Mag-log in
"MA'AM Mallory, may malaki tayong problema. Tumakas po si ma'am Laura, dala ng kaibigan ninyo ang five million na para sana kontrata ni Mr. Baguio." nagpa-panic na balita sa akin Lira. Rinig ko pa sa kabilang linya ang iba ko pang mga tauhan na nagpa-panic at nagtatanungan.
Habang ako, heto, nanginginig sa takot at galit. Takot na malaman ni papa ang ginawa ng kaibigan ko. At takot, baka ipakulong niya ito. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa aking bibig, naibubuka ko pero walang tunog. Siguro dahil sa nanginginig ang buo kong katawan pati kalamnan. Hindi ko lubos maisip na kaya akong traidorin ng pinaka-matalik kong kaibigan. "Ma'am, ano na ang gagawin natin? Tinrace namin ang location ni ma'am Laura at kaninang 11:30am nasa airport siya. Ngayon, hindi na namin alam kung saan na siya, hindi namin ma-trace ang location niya." Lumunok ako ng laway at pinilit ang sarili na kumalma, hanggang sa naibuka ko ang aking bibig at nagsalita. "A-as of now, gumalaw kayo nang tahimik. Huwag ipagsabi ang ginawa ni Laura. Pero kailangan pa rin natin siyang hanapin." wika ko habang ang isa kong kamay nagda-dial ng numero ni Laura. "Malaking halaga ang tinangay niya, pera ng kumpanya 'yon. Magagalit ang mga board members kapag malaman nila ito." "Pero, ma'am Mallory, malalaman at malalaman pa rin ng iyong ama ito. At malaking halaga ang involve. Saan natin hahagilapin ang limang milyon?" "Kung maaari, itikom ang bibig. Lahat nang nakaalam sa isyu na ito ay papirmahin mo ng "non-disclosure agreement. Hindi puwede na makalabas ito at umabot pa sa tainga ng ibang kliyente. Malaking kapabayaan ko ito, Lira. At malaki ang posibilidad na tanggalin nila ako sa puwesto. Mag-i-isip muna ako nang puwedeng solusyon sa problema na ito, Lira." "Pero, ngayong araw na iyon, Ma'am. Papunta na si Mr. Baguio dito sa office. Naka-set na ang pirmahan ninyo ngayong 3pm, nakalimutan niyo po ba?" nag-aalala na wika sa akin ni Lira sa kabilang linya. Napabuga ako ng hangin dahil sa stress na dinulot ni Laura. Kanina pa akong paulit-ulit na tumatawag sa number nito pero not available. Kung sa airport ang huling kita sa kaniya, malamang nasa ibang bansa na ito. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit at hirap sa paghinga. Pakiramdam ko, aatakehin ako sa puso dahil sa ginawa niya. Hindi ko akalain na darating sa akin ang ganitong problema. Ang kaibigan ko, na halos ako na ang tumayong magulang, mula High School hanggang ngayon ay nagawa akong traidorin. Dahil sa pera. "As of Mr. Baguio, maglalabas ako ng sarili kong pera pang-cover sa nawala sa kumpanya. Sa atin lang ito, 'wag mo na ipaalam pa sa iba." wika ko. "Pero, Ma'am, mas maganda kung alam din ng iyong ama, para kung magkagulo may kakampi kayo." subestiyon nito. "Hayaan mo na muna, unahin na muna natin ang problema sa pera. Mag-wi-withdraw ako ng pera sa magkaibang bangko, samahan mo ako." wika ko kay Lira at nagtangkang ibaba an ang tawag ngunit may pahabol pa ito. "Pero. Ma'am, personal na pera mo iyon. Baka mas lalong magalit ang papa mo. Mas maganda po kung i-report na lang natin sa mga Pulis ang ginawa ni ma'am Laura. Kahit kaibigan niyo po siya, kaibigan ba ang turing sa'yo? Ninakawan ka po niya, Ma'am. Alam niya ang magiging resulta sa ginawa niya sa inyo, pero ginawa niya pa rin. Wala po siyang puso, walang utang na loob sa'yo. Pinakain mo na po siya sa palad mo, kinagat ka pa." mahabang wika ni Lira sa akin. Mas lalo tuloy akong nasaktan, napatanong kung bakit ginawa sa akin iyon ni Laura. Napahugot ako ng hangin bago nagsalita. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng imaginary hika dahil sa nangyari. Nauubusan ng hangin ang baga ko sa limang milyon na tinangay ni Laura. "Okay then, do it. Ako na ang bahala sa ngayon, mababawi ko din ang pera ko kapag nagka-pirmahan na." "Okay po, Ma'am. Regarding po sa pag-withdraw ng pera, hihintayin ko po ba kayo dito sa office, o magkita na lang po tayo sa bangko?" "Magkita na lang tayo sa bangko, Lira. Bye." malungkot kong wika sabay putol ng tawag. Nanlalata na napaupo ako sa sofa, hindi makapaniwala. Hanggang ngayon on process pa rin sa utak ako ginawa ng kaibigan ko. Hindi ko lubos maisip na magawa niya ito sa akin. Bakit? Twelve years of friendship, pero heto, tinapon lahat iyon ni Laura ng dahil sa pera. PAGKATAPOS namin magpirmahan ni Mr. Baguio kanina, agad akong tumungo sa Police station para personal na ipa-blotter ang ginawa ni Laura. Habang kinakausap ako ng mga Pulis kanina, hindi ko maiwasan na hindi maalala ang lahat na pinagsamahan namin. Hindi ko tuloy mapigil ang sarili sa pag-iyak. Mabuti na lang at mabait ang mga Pulis na nakausap ko at naiintindihan nila kung bakit ako umiiyak. Sabi ko sa kanila, hindi ako umiiyak dahil sa tinangay niyang limang milyon, kundi sa labing-dalawang taon naming pagka-kaibigan. Samahan na akala ko aabot hanggang dulo, ngunit dito lang pala magtatapos. Hanggang dito lang pala, dahil sa pera. Puwede naman siyang manghiram sa akin, e. Bakit kailangan pa niyang magnakaw? Bakit kailangan niyang gumawa ng masama at sirain ang pangalan niya? "Maraming salamat po, Ma'am Tingson. Tatawagan po namin kayo kapag may development na po sa sinampa ninyong kaso laban kay Ms. Laura Samones." wika ng Pulis sa akin. "Maraming salamat po, Ma'am, Sir. Iwan ko po ang contact number ng Sekretarya kong si Lira. Siya na po ang mag-aasikaso ng lahat." wika ko sabay turo kay Lira na nasa tabi ko lang. "Okay po, ma'am Tingson." nakangiting wika nito saka tumingin kay Lira. "Miss Lira, we will contact you soon." "Thank you very much po!" magkasabay na pasalamat namin ni Lira at umalis na. "Ma'am, alas singko dose na, uuwi na ba tayo, o babalik pa sa office?" baling ni Lira sa akin. "Ayokong bumalik sa office, pero ikaw may tatapusing report. Gumawa kayo ng incident report at i-blocklist si Laura Samones. Lahat ng access niya tanggalin at lahat ng passwords sa office papalitan. Pa-inform mo sa GC ang lahat ng empleyado." bilin ko kay Lira saka iniwan na ito. May dala naman itong sariling sasakyan kaya hindi ko na kailangan ihatid pa siya sa opisina. "Bye, ma'am Mallory!" Lumingon ako kay Lira saka nginitian ito. "Bye. Mag-ingat ka at umuwi ka kaagad pagkatapos ng work mo." wika ko pa at saka sumakay na sa kotse ko. Pinaandar ko ang kotse ko at minaneho papuntang "La Baile", ang La Baile ay ang pinakamahal na bar dito sa Maynila. Kadalasan na pumupunta doon ay mga elite. Bago ka makapasok sa bar na iyon, dapat member ka. Binilisan ko pa ang pagpatakbo ng kotse, pakiramramdam ko kasi ang bagal-bagal ko. Pakiramdam ko, hindi ako umuusad. Pakiramdam ko, na stock ako sa iisang lugar. Ganito siguro ako ngayon dahil sa ginawa ni Laura. Ilang minuto pa at dumating na ako sa La Baile. Mabilis akong bumaba at binigay sa isang Valet Attendant ang susi ng kotse para i-park ito nang maayos. "Good afternoon, Ma'am." magalang na bati nito sa kaniya. "Good afternoon. VIP room, second floor, Mallory Tingson." wika ko sa Attendant sabay lakad papasok ng bar. Lumapit ako sa counter para mag-order, ngunit napatigil ako dahil sa dalawang taong naghahalikan sa kaliwa ko. Napatingin ako sa dalawa at nagulat ako ng makita ko kung sino ang mga ito. Biglang nanigas ang aking katawan habang ang puso ko ay parang tinutusok-tusok nang dose-dosenang karayom. Kitang-kita kong paano laplapin ni Marcus ang babae. Halos abot na ang ilong nito, siguro hanggang ngala-ngala na ang dila ng dalawa. Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin ako sa dalawang taong walang pakialam sa paligid nila. Kaya siguro walang time na sa akin si Marcus dahil kay Ara na ito umiikot. Ang babaeng kaibigan niya lang kuno, pero halos nguyain na nito ang buong mukha. Umiiyak na kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at vinideo ang ginagawa ng dalawa. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko no'ng pinasok ni Marcus ang kamay nito sa loob ng damit ni Ara. Hindu niya kasi magawa sa akin ang ginagaw niya kay Ara, kaya siguro mas kumapit siya sa babae. Mga lalaki nga naman talaga, mahilig sa mga low class, cheap at mabilis makuha. Isang video at dalawang picture ang kinuha ko para naman kung sakaling sabihin nila na edited o AI ang hawak may isa pa akong ebidensiya. Pinahid ko ang mga luha ko at saka tumingin sa lalaki na kanina pa pala nakatingin sa akin. "Boyfriend mo po, Ma'am?" tanong nito. "Ex-boyfrined." sagot ko saka kinuha ang hawak nitong baso na may lamang tubig. "This is mine now." wika ko saka naglapag ng isang libong piso. Medyo nagulat pa ang lalaki pero sa huli ngumiti na lang ito at nagpasalamat. Hawak ko ang baso na maraming yelo, lumapit ako sa dalwang ahas at agad na binuhos sa kanila ang laman ng baso. Mabilis na naghiwalay ang dalawa habang nagmumura. Galit na galit ang mga ito ngunit ng makita ako, mukha naman silang nakakita ng multo. Hindi lang silang dalawa ang nagulat kundi lahat ng tao na nandito sa bar na ito. "Surprise!" wika ko sabay bato ng baso sa mukha ni Marcus. "Mukhang masarap ang mukbangan niyong dalawa, a. Walang pakialam sa paligid." dugtong ko pa. Dahil sa gulat halos nakanganga na lang si Marcus na nakatingin sa akin. Hindi yata ito makapaniwala na nasa harapan niya ako at kitang-kita ang panloloko niya sa akin. Pasalamat sila maaga pa, hindi pa gano'n kadami ang tao. Pero tama na iyon para mapahiya ang dalawa. Tama na iyon para maging pulutan sila sa alta. "Lorie?!" bulalas ni Marcus saka mabilis na tumayo at tinulak si Ara. "Let me explain, Babe." "I'm not your babe, ex-boyfriend." wika ko saka iniwan ang dalawa. Hindi ko alam kung anong kamalasan ang mayro'n ako ngayong araw. Una si Laura, ngayon naman si Marcus. "Babe!" habol nito sa akin ngunit agad naman siyang pinigilan ni Ara. At ang gago, nagpatangay din. Ibig sabihin lang no'n, hindi na talaga ako ang pinipili niya. Hindi na ako ang nasa puso niya. "Why?" tanong ko habang naglalakad palabas ng bar. "Ano ang kasalanan ko sa kanila? Ano'ng mali sa akin? Bakit ganito? Bakit nila ako niloko?" umiiyak kong tanong sa aking sarili. "Bakit?""UMALIS na kayo dito bago pa maubos ang pasensiya." si tita Vionnet. Tumingin ako kay tita Vionnet at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Habang si Ellis ay prenteng naka-upo sa sofa at humihigop ng kape. Wala itong apektado sa nangyayari, ni hindi ito tumitingin sa direksiyon namin. Mabuti na lang at umalis na si Lina, nasaksihan pa niya ang