LOGIN"ANO na ang update sa kaso ni Laura, Lira?" tanong ko habang minamasahe nang medyo madiin ang masakit kong ulo.
"Wala pa rin po, Ma'am. Pangalawang araw pa lang po kasi sa paghahanap sa kaniya, malay natin kailang weeks para mahanap siya." sagot ni Lira. "Sabagay. Sa laki ng pera na dala niya, malamang nagpalipat-lipat na ng lugar 'yon." "Tama ka po, ma'am Mallory. Malay din natin, baka napag-retoke na 'yon sa ibang bansa." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Lira. Oo nga, may possible na magpa-retoke ito. Pero bakit? Bakit niya ginawa sa akin 'yon? May nag-utos ba sa kaniya? Dahil sa naiisip ko, bigla na naman akong kinabahan at niiyak. Betrayal. Masakit. At mapapatanong ka na lang talaga nang "bakit". Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang bumukas ang pinto ng office ko. At pumasok ang isang malaking salot na nilalang. "Lorie, babe." tawag ni Marcus at patakbong lumapit sa akin. Pagka-lapit nito, agad itong lumuhod sa tabi ko. "I'm s-sorry, Babe. Patawarin mp ako, hindi ko na uulitin ang ginawa ko." umiiyak na pagmamakaawa nito. Akala mo naman may audition ng iyakan sa opisina ko. "Nadala lang ako. Tao lang kasi ako, Babe, natutukso." Sabay pa kaming napa-roll eyes ni Lira habang nakatingin kay Marcus. Masyado kasing halata ang pagiginh sinungaling nito. Umiyak-iyak pa ako sa panloloko nito tapos ganito lang siya kahalata. Sayang lang pala ang mga luhang itinapon ko para sa kaniya. Kung alam ko lang na ganito pala siya ka walang hiya, e di sana, hindi nga ako umiyak. Noong gabing pumunta siya sa bahay, sana hinarap ko na lang siya, bumalik pa siguro lahat ng mga luhang tumulo sa mga mata. Baka nagsi-urong lahat. "Noong unang hinalikan mo si Ara, na sabi mo kaibigan mo lang. Na sabi mo, hindi ko dapat pagselosan kasi mag-kaibigan kayo mula pagka-bata. O ngayon, hindi na kayo magkaibigan lang, nagka-ibigan. Sabi mo mula pagka-bata, diba? Ngayon, talagang magkaka-anak ka na sa kaniya." wika ko habang naka-kuyom ang dalawang kamao. Pagkarinig ko lang pangalan ni Marcus, gusto ko na siyang suntokin, pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Hindi ko kasi kaya manakit ng tao. Lalong-lalo na ng mga hayop. "Babe, it's a big mistake. Please, forgive me." pamamakaawa pa nito sabay sandal ng kaniyang ulo sa tuhod ko. Bigla akong nandiri. Iba-iba na ang pumapasok sa isip ko. Lalong-lalo na ng mapatingin ako sa mga kamay ni Marcus. Bumalik sa alaala ko kung paano gumapang sa katawan ni Ara ang mga kamay nito. Kung paano ito pumasok sa loob ng damit ng babae, kung paano magbounce-bounce ag ulo nilang dala habang naghahabulan habang naghahalikan. "Kadiri!" pasigaw kong wika sabay tulak kay Marcus. "Huwag mong lapit sa akin ang katawan mo! Ayaw na ayaw kong hawakan mo gamit ang mga kamay mo na iyan. Ang mga kamay mo at madumi, ang bibig at ang mga mata mo." dugtong ko pa. "Babe, please. Patawarin mo na ako. Kung gusto magpakasal na tayo, para habang buhay mo akong maparusahan sa kasalanan ko sa'yo. Nagmamakaawa ako, Mallory, bumalik ka na sa akin, please." pagmamakaawa ulit nito at muling humawak sa bintin ko Gusto ko siyang palakpakan dahil sa galing nito umarte. Gusto ko siyang tawanan dahil sa halatang ginagago lang niya ako. Nagkatikiman na sila ni Ara, malamang, uulit-ulitin nila iyon. Magiging routine na nila ang kama, ang magsinungaling at ang lokohin ako. Nag-isip ako ng paraan para makaalis sa