Share

CHAPTER 4

Author: GirlonFire28
last update publish date: 2025-08-02 09:51:18

AMAYA'S POV

"BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon.

Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita."

"Narinig ko."

"E, ba't hindi ka sumasagot?"

"Iniisip ko kasi kung paano sasabihin sa kaniya ang kailangan ko. Kinakabahan ako." Pag-amin ko.

Sinilip ni Pat ang mukha ko. Tiningnan ako sa mga mata. "Huwag kang kabahan. Isipin mo na lang na para 'to kay Anthony."

Pagkarinig sa pangalan ng nobyo ko, biglang lumakas ang loob ko. Yeah, para kay Anthony. "Sige."

"Go, besty. Pagkakataon mo na 'to, kaya i-grab mo na agad. Kasi narinig mo naman ang sinabi ni Ate Mica kanina, 'di ba? Bawal tayong pakalat-kalat dito bukas dahil maraming tao, for sure hindi ka na makakalapit or mahihirapan ka nang makausap siya. Magiging busy na si Atty bukas."

"Kaya nga." Maikling sagot ko.

"Kaya nga, go na. Nakakangarag ng beauty ang trabaho rito, besty. Hindi kinakaya ng power ko. At ayokong mauwi sa wala ang pagod natin dito ngayon at bukas."

"Ako rin, Pat."

"Kaya nga go ka na. Grap the chance. Okay?"

Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Pat dahil nilapitan na kami ni Ate Mica at sinabing bilisan ko na raw dahil isa sa pinaka ayaw ng Señorito niya ay ang pinaghihintay.

"Sige po," sabi ko, saka sumunod sa kaniya nang sabihing ihahatid niya ako sa may pinto ng silid ng amo niya.

Habang paakyat sa taas ng magarang hagdan, alisto ako dahil baka sumabit ang mga paa ko. Sobrang ganda ng loob ng mansyon. Tipong kahit saan ka lumingon, nakikita mo ang sarili mo sa sobrang kintab.

"Amaya, ito ang silid ni Señorito Nick." Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Ate Mica sa unahan ko.

Tumigil kami sa harap ng nakasaradong pinto.

"Kumatok ka na lang para alam niyang nandito ka na," bilin ni Ate Mica bago ako iniwan sa labas ng silid ng amo niya.

Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Bakit kasi sa kuwarto pa niya kailangang dalhin? Hindi ba puwede sa balcony o sa sala? Sa kuwarto talaga?

Nakailang buntong-hininga yata ako bago nagpasyang kumatok. Nakatatlong sunod-sunod na katok na ako, ngunit walang sumasagot mula sa loob o nagbubukas ng pinto.

Ano ba naman ang lalaking 'yon? Lalamig na 'tong hot choco niya. Gamit ang libreng kamay, hinawakan ko ang seradura. "Hindi pala naka-lock."

Minsan pa akong kumatok. At nang wala pa ring tugon, lakas-loob na dahan-dahan kong itinulak pabukas ang pinto. Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang napakagandang silid. Lalaking-lalaki ang ambiance at ang amoy. Nalibot ko na ng tingin ang kabuuan ng silid, pero walang tao.

Wala doon ang lalaki.

"Nasaan kaya siya?"

"Baka naman nasa labas pa at nauna pa ako rito sa silid niya." Ako rin ang sumagot sa sarili kong tanong.

At dahil hindi ko alam kung nasaan ang lalaking 'yon kaya inilapag ko na lang sa ibabaw ng bedside table ang dala ko. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa kabuuan ng silid bago nagpasyang lumabas nang may narinig akong ingay, tila nagbukas na pinto. Pagharap ko sa pinanggalingan niyon, sumalubong sa akin ang lalaking hinahanap ko. Nasa bungad ng pintong bumukas.

Basang-basa ang buhok at hubad-baro. Tanging puting tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. Mukhang katatapos lang niyang maligo kaya hindi ako naririnig kanina.

Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pagkapahiya. Hindi ako madalas makakita ng katawan ng lalaki. At kung makakita man ay iyong mga lalaking tambay sa kanto. Na maaga pa lang ay nag-iinoman na kaya malalaki ang tiyan. Maging ang nobyo ko, bihirang maghubad sa harap ko.

Tumikhim ako, saka napapahiyang tumalikod sa kaniya bago nagsalita. "Pasensya na po kung pumasok na ako. Kanina pa po kasi ako kumakatok, pero walang sumasagot. Lalamig po kasi ang hot choco n'yo. Pasensya na po."

Hindi siya sumagot kaya muli akong humingi ng pasensya sa kaniya para hindi magalit. Hindi ako puwedeng magkamali dahil may hihingin akong pabor sa kaniya.

"Ganiyan ka ba makipag-usap?"

"Sir?"

"Nakatalikod? I don't like those who turn their back while speaking to me."