pagsagutan namin kanina. Baka iniisip na nito na malandi ako at pinagsabay ko si Marcus at Ellis. "Sorry, tita Vionnet." nahihiya kong wika kay tita Vionnet. Ngunit hindi papa-awat si Marcus, lumapit ito sa akin at saka nagsalita. "Bakit ka humihingi ng sorry, babe? Nandito tayo para sa susuotin sa kasal. Wala silang pakialam sa buhay natin." wika sa akin ni Marcus at saka umakbay. Hahalik pa nga sana ito sa pisngi ko, mabuti nalang at naharang gamit ang cellphone ko. "Tanggalin mo ang mga kamay mo sa akin, Marcus, kung ayaw mong umuwi na wala 'yan." banta ko sa kaniya. Habang si tita Elizabeth naman ay galit na tumingin sa anak. "Marcus, l
NANLAKI ang mga mata ko nang marinig ang boses ng lalaki mula sa aming likuran. Muli, naramdaman ko ang malamig na gumapang sa aking buong katawan. Siya na naman? Ano ba ang ginagawa niya dito? "Ladies, are you done shopping?" ulit nitong tanong at saka tumayo sa gitna namin ni Tita Vionnet. Ramdam ko ang mainit na balat ng lalaki nang dumampi ang kamay nito sa kamay ko. "Bakit ba kasi ako nagra-rattle kapag nandito siya? Nakakainis." wika ko sa aking sarili habang pigil ang paghinga. "Breath, Lory." bulong sa akin ni Ellis. Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng dumampi ang labi ng lalaki sa aking tainga. Pakiramdam ko, nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang alam ko kanina humihinga naman ako, pero pagdating ni Ellis, pakiramdam ko bumara lahat nang daanan ng hangin sa katawan ko. Bakit kaya ganito ang epekto niya sa akin? 'Sa takot lang 'to. Hindi naman ako galit sa lalaking ito.’ wika ko sa isip ko sabay huminga nang malalim. I need to breath like Ellis said to me.“
PAGKATAPOS namin kumain ni Tita dumiretso na kami sa mall. At heto ako ngayon, pagod na naka-upo sa bakanteng upuan dito sa loob ng mall. Nandito kami ngayon sa isang VIP store na dolyar ang bawat naka-display. Pang-limang store na itong napuntahan namin. Akala ko nga alalay lang ako, para sa akin pala lahat ang mga binili niya at madagdagan pa ngayon. “Are you tired, Lory?” tanong sa akin ni Tita Vionnet bago umupo sa tabi ko.“A little bit, Tita.” sagot ko sabay masahe ng braso ko. “You look tired, hija. It’s fine, ito na ang huling stop natin.” wika sa akin ni Tita sabay masahe sa dalawa kong braso. “Okay po.” sagot ko sabay ngiti.“Ito na ang huli tapos ihahatid na kita sa inyo.” wika niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa papalapit na babaeng naka-pormal ang suot. "Good morning, Mrs. Orlov," polite na bati ng babae kay Tita Vionnet. "We have our new items today, and all of them are your favorites.""No. I’m not buying this for myself today. It’s for my daughter-in l
KINABUKASAN."Lory, my sweet daughter-in-law, where are you now?" tanong ni Tita Vionnet sa akin habang kausap ko siya sa telepono. Hindi ko alam kung bakit ito tumawag sa opisina ko. Wala ba itong cellphone number ko? Ang alam ko binigyan na siya ng mga magulang ko. At heto pa, tumawag na nga sa office number ko, tatanungin pa ako kung nasaan ako. "I mean, what are you doing? I am just too excited kaya mali ang unang tanong ko." wika nito na halatang nakangiti. "Na-disturbo ba kita, Hija?" "It's okay po, Tita. Hindi naman gano'n ka-busy, may kailangan po ba kayo sa akin, Tita?" malumanay kong tanong kay Tita Vionnet na nakangiti kahit naiilang. "Nakakahiya man sa'yo pero kakapalan ko na ang mukha ko. May gusto lang akong malaman." nahihiyang wika nito sa kabilang linya. "Ano po iyon, Tita?" "Puwede ba akong pumunta sa'yo to discuss it?" polite na wika ni Tita sa akin. Ako naman ay nagulat sa sinabi nito. Bakit siya pupunta dito? Ano ba ang gusto nito malaman? Mukhang i-stalk lan
