Mag-log inGULAT na napatitig ako sa mensahe. Naka-tatlong ulit ko pang basahin at sa huli, sa pangalang Ellis pa rin ito nagtatapos. Bigla akong nanlamig dahil sa nakasaad sa text. Tuloy daw ang kasal? Hindi ko alam kung bakit itutuloy pa rin nito, samantalang kaninang umaga lang binantaan ako.
Ang gagong lalaking iyon, talagang parusa ang ibibigay sa akin. Paano na lang kung magsasama na kami? Ito ba ang paraan niya patayin ako? Pahihirapan niya ako kapag kami lang, tapos kapag nandiyan ang mga parents namin sweet siya sa akin. Katulad na ba ito sa mga napapanood ko sa TV? Sa mga nababasa ko sa mga online platform novels? Mangyayari na ba ang mga iyon sa akin? “Argh! Help! Ano ang gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko at saka ginulo-ginulo ang aking buhok sa inis. Inis at takot ang naghahalo sa kaloob-looban ko. Pero mas nangingibabaw ang takot. Ang hitsura kasi ni Ellis Orlov hindi nagbibiro. Palaging seryoso at cold. Walang pakiramdam, parang hindi tao. “Bakit kasi siya pa? Bakit kasi nagtagpo kami sa gano’ng sitwasyo?” wika ko at saka humiga. “Bakit kasi ang suplado niya? Bakit kasi nauso ang arrange marriage?” tanong ko sabay padyak ng mga paa ko sa hangin. HINDI ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, basta ang alam ko late na iyon. Kaya heto ako ngayon, naglalakad na kalahating tao, kalahating panda dahil sa maitim na nasa ilalim mg mga mata ko. “Good morning, ma’am Mallory.” salubong na bati sa akin ni Lira. Humarap ako sa pinto ng office ko at binuksan ito. At sabay kaming naglakad papasok sa loob. “Not good morning.” sagot ko sa kaniya sabay tanggal ng itim na sunglasses kong suot para ipakit dito, na hindi talaga maganda ang morning ko. “Half-half ka ngayon, a. Ano ang nangyari?” nakangiti na tanong ni Lira sa akin. “Malamang, ang pinag-usapan natin kagabi.” sagot ko. “Bakit?” “Nag-send ng message sa akin kagabi ang gago na ‘yon. Tuloy daw ang kasal ayon sa plano.” sagot ko na naiinis. “Hala! Akala ko ba galit siya sa’yo? Bakit itutuloy niya pa rin? Ano ‘yon, walking into your grave?” wika nito na mas nagpakaba sa akin. “Iyon na nga e, kaya nga hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kasalanan talaga ‘to ni Marcus. Saan na ang lalaking ‘yon at ako na mismo ang papatay sa kaniya?” nangngangalit kong wika. Si Marcus ang may kasalanan sa nangyayari sa akin. Kung hindi niya ako niloko, hindi ko siya pagtataguan at tatakasan. Dahil sa pagsunud-sunod niya sa akin na parang asong may galis, napahamak ako. Dahil sa kaniya, humaharap ako ngayon sa problema. Imbes na magiging masaya ang buhay ko, heto naghihintay kung kailan pitikin ni Ellis ang gatilyo ng baril na nakatutok sa ulo ko. I am walking with a time bomb underneath. Tumawa sa tabi ko si Lira. Parang tuwang-tuwa ito nang banggitin ko ang pangalan ng salot na lalaking iyon. “Ano ang tinatawa-tawa mo diyan? Kung ang sitwasyo ko ang tinatawanan mo, hindi ako natutuwa. Para na akong malagutan nang hininga sa stress.” wika ko sa kaniya. “Hindi ikaw ang tinatawanan ko, si Marcus.” wika nito at saka tumawa ulit. “Bakit?” kyuryoso kong tanong. “Ang sabi kasi ng ka-klase ko, naihi daw sa pantalon si Marcus. Malamang bogbog sarado ba naman. Nang dinala sa hospital, akala daw ng mga magulang nito patay na siya. Hinulog ba naman daw ng puting van sa harap ng bahay nila. Sa dami ng dugo, akala daw ng mga magulang niya, wala na itong lamang loob. Dahil nga sa uso ang puting van.” mahabang kuwento ni Lira at saka tumawa pa lalo. Pati ako, napatawa din sa mga sinabi nito. “Mukha nga daw nabaliw ang mama nito. Gago din kasi ang hayop na ‘yon.” si Lira. “Kawawa naman ang mama niya, nadamay sa katarantadohan ng cheater niyang anak.” wika ko. “Yes. Kawawa ang parents niya, pero siya hindi. Kulang pa nga ‘yon sa kaniya. Sana nga basag ang eggplant niya para naman tumahimik siya sa tabi.” Nagtawanan kaming dalawa ni Lira, dahil sa kinuwento nito kalimutan ko kahit sandali lang ang problema ko. Nakalimutan ko si Ellis Orlov. “Ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang wala na siyang eggplant?” si Lira. “Malamang mababaliw ang cheater na iyon.” sagot ko. “Panigurado ‘yan. Kapag ang manyak, hindi mabubuhay na wala ‘yon.” “Sayang na ang kapogian at lahi niya.” ako. “Tss. Huwag ka nang manghinayang, Lory, mabuti nga ‘yon para naman mabawasan ang mga cheater sa mundo. Alam mo naman ang ex-boyfriend mo na ‘yon, magkakalat at magkakalat ng lahi ‘yon.” Umupo ako sa ibabaw ng mesa ko habang nakipag-usap pa rin kay Lira. “Yeah. Kasalanan niya ang nangyari sa kaniya. Sana nga, tumino na siya at maging aral na sa kaniya ang nangyari.” “Tss. Ewan ko lang sa lalaking ‘yon.” Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang SMS ring tone ko. “Hold on, Lira. May nag-text lang sa akin.” wika ko kay Lira at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong coat. Binuksan ko ang cellphone ko at binasa ang mensahe. "8 p.m., on the rooftop. Ellis.""UMALIS na kayo dito bago pa maubos ang pasensiya." si tita Vionnet. Tumingin ako kay tita Vionnet at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Habang si Ellis ay prenteng naka-upo sa sofa at humihigop ng kape. Wala itong apektado sa nangyayari, ni hindi ito tumitingin sa direksiyon namin. Mabuti na lang at umalis na si Lina, nasaksihan pa niya ang pagsagutan namin kanina. Baka iniisip na nito na malandi ako at pinagsabay ko si Marcus at Ellis. "Sorry, tita Vionnet." nahihiya kong wika kay tita Vionnet. Ngunit hindi papa-awat si Marcus, lumapit ito sa akin at saka nagsalita. "Bakit ka humihingi ng sorry, babe? Nandito tayo para sa susuotin sa kasal. Wala silang pakialam sa buhay natin." wika sa akin ni Marcus at saka umakbay. Hahalik pa nga sana ito sa pisngi ko, mabuti nalang at naharang gamit ang cellphone ko. "Tanggalin mo ang mga kamay mo sa akin, Marcus, kung ayaw mong umuwi na wala 'yan." banta ko sa kaniya. Habang si tita Elizabeth naman ay galit na tumingin sa anak. "Marcus, l
NANLAKI ang mga mata ko nang marinig ang boses ng lalaki mula sa aming likuran. Muli, naramdaman ko ang malamig na gumapang sa aking buong katawan. Siya na naman? Ano ba ang ginagawa niya dito? "Ladies, are you done shopping?" ulit nitong tanong at saka tumayo sa gitna namin ni Tita Vionnet. Ramdam ko ang mainit na balat ng lalaki nang dumampi ang kamay nito sa kamay ko. "Bakit ba kasi ako nagra-rattle kapag nandito siya? Nakakainis." wika ko sa aking sarili habang pigil ang paghinga. "Breath, Lory." bulong sa akin ni Ellis. Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng dumampi ang labi ng lalaki sa aking tainga. Pakiramdam ko, nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang alam ko kanina humihinga naman ako, pero pagdating ni Ellis, pakiramdam ko bumara lahat nang daanan ng hangin sa katawan ko. Bakit kaya ganito ang epekto niya sa akin? 'Sa takot lang 'to. Hindi naman ako galit sa lalaking ito.’ wika ko sa isip ko sabay huminga nang malalim. I need to breath like Ellis said to me.“
PAGKATAPOS namin kumain ni Tita dumiretso na kami sa mall. At heto ako ngayon, pagod na naka-upo sa bakanteng upuan dito sa loob ng mall. Nandito kami ngayon sa isang VIP store na dolyar ang bawat naka-display. Pang-limang store na itong napuntahan namin. Akala ko nga alalay lang ako, para sa akin pala lahat ang mga binili niya at madagdagan pa ngayon. “Are you tired, Lory?” tanong sa akin ni Tita Vionnet bago umupo sa tabi ko.“A little bit, Tita.” sagot ko sabay masahe ng braso ko. “You look tired, hija. It’s fine, ito na ang huling stop natin.” wika sa akin ni Tita sabay masahe sa dalawa kong braso. “Okay po.” sagot ko sabay ngiti.“Ito na ang huli tapos ihahatid na kita sa inyo.” wika niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa papalapit na babaeng naka-pormal ang suot. "Good morning, Mrs. Orlov," polite na bati ng babae kay Tita Vionnet. "We have our new items today, and all of them are your favorites.""No. I’m not buying this for myself today. It’s for my daughter-in l