Napairap ako. Hindi ba siya aware na n*******d siya? Tapos gusto niya akong tumingin?

"Pasensya na po, Sir, pero--"

"Turn around." Putol niya sa pagsasalita ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

"Narinig ko po. Pero pasensya na rin dahil hindi ko rin po gustong makipag-usap habang n*******d ang kausap ko." Matatag na sagot ko, nakatalikod pa rin sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Mayamaya ay narinig ko ang kaluskos.

"Puwede ka nang humarap." Sabi niya kapagkuwan.

Hindi ako sumunod.

"Come on, nakadamit na ako."

Sa sinabi niya, humarap agad ako. At yeah, nakadamit na siya. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang tila ngiting sinusupil nito. "May nakakatawa po ba, Sir?"

"Nothing. I'm just amazed. Hindi ako makapaniwala na may babae pa palang nahihiya kapag nakakakita ng hubad na katawan ng lalaki."

"Excuse me?"

"Well, nowadays most of the women, sabik na sabik makakita ng katawan ng lalaki. Naninilip pa nga ang iba para lang makakita--"

"Sorry po, Sir. Pero hindi po ako kasali sa "most" na mga babaeng sinasabi n'yo. Hindi po ako kasali sa mga babaeng sabik na sabik makakita ng katawan ng lalaki." May diing sabi ko.

"Yeah, obviously." Sabi niya, saka kinuha ang hot choco sa ibabaw ng bedside niya. Ininom niya 'yon, pero saglit lang at inabot sa akin ang tasa.

"Sir?" Nagtatanong na tiningnan ko siya.

"Hot choco ang gusto ko, hindi cold choco. Pakipalitan ng bago, can you?"

Lihim akong napairap at walang lingon-likod na lumabas ng silid niya. Sa gigil ko, medyo napalakas ang hila ko ng pinto. Lumikha ng ingay 'yon.

Pagbalik ko sa kusina, agad akong nilapitan ni Ate Mica at tinanong kung bakit dala ko pa rin ang hot choco ng señorito niya.

"Cold choco na raw po kasi, Ate."

"Ay siya, palitan mo na lang tapos dalhin mo ulit sa kaniya."

Wala akong nagawa kundi ang magtimpla ng bago para sa kaniya. Kung wala lang akong kailangan sa kaniya, hinding-hindi ko 'to dadalhin sa silid niya.

"Besty, ano? Nasabi mo na?" Paalis na ako ulit nang lapitan ako ni Pat.

"Hindi pa. Mas mauuna pa yatang mapatid ang pasensya ko sa kaniya kaysa ang masabi ang kailangan ko."

"Ha? Bakit?"

"Mamaya na tayo mag-usap, baka lumamig na naman 'to, eh."

"Sige, sige."

Iniwan ko na siya at bumalik sa taas dala ang hot choco ng lalaking 'yon. Kumatok ako, dalawang beses.

Nang walang magbukas, nilakasan ko ang katok.

"Come in."

Nang marinig ang sinabi niya, itinulak ko pabukas ang pinto. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kaniyang kama.

"Heto na po, Sir." Hindi siya bumangon at inutusan niya akong ipatong sa bedside table ang tasa kaya napilitan akong lumapit sa kaniya.

"What's your name again?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Amaya po." Iyon lang at lumayo na ako, balak ko nang lumabas dahil hindi na ako kumportable sa presensya niya.

Hahanap na lamang ako ng ibang pagkakataon para sabihin ang kailangan ko. Pero hindi rito sa kuwarto niya. Bilang may nobyong babae, hindi maganda kahit pa wala naman akong ginagawang masama.

"Amaya." Tawag niya nang malapit na ako sa pintuan.

Napatda ako. "Sir."

"Marunong ka bang magmasahe?"

Napaawang ang bibig ko. Ano raw? Inis na hinarap ko siya. "Excuse me?"

"I'm asking you kung marunong kang magmasahe. Magpapamasahe ako--"

"Mukha ba akong masahista, Sir?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"No. Kaya nga nagtatanong ako, 'di ba? Baka lang marunong ka."

"Hindi po ako masahista." Mariin kong sabi. Gustong-gusto ko na siyang singhalan, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil may kailangan pa ako sa kaniya.

At bago pa man mapatid ang pagtitimpi ko, lumabas na ako at bumalik ng kusina. Uminom ako ng tubig, pampawala ng init ng ulo.

"Anong nangyari? Nasabi mo?" Usisa ni Pat nang lapitan ako.

"Hindi."

"Bakit?"

"Pat, gusto niya akong gawing masahista!" Nandidilat ang mga matang sumbong ko.

Nasamid ng laway ang kaibigan ko.

"Nakakabastos siya, Pat." Himutok ko.

"Eh, paano na?"

