok sa pinto.“Tay Ruben?” tawag ng boses mula sa labas. “Okay lang po kayo riyan? Malakas ang ulan. Baka po may kailangan kayo.”Nakahinga ng maluwag si Fiona, pero hindi pa rin nawala ang paninikip sa dibdib niya. Ganito na ba siya ngayon? Isang katok lang, nanginginig na ang loob niya.Binuksan ni Tatay Ruben ang pinto nang kaunti. Bumungad ang isang lalaking basang-basa ang kapote, may hawak na flashlight.“Okay lang kami rito,” sabi ni Tatay Ruben. “May napasilong lang na mag-asawa. Naabutan ng ulan.”Napalingon si Fiona kay Theo nang marinig ang salitang iyon.“Tulungan po ba namin?” tanong ng tanod.“Hindi na. Bukas ko na sila ihahatid sa burol kung tumila ang ulan. May naiwan silang motor sa bungad.”Tumango ang tanod. “Sige po, Tay. Kami na po ang bahala sa motor.”Na
“Saan po siya makikita?” tanong ni Theo.Itinuro ni Tatay Ruben ang direksyon ng burol sa labas. “Doon pa ’yan nakatira sa dulo. Sa lumang bahay na malapit sa malaking balete. Hindi siya palaging naroon. Pero may mga gabing may ilaw sa bahay niya.”Bumilis ang tibok ng puso ni Fiona.“Naroon po kaya siya ngayon?”Tumingin si Tatay Ruben sa bintana. Patuloy ang buhos ng ulan. Madilim na ang paligid. Halos wala nang makita.“Hindi kayo puwedeng tumuloy ngayon,” sabi nito. “Madulas ang daan. Walang ilaw. Baka mapahamak pa kayo.”Napalunok si Fiona.“Bukas,” dagdag ni Tatay Ruben. “Sasamahan ko kayo. Mas kabisado ko ang daan.”***Samantala, sa Ayala Bay Resort, mabilis na naglakad si Felicity palabas ng meeting room malapit sa pavilion. Kakatapos lang ng meeting niya sa investors.Kinausap niya ang staff tungkol sa pagkain ni Nate, sa access ng service elevator, at sa listahan ng mga taong puwedeng lumapit sa kuwarto nila. Iniwan niya si Nate kay Yaya Nita, kasama ang dalawang bodyguard
Sa labas, patuloy ang malakas na ulan.“Basang-basa kayo. Teka at ikukuha ko kayo ng damit ng mga anak ko. Hindi na nila naisusuot, at pareho silang nasa siyudad. Ako nga pala si Lorna. Ito naman ang asawa kong si Ruben.”“Tatay Ruben,” singit ng matandang lalaki. “Nanay Lorna ang tawag ng mga tao sa kanya dito.”“Hindi na po kailangan ng damit. Nakakahiya naman po,” mabilis na sabi ni Fiona.“Kailangan niya po,” sabay na sabi ni Theo. “Kahit pambabae lang po para sa kanya, Nanay Lorna.”Maya-maya, bumalik si Nanay Lorna dala ang isang bestida na kulay pink na may maliliit na bulaklak, at isang plain na damit panlalaki.“Ito, iha. Medyo luma na pero malinis ‘yan. Ikaw naman, iho, ito ang gamitin mo.”“Maraming salamat po,” sabi ni Theo.May kurtinang naghahati sa maliit na bahagi ng kubo. Doon itinuro ni Nanay Lorna si Fiona para makapagpalit.Tumayo si Fiona, pero napangiwi siya dahil sa paa.Agad siyang inalalayan ni Theo.“Kaya ko,” bulong niya.“Alam ko,” sagot nito. “Pero aalalay
Kumatok si Dahlia, may bitbit na mangkok na may takip si Maya.“Mang Dennis! May dala po kaming lugaw!”Mabilis na napalingon si Lucas.“Oh no,” bulong niya, napatayong bigla. Nasa harapan pa rin niya sina Iris at Daryl.“Bro,” sabi ni Daryl, “Si Maya ba ‘yun?!”“Kuya, anong gagawin namin? Baka maki
Hinawakan ni Lucas si Maya. “Pumasok ka na sa loob. Titignan ko. Baka hayop lang ‘yon.”Dahan-dahan itong tumango. “Salamat, Mang Dennis.”“Wala ‘yon,” mahinahon niyang sagot, tinatago ang kaba. Pero habang tinitingnan niya ang babae, may isang panata siyang muling binuhay sa puso.Kahit anong mangy
“Huwag mong sagutin,” ani Lucas.“Naku, mangungulit ‘to.”“Sabihin mo, hindi mo ako kasama at hindi mo alam kung nasaan ako.”Sinagot ni Daryl ang tawag.“Where is he?” bungad ni Camille. “Tell me where Theodore Lucas Esguerra is, Daryl.”Nagkatinginan ang dalawa.“Hello, Ma’am Camille, hindi ko po
“Hello, Lucas? Nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” anang babae sa kabilang linya.Tumigil ang mundo ni Maya. Ang boses, kalmado pero may talas, si Ma’am Iris ng HR.Bago pa niya maproseso, mabilis na lumapit si Lucas, inabot ang phone, pero huli na. Nakatingin na si Maya sa kanya,







