LOGINAMAYA'S POV
"ANONG BILIN KO SA INYONG dalawa? Lalo na sa 'yo, Patricia?" tanong ni Tita Paula sa amin ni Pat pagbaba pa lamang namin ng dyip dito sa harap ng gate ng hacienda. Ngayon ko lang nalaman na sa Hacienda Martina pala nagtatrabaho ang ina ni Patricia. At ngayon ko lang din nalaman na itong dating magubat na lugar na ito ay hacienda na pala. "Paulit-ulit, 'Nay? Parang kanina n'yo pa sinasabi 'yan, ah." Reklamo ni Patricia sa ina. "Kailangan kong ulit-ulitin dahil kapag nakakakita ka ng guwapo, umiiral 'yang kalandutayan mo." Sikmat ni Tita Paula sa kaibigan ko. Napasimangot si Pat. "Grabe ka naman, 'Nay. Kung makapagsalita naman kayo, parang hindi n'yo ako anak, ah." "Kaya nga ako nagsasalita ay dahil anak kita. At kilala kita, Patricia." "Sus. Ito namang nanay ko, oh. Mas'yado kayong mahigpit sa akin. Diyos ko, Paula, bente-singko na itong anak mo, hayaan mo nang kumarengkeng paminsan-minsan." Pagbibiro nito. Sinabunutan siya ni Tita Paula. "Matanda na ako, 'Nay. Kaya ko nang mabuntis, Diyos ko naman. Sa kakahigpit n'yo sa akin nang ganiyan, aamagin na 'tong belat ko. Mangangabulok na lang ito sa ilalim ng panty ko, 'Nay." "Hamo nang mabulok kaysa ang magdukit ka sa kung sino-sino lang." "Ay, very bad ka, 'Nay. Si Atty. Nicholas ang pangarap kong dumikit sa akin, 'no?" "Asa ka namang dudukitin ka no'n. Mga yayamaning belat ang gusto no'n kaya tumigil ka sa pangarap mong 'yan. Masasaktan ka lang, Patricia." Pigil-pigil ko ang matawa dahil sa pag-uusap nilang mag-ina. At aaminin ko na dahil sa kakulitan nila, medyo humupa ang kaba sa dibdib ko. Nang hindi pa rin sila tumigil sa pag-aasaran, natawa na ako. Ang kulit kasi nila. Parang magbarkada lang kung magbardagulan at hindi mag-ina. Maging ang dalawang security sa guard house ay tawang-tawa sa kanilang mag-ina. Pagkatapos magbardagulan ng dalawa, kinuha ng dalawang guward'ya ang mga ID namin. Na-realize ko na gano'n pala kahigpit para makapasok sa hacienda. At nang makapasok na kami, sumalubong sa aking mga mata ang napakalawak na lupain. Maraming punong mangga na hitik na hitik sa bunga. "Grabe! Ang ganda pala dito, 'Nay?" Hindi napigilang bulalas ni Pat. Kagaya ko ay manghang-mangha din siya sa nakikita ng kaniyang mga mata. "Oo. Maganda dito." "Parang ang sarap tumira dito, 'Nay. 'Di ba, besty?" Untag niya sa akin. "Oo. Tahimik at maganda ang lugar. Hindi ako makapaniwalang ganito na ito kaganda. Kasi dati, gubat ito, 'di ba?" "Oo, Amaya. Pero nang mabili ito ng mga San Martin, ginawa nilang hacienda." Si Tita Paula. Nagkwentuhan kami habang naglalakad patungo sa mansyon na nasa gitna raw ng hacienda na ito. "Pero, 'Nay, 'yong batis, nando'n pa rin ba?" Usisa ni Pat sa ina. Iyon din ang tanong sa isip ko na binigyang tinig ni Pat. "Oo. Pero mas maganda na 'yon ngayon." "Puwede kayang pumunta do'n, 'Nay?" "Ay bawal. Malilintikan ka talaga sa akin kapag nagtungo ka roon, Patricia." "Ang oa mo, 'Nay. Nagtatanong lang ako." "Mabuti na 'yong malinaw sa 'yo. Katulong tayo dito ng mga San Martin kaya tayo nandito, hindi bisita kaya mahiya ka." Ang sermon ni Tita Paula na 'yon ay umabot pa hanggang sa matanaw na namin ang mansyon. Hindi ko pa nakikita sa malapitan, pero alam ko nang napakaganda niyon. At napatunayan kong tama ang sapantaha ko nang makalapit kami. "Ang ganda." Puno ng paghangang sabi ko. "Hindi yata 'to mansyon kundi palasyo." "Kaya