"Hahanap na lang ako ng ibang pagkakataon mamaya or bukas. Basta hindi sa kuwarto niya. Pakiramdam ko ang manyak niya."

Napahagikgik si Pat. "Grabe ka naman. Nagpapamasahe lang, manyak agad?"

"O, bakit? Masahista ba ako?"

"Oh, 'di sana ini-recommend mo na lang ako para ako na lang. Kahit whole body massage pa 'yan, gora." Kumindat pa ito na ikinailing ko na lamang.

"Tanong mo kung gusto pa niyang magpamasahe, ako na ang gagawa para sa 'yo, besty."

Inikutan ko siya ng mga mata. "Ewan ko sa 'yo. Ikaw na lang ang magtanong."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jhenlove099
Waley, better luck next time Angkol Nick ......
goodnovel comment avatar
Romeshell💕
Angkol Nick, Waley Di masahista si Amaya HAHAHA..
goodnovel comment avatar
Romeshell💕
Eeey! Thank you Ms Lei.🤍🫰🫰
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 1.2

    Ngumiti lang si Nick at mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya. "Hindi ko yata kayang tapatan iyong mga sinabi mo. Mamaya ko na lang siguro sasabihinkapag tayong dalawa na lang." Natawa ang lahat, maging si Father. "Ayusin mo kasi." Udyok niya. "Mas gusto kong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal kaysa ang sabihin word by word." Namayani ang katahimikan. Tila naghihintay ang lahat kay Nick, na hindi papayag na walang sabihin. Tumikhim ito bago nagsalita. "Sana alam mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ngayon, habang nakatayo tayong dalawa dito, hindi mo lang tinupad ang pangarap kong maikasal sa 'yo, tinupad mo rin iyong pangarap ko na magkaroon ng sariling pamilya. Pangarap na akala ko, hindi na matutupad dahil nasaktan kita nang sobra."Pinuno nito ng hangin ang dibdib bago nagpatuloy."And thank you for still choosing me. Thank you dahil pinili mong magpatawad kasya ang magalit sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan iyong sinabi mo. During that

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 1.1

    EVERY STEP Aya took, para siyang hindi makahinga. Hindi siya makahinga hindi dahil nasu-suffocate siya kundi dahil sa samu't saring emosyon na nakapaloob sa dibdib niya ngayon habang mabagal na naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa kaniya sa harapan. Tumigil si Aya sa gitna. Hindi dahil ayaw niyang magpatuloy sa paglalakad kundi dahil gusto niyang pagmasdan ang paligid. Today is her wedding day to the best man she love. Her husband to be. Nick. Humigpit ang hawak niya sa kaniyang wedding bouquet nang makita ang kabuuan ng paligid. Naluluha siya sa sobrang ganda. It's far from her wedding dream before. Ang pangarap niyang kasal noon, sa simbahan, maraming bisita, mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak, at maraming iba't ibang kulay ng mga bulaklak. At ang kasal nilang ito ni Nick ngayon, sobrang kakaiba sa dream wedding niya noon. Malayong-malayo. Dahil ngayon habang pinagmamasdan ang paligid, pakiramdam niya ay nasa isang napakagandang paraiso niya. Puting yate sa gitn

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    FINALE 2

    "K-Kuya, bakit dito?" kaagad niyang tanong sa kapatid nang ma-realize na sa reception sila pumunta. "Kuya, iuwi mo muna ako sa bahay, please?" Pakiusap niya. "Hindi puwede." "K-Kuya." "I'm sorry." Nagtaka siya. "Sorry? Sorry saan?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay inalalayan siyang bumaba ng sasakyan nito. "Kuya, uwi na lang tayo--" Kusang natigilan si Aya nang makita ang loob ng pinasukan nila ng kapatid. It's not a wedding reception. Kundi isang madilim na lugar na tanging mga kandila ang nagsisilbing liwanag. "K-Kuya, ano 'to?" Napasinghap siya nang biglang lumiwanag ang buong paligid. Doon niya nakita ang napakaraming bulaklak na kulay pula lahat. Pero hindi iyon ang nagpabilis sa tib0k ng puso niya kundi ang lalaking gusto ng makipaghiwalay sa kaniya kanina. Si Nick. Nasa gitna siya ng pahugis pusong mga bulaklak, karga sa magkabilang bisig ang kanilang kambal. "A-Anong meron?" Mahina niyang sambit, dahil naroon ang lahat ng dumalo sa kasal ng ate niya. In