harap ni Marcus. Halos pigain ko ang ulo ko para makapag-isip kaagad. Mabuti na lang hindi umalis si Lira kaya siya ang gagawa ng rason para sa akin. "Mag-usap na lang tayo ulit, Marcus. May meeting pa ako ngayon." pagsisinungaling ko sabay senyas kay Lira. Mabuti at mabilis sila Lita, na gets niya ako kaagad. "Ma'am Mallory, ang meeting niyo po ay magsisimula na, baka mapagalitan pa kayo ng Papa niyo kapag hindi kayo on-time dumating." mabilis na sabat ni Lira sabay kindat sa akin. Tahimik akong nagpasalamat kay Lira at saka tumingin kay Marcus. "Narinig mo? Kaya umalis ka na." "Hihintayin kita sa lounge, Babe. Kahit buong araw ka sa meeting, maghihintay ako sa'yo." wika nito na biglang nagpa-angat sa lahat nang kinain ko kanina. Muntik na akong masuka sa mga sinasabi nito. Nakaka-kilabot. "Ikaw ang bahala, sarili mo 'yan." wika ko sabay shake ng aking dalawang binti para matanggal ang mga kamay ni Marcus na naka-kapit sa akin. Kay aga-aga, kinapitan na kaagad ako nang malalang bacteria.. sa lala nagiging virus na. Tumayo si Marcus at bahagyang lumayo sa akin, kaya tumayo din ako kaagad para makalayo dito. Ayokong madikit sa virus. "Aalis na kami, ikaw na ang bahalang magsara ng pinto." wika ko sa kaniya saka inakay si Lira palabas. "Ang kapal ng mukha niya, Mallory. Kanina pa ako nagpipigil." gigil na gigil na wika ni Lira sa akin. "Bakit kaya naisip mong jowain ang gagong 'yon?" Natawa ako sa tanong ni Lira sa akin. "Malamang nanligaw, na develop ako. At alam mo namang magkakilala ang family namin. Kaya 'yon. Akala ko talaga matino, akala ko lang pala." sagot ko kay Lira. "Maghanap ka na lang nang matino, Lory." "Hindi na ako makahanap, naka-arrange married na ako." wika ko kay Lira. Magsasalita pa sana si Lira ng bigla na lang tumunog ang cellphone na hawak nito palagi. Provided by company, lahat ng cellphone ng mga secretaries. "Ang Papa mo tumatawag." halos gulat na wika sa akin ni Lira. "Sagutin mo, wala akong dalang cellphone ngayon, kaya sa'yo siya tumatawag." Sinagot ni Lira ang tawag ni Papa. Naririnig ko ang mga sinasabi ni Papa kay Lira dahil naka-loud speaker ito. "Pakisabi kay Lory, Lira, na bumili siya ng damit niya family meeting." utos ng papa niya kay Lira. "Opo, sira." "Sabihin mo, 7pm, pumunta siya sa Grand Hotel, nando'n kami with Orlovs." bilin nito. "Opo, Sir. Sasabihin ko po." sagot ni Lira kay papa at pinatay naman kaagad ang tawag. "Sasabihin ko pa ba sa'yo?" nakangiti na tanong Lira sa akin. "Narinig ko na lahat. Mukhang minamadali na nila akong mag-asawa." wika ko. Napatingin lang sa akin si Lira habang tikom ang bibig. "Samahan mo ako sa mall, bibili ako ng susuotin ko." "LORY, nandito si Marcus." nagmamadaling wika ni Lira sabay tulak sa akin papasok sa isang fitting room. "Aray. Bakit mo ako tinu— hindi ko na natapos pa ang iba kong sasabihin ng bigla na lang may nagsalita sa bandang likuran ko. "What are you doing?” a cold voice echoes on this room. I look at him ay two beautiful gray eyes staring at me. “Who are you?" tanog nito habang ako tulala lang. "Get out!" Nagulat ako sa boses ng lalaking nang bigla niya akong sinigawan. Napaatras ako at sunud-sunod nalumok mgl laway. Takot. Wala itong damit pang-itaas at may hawak itong damit na nasa hanger pa. Isusukat niya yata ito kaso natigil dahil sa pagsulpot ko. In fairness ang pogi niya. Sasagot na sana ako ng bigla na lang nagsalita si Lira sa labas. "Lory, magtago