nga, eh. Grabe!" Bulalas din ng kaibigan ko. Abala kami ni Pat sa pagmamasid sa mansyon habang si Tita Paula ay kausap ang mayordoma. Mayamaya pa, tinawag kami at ipinakilala sa mayordoma. Kagaya ni Tita Paula, mabait si Ma'am Mica. "Naku, 'wag nang ma'am. Ate Mica na lang ang itawag n'yo sa akin o kaya nanay." Sabi niya. "Sige po, Ate Mica." Sabay naming pagsang-ayon ni Pat. Isinama nila kami sa loob ng mansyon. At habang gumagala ang mga mata, para akong nahihipnotismo sa sobrang gara ng mansyon. Napakaganda. "Dito ang kitchen area, dito tayo magtatrabaho ngayong araw hanggang bukas ng gabi." Anunsiyo ni Ate Mica. "Dito tayo. Lalabas lang tayo dito kapag kailangan tayo sa labas, hangga't hindi sinasabi na lumabas, walang lalabas. Maliwanag?" dagdag niya. Nagkatinginan kami ni Pat. Bawal lumabas? E, paano ko makakausap si Atty. Nicholas kung dito lang kami? "As in po? Dito lang tayo?" Si Pat. Nakita kong siniko ito ni Tita Paula at tinapunan ng nagbabantang tingin. Na para bang sinasabi na umayos ka, Patricia. "Nagtatanong lang po ako." Biglang bawi nito. "Oo, Patricia. Kabilin-bilinan ni Donya Martina na bawal tayo sa labas. Kung kailangan tayo do'n, saka lang puwede. Pero kung hindi, dito lang tayo." Paglilinaw ni ate Mica. "Maliwanag ba sa inyong lahat ang sinabi ko?" "Opo." Napilitan kaming makisang-ayon ni Pat. Hanggang sa magsimula na ang paspasang trabaho. Luto dito, luto doon. Takbo dito, takbo doon. Sa sobrang nakakapagod, pero para kay Anthony, go lang. At sa sobrang busy ng lahat, hindi ko namalayang gabi na kung hindi pa sinabi ni Ate Mica na maghapunan muna kami. Sabay-sabay kaming kumain. Patapos na kaming kumain nang may babaeng pumasok sa kitchen area. Maganda ang babae, mukhang kaedad lang namin ni Pat. "Good evening, everybody!" Nakangiting bati niya sa aming lahat. "Ang daming new faces, ah." Puna niya. Tumayo si Ate Mica at ipinakilala kaming lahat. Nalaman namin na apo pala siya ni Donya Martina at Don Fausto. Anak ng panganay na anak ng mga ito. "Nice to meet you all. By the way, I'm Romeshell--Rome for short." Kinamayan niya kami isa-isa. Nahiya akong tanggapin ang kamay niya dahil may kanin pa ang kamay ko. Naghugas muna ako bago 'yon tinanggap. "Amaya po, Ma'am." Pakilala ko sa aking sarili. Matamis siyang ngumiti dahilan para lalong lumitaw ang ganda. "Rome na lang, Amaya." "Sige po." Pagkatapos niyang magpakilala sa amin, kinausap niya si Ate Mica. "Ate Mica, I need hot chocolate for Uncle Nicho." Nagkatinginan kami ni Pat. Nicho? As in Nicholas? "Dumating na rin pala si Señorito Nicho? Akala ko bukas pa siya sabi ng abuela mo?" "Oh, that. As usual change of mind, Ate Mica. Kaya ayon, sabay na kaming umuwi ngayon." Nagkatinginan ulit kami ni Pat. Nandito na siya! Habang nag-uusap si Rome at Ate Mica, naging malikot ang mga mata namin ni Pat. "Gano'n yata talaga kapag tumatanda na, Ate Mica, mabilis magbago ang isip. Palibhasa, walang babae kaya madaling magbago ng isip." Pati pagtawa ni Rome ay tunog sosyal. Mayamaya, inutusan ako ni Ate Mica na gumawa ng hot chocolate. Marunong ako kaya mabilis kong nagawa at ibinigay kay Rome. Nang umalis ang mabait na babae, lihim akong dumalangin na sana'y magustuhan niya ang lasa. Para madali akong makahingi ng pabor kung sakaling makakatiyempo ako ng lapit sa kaniya. Pagkatapos kumain, itinuloy namin ang trabaho. Nagbabalot ako ng embutido na nakatoka sa