ホーム / Romance / Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake / Chapter 27 "Sino Ka Uncle Drake?"

共有

Chapter 27 "Sino Ka Uncle Drake?"

作者: Madam Ursula
last update 公開日: 2026-04-21 20:43:20

Paglabas ko mula sa silid ni Uncle Drake, napahinto ako sandali at napabuntong-hininga. Nanginginig pa rin nang bahagya ang tuhod ko habang ang isipan ko ay tila binalot ng matinding pagkalito at pagdududa. Madalas kong marinig sa bibig ng lalaking iyon na hindi niya hiniling na ako ang maging kolateral. Paulit-ulit niyang sinasabi na may plano raw kami ni Itay, ngunit ni isa, wala akong maintindihan sa mga salita niya.

Lalong lumalim ang gusot sa noo ko habang binabalikan ko ang mga pangyayari
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 57 'Mga Alon Sa Karagatan'

    Gaya ng karagatan, hindi mananatiling payapa at walang alon ang lahat ng bagay sa mundo. Gaya rin ng panahon, hindi maaaring laging maaraw, maliwanag, at walang ulan. Darating at darating pa rin ang mga pagbabago at pagsubok na susubok sa tibay ng lahat. Sa nakalipas na ilang buwan, tila napawi na ang lahat ng lungkot at katahimikan sa mansyon ni Drake. Ang dating madilim at seryosong kapaligiran ay napalitan ng kulay at sigla dahil sa presensya ni Abby. Malaki ang naging pagbabago ng dalaga. Ito ang nagbigay ng buhay at tamis sa tahanan at puso niya. Para kay Drake, naging mas magaan at makulay ang bawat araw na kasama niya. Isang hapon, nakatayo si Abby sa terrace ng malaking mansyon habang nakatanaw sa malayo at hindi mapakali sa paghihintay. Nagpaalam kasi sa kanya si Drake na pupunta lang saglit sa isa pang casino nito sa Pangasinan, at sinabi nitong baka gabi na rin siya makabalik. Kahit alam niyang may dahilan ang pag-alis nito at hindi naman dapat mag-alala, hindi pa rin n

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 52 'Ang Bagong Reyna'

    Ngunit gaya ng lahat ng magagandang panahon, kailangan din itong magwakas balang araw. Dumating ang araw na kailangan na nilang bumalik sa siyudad. Natapos na ang mala-paraiso niyang sandali ni Drake sa napakagandang lugar na iyon. Isang lugar na tatak sa alaala ni Abby at marahil isa sa mga masasayang sandali na hindi niya makakalimutan. Bago sila umalis, tumayo sila sa may dalampasigan at muling tumingin sa paligid na naging saksi sa kanilang masasayang araw.“Tapos na ang ating pahinga,” sabi ni Drake habang inilalagay ang braso sa balikat ni Abby. “Pero huwag kang mag-alala. Kahit bumalik tayo sa magulong mundo, dala natin ang kapayapaang naramdaman natin dito. At basta magkasama tayo, kakayanin natin ang lahat.”Tumingala si Abby sa kanya at tumango nang may kumpiyansa.“Oo, kakayanin natin. Kahit anong mangyari, magkasama tayo,” sagot niya.Sumakay na sila sa sasakyan pauwi, dala ang magagandang alaala, ang matibay na pangako, at ang pag-asa na sa kabila ng mga pagsubok na nagh

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 51 'Ang Pagtangap Sa Kolateral'

    Pumasok sila sa loob ng kwarto. Mahina lang ang ilaw, nagbibigay ng mainit at maaliwalas na paligid. Marahang inilapag ni Drake si Abby sa malambot na kama at sumandal siya sa tabi nito, hindi mabilis o padalos-dalos, kundi puno ng pag-iingat.Nanginginig nang kaunti ang katawan ni Abby, hindi sa takot kundi sa halo-halong kaba at tuwa. Napansin ito ni Drake, kaya hinaplos niya ang kanyang pisngi para kumalma siya. “Huwag kang kabahan, Abby. Hindi kita pipilitin sa anumang bagay. Kung kailangan mo ng panahon, hihintayin kita. Gusto ko lang iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal,” malumanay na wika ni Drake. Ngumiti si Abby at hinawakan ang mukha ng asawa.“Alam ko ‘yan, Drake. At gusto ko rin… gusto kong ibigay ang sarili ko sa’yo nang buong-buo. Ikaw lang ang lalaking pinagkakatiwalaan ko nang lubos,” sagot niya nang mahina pero tapat. Dahan-dahang hinalikan ni Drake ang bawat bahagi ng mukha ni Abby. Ang noo, ang mga mata, ang pisngi, at ang mga labi. Ang bawat haplos ng kany