ka nang maayos, nandito na ang cheater. Baka silipin ka niya diyan, maghanap ka ng maakyatan. Papalapit na siya. Magkita na lang po tayo sa labas mamaya." mahabang wika ni Lira sa akin na nagmamadali. Tumatak sa akin ang sinabi nitong maghanap ako ng maakyatan para hindi ako makita ni Marcus kapag sumilip ito. Luminga linga ako, naghahanap nang puwede masampahan ngunit wala akong makita. "Lory, Babe, nandiyan ka ba?" boses ni Marcus na nagpagulat sa akin. Kaya mabilis akong sumampa sa lalaki. Walang nang hiya-hiya 'to. Bahala na si batman pagkatapos. "Are you insane? Get off of me." galit na wika ng lalaki sa akin habang pilit akong tinatanggal. Bahala siya, isipin niya na lang na tuko ako." "Sorry, I need your help." pagmamakaawa ko sa lalaki at mas lalong umakyat pa sa katawan nito. Dahil sa likot ko nawala sa balanse ang lalaki at napasandal sa pader. "Shit! I don't care kung may tinatakasan kang tao. Just get off of me." wika sa akin ng lalaki. Galit na talaga ang boses niya. Napatingin ako sa lalaki at laking gulat ko na lang ng makita ko ang posisyon namin. Nakatingin lang kasi ako sa pinto na ni-lock ko kanina at hindi sa posisyon namin. Nasa mukha ng lalaki ang boobs ko kaya siguro kinukurot ako at nito habang pilit na binababa. "Sorry." wika ko saka bumaba nang kaunti." Ngayon, magkatapat na ang aming mga mukha. "Pasensiya ka na, ginugulo kasi ako ng lalaking nasa labas. Natatakot ako sa kaniya, baka kung ano ang gawin niya sa akin." wika ko sa lalaki. Galit ang mga mata nitong sumalubong sa akin. Namumula ang mukha at tainga. Nagiging dragon na ito at bubuga na ng apoy. "Lory, mahal na mahal kita. Please, huwag mo akong layuan. Pakiusap." wika ni Marcus. Kapwa kaming napatingin sa pinto habang pilit na binubuksan ni Marcus. "Help me, please." pakiusap ko sa lalaki sabay paawa. "Get off." malakas ang boses na wika sa akin ng lalaki. Pero ang mga kamay nito ay nakasuporta sa akin. "No!" matapang na sagot ko. "Hindi ka bababa? Inaapakan ng paa mo ang alaga ko." wika sa akin ng lalaki. Kaya siguro namumula ito na parang bubuga ng apoy. Akala ko kanina dahil lang sa init dahil pabuga-buga ito ng hangin. "Ayoko. Makikita niya ako dito sa loob. At puwede ba, hinaan mo lang ang boses mo." "Takot ka sa kaniya, pero sa akin hindi?" makahulugan na wika ng lalaki sa akin habang ang mukha nito ay may iisa lang na expression. Cold. "You are my savio- hindi na ko na natapos pa ang iba kong sasabihin dahil bumagsak na ako sa sahig. Hinulog ako ng walang hiyang lalaki na nasa harapan ko. Nakangiwi akong nakaupo sa sahig habang mga luha ko ay nagbabadya. Hindi rin ako makasigaw dahil nasa labas lang si Marcus. Akala ko savior ko na, demonyo pala. Hilam sa luha ang mga mata kong tumingin sa lalaki. Magsasalita pa sana ako kaso inunahan ako ng walang hiya. "The person who last touched me entered without permission, so I cut off their head. Want to be next?""UMALIS na kayo dito bago pa maubos ang pasensiya." si tita Vionnet. Tumingin ako kay tita Vionnet at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Habang si Ellis ay prenteng naka-upo sa sofa at humihigop ng kape. Wala itong apektado sa nangyayari, ni hindi ito tumitingin sa direksiyon namin. Mabuti na lang at umalis na si Lina, nasaksihan pa niya ang pagsagutan namin kanina. Baka iniisip na nito na malandi ako at pinagsabay ko si Marcus at Ellis. "Sorry, tita Vionnet." nahihiya kong