akin na gagawin ko nang marinig ko ang impit na tili ni Annalisa sa tabi ko. Nagtaka ako nang maging si Wena ay impit na ring tumili. Wala na sana akong balak pansinin ang mga ito nang sikuhin ako ni Pat sa tagiliran. "Bakit ba?" Pinandilatan niya ako, saka muling siniko. Mas malakas kaysa sa una kaya napaigik ako. "Bakit ba? Magtrabaho ka na nga lang diyan." Angil ko. Pagod na kasi ako at gusto ko ng magpahinga. "Señorito Nicho!" Natigilan ako sa pagbabalot nang marinig ang sinabi ni Ate Mica. "Ano hong ginagawa n'yo rito? Makalat ho dito. Doon na ho kaya sa labas. May kailangan po ba kayo? Dadalhin ko na lang ho sa inyo," sunod-sunod na sabi ni Ate Mica. Aligaga ang boses. May tumawa. Siniko ako ni Pat at bumulong. "Shucks! Tawa pa lang ang sarap na." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Relax, Mica." Anang baritonong boses. Lalaking-lalaki. "Pero, Señorito, makalat ho dito." "It's okay. Gusto ko lang malaman kung sino ang gumawa ng hot chocolate na hiningi ko." Oh, my God! Bakit kaya? Masama kaya ang lasa? Kinabahan ako. Hindi ako puwedeng pumalpak sa simpleng hot chocolate dahil may pabor akong kailangan sa kaniya! Piping sigaw ng utak ko. "Bakit po, Señorito? Hindi n'yo po ba nagustuhan? Ipauulit ko ho--" "No. Actually I love it. I love the taste." Lihim akong nakahinga nang maluwag. "I want more. Sino ba ang gumawa no'n sa mga tauhan mo, Mica?" "Oh, kinabahan po ako, Señorito. Akala ko hindi n'yo nagustuhan. Pero si Amaya po ang gumawa niyon para sa inyo, Señorito." "Amaya? Who's Amaya?" Siniko ako ni Pat. "Magpakilala ka na, bilisan mo!" "Kinakabahan ako, Pat." Bulong ko. "Gaga, bilisan mo. For sure naman limot na niya ang mukha mo. For sure limot na rin niyang ikaw ang nakakita ng pototoy niya 10 years ago." Pinandilatan ko si Pat. Napakagago kasi. Ipinaalala pa 'yon. Hanggang sa tawagin ako ni Ate Mica. Wala akong choice kundi ang mag-angat ng tingin at tumingin sa kanila. Natulala ako nang makita ng personal si Atty. Nicholas. Kung guwapo siya sa mga site sa social media, triple pala sa personal. Lalaking-lalaki ang hitsura at katawan. Sunod-sunod akong napalunok nang humakbang siya palapit. Nanuot sa ilong ko ang napakabango niyang amoy. Hindi ko alam kung bakit titig na titig siya sa akin. Lihim akong dumalangin na sana'y hindi na niya ako mamukhaan. "So, you're Amaya?" Basag niya sa pananahimik ng lahat. "O-Opo." Nauutal kong sagot. Ang guwapo niya, pero halatang madamot sa ngiti. "You looked familiar." "P-Po?" "Those eyes," ani niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. "Nagkita na ba tayo? Somewhere?" Nanigas ako. "Oh, nevermind. Baka kamukha mo lang. Anyway, thanks for the hot chocolate. Pakigawan ulit ako." "S-Sige po." "Thanks. Pakisunod na lang sa kuwarto ko." Napanganga ako. Sa kuwarto niya? "Ah, po?" "Is it really necessary to repeat myself?" Napahiya ako. "Ah, hindi po." "Good. Bring my hot choco in my room."Ngumiti lang si Nick at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Hindi ko yata kayang tapatan iyong mga sinabi mo. Mamaya ko na lang siguro sasabihinkapag tayong dalawa na lang." Natawa ang lahat, maging si Father. "Ayusin mo kasi." Udyok niya. "Mas gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal kaysa ang sabihin word by word." Namayani ang katahimikan. Tila naghihintay ang lahat kay Nick, na hindi papayag na walang sabihin. Tumikhim ito bago nagsalita. "Sana alam mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ngayon, habang nakatayo tayong dalawa dito, hindi mo lang tinupad ang pangarap kong maikasal sa 'yo, tinupad mo rin iyong pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap na akala ko, hindi na matutupad dahil nasaktan kita nang sobra."Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago nagpatuloy."And thank you for still choosing me. Thank you dahil pinili mong magpatawad kasya ang magalit sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyong sinabi mo. During that
EVERY STEP Aya took, para siyang hindi makahinga. Hindi siya makahinga hindi dahil nasu-suffocate siya kundi dahil sa samu't saring emosyon na nakapaloob sa dibdib niya ngayon habang mabagal na naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya sa harapan. Tumigil si Aya sa gitna. Hindi dahil ayaw niyang magpatuloy sa paglalakad kundi dahil gusto niyang pagmasdan ang paligid. Today is her wedding day to the best man she love. Her husband to be. Nick. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang wedding bouquet nang makita ang kabuuan ng paligid. Naluluha siya sa sobrang ganda. It's far from her wedding dream before. Ang pangarap niyang kasal noon, sa simbahan, maraming bisita, mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak, at maraming iba't ibang kulay ng mga bulaklak. At ang kasal nilang ito ni Nick ngayon, sobrang kakaiba sa dream wedding niya noon. Malayong-malayo. Dahil ngayon habang pinagmamasdan ang paligid, pakiramdam niya ay nasa isang napakagandang paraiso niya. Puting yate sa gitn
"K-Kuya, bakit dito?" kaagad niyang tanong sa kapatid nang ma-realize na sa reception sila pumunta. "Kuya, iuwi mo muna ako sa bahay, please?" Pakiusap niya. "Hindi puwede." "K-Kuya." "I'm sorry." Nagtaka siya. "Sorry? Sorry saan?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay inalalayan siyang bumaba ng sasakyan nito. "Kuya, uwi na lang tayo--" Kusang natigilan si Aya nang makita ang loob ng pinasukan nila ng kapatid. It's not a wedding reception. Kundi isang madilim na lugar na tanging mga kandila ang nagsisilbing liwanag. "K-Kuya, ano 'to?" Napasinghap siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Doon niya nakita ang napakaraming bulaklak na kulay pula lahat. Pero hindi iyon ang nagpabilis sa tib0k ng puso niya kundi ang lalaking gusto ng makipaghiwalay sa kaniya kanina. Si Nick. Nasa gitna siya ng pahugis pusong mga bulaklak, karga sa magkabilang bisig ang kanilang kambal. "A-Anong meron?" Mahina niyang sambit, dahil naroon ang lahat ng dumalo sa kasal ng ate niya. In
SPEECHLESS si Aya habang nakaharap sa malaking salamin. Katatapos lamang niyang ayusan ng make up artist na kinuha ng mommy Viona niya para sa kanila. Ngayon kasi ang silver wedding anniversary ng Ate Rosie at Kuya Nicholai niya kaya nakaayos siya. Hindi lamang siya kundi silang lahat. Maliban sa Ate Rosie niya na iba ang make up artist. Siyempre, given na iyon dahil ito ang bride. Yes, bride. Dahil ngayong silver wedding anniversary nila ay muli itong pakakasalan ni Kuya Nicholai. At isa siya sa bridesmaids ng Ate Rosie niya. Kaya ayos na ayos rin siya. "Ako ba 'to?" Hindi napigilang tanong ni Aya sa sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hindi niya ugaling puruhin ang sarili kahit noon pa, pero ngayon, hindi niya mapigilang mapahanga sa sarili. Ang ganda-ganda kasi niya ngayon. Grabe 'yong glow up niya sa make up niya. Natakpan talaga ang dark spots sa gilid ng mga mata niya dahil sa gabi-gabing puyat sa kaniyang kambal. Iyong mga mata niya, k