"LORY, kumusta ka? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Tawag ako nang tawag sa'yo kagabi pero hindi ka sumasagot. Muntik na nga akong tumawag ng Pulis, kaso nag-text ka kaya ibig sabihin, okay ka. Hindi ka naman niya sinaktan, no? Sinigawan?" nag-alala na salubong sa akin ni Lira. Hindi nga ako makasingit sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. Pero ano itong sinasabi niyang text? Hindi ko alam 'yan. Paano pa makapag-text ang isang unconcious? Nagtataka na tumingin ako kay Lira at saka nagtanong. "Text? Nag-text ako sa'yo? Ano'ng sinabi ko sa text?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Tumitig sa akin si Lira na puno nang hinala. "Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Lira. Unconcious ako kagabi dahil tinakot ako ni Ellis.""What? Pero nag-text ka. Alangan na siya ang nag-send ng text sa akin." naguguluhan na wika sa akin ni Lira sabay kuha ng cellphone at pinakita sa akin ang text.Bigla akong nahilo nang makita ko ang text. Naka-exclamation poin pa sa dulo. Halatang hindi ako ang na
“BAKIT ihahatid mo pa ako?” tanong ko sa kaniya.“Bakit, alam mo na ba kung saan ka ngayon? Alam mo na ba ang way mo pauwi?” tanong nito sa akin na purong Tagalog. Muli akong napangiti nang patago. Ang cute kasi nito. “Hindi.”“So, let me take you home. I won’t bite you.” sabi niya sa akin at saka hinawakan ang damit ko sa likod at hinatak ako pa kusina. Kanina, cute na cute ako sa kaniya, ngayon, pikon na pikon na naman ako. Ginagawa ako nitong 3 years old. Nakakainis. Puwede naman niya ako hawakan sa wrist ko, bakit sa damit ko pa sa likod? Nagmumukha tuloy akong alagain na bata. Bigla ko tuloy naalala ang ginagawa ko sa mga anak ng Tita ko. ‘Yong susuotan sila ng onesie tapos hahawakan sa likod at i-angat sa ere, lalo na kung ang onesie nila ay butterfly o kaya bee. Hahawakan mo sa likod at ilipad-ilipad kunwari. Dadalhin mo sa garden at ilalapit sa orchids o bulaklak at saka tatawanan. Nakakainis!“Bitawan mo nga ako! Sa ginagawa mo lang akong nakakatawa.” reklamo ko. Alam ko na
GULAT na napatitig ako sa mensahe. Naka-tatlong ulit ko pang basahin at sa huli, sa pangalang Ellis pa rin ito nagtatapos. Bigla akong nanlamig dahil sa nakasaad sa text. Tuloy daw ang kasal? Hindi ko alam kung bakit itutuloy pa rin nito, samantalang kaninang umaga lang binantaan ako. Ang gagong l
THE silence was deafening. Shock was written all over their faces. No one dared to speak. They were all shocked, but I wasn't. He's the one who spoke to me earlier. He's the one who threatened me. And now here we are, face to face, meeting again. What should I do? I'm scared of him.Horror na tu
MULA sa gulat hanggang sa napalitan nang inis. At mula sa inis napalitan nang takot. Seryoso ang mukha nitong lumapit sa amin at nang makalapit na ang lalaki, kaagad na tumayo si Tita Vionnet yumakap sa anak. “Ellis Orlov pala ang pangalan niya.” wala sa sarili kong wika. Mabuti na lang walang may
"DON'T let me see you again, or I'll shoot you." banta ng lalaki sa akin na malamig ang boses. Nakakatakot na nga ang mga sinabi nito, dumagdag pa ang boses at mukha nito. Tatalunin niya pa yata ang AC sa sobrang lamig. Dahil sa sinabi nito, hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili na lang akong ta