KINABUKASAN."Lory, my sweet daughter-in-law, where are you now?" tanong ni Tita Vionnet sa akin habang kausap ko siya sa telepono. Hindi ko alam kung bakit ito tumawag sa opisina ko. Wala ba itong cellphone number ko? Ang alam ko binigyan na siya ng mga magulang ko. At heto pa, tumawag na nga sa office number ko, tatanungin pa ako kung nasaan ako. "I mean, what are you doing? I am just too excited kaya mali ang unang tanong ko." wika nito na halatang nakangiti. "Na-disturbo ba kita, Hija?" "It's okay po, Tita. Hindi naman gano'n ka-busy, may kailangan po ba kayo sa akin, Tita?" malumanay kong tanong kay Tita Vionnet na nakangiti kahit naiilang. "Nakakahiya man sa'yo pero kakapalan ko na ang mukha ko. May gusto lang akong malaman." nahihiyang wika nito sa kabilang linya. "Ano po iyon, Tita?" "Puwede ba akong pumunta sa'yo to discuss it?" polite na wika ni Tita sa akin. Ako naman ay nagulat sa sinabi nito. Bakit siya pupunta dito? Ano ba ang gusto nito malaman? Mukhang i-stalk lan
"LORY, kumusta ka? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Tawag ako nang tawag sa'yo kagabi pero hindi ka sumasagot. Muntik na nga akong tumawag ng Pulis, kaso nag-text ka kaya ibig sabihin, okay ka. Hindi ka naman niya sinaktan, no? Sinigawan?" nag-alala na salubong sa akin ni Lira. Hindi nga ako makasingit sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. Pero ano itong sinasabi niyang text? Hindi ko alam 'yan. Paano pa makapag-text ang isang unconcious? Nagtataka na tumingin ako kay Lira at saka nagtanong. "Text? Nag-text ako sa'yo? Ano'ng sinabi ko sa text?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Tumitig sa akin si Lira na puno nang hinala. "Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Lira. Unconcious ako kagabi dahil tinakot ako ni Ellis.""What? Pero nag-text ka. Alangan na siya ang nag-send ng text sa akin." naguguluhan na wika sa akin ni Lira sabay kuha ng cellphone at pinakita sa akin ang text.Bigla akong nahilo nang makita ko ang text. Naka-exclamation poin pa sa dulo. Halatang hindi ako ang na
“BAKIT ihahatid mo pa ako?” tanong ko sa kaniya.“Bakit, alam mo na ba kung saan ka ngayon? Alam mo na ba ang way mo pauwi?” tanong nito sa akin na purong Tagalog. Muli akong napangiti nang patago. Ang cute kasi nito. “Hindi.”“So, let me take you home. I won’t bite you.” sabi niya sa akin at saka hinawakan ang damit ko sa likod at hinatak ako pa kusina. Kanina, cute na cute ako sa kaniya, ngayon, pikon na pikon na naman ako. Ginagawa ako nitong 3 years old. Nakakainis. Puwede naman niya ako hawakan sa wrist ko, bakit sa damit ko pa sa likod? Nagmumukha tuloy akong alagain na bata. Bigla ko tuloy naalala ang ginagawa ko sa mga anak ng Tita ko. ‘Yong susuotan sila ng onesie tapos hahawakan sa likod at i-angat sa ere, lalo na kung ang onesie nila ay butterfly o kaya bee. Hahawakan mo sa likod at ilipad-ilipad kunwari. Dadalhin mo sa garden at ilalapit sa orchids o bulaklak at saka tatawanan. Nakakainis!“Bitawan mo nga ako! Sa ginagawa mo lang akong nakakatawa.” reklamo ko. Alam ko na
"DON'T let me see you again, or I'll shoot you." banta ng lalaki sa akin na malamig ang boses. Nakakatakot na nga ang mga sinabi nito, dumagdag pa ang boses at mukha nito. Tatalunin niya pa yata ang AC sa sobrang lamig. Dahil sa sinabi nito, hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili na lang akong ta
"ANO na ang update sa kaso ni Laura, Lira?" tanong ko habang minamasahe nang medyo madiin ang masakit kong ulo. "Wala pa rin po, Ma'am. Pangalawang araw pa lang po kasi sa paghahanap sa kaniya, malay natin kailang weeks para mahanap siya." sagot ni Lira. "Sabagay. Sa laki ng pera na dala niya,
ALAS diyes ng gabi, kumatok ang katulong sa kuwarto ko at sinabi nitong nasa baba daw si Marcus. Kanina pa daw itong naghihintay sa akin sa sala. Ngunit hindi ako bumaba. Binilin ko sa katulong na pabalikin na lamg siya bukas ng umaga. Ngunit bumalik ang katulong ayaw daw umalis ni Marcus, nangungu
"MA'AM Mallory, may malaki tayong problema. Tumakas po si ma'am Laura, dala ng kaibigan ninyo ang five million na para sana kontrata ni Mr. Baguio." nagpa-panic na balita sa akin Lira. Rinig ko pa sa kabilang linya ang iba ko pang mga tauhan na nagpa-panic at nagtatanungan. Habang ako, heto, nangi