At dahil mas'yado siyang masaya, wala siyang panahon para isipin ang hidwaan sa pagitan nila. Ukopado ng mag-iina niya ang buong pagkatao niya hanggang sa wakas, makarating sila sa harap ng mansiyon ng mga Imperial. Natawa si Nicholai nang sa pagmamadali niyang makababa ng sasakyan, muntik na siyang madapa. "Relax, bro. Madidisgrasya ka kapag hindi ka kumalma." Napabuntong hininga si Nick at hinimas ang sariling dibdib para ikalma ang sarili. "Right timing ang dating natin. Mom messaged me, nasa kuwarto raw ang mag-iina mo." Tumango lang si Nick at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang kapatid. Awtomatikong umawang ang bibig ni Nick nang makita ang malaking banner pagpasok pa lang ng main door. "Welcome Home, Daddy Nick! WE LOVE YOU!" iyon ang nakasulat sa malaking banner. Hindi lang iyon. Mayro'ng iba't ibang kulay ng mga lobo. Mayro'n sa kisame, sa sahig. Nilapitan niya ang mga lobong may tali. Halos hindi siya makahinga nang makitang mga
ABALA ANG mga tao sa mansiyon ng mga Imperial dahil sa inihahandang pa-welcome party ni Aya para kay Nick. Bukas pa ang discharge ni Nick, pero sa sobrang excited ni Aya at gustong gawing isang espesyal na araw ang paglabas ni Nick mula sa hospital ay talagang naghanda siya isang araw bago pa makauwi si Nick. Tulog ang kambal niya kaya malaya siyang tumulong sa mga ito sa pagdi-decorate. "Ate Sara, medyo hindi pantay 'yong welcome daddy. Mas mataas sa left side." Komento niya na ang kausap ay ang isa sa kasambahay ng pamilya Imperial. Inayos ni Sara ang banner. "Okay na po, Señorita?" "Yes. Pantay na. Thank you." "Walang anuman po, Señorita." Nakangiting sabi ng kasambahay na si Sara at pagkuwa'y nagpalobo na ng mga balloons. Abalang-abala si Aya nang lapitan siya ng kapatid na si Joana. Kanina pa ito sa mansiyon ng mga Imperial dahil nang malaman nito na may inihahanda siya para kay Nick, nagpresinta itong tumulong. At inaamin niya na medyo ikinagulat niya iyon. Hindi na
NANG SILA na lamang dalawa ni Nick sa kuwarto, kaagad niyang napansin na titig na titig ito sa kaniya. Iyong klase ng titig na panunuyuan ka ng lalamunan dahil sa sobrang lagkit. "Bakit?" Nagawa niyang itanong rito. Na-conscious siya bigla dahil aminado siyang medyo lumaki na siya lalo na ang dib
"THANK YOU, ROME." Mula sa pusong pasalamat ni Aya sa pamangkin niya. Sa pamangkin nila ni Nick. Sinabi nito na kung ayaw pa niyang umuwi ngayong gabi ay mag-pump na lamang siya ng gatas para ito mismo ang mag-uwi sa kambal. Hindi tinanggihan ni Aya ang offer na iyon ni Rome dahil gusto pa niyang
NICK NAPAPANGITI siya habang pinagmamasdan si Aya na tulog na tulog sa tabi niya. Siya ang inaantok kanina, pero ito ang naunang nakatulog sa kanilang dalawa. May dalawang oras na itong tulog sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang sarili, hinalikan niya ito sa noo. "I missed you so much." Mahin
"Huwag kang mag-alala, magising lang si Nick, ako naman ang babawi sa 'yo. Hindi ako papayag na hindi ka magkaroon ng sariling happy ending." Pangako niya rito nang maghiwalay silang magkaibigan. "Don't worry about me, besh. Makita ko lang na may happy ending ka, happy na rin ako." Naputol ang p