wika kay tita Vionnet. Ngunit hindi papa-awat si Marcus, lumapit ito sa akin at saka nagsalita. "Bakit ka humihingi ng sorry, babe? Nandito tayo para sa susuotin sa kasal. Wala silang pakialam sa buhay natin." wika sa akin ni Marcus at saka umakbay. Hahalik pa nga sana ito sa pisngi ko, mabuti nalang at naharang gamit ang cellphone ko. "Tanggalin mo ang mga kamay mo sa akin, Marcus, kung ayaw mong umuwi na wala 'yan." banta ko sa kaniya. Habang si tita Elizabeth naman ay galit na tumingin sa anak. "Marcus, l
NANLAKI ang mga mata ko nang marinig ang boses ng lalaki mula sa aming likuran. Muli, naramdaman ko ang malamig na gumapang sa aking buong katawan. Siya na naman? Ano ba ang ginagawa niya dito? "Ladies, are you done shopping?" ulit nitong tanong at saka tumayo sa gitna namin ni Tita Vionnet. Ramdam ko ang mainit na balat ng lalaki nang dumampi ang kamay nito sa kamay ko. "Bakit ba kasi ako nagra-rattle kapag nandito siya? Nakakainis." wika ko sa aking sarili habang pigil ang paghinga. "Breath, Lory." bulong sa akin ni Ellis. Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng dumampi ang labi ng lalaki sa aking tainga. Pakiramdam ko, nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang alam ko kanina humihinga naman ako, pero pagdating ni Ellis, pakiramdam ko bumara lahat nang daanan ng hangin sa katawan ko. Bakit kaya ganito ang epekto niya sa akin? 'Sa takot lang 'to. Hindi naman ako galit sa lalaking ito.’ wika ko sa isip ko sabay huminga nang malalim. I need to breath like Ellis said to me.“
PAGKATAPOS namin kumain ni Tita dumiretso na kami sa mall. At heto ako ngayon, pagod na naka-upo sa bakanteng upuan dito sa loob ng mall. Nandito kami ngayon sa isang VIP store na dolyar ang bawat naka-display. Pang-limang store na itong napuntahan namin. Akala ko nga alalay lang ako, para sa akin pala lahat ang mga binili niya at madagdagan pa ngayon. “Are you tired, Lory?” tanong sa akin ni Tita Vionnet bago umupo sa tabi ko.“A little bit, Tita.” sagot ko sabay masahe ng braso ko. “You look tired, hija. It’s fine, ito na ang huling stop natin.” wika sa akin ni Tita sabay masahe sa dalawa kong braso. “Okay po.” sagot ko sabay ngiti.“Ito na ang huli tapos ihahatid na kita sa inyo.” wika niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa papalapit na babaeng naka-pormal ang suot. "Good morning, Mrs. Orlov," polite na bati ng babae kay Tita Vionnet. "We have our new items today, and all of them are your favorites.""No. I’m not buying this for myself today. It’s for my daughter-in l
KINABUKASAN."Lory, my sweet daughter-in-law, where are you now?" tanong ni Tita Vionnet sa akin habang kausap ko siya sa telepono. Hindi ko alam kung bakit ito tumawag sa opisina ko. Wala ba itong cellphone number ko? Ang alam ko binigyan na siya ng mga magulang ko. At heto pa, tumawag na nga sa office number ko, tatanungin pa ako kung nasaan ako. "I mean, what are you doing? I am just too excited kaya mali ang unang tanong ko." wika nito na halatang nakangiti. "Na-disturbo ba kita, Hija?" "It's okay po, Tita. Hindi naman gano'n ka-busy, may kailangan po ba kayo sa akin, Tita?" malumanay kong tanong kay Tita Vionnet na nakangiti kahit naiilang. "Nakakahiya man sa'yo pero kakapalan ko na ang mukha ko. May gusto lang akong malaman." nahihiyang wika nito sa kabilang linya. "Ano po iyon, Tita?" "Puwede ba akong pumunta sa'yo to discuss it?" polite na wika ni Tita sa akin. Ako naman ay nagulat sa sinabi nito. Bakit siya pupunta dito? Ano ba ang gusto nito malaman? Mukhang i-stalk lan