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 50 ' Ang Pangakong Walang Hanggan'

    Nang sumunod na mga araw, naging masigla at puno ng lambingan ang vacation house na iyon ni Drake. Pansamantala ay parang nalimutan naman ni Abby ang mga alalahanin.Pakiramdam pa nga niha, sinasadyan ni Drake na umaga nang maaga mula sa mga pagbisita sa negosyo nito, lalo na sa dalawang branch ng casino nito. Hindi katulad dati na inaabot ito ng madaling-araw kapag galing sa casino.Sa loob ng isang linggo ay hindi nabanggit ni Drake ang kanyang ama o kung anuman ang alalahanin nito. Sa gabi naman ay hindi na muling narinig ni Abby ang pangalang iyon kahit sa pamamagitan ni Drake. Ang mga araw na nagdaan ay naging napakahaaga at nagpasaya kay Abby. Hanggang sa isang linggo pa ang lumipas, nasurpresa si Abby sa kanyang paggising. Wala si Drake sa kanyang tabi, ngunit naroon si Manang at bitbit ang kanyang almusal. "Manang, bakit nyo pa 'yan dinala dito? Bababa lang po ako para kumain. Nasa ibaba na po ba si Drake."Senyorita, dito na daw po kayo kumain ng breakfast in bed. Pagkatap

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 49 'Ang Muling Pag-Ngiti '

    Kaya sa halip na ibunyag ang masakit na katotohanan, pinili niyang bumuo ng kwentong sapat upang mapatahan ang dalaga, kahit na ibig sabihin nito ay dadalhin niya ang lihim habambuhay sa kanyang dibdib. "Hindi ko na kayang ikuwento pa nang mas detalyado, Abby," garalgal na sabi niya habang nakayuko pa rin, pinipigilan ang panginginig ng kanyang boses. "Sapat na ang malaman mong matagal na siyang wala sa buhay ko. Ang nakaraan na iyon ay puno ng sakit at pagtataksil, at ayaw kong ibahagi pa iyon sa iyo dahil hindi mo karapat-dapat na madamay sa dumi ng nakaraan ng iba. Ang mahalaga... ikaw ang narito ngayon. Ikaw ang aking pipiliin araw-araw mula ngayon." Dahan-dahan siyang tumingin kay Abby, at pilit niyang tinatago ang pait sa kanyang mga mata. "Patawarin mo ako kung nabigla ako at nabalisa kanina. Pangako... hindi na muling mababanggit ang pangalang iyon. Wala na siyang puwang sa puso ko. Ikaw na lang, Abby. Ikaw na lang ang mahalaga sa akin." Lumapit siya at dahan-dahang niyakap

  • Lustful Desire : Save Me, Uncle Drake   Chapter 48 'Anino Ng Kahapon'

    Naiwang nakatulala si Abby sa gitna ng magulong kumot, habang ang lamig ng hangin na pumapasok mula sa nakabukas na pinto ng balkonahe ay tila tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Ang ligaya at kapanatagang naramdaman niya ilang sandali pa lamang ay biglang naglaho, napalitan ng matinding kirot at pagdududa. Ang pangalang hindi niya lubos na marinig nang malinaw, ngunit sapat na upang gunitain ang parehong pangalan mula sa nakaraan, ay umuulit-ulit sa kanyang isipan na parang isang sumpa. "Sino siya, bakit nababbggit ka niya.Ilang ulit na. Ikaw ba ang nakaraan?Ikaw ba ang dahilan kaya mailap siya?"nabalot ng mga tanong ang isip ni Abby. Hindi siya maaaring magkamali. Ang tono ng boses ni Drake, ang takot at sakit na halos hindi marinig sa kanyang bulong at lahat iyon ay nagpapatunay na may puwang pa rin ang babaeng iyon sa pinakailalim ng puso nito. Isang puwang na kahit anong gawin ni Abby, ay tila hindi niya mapupunan. Dahan-dahan siyang bumangon at binalot ang sarili ng kumot. A

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status