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    FINALE 1

    SPEECHLESS si Aya habang nakaharap sa malaking salamin. Katatapos lamang niyang ayusan ng make up artist na kinuha ng mommy Viona niya para sa kanila. Ngayon kasi ang silver wedding anniversary ng Ate Rosie at Kuya Nicholai niya kaya nakaayos siya. Hindi lamang siya kundi silang lahat. Maliban sa Ate Rosie niya na iba ang make up artist. Siyempre, given na iyon dahil ito ang bride. Yes, bride. Dahil ngayong silver wedding anniversary nila ay muli itong pakakasalan ni Kuya Nicholai. At isa siya sa bridesmaids ng Ate Rosie niya. Kaya ayos na ayos rin siya. "Ako ba 'to?" Hindi napigilang tanong ni Aya sa sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa harap ng salamin. Hindi niya ugaling puruhin ang sarili kahit noon pa, pero ngayon, hindi niya mapigilang mapahanga sa sarili. Ang ganda-ganda kasi niya ngayon. Grabe 'yong glow up niya sa make up niya. Natakpan talaga ang dark spots sa gilid ng mga mata niya dahil sa gabi-gabing puyat sa kaniyang kambal. Iyong mga mata niya, k

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 95 PART 2

    At dahil mas'yado siyang masaya, wala siyang panahon para isipin ang hidwaan sa pagitan nila. Ukopado ng mag-iina niya ang buong pagkatao niya hanggang sa wakas, makarating sila sa harap ng mansiyon ng mga Imperial. Natawa si Nicholai nang sa pagmamadali niyang makababa ng sasakyan, muntik na siyang madapa. "Relax, bro. Madidisgrasya ka kapag hindi ka kumalma." Napabuntong hininga si Nick at hinimas ang sariling dibdib para ikalma ang sarili. "Right timing ang dating natin. Mom messaged me, nasa kuwarto raw ang mag-iina mo." Tumango lang si Nick at malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang kapatid. Awtomatikong umawang ang bibig ni Nick nang makita ang malaking banner pagpasok pa lang ng main door. "Welcome Home, Daddy Nick! WE LOVE YOU!" iyon ang nakasulat sa malaking banner. Hindi lang iyon. Mayro'ng iba't ibang kulay ng mga lobo. Mayro'n sa kisame, sa sahig. Nilapitan niya ang mga lobong may tali. Halos hindi siya makahinga nang makitang mga

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 95

    ABALA ANG mga tao sa mansiyon ng mga Imperial dahil sa inihahandang pa-welcome party ni Aya para kay Nick. Bukas pa ang discharge ni Nick, pero sa sobrang excited ni Aya at gustong gawing isang espesyal na araw ang paglabas ni Nick mula sa hospital ay talagang naghanda siya isang araw bago pa makauwi si Nick. Tulog ang kambal niya kaya malaya siyang tumulong sa mga ito sa pagdi-decorate. "Ate Sara, medyo hindi pantay 'yong welcome daddy. Mas mataas sa left side." Komento niya na ang kausap ay ang isa sa kasambahay ng pamilya Imperial. Inayos ni Sara ang banner. "Okay na po, Señorita?" "Yes. Pantay na. Thank you." "Walang anuman po, Señorita." Nakangiting sabi ng kasambahay na si Sara at pagkuwa'y nagpalobo na ng mga balloons. Abalang-abala si Aya nang lapitan siya ng kapatid na si Joana. Kanina pa ito sa mansiyon ng mga Imperial dahil nang malaman nito na may inihahanda siya para kay Nick, nagpresinta itong tumulong. At inaamin niya na medyo ikinagulat niya iyon. Hindi na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 21

    Amaya Shannel's POV NANG MARINIG ko ang papalayong yabag at boses ng dalawa, saka ako lumabas mula sa pinagtataguan ko. At mula sa puwesto ko, naririnig ko pa rin ang pag-aasaran nila tungkol sa panty ko. "Isang sabi mo pang bakla ako, ipalulunok ko sa 'yo 'tong kamao ko, Alberto!" Humal

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 20

    Amaya Shannel's POV "NASAAN SI ATE ANGIE?" tanong ko kay Nick pagdating sa bahay niya. Wala kasi kaming nadatnang tao rito sa bahay niya. Asang-asa pa naman akong nandito siya para hindi lang kaming dalawa ni Nick ang titira rito. "Bakit wala siya rito ngayon? Hindi ba kasambahay mo siya, s

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 19

    Amaya Shannel's POV "1 WEEK." Mabilis akong napalingon kay Nick nang marinig ang sinabi niya. Sakay kami ng kotse niya.Nasa backseat kaming dalawa dahil hindi siya pumayag na hindi ako ihatid pauwi sa bahay bago siya lumuwas ng Manila. "Ahm, Nick, makikiusap sana ako na kung puwede 2 week

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 18

    AMAYA SHANNEL's POV NAPAMULAGAT NA lamang ako nang angkinin ni Nick ang labi ko. Pumayag akong magpahalik sa pisngi dahil nakamata sa amin si Judge Poster, hindi niya puwedeng mahalata na hindi kami totoong nagmamahalan ni Nick. Pero hindi ko sukat akalain na sa labi ako hahalikan ni Nick. Hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status