"LORY, kumusta ka? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Tawag ako nang tawag sa'yo kagabi pero hindi ka sumasagot. Muntik na nga akong tumawag ng Pulis, kaso nag-text ka kaya ibig sabihin, okay ka. Hindi ka naman niya sinaktan, no? Sinigawan?" nag-alala na salubong sa akin ni Lira. Hindi nga ako makasingit sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. Pero ano itong sinasabi niyang text? Hindi ko alam 'yan. Paano pa makapag-text ang isang unconcious? Nagtataka na tumingin ako kay Lira at saka nagtanong. "Text? Nag-text ako sa'yo? Ano'ng sinabi ko sa text?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Tumitig sa akin si Lira na puno nang hinala. "Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Lira. Unconcious ako kagabi dahil tinakot ako ni Ellis.""What? Pero nag-text ka. Alangan na siya ang nag-send ng text sa akin." naguguluhan na wika sa akin ni Lira sabay kuha ng cellphone at pinakita sa akin ang text.Bigla akong nahilo nang makita ko ang text. Naka-exclamation poin pa sa dulo. Halatang hindi ako ang na
“BAKIT ihahatid mo pa ako?” tanong ko sa kaniya.“Bakit, alam mo na ba kung saan ka ngayon? Alam mo na ba ang way mo pauwi?” tanong nito sa akin na purong Tagalog. Muli akong napangiti nang patago. Ang cute kasi nito. “Hindi.”“So, let me take you home. I won’t bite you.” sabi niya sa akin at saka hinawakan ang damit ko sa likod at hinatak ako pa kusina. Kanina, cute na cute ako sa kaniya, ngayon, pikon na pikon na naman ako. Ginagawa ako nitong 3 years old. Nakakainis. Puwede naman niya ako hawakan sa wrist ko, bakit sa damit ko pa sa likod? Nagmumukha tuloy akong alagain na bata. Bigla ko tuloy naalala ang ginagawa ko sa mga anak ng Tita ko. ‘Yong susuotan sila ng onesie tapos hahawakan sa likod at i-angat sa ere, lalo na kung ang onesie nila ay butterfly o kaya bee. Hahawakan mo sa likod at ilipad-ilipad kunwari. Dadalhin mo sa garden at ilalapit sa orchids o bulaklak at saka tatawanan. Nakakainis!“Bitawan mo nga ako! Sa ginagawa mo lang akong nakakatawa.” reklamo ko. Alam ko na
GULAT na napatitig ako sa mensahe. Naka-tatlong ulit ko pang basahin at sa huli, sa pangalang Ellis pa rin ito nagtatapos. Bigla akong nanlamig dahil sa nakasaad sa text. Tuloy daw ang kasal? Hindi ko alam kung bakit itutuloy pa rin nito, samantalang kaninang umaga lang binantaan ako. Ang gagong l
THE silence was deafening. Shock was written all over their faces. No one dared to speak. They were all shocked, but I wasn't. He's the one who spoke to me earlier. He's the one who threatened me. And now here we are, face to face, meeting again. What should I do? I'm scared of him.Horror na tu
MULA sa gulat hanggang sa napalitan nang inis. At mula sa inis napalitan nang takot. Seryoso ang mukha nitong lumapit sa amin at nang makalapit na ang lalaki, kaagad na tumayo si Tita Vionnet yumakap sa anak. “Ellis Orlov pala ang pangalan niya.” wala sa sarili kong wika. Mabuti na lang walang may
"DON'T let me see you again, or I'll shoot you." banta ng lalaki sa akin na malamig ang boses. Nakakatakot na nga ang mga sinabi nito, dumagdag pa ang boses at mukha nito. Tatalunin niya pa yata ang AC sa sobrang lamig. Dahil sa sinabi nito, hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili na lang